Chapter 2

3270 Words
Kanina pa ako nagpabalik-balik dito sa kwarto ni Ken. Umaga pa noong umalis siya pero hanggang ngayon 'di pa rin siya bumabalik. Malapit ng mag-alas onse ng gabi pero wala pa siya. Nakaligo na nga ako and all. Hindi naman sa nag-aalala ako sa kanya. Pero kasi hindi ko naman alam kung saan itong pinagdalhan niya sa akin. Nasa tabi ng dagat ang bahay. Ni wala man lang katulong o caretaker ang bahay na ito. Pero kahit ganon malinis naman ito at may pagkaing nakaimbak sa ref. Natatakot din naman ako na umalis at humanap ng mapagtatanungan baka kung mapa'no pa ako. Iyong phone ko naman lowbat. Isa ka talagang dakilang duwag, Blair. Geez kung mamalasin ka nga naman. But I think hindi naman talaga ako minalas. Pinagplanuhan lang talaga to noong bakulaw kong ex-best friend. Sinadya niyang dito ako dinala para 'di talaga ako makatakas. Kung bakit naman kasi after noong birthday party ng nakababata niyang kapatid na si Lily eh sumama ako sa kanya. Ipapakita daw niya ang bagong tayo niyang bahay. Ako naman itong tangang nagtiwala sa kanya at sumama din. Nakatulog ako habang papunta kami dito and when I woke up, nandito na kami. Gandang-ganda ako sa bahay na 'to thinking na ang sarap tumira dito. Sinabi ko pa sa kanya na ang swerte ng babaing ititira niya dito. It's so cozy and homey. Kung sa ibang pagkakataon siguro matutuwa ako sa lagay na ito at magiging masaya para sa kanya. I didn't know my view of this house will change. Kahapon, I thought this is where the angels live. Later did I know, that it is actually the devil's den. Sana pala 'di ko sinabi sa kanya na ikakasal na ako. Sana pala doon sa party ng kapatid niya ako nagsabi about sa kasal. Kasi siguro kung doon ko sinabi makakahingi ako ng tulong. Ang tanga ko kasi. Napakatanga in fact. Sinabi ko sa kanya ang kasal na nandito kami sa bahay niya at kami lang dalawa. But then, who would have thought he will do awful things after telling him that I'm getting married? Noong sinabi ko sa kanya iyon, I can still perfectly remember how he grabbed my arm and forced me to go upstairs para magawa ang masama niyang balak. Napaiyak ako. Sh*t! I'm crying again. But promise huling-huli na talaga to. He will never be the reason of my tears – AGAIN! Pinahid ko ang mga luha sa mata ko. Pumunta ulit ako sa kama at humiga. Bahala na siya kung dadating siya ngayon o hindi. I'm sure tomorrow he'll be here. Nagising ako ng may marinig akong busina sa labas ng gate. Agad akong naghilamos at nagtoothbrush at dali-daling bumaba. Laking gulat ko na lang ng makita ko si Ken. Nakaalalay sa kanya si Alexis at Jake kasama ang isang matandang lalaki. "What happened to you?" gulat kong tanong. Sinong hindi magugulat? Nakasaklay si Ken may benda ang ulo na may dugo pa at may cast ang right arm nya. May pasa pa siya sa gilid ng putok nya labi. Para siyang binugbog ng dalawampung tao. Hinang-hina siyang pinaupo nina Alexis at Jake. 'Di niya pinansin ang tanong ko. Sa halip ay tinawag niya ang matandang lalaki. "Blair, siya si Judge Merlin. Siya ang magkakasal sa atin ngayon. Sina Jake at Alexis ang magiging witness natin. Judge, siya si Blair ang mapapangasawa ko." Bilib din naman ako sa taong ito. Obvious na wala na siyang lakas pero heto't nakakuha pa din ng judge at witness at gusto pa rin talagang ituloy ang kasal. "Nagagalak akong makilala ka, Blair." "Same here, Judge. Are you sure you want to do this, Ken? Parang wala ka na ngang lakas eh. Magpahinga ka na lang muna kaya? Bukas na lang tayo magpakasal." Kunwari'y nag-aalala ako sa kalagayan niya pero ang totoo gusto kong wag muna mangyari ang kasal para magkaroon pa ako ng pagkakataong makausap si Stuart. "No!!!" Nagulat