Tiningnan ko ng matalim si Ken.
"Hey!!! Ba't ganyan ka makatingin?" Nagtatakang tanong ni Ken na itinaas pa ang kamay na di naka-cast.
"You know something, and I want you to tell it to me." Seryoso kong sabi sa kanya.
Hinila nya ako at pumunta kami sa living room. Pinaupo nya ako sa sofa at tumabi sa akin. Hinawakan nya ang kamay ko nang mahigpit.
"I don't know if you'll believe me, Blair."
"Ughhhhh enough with the those, Ken and just tell me!!" Ang dami pang arte nakakainis.
"Hey, hey easy okay? All I know is that Stuart has a wife whose name is Shinohara. I guess you already know that. They have a daughter who's 3 years old. They got separated because Shinohara needed to be hospitalized. She has been in and out of the hospital. Kailangan kasi sya matingnan lagi ng doctor nya to make sure na di na babalik ang sakit nya."
So, she really is a psychopath.
Tiningnan ko lang si Ken like telling him to continue.
"Di sya ngayon nakabalik sa hospital because Stuart is hospitalized. Gusto din kasi nung anak nila na makasama ang daddy nya."
So totoo pala yung sinabi ni Stuart nung tumawag sya.
"Kailan mo nalaman ang mga ito, Ken?" Kinuha ko ang kamay kong nakahawak sa kanya. At ipinatong ito sa noo ko habang sumandal sa sofa.
Feeling ko sumasakit ang ulo ko. Though alam ko na naman yun pero di pa rin mawala sa akin na niloko ako ni Stuart. Ang sakit lang!
Di umimik si Ken kaya tiningnan ko sya. Nakayuko lang sya. I think the reason why he didn't answer is because he knew it a long time ago.
"So, she's really a psychopath huh?" I looked at him as I said those words.
Gulat na napatingin sya sa akin.
"She?"
"Yeah, she as in Shinohara"
"I think you misunderstand something, Blair. It's Stuart. He is the psychopath." Nakakunot noong sabi sa akin ni Ken na parang nagtataka kung bakit si Shinohara ang tinutukoy kong psychopath.
"Huh? I think you're wrong, Ken... kasi ang sabi ni---"
"Si Stuart ba ang nagsabi sa'yo nyan?" Putol ni Ken sa iba ko pa sanang sasabihin.
"Yeah, how did you know?"
Pano nya nalaman na si Ken ang nagsabi sa akin? Ni wala nga akong nababanggit sa kanya. Saka wala din akong pinagsabihan.
"I just know... the way he thinks? I doubt if he didn't do that. He knew na alam ko ang sakit nya sa pag-iisip kaya for sure he will tell you that lie before ko pa masabi sayo."
Napanganga ako.
"Why didn't you tell me?"
"Because I love you. "
"Ang corny mo, Ken. Seryoso akong nagtatanong dito--"
"At seryoso din naman akong sumasagot sa tanong mo, Blair. I love you that's why I didn't tell you. I'd rather take the blame than seeing you hurt of something unworthy."
"At seryoso din naman akong sumasagot sa tanong mo, Blair. I love you that's why I didn't tell you. I'd rather take the blame than seeing you hurt of something unworthy."
Napailing nalang ako sa sinabi ni Ken. Lalong tumatagal nagiging corny na talaga sya pero deep inside naman parang umaapaw sa saya ang puso ko kapag bumabanat ang bakulaw nato.
"Bakit, Blair? Di ka pa rin ba naniniwala?" Malungkot na sabi nito na napayuko pa.
"Hayyy nako, Ken ewan ko kung ano na naman ang drama mo sa buhay. Kasal na nga tayo nag-eemote ka pa dyan." Nakataas ang kilay kung sabi sa kanya. May saltik ata sa ulo ang bakulaw na ito.
"Saka, Ken paulit-ulit mo na yang sinasabi na kesyo mahal mo ako and all. Hindi ko pa nga naiinternalize yung ibang info na nalaman ko pero heto ka nagdadrama na kesyo di kita pinaniniwalaan. Aba naman, Ken sa araw-araw ba naman na ginawa ng diyos yan ang bukambibig mo eh di pa ako maniniwala."
Napakamot nalang ako sa ulo na tumingin sa kanya. Tumayo na ako at hinila sya.
"Tara na nga ipagpatuloy natin yung pagkain sayang naman."
Tumayo naman sya at bigla akong pinigilan sa paglakad.
"Di naman ako nagdadrama, Blair. It's just that I want you to always know how I feel for you and I really don't care if you find it corny. But then thanks kasi at least now you believed me though wala pa nga lang katuwang ang nararamdaman ko sayo."
Natigilan ako parang may tumusok sa puso ko nung marinig ko yun sa kanya.
Feeling ko tuloy ang sama-sama ko. Nakakakonsensya. Pero di ko naman kasalanan kung wala pa akong nararamdaman sa kanya eh. I mean feelings na more than a friend.
Hayyy...
Tumingin lang ako sa kanya. Wala naman kasi akong naiisip sabihin eh.
"I will wait...till you'll love me." Sabi ni Ken at hinagkan ako sa labi. Smack lang naman.
God!!! Smack lang? It's like I'm asking for more. Ang landi lang ng peg.
But, I’m actually lost for words. Di ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Kaya tumango nalang ako. Di rin naman siguro sya mahirap mahalin bilang lalaki. Minahal ko sya noon bilang kaibigan hanggang sa maging brotherly love. Siguro nga dadating yung panahon na mamahalin ko sya. Pero sa ngayon hirap akong ibigay sa kanya ang pagmamahal na binigay ko kay Stuart. Masakit matraydor. At siguro nga kahit parang okay na kami, nagtatawanan, hindi ko pa rin talaga sya lubusang napapatawad. Kahit pa sabihing ginawa nya yun nang dahil sa pagmamahal.
Aba bw*sit na pagmamahal kung ganon... makasarili. Sabi nila if you love someone, you'll do everything to make that person happy. Making her sad is a big No-no.
Pero sa ginawa nya... higit pa sa pagiging "sad" ang naranasan ko. Kaya parang ang hirap din sa akin ang iabsorb lahat. Lalo pa ngayong di ko alam kung anong totoo.
"Ken... nalilito ako sa mga nangyayari. Feeling ko may tinatago ka pa rin sa akin and I don't know kung ano yun. I would rather get hurt than be happy while I'm being surrounded with lies. I want to talk to Stuart."
"Bakit ka makikipagkita sa psychopath na yun? Baka anong gawin nya sa'yo."
"I don't think he'll hurt me."
"Ano ka ba naman, Blair--"
Iwinaksi ko ang kamay niya.
"Sino ba kasi ang may sabi sa'yo na psychopath si Stuart?"
"Mahalaga pa ba yun?"
"Oo naman? Malay ko ba kung nagsisinungaling ka para di na ako bumalik kay Stuart kaya ayaw mong sabihin sa akin ang totoo?!" Pasigaw na sabi ko sa kanya naiirita na ako bakit kasi di nalang sabihin.
"Dahil kung sasabihin ko sa iyo alam kong di ka maniniwala."
"Try me." Hamon ko sa kanya.
"Si Shinohara. Sya ang may sabi sa akin."
Napatda ako. Sino sa kanila ang paniniwalaan ko? What if isa sa kanila ang nagsisinungaling?
"Stuart told me she's the psychopath and she told you otherwise."
Feeling ko nanghihina ako. Bakit ang gulo-gulo?
Ang saklap naman ang gulo ng buhay ko. Dati rati simple lang naman. Andyan sina Mommy, may bestfriend ako, may boyfriend saka may career. I have everything I want. Pero ngayon feeling ko yung mga meron ako dati eh wala na ngayon.
Niyakap ako ni Ken and kissed my temple.
"You have to trust me again, Blair. Sorry dahil nasira ko ang tiwala mo but you have to trust me."
"Alam mo ba ang nararamdaman ko ngayon, Ken?" Hinang-hina na ako sa daming impormasyong nalaman ko. Ni hindi ko alam kung alin sa kanila ang nagsasabi ng totoo. "Feeling ko wala yung dating meron ako. Sa sinasabi mo ngayon nagagalit ako kay Shinohara kasi parang dahil sa kanya nagkandaletse-letse ang buhay ko. Parang nag-iisa nalang ako. Kinuha nya na lahat." Umiyak na ako.
Namumuhi ako sa kanya. Nang dahil sa kanya parang hirap magtiwala. Lahat ng taong feeling ko nagmamahal sa akin ay wala na.
Niyakap ako nang mahigpit ni Ken at hinayaan ko lang sya. I felt that I need that hug to calm me down, to make me sane. He then raise my chin. Tinitigan nya ako at di ko rin maiwasang titigan ang kanyang mga mata.
I can see the sincerity in his eyes.
"Shhhh... Don't say that. I'm still here. Andito lang ako. I love you, Blair. Hindi ko maexplain lahat sa'yo ang gusto mong malaman. Pero lagi mong tatandaan handa ako lagi para tulungan ka." Hinalikan nya ako sa labi at niyakap ako uli.
"I have to talk to Shinohara, Ken." Determinado kong sabi sa kanya.
"Are you sure about that?"
"Never been this sure." I have to face her. Sya ang nakikita kong dahilan ng lahat ng to. Kaya I bet sa kanya ko rin malalaman ang puno't dulo nito. Feeling ko gusto nyang bawiin si Stuart kaya sya ganito. Sana sa akin sya lumapit di ko naman ipagdadamot si Stuart lalo na at may anak na pala sila. I can't be the reason why a family is broken. Gusto nya atang makatabla.
And now I really have to face her.
"Okay, I will accompany you then. I can't just let you to meet her alone."
***
"Blair, I can't contact Shinohara. Did you try contacting her with the number she was using when she contacted you?" Tanong sa akin ni Ken.
Kanina pa namin sya kinocontact pero laging cannot be reached.
Kahit yung number nya na pinangcontact kay Ken puro cannot be reached din.
"Cannot be reached din eh." Sagot ko sa kanya.
Ano ba yan ba't bigla cannot be reached na? I wanted to call Tita Angela. Ang mommy ni Stuart. I know may nalalaman din sya and why I wanted to ask why she hide the truth that Stuart has a kid.
Agad kong dinial ang number ni Tita Angela. And after 3 rings ay sumagot na ito.
"Hello, Tita?"
Napatingin naman bigla si Ken sa akin. Ken asked for a second chance and I know he deserves it. Kaya tinurn on ko ang speaker.
[Hello? Blair? Is that you?]
"Yes, Tita."
[Oh my, God!! Are you okay? I heard from Stuart about what happened. I'm so worried about you.]
"Ok, naman po ako, Tita. Kaso Tita may itatanong sana ako sa inyo." Tumingin ako kay Ken na matamang nakikinig sa amin ni Tita.
[About what, iha?]
"Sino si Shinohara, Tita?"
[S--si Sh--shinohara?]
Napakunot ang noo ko. Ba't nauutal si Tita? Ba't parang takot sya nang banggitin ko ang pangalan nya?
"I want you to tell me the truth, Tita."
[She's Stuart's ex-wife. Akala namin patay na sya. She's a psychopath. Minsan pinagtakaan nya ang buhay ng anak nya. Napakaselosa nya at lahat ng babae na nalilink kay Stuart ay pinagtatangkaan nya. Sinasaktan nya din ang sarili nya pag gusto na makipaghiwalay ni Stuart. He was so devastated during that time. Gusto na namin syang ipasok sa psychiatric ward kaso isang araw bigla nalang syang nawala. Pinahanap namin sya hanggang sa makita namin ang kotse nya na sunog na at may katawan sa loob. We thought it was her. Di na din namin pina DNA na sana pala'y ginawa namin. And now bumabalik sya para manggulo? Walang hiya talaga ang babaing yun.]
"Where's their daughter? Bakit di nyo po sinabi na may anak si Stuart, Tita?"
[Huh? Papaano mo nalaman na may anak si Stuart?]
"Sinabi nyo kanina, Tita. Mag-asawa sila so I'm thinking anak nila yung bata."
[A--ah oo anak nga nila yung b--bata.]
"So ba't di nyo sinabi?"
[Ah eh uhmm, iha I will contact you again. Bye.]
Seriously?? Naguguluhan ako sa mga tao ngayon. Ano ba talaga?
"She's telling a lie, Blair."
Nilingon ko si Ken pagkatapos nyang sabihin yun. Tinaasan ko sya ng kilay.
"If she is, then why not start telling me the truth?"
Napabuntong hininga sya na tila sumusuko na. Siguro narealized nya na kailangan nya nang sabihin sa akin ang mga nalalaman nya.
"If you want me to start believing you again, then this is the time you start telling me what you know." Dagdag ko pa.
Nagkibit-balikat ako na parang sinasabing nahihintay ako sa sasabihin nya.
"Stuart is the psychopath. Nagkakilala kami ni Shinohara sa di inaasahang panahon. Remember the birthday party of my mom? Yung niheld ni mom sa Tagaytay ang party nya? Di ka nakapunta nun because you were sick."
Naalala ko nga that was 2 years ago. How could I forget? Yun yung time na I had a dengue fever.
"The party bore the hell out of me, so I went outside the house to get some fresh air. Then I saw this girl. Napakadumi nya and she was asking for help. Nilapitan ko sya at tinulungan. May mga sugat sya and the moment I attended to her hinimatay sya kaya dinala ko sya sa hospital. Di ko alam kung anong nangyari sa kanya kasi nