Papalabas na sana ako ng kwarto nang biglang magring ang telepono. Agad akong lumapit doon at di na nag-iisip na sinagot ito.
Marahil ay kakilala lang to ni Ken.
"Hello?"
"Hello? Pwede ko bang makausap si Blair Adrienne Reece?"
Napatda ako.
God, ang laki ba ng kasalanan ko para pahirapan nyo ako ng ganito? It's too much information. Ang daming nangyari sa araw na ito idagdag pa yung kahapon. Sh*t talaga!!
Kahit di ko itanong ang pangalan ng taong ito'y kilalang-kilala ko sya. Kahit pa nga hirap syang magsalita.
Umusbong muli ang poot na nararamdaman ko. Sa tingin ko nga mas lumala pa ito.
You have to remain calm, Blair.
I constantly reminded myself and it took a lot of will power to do so.
"You have a lot of explaining to do, Stuart." Mariin kong sabi.
"You already talked to Shinohara, right?"
Napahigpit ang kapit ko sa telepono sa panggigil.
Bw*sit ka, Stuart. Namention mo pa talaga ang name ng asawa mo?
Hindi ko isinantinig ang naiisip ko bagkus ay tahimik lang ako at di sya sinagot.
"Babe, listen to me. Wag mong paniwalaan ang sinabi ni Shinohara. She's a psychotic. She thought we're married but we never were. She was my childhood friend and I didn't know she was falling so deeply in love with me. I turned her down when she confessed because for me, she's just a friend, a sister besides close ang family namin."
Parang kami lang din ni Ken...And so I thought.
"She couldn't accept that fact hanggang sa nagulat nalang kami when she said someone is trying to hurt her and only me can save her. She's getting worst as days go by. She wouldn't go to the hospital either. So, her parents made her believe that were getting married para pumunta sya sa hospital. And she bought it. After 3 months, she was discharged."
"She said you're married with her and will have another one." Pumipiyok na ang boses ko sa pagpigil sa pag-iyak.
"I don't know why she said that. Narinig ata nya nung mag-usap kami ni Mommy about sa kasal nasa bahay kasi sya nun binisita nya sina Mommy. Sabi ng Mommy nya bumabalik na naman daw ang symptoms ng sakit nya. She refuses to go back to the hospital because I'm hospitalized. Please believe me, Babe. I wouldn't do anything to hurt you--"
"She said may anak kayo." Putol ko sa sasabihin nya.
Kailangan kong malaman kung totoo ba lahat ng sinabi ni Shinohara. Dahil kung nagsasabi sya ng totoo, somehow dapat may paliwanag sya sa lahat ng sinabi ng babae.
Di ko din alam ko masokista ba ako at ang hilig-hilig kong mangalkal ng mga impormasyong nakakapagpasakit sa akin. Pero gaya ng sabi nila: Truth hurts. I have to face the truth even if it hurts because eventually it will set me free.
Nasaktan na naman din ako bakit di ko na lubusin pa? At least I don't have regrets na kesyo di ko pinakinggan ang side nila.
Biglang nanahimik ang kabilang linya.
So that was his answer? Ang manahimik? Di ba sya makahanap ng palusot? Naghahanap ba sya ng way para mauto ako?
Nakakatawa. Nakakatawa na gusto kong pumunta doon para bugbugin sya.
"Do you think I'm that stupid, Stuart?" Bakas ang sarkasmo sa tinig ko.
Still, the other line remained silent.
"Ganon ba ako katanga sa---"
"Hello?? Babe?? Are you there?? Babe??
Then the other line went dead.
Seriously??
What the hell?
Ano yun? Nagdadahilan na walang signal? Ako ba'y pinagloloko nila? Grabe ha? Akala ata nila napakabobo ko. Nangangalaiti na talaga ako sa galit.
Psychotic?
Baka naman sya ang psychotic at di si Shinohara?
Teka ba't parang mas naniniwala ako sa sinabi ni Shinohara? To think hindi ko naman sya kilala...
Arghh...ayan na naman ako nagtitiwala ulit at sa hindi pa kilala ha?
Pero paano kung totoo ang sinabi ni Stuart? Pero bakit di nya masagot ang about sa anak?
Paano kung nawalan talaga ng signal or naglowbat kaya di makapag-explain?
And come to think of it, I already met his mother. And we were close. We have the same likes, I mean magkasundong-magkasundo kami halos sa lahat ng bagay. Kung totoo nga ang sinabi ni Shinohara di ba dapat nasabi yun sa akin ni Tita? Na somehow may asawa na si Stuart? But she never did. Wala syang nabanggit. Not unless, accomplice sya ni Stuart para lokohin ako. But why would he lie to me in the first place?
Nasa malalim ako pag-iisip nang may kumalabog ng malakas. Agad akong lumabas ng library at dali-daling pumunta sa kwarto ni Ken kung saan nagmumula ang kalabog.
Pagkapasok ko'y nakita ko si Ken na nakahandusay sa tabi ng kama.
Ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng inis. Di ko man lang naramdamang maawa ng kahit na konti sa kanya. Lalo na makita syang nagpupumilit tumayo.
Kahit labag sa loob ko'y tinulungan ko syang tumayo at inalalayang maupo sa kama.
"Kung di ka naman kasi tanga na tumayo mag-isa eh di ka sana nagswimming sa sahig." Naiinis kong sabi na umupo sa tabi nya. I made sure na may malaking distansya sa aming dalawa.
"I was worried. Kanina ka pa kasi wala. Sabi ni Jake pumunta ka sa library, umalis nalang sila but you never came back. That's why I was planning na hanapin ka kahit mahirapan ako."
I rolled my eyes.
Lies, lies, lies...
Ginagap nya ang mga kamay ko at tinitigan sa mga mata pero agad kong iniwas ang paningin ko at iwinaksi ang kamay niya.
"I know you wouldn't believe me after what I did. But I'm willing to show you how much you mean to me, Blair. It might be wrong on how I forced myself to you but that's the only way I could think of. I was so desperate."
Humigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
I don't understand what I'm feeling while I'm looking to his eyes. Namumula na ito like he is about to cry. Nakikita ko ang magkahalong lungkot at sakit sa mga mata nya and I'm actually feeling sorry for him for an unknown reason.
Siguro dahil sa tagal ng pagkakaibigan namin ngayon ko lang sya ulit nakitang masaktan. Yung una nung mamatay ang Daddy nya because of a car accident. He was really devastated because he was really close to his dad...and this is the second time.
"Remember when we were in highschool? I always saved you not just from those bullies but as well as made your all of your assignments and projects..." He smiled while a tear fell from his eye. "And you told me that I'm your knight in shining armor. That time, I promised you that I will forever be your savior. That no matter how dangerous the situation you are in, I will always be there to save you and protect you from being hurt."
Naalala ko nga noon. Lagi akong nabubully pero never akong natakot kasi I know that he will be there to save me. Naroong siraan ako ng mga kaklase namin to the point na gumagawa na sila ng kwento na kesyo nagpapagamit ako sa iba't-ibang lalaki para magawan ng assignments and all. May mga panahon pa ngang sinasaktan na ako. Dahil sa kanya nawala ang rumors na yun pati mga pananakit. I didn't know how he did that, and he never told me how kasi that's how super hero works daw-- "no one knew". Napapatawa nalang ako. At ang lagi kong naaalala after all those troubles I caused him ay ang abot-tenga nyang ngiti sabay sabing: 'Cheer up, smile... Everything's okay now.'
Indeed, he was my knight in shining armor. He never failed to save me, not even once.
"And you always have to remember that, Blair. I will never fail to be there for you just like the old times. I will always be your knight in shining armor because you’re my princess and I love you even if it hurts to see you like this."
Napaiyak ako.
Putek! Ang wagas makadrama ng taong 'to nakakahawa.
He crossed the gap between us at niyakap ako ng mahigpit gamit ang kamay nyang di naka-cast.
"You could have told me the truth." I told him.
Di ba? Dapat sinabi nalang nya kesa magalit ako sa kanya and thought of ill things just to get my revenge.
"I can't, Blair. Di ko makayang sabihin sa'yo kasi ayokong masaktan ka though huli na rin nang maisip ko na whatever I did masasaktan ka pa rin. All I have to do is to be there for you. Pero nasaktan na kita. I know I broke your trust but let me build it again."
"I don't know, Ken. Galit pa rin ako sa mga nangyari. I feel like I've been betrayed by my own best friend. Narinig ko pa ang usapan nyo nina Alexis. He said you did this because of the share and the projects." Napahagulgol na ako.
Ang sakit talagang malaman na yung taong pinagkakatiwalaan mo ay niloko ka.
Bahagya nya akong itinulak at hinawakan ang pisngi ko. Tinitigan nya ako sa mata.
"Did you hear what I told him after he said that?"
Umiling ako.
"Blair, alam mong mayaman ako. It's not that I'm boasting but that's the truth. May share nga ako sa company nyo but even if mawala yun at mawalan ako ng projects sa company nyo hindi ko yun ikakahirap. Nakalimutan mo na bang 1% lang ng kinikita ko ang galing sa company nyo?"
Nagulat ako. How could I forget that? He's running an empire. Chains of Hotels and Malls. Di nga lang sa Pinas pati sa ibang bansa.
"But why did Alexis say that?"
"Alam mo naman si Alexis ang hilig mang-asar. You should have listened when I answered him."
"What did you tell him?"
"I told him I don't need your company dahil mayamang-mayaman ako." Ngumisi sya.
"Ang yabang mo!" Inis na hinampas ko ang dibdib nya.
"Aray!! Kanina ka pa ha? Akala mo di ko alam na sinadya mong tapunan ako ng curry?"
Napaiwas ako ng tingin. Tama naman kasi sya. Napakagat-labi na lang ako.
"But it's okay... I know I deserved it. Nakooo kung di lang kita mahal."
"But Ken you know I don't feel the same way as you do."
"Who cares? I have a lifetime to make you. Pasasaan ba't mahuhulog ka din sa charisma ko."
Ngumiti sya but hurt is still evident in his eyes.
I've known Ken since childhood. He never disappoints me. He never leaves my side. Nagawa man nya ang bagay na yun but I know there's a big reason for it. Hindi ko man alam ang lahat pero I think he deserves a second chance. He only thought of my welfare without knowing na masasaktan din pala ako.
And since I still didn't know the whole truth, gagawin ko ang lahat para malaman yun even if it means digging my own grave.
"I know you still want the truth but please be patient. In time, pag naayos na ang lahat, I will tell you the whole story."
Hindi ako sumagot.
Kung di nya sasabihin ako ang maghahanap ng sagot...
I was really speechless when Ken confessed his feelings to me.
Ilang araw na ba ang nakalipas? Pito? Yes, it was indeed seven days since he confessed his love to me and up until now, I don't know how to react. Though di naman ako nira-rush ni Ken. I still couldn't stop thinking how I will respond to his feelings.
Sa nakalipas na mga araw, he never failed to make me feel special. Kahit nga nagkandahirap na sya sa paglalakad, he always makes sure na he's the one preparing our food. Ken is such a good cook. In fact, sya nga ang nagturo sa aking magluto. He knows how to do house chores but di yun nakabawas ng p*********i nya. Sa katunayan nga dagdag pogi points pa ito sa kanya.
Hindi ko nga lang alam kung bakit hindi ko magustuhan si Ken when he's a guy a girl could asked for. He's such an ideal guy. He's indeed the 4M, a girl would die for. Mabait, matalino, mayaman at, magandang lalaki. Maybe the reason why I didn't fall in love with him ay dahil sa talagang kaibigan lang ang turing ko sa kanya. He was the brother I never had and he's just too good to be true.
Nakakatawa ngang isipin na mas nainlove ako kay Stuart after a month of knowing each other. We met at the club because he spilled his drink on my dress. And I was really stunned on how gorgeous he was during that time. He was just wearing black shirt and a rugged tattered jeans but still he looked so hot.
Stuart is a total opposite of Ken. He's snob and a guy with tattoos... a typical bad boy. Yung lalaking tila naghahanap lagi ng gulo ang itsura pero makalaglag panty ang dating.
Before natatangahan ako sa mga babaing naiinlove sa mga bad boy kasi why would they stick to someone which they know na pasasakitin lang ang ulo nila't puso? I was actually thinking na maybe ginagayuma ng mga bad boy yung mga girls kaya ganon nalang ito mabaliw sa kauri nila. But then funny me because I think I fell for that spell. I fell in love with Stuart.
I realized that when you fell for someone, it doesn't matter what or who he is. You can't even state the reason 'why'. You just felt it and you then realized that a day without him is like a cactus in a dessert. You survive each day but never got the chance to see the beauty of the other seasons.
Hindi ko inaakala na kahit pala ganon ka bad boy si Stuart, alam nya rin kung paano ako pangitiin. Pinaramdam nya sa akin kung gaano ako kaimportante sa kanya. At kung gaano ako kaganda pag nandyan sya. That is why I fell so much in love with him. The spilled drink indeed changed my life.
Sa pitong araw na magkasama kami sa bahay, Ken let me sleep in a separate room. Though it's not really necessary kasi kasal na naman kami but he said na parusa daw yun sa kanya. We will never sleep together not unless I fall in love with him.
Hinayaan ko na. Tutal drama naman nya yan saka pabor na din sa akin yun. Magtiis sya. Saka okay na rin di kasi ako sanay na may makatabi.
Payapa akong nakaupo sa tabi ng pool habang inilubog ang mga paa ko sa tubig. Gusto ko talagang malaman ang katotohanan pero I know I have to plan it all. Dapat di ko minamadali ang lahat baka katulad nung nagsimula ang lahat ang dami kong nalaman. Yun tuloy information overloaded ako. Kung sa emoticon 'tmi' as in too much information. Nakakabaliw din. Di ko nga alam kung paano ko nagawang iintake yun lahat nang di nasisiraan ng ulo.
“Ma'am, hinahanap po kayo ni Sir Ken kakain na po daw kayo.” tawag nung kasambahay sa akin na si Myrna.
Di nga lang sya stay in andito lang sya kada lunes, miyerkules at bernes. Sya ang naglilinis ng bahay at naggogrocery para sa amin.
Tumango lang ako sa kanya.
Ilang sandali pa'y tumayo na ako at pumunta sa kusina.
Nakita ko si Ken na naghahanda sa lamesa. Paika-ika pa rin sya kung lumakad pero di gaya noon na kailangan pa nyang may saklay para makalakad. Naka-cast pa din ang kamay nya.
Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. Sino ba naman ang di ngingiti? Halatang nasa mood ang lalaki. May pa whistle-whistle pa itong nalalaman.
“Parang ang ganda ng gising mo ah?” Bati ko sa kanya.
“Hmmnn lagi naman akong ganito ah? Halika niluto ko ang paborito mong ginataang mais pati sinuglaw.” Masayang bati nito na hinila pa ako papunta sa mesa at pinaupo sa silya.
Sya na ang naglagay ng kanin pati ulam sa plato ko. Feeling ko tuloy may yaya ako. Sa sobrang asikaso nya sa akin kulang nalang subuan nya ako.
“Ken, enough aba tama na umupo ka na dyan at kumain ka na.”
Tumigil naman ito at nagsimula na ring kumain.
“By the way, Ken did you see my phone? I forgot where I left it lowbat pa naman yun.”
“No worries. Nasa library chinarge ko na din. Pumunta kasi ako doon kanina may hinahanap akong papeles then I found your phone in the drawer. Do you want me to get it for you?”
“No, no. I'll have Myrna nalang andito pa naman sya besides you're still eating. Myrna, pakikuha nung phone ko sa library. It has a pink case with flower designs.”
Paano yun napunta sa library?
“Sige po, Ma'am.”
Hay...ang galing talagang magluto ng bakulaw nato. Ang sarap ng pagkakaluto ng ginataang mais.
Sarap na sarap ako sa kinakain ko nung biglang may sumisigaw.
“Ma'am!! Ma'am!!”
“Agad napatayo si Ken at sinilip ang hagdanan.
“Anong problema, Myrna?” tanong ni Ken.
“Naku, Sir may tumatawag po sa cellphone ni Ma'am. Di po tumitigil.” natatarantang sabi nito.
“Ano ka ba naman, Myrna akala ko kung ano na. Sino ba yan?” Lumapit na ako sa kanila at kinuha ang cellphone.
“Ehh, Ma'am number lang ho ang nakalagay. Pasensya na po.”
“Ok lang.” Napatingin ako sa screen.
Hmmmn... sino kaya to? Bakit number lang? Mga importanteng tao lang naman ang nakakaalam sa number ko.
Although naguguluhan ako. I still answered the phone.
“Hello?” bati ko habang nakatingin kay Ken na nakatingin din sa akin na nakakunot ang noo. I guess he's also curious who's calling.
“Hello? Ito ba si Blair?”
Pamilyar ang boses nya. Parang narinig ko na to dati...
“Ah yes, bakit?”
“Blair... si Shinohara to. I'm so desperate and I have no one to turn to. Since kilala mo rin naman si Stuart and I know you're trustworthy so.... can you please help me? I need your help please.” Naiiyak nyang sabi. She sounded really desperate.
“Bakit, anong nangyayari?”
“Si Stuart... si Stuart.... ahhhhhhhhhhh!!!!!!!”
Anong nangyayari?
"Hello?? Shinohara? Are you there?!" Nagpapanic na ako although di naman kami close at literal na magkakilala ni Shinohara.
"Hello???" Ulit ko. Napatingin si Ken sa akin na may pagtataka sa mukha.
Umiwas ako nang tingin. Nilagay ko sa speaker ang cell phone para madinig ni Ken.
"Please, please tama na Stuart." Narinig naming umiiyak na sabi ni Shinohara.
"Sinong tinatawagan mo?"
"Wala...wala naman akong tinatawagan ehh."
"Ako ba ginag*go mo, Shinohara?"
Napatingin ako kay Ken. Nagtataka ako sa tono nang pananalita ni Stuart though alam ko naman na masungit talaga sya at nagmumura. Pero iba talaga ang dating ng mura nya kay Shinohara.
Matamang nakatingin lang si Ken sa cell phone habang nakikinig.
"W--wla naman talaga e--eh..."
Nabigla kami nung may biglang nabasag sa kabilang linya.
"Huhuhu...oo na tinawagan ko si Blair."
"Si Blair?? Akina ang cell phone." Mapanganib na sabi nito.
"Ayoko.. Stuart tama na please...."
"A-kin-na ang cellphone, Shinohara."
"Stuart...."
Toot toot toot toot