ako sa sigaw niya. So, atat na atat pala talaga ang bakulaw na ito para matali sa akin. "I mean... we should do it now with no delays, Blair." Bawi niya. "Sige na judge, ikasal mo na kami." Napapailing nalang ako sa kanya. Talaga namang palang if there's a will there's a way and Ken is a perfect example of it. I don’t know how it happened pero biglang nakasal nga kaming dalawa. Kasal na walang handa. Sabagay ayoko rin namang makipagplastikan. Ang 'di ko maintindihan, bakit pumayag ako? Why? Sumasakit ang ulo ko sa tuwing naiisip ko ang mga nangyayari. Pagkatapos ng seremonyas ay nagpunta ako sa kusina. Gutom na rin naman ako kaya magluluto ako. Inutusan ko na rin sina Alexis na ihatid si Ken sa kwarto. Busy ako sa paghihiwa ng mga sangkap sa gagawin kong chicken curry noong napansin kong nasa gilid ko pala si Jake at tinitingnan ang ginagawa ko. "Wag kang mag-alala 'di ko to lalagyan ng lason." Napatawa ng mahina si Jake. "Joker ka pa din, Blair." 'Di ako umimik. Tila dumaan ang anghel sa pagiging tahimik namin. Tumikhim ako. "Anong nangyari?" 'Di ako matatahimik kapag di ko nalaman kung ano ang nangyari kay Ken. I need to fish some information. "Nagkita sila ni Stuart and he told him about the situation. Nagalit si Stuart kaya ayon they both end up in the hospital." He said in an as- a-matter-of-fact tone. "Naospital din si Stuart?" "Yup, mas malala nga lang iyong si Stuart kasi kailangan niyang magstay sa ospital for almost a month." Naguguluhan kong tiningnan si Jake. Para naman naintindihan niya ang ibig kong itanong. "Well, grabe ang natamo ni Stuart kung di kami nakarating baka naubos na ang mga silya doon sa bar sa kakahampas ni Ken eh. Wasak lahat doon bote, lamesa, silya, baso. Ang laki nga ng nabayaran naming sira. Kung di ba naman kasi siraulo 'tong si Ken eh di doon nalang sana sila nagkita sa bahay ko since kailangan ko naman ng renovation doon eh 'di hindi na sana ako gagasta ng malaking pera kasi sila na magbabayad sa sira." Napatawa si Jake pero agad ding tumahimik dahil seryoso pa din akong nakatingin sa kanya. "Anong ginagawa nila sa bar? Doon sila nagkita?" "Hindi. Nandoon si Stuart umiinom yata pinuntahan lang siya ni Ken doon. Kami ang pinaasikaso ni Alexis sa kasal n'yo kaya 'di kami nakasama. Nagulat nalang kami ni Alexis nung tumawag ang may-ari ng bar na kakilala din namin. Nakikipagpatayan daw si Ken kaya pinuntahan na namin. 'Yun na nga naabutan namin." Napakagat ako sa hintuturo ko. Nag-aalala ako kay Stuart pero dapat 'di ako magpahalata kaya tiningnan ko si Jake na walang emosyon ang mukha. Tinuloy ko ang pagluluto. "Ganon ba? Bakit nandito na si Ken? 'Di ba siya masyadong napuruhan?" Kunwari'y nag-aalala ako. Sana natuluyan na lang. "Anong hindi? Dapat nga di pa siya pwede lumabas ng ospital ehhh nagpupumilit dahil kasal n'yo daw. Nag-away pa nga sila ng doctor. Matigas din kasi bungo n'yan. 'Di naman kayo makakapaghoneymoon sa kalagayan nya. Siraulo talaga." Napaisip ako ng malalim. Walang hiya talaga 'tong si Ken matapos akong gahasain may gana pa syang bugbugin si Stuart? Seriously? Anong klaseng puso meron siya? Anong klase siyang tao? Ginagalit niya talaga ako. Balak ko pa naman sanang maging maamo sa kanya habang naghihiganti pero ngayon hindi na. 'Di ko siya mapapatawad. Kung demonyo siya, mas demonyo ako. Tinapos ko na ang pagluluto ko. Di ko na rin napansin na umalis na pala si Jake sa kusina. Hinanda ko na ang mesa. Tinawag ko na rin sina Jake para ayaing kumain. At dahil mabait akong asawa pinaghanda ko din sa tray ng pagkain si Ken. Nilagyan ko ng maraming chili powder ang mangkok ng curry nya. Kinuha ko din ang hairpin na nakalagay sa buhok ko at inilubog doon. Tama na siguro ang tatlong hairpin. Childish na kung childish but this is just the start. Mangungunsumi siya sa akin ng bongga that he'll wish he never married me. And after that, unti-unti ko siyang dudurugin until he can't put up his pieces anymore. Umakyat na ako sa taas at pumunta sa kwarto. I wonder how he'll like his food. Just thinking about it, I smiled devilishly. Marahan akong kumatok pero wala namang sumasagot siguro natutulog pa si Ken. Pumasok ako sa kwarto at nilapag ang bitbit kong tray sa side table ng kama. Natutulog pa nga ang bakulaw. Ang himbing nang tulog nya... Teka... ang swerte naman ata nya? Nakakatulog sya ng mahimbing samantalang ako nangangalumata na ang mata dahil sa kakaisip sa kanya kagabi? Hmmmnnn... magising nga ang bakulaw na 'to. Napangisi ako sa naiisip ko. Kinuha ko ulit ang tray at pumunta sa may pinto. Huminto ako sa tapat na parang may iniisip at lumakad pabalik sa kama. Marahan akong lumakad papalapit at bigla'y itinapon ang tray papunta sa kinaroroonan ni Ken na para bang natisod ako. Natapon ang mainit na curry sa dibdib ni Ken na agad nagpagising dito. Tumama din ang mangkok sa nakacast niyang braso. "Ahhhh!!!!!!!!" "Oh my God, Ken! I'm so sorry. Natisod kasi ako. Teka kukuha ako ng towel." Dali-dali akong pumunta ng banyo at kumuha ng tuwalya. Napatawa ako ng mahina sa nangyari. Parang 'di ko kayang lumabas kasi natatawa talaga ako sa mukha niya. After a few minutes, napagpasyahan ko na ding lumabas ng banyo dala na rin ang first aid kit. Ok, acting time na naman, Blair. Dali-dali akong pumunta sa walk-in closet namin at kumuha ng pamalit sa nabasa niyang damit. "I'm so sorry, Ken." Kunwari'y concerned na sabi ko sa kanya. 'Di sya umimik pero halata pa rin sa mukha niya ang di maindang sakit. Hinubad ko ang polo niya at nakitang namumula ang dibdib niyang natapunan ng curry. Agad ko itong nilagyan ng petroleum jelly pero humiyaw ulit si Ken. Mas namula ang ang dibdib niya. Mas lumala yata ang paso niya. Napatawa ako nang malakas. "Ahhhh!!! Seriously, Blair? Kumuha ka ng ice!" Hirap na hirap nitong sabi. Buti na lang may personal ref sa kwarto niya kaya't di ko na kailangang pumunta pa sa kusina. Kumuha ako ng ice cubes at nilagay sa ice pack. Nilagay ko 'yun sa dibdib niya habang sinusupil ang tawa ko. "Natutuwa ka ba sa kalagayan ko?" Napatigil ako sa ginagawa ko. Ang lakas talaga makaramdam ng taong to. "Ba't mo naman naisip yan? Natatawa lang ako kasi ang bading mong sumigaw. Ikaw na nga 'tong pinagsisilbihan pag-iisipan pa ako ng masama." Kunwari'y nagtatampo kong sabi sa kanya. Nagdabog-dabog pa ako para lalong maging effective ang drama. Kilalang-kilala ko si Ken. Kapag nagtatampo ako lagi niya akong sinusuyo kahit ba ako naman talaga ang may kasalanan. Hirap na bumangon siya at sumandal sa headboard ng kama. Tinulungan ko siya para makasandal ng maayos. Pero sana'y 'di ko nalang ginawa dahil hinawakan niya ang batok ko at hinalikan ng mariin. Nanlaki ang mata ko at agad siyang itinulak pero kahit pala bugbog-sarado na siya'y may lakas pa rin siya. 'Di man lang siya natinag sa tulak ko sa kanya. Ito na naman ang katawan ko... sumusuko na naman sa kanya… Stop betraying me, self! Napapikit ako at unti-unting tumugon sa kanya. Unti-unti akong nanghihina sa halik niya... kailangan ko ng makakapitan. Wala sa sariling napakapit ako sa braso niyang naka-cast. "Ahhhhh!!!!" Parang nagising ako sa isang panaginip nang marinig ang sigaw ni Ken. Napatingin ako sa kanya at doon ko lang narealize na naitukod ko pala ang kamay ko sa braso injured niya'ng braso . Wala sa sariling inalis ko 'yun at napaupo sa gilid ng kama habang siya nama'y namimilipit sa sakit. Tiningnan ko lang siya habang napapasuntok siya gilid ng kama. Masakit nga siguro 'yun. Pero 'di mo lang alam na mas masakit ang ginawa mo, Ken. Kung tutuusin mas ok pa nga kung physically mo lang ako sinaktan. Pero hindi eh... physically, mentally, and emotionally mo akong sinaktan. Kulang pa 'yang sakit na nararamdaman mo. Kung titingnan lang ako ni Ken ngayon, makikita niya ang poot na nakapagkit sa mukha ko. Mataman kong tinitigan si Ken nang may biglang kumatok sa pinto. Agad akong tumayo para pagbuksan yun. "Anong nangyayari? Narinig naming sumigaw si Ken." Agad na tanong ni Alexis na agad pumasok sa loob nang kwarto at pinuntahan si Ken. "Tumawag ka ng doctor, Blair." Sabi naman ni Jake na kasunod pala ito. Nakita nitong sinusuntok ni Ken ang gilid ng kama habang namimilipit sa sakit. "Ah..eh.. wala naman landline dito." "Meron andoon sa library." Putek! May landline pala dito? Sana pala pumunta ako ng library kahapon 'yun lang ang 'di ko napuntahan. Saka usually nasa living room naman ang landline ah? Dali-dali akong pumunta sa library at agad nagdial sa telepono. Tinawagan ko ang cellphone ni Stuart. Bahalang mamilipit si Ken doon ang importante'y makausap ko si Stuart. Ring lang iyon nang ring. Please Stuart sagutin mo... sana gising ka na. Gusto kitang makausap. Maya-maya'y may sumagot na. Ganoon na lang ang paninigas ng katawan ko nang marinig ko ang sumagot noon. "Hello? Sino to?" sabi ng boses sa kabilang linya. Bakit boses babae? Baka naman nurse ang nakasagot. "Ummmnnn yes, hello? Can I speak with Mr. Stuart Gener?" "Ahh... Natutulog kasi si Stuart. Actually, kakatulog niya nga lang eh." "Ganoon ba? Ikaw ba ang nurse niya?" Kailangan kong malaman kung sino ang babaing to. Masyadong makapal ang mukha niya para saguting ang tawag ng iba, to think hindi naman niya cellphone. "Ayyy ako nga pala si Shinohara, asawa ni Stuart." Napapatawa pa niyang sabi. Napaupo ako sa silyang katabi ng landline. Nanghihina ako. 'Di ko na rin namalayang nabitawan ko na pala ang ang telepono. Agad tumulo ang luha ko habang tulalang napatingin sa receiver. Asawa? Bakit may asawa? Kailangan kong malaman ang totoo. It took a lot of will power for me to be able to pick up the receiver and talk to that woman again. "Hello? Hello?" tanong nito sa kabilang linya. "Ummmnn... hello? Shinohara, right? Sorry nabigla ako sa sinabi mo. I thought kasi walang asawa si Stuart." Biglang tumahimik ang kabilang linya kaya nagpatuloy ako. "I mean ang pagkakaalam ko kasi girlfriend ka pa lang niya at magpapakasal pa lang kayo. Loko talaga 'tong si Stuart 'di man lang ako inaya sa kasal ninyo. Oh wait, don't tell me he's preparing another wedding for you? Geez... parang nasira ko pa yata ang plano niya. I'm sorry." Sa totoo lang gusto ko nang humagulgol ng iyak. Ang sakit-sakit na eh. Para akong pinaparusahan ng langit but I must know the truth. "Ah, ganoon ba?" napatawa pa ito nang mahina. "No worries alam ko ang about sa kasal next month. And yes, he's planning to have another wedding for me. 'Yun siguro ang naikwento niya sa'yo. Actually, five years na kaming kasal at may anak na kami. She's already 3 years old. Gusto daw niyang magrenew kami ng vows, kaya ayun. Kaya don't worry you're not spoiling anything." Napahawak ako nang mahigpit sa receiver ng telepono. Gusto nang humulagpos ang galit ko sa dibdib. Gusto ko nang magwala. Sabunutan at pagsusuntukin ang mga taong nanakit sa akin. "That's a relief. I want to meet you one of these days. Nice meeting you, Shinohara." 'Di ko na hinintay ang sagot niya. Binaba ko na agad ang telepono. Umiyak ako nang umiyak. How could they do this to me? I trusted them. I even loved them pero this is all I could get? Lolokohin lang nila ako? I have to talk to Ken maybe he knew about this. Dali-dali akong pumunta sa kwarto. 'Di ko na natawagan ang doctor. I have to know the truth. Pipihitin ko na sana pabukas ang siradura nang marinig ko ang pangalan ko. "Did you tell, Blair about Stuart?" Tanong ni Jake. "No, I didn't." Nawala na siguro ang sakit ng braso niya kasi nakakapagsalita na siya nang maayos at parang 'di na namimilipit sa sakit. "When will you tell her? I would suggest that you should tell her the truth. Paano kung malaman niya 'yun sa iba? Masasaktan din naman siya." Narinig kong sabi naman ni Alexis. "Hay nako ayaw mo lang sigurong sabihin kay Blair ang totoo kasi mawawalan ka ng share sa kompanya nila pag si Stuart na ang mamahala doon. Hindi lang 'yun baka pati projects mawalan ka din." Dagdag nito. Napakuyom ako. So 'yun ang dahilan? Unti-unti akong humakbang paatras. Papalayo sa kwartong 'yun. Di ko na narinig ang sinagot ni Ken. Hindi na rin naman 'yun mahalaga dahil nasagot na naman ang mga tanong ko. Nagsisikip ang dibdib ko. 'Di na din maampat ang pagtulo ng luha ko. Pumunta ulit ako sa library at sinirado 'yun. Nanghihina akong napasandal sa pinto at padausdos na naupo sa sahig. Hinayaan ko ang sarili kong maiyak nang malakas. Mga manloloko!! Mga manloloko sila!! 'Di ko alam na nakatulugan ko na pala ang pag-iyak. Mga hayop sila. Anong ginawa ko para pasakitan nila ng ganito? Nagpapahid na ako ng luha noong biglang may kumatok sa pinto. "Blair, are you there? " mahinang tawag ni Jake. "Yes, Jake. I'm here," tugon ko. Pinagbuksan ko siya ng pinto. Halatang nagulat siya nang makita ang itsura ko. Siguro'y namamaga na ng bongga ang mga mata ko. Nararamdaman ko din kasing mahapdi ang mga iyon. "Umiyak ka? Bakit?" nag-aalala niyang tanong na hinaplos ang mukha ko. Umilag ako sa haplos niya at iniwas ang tingin. "Are you really worried, Jake? Aren't you his accomplice?" I said in a calm voice, but the anger is evident in it. "What are you talking about? Can you just please be direct to the point?" Napailing ako. Gago pala siya, eh ano ako tanga? Mapapaniwala niya lang sa kadramahan niya na kunwari'y wala siyang alam? Bobo ba ako sa paningin niya? Nila? "You don't have to act like an innocent boy who doesn't know what the word ‘lie’ is, Jake. And we both know that one of us is doing that. Now, you don't have to pretend that as if I don't know anything about it, because I do. Now can you please enlighten my mind? Maybe your loyalty is with Ken, at nagkakilala lang din naman tayo dahil sa kanya. But please why the hell is he doing this?" Tuluyan siyang pumasok sa library at iginiya ako paupo sa sofang naroon. Umupo siya sa katapat kong single sofa. Bumuntong-hininga siya. "I really don't know what kind of truth are you looking for, Blair. But one thing is for sure, he loves you so much and he's willing to do anything to spare you from the pain." "Bullshit!!!" Napahampas ako sa coffee table dahil sa sinabi niya. "Bobo ba ako sa paningin mo, Jake? Am I really that stupid? He wouldn't hurt me? Eh, ano 'tong ginagawa niya ngayon? 'Di ba ako nasasaktan?" Halatang nagulat si Jake sa ginawa ko. But he gained his composure. "Mas makabubuting si Ken ang tanungin mo, Blair. I wanted to tell you all but I'm not in the position to do so. By the way we have to go now. Malayo-layo rin ang kailangan naming ibyahe." Tumayo na ito at lumabas ng library. Naiwan akong 'di man lang naliwanagan ang utak. Maybe I have to talk to Ken. Kahit demonyo siya, I must give him a benefit of the doubt. A chance to explain. But is he worthy of that? I have to take the risk. Buo na ang pasya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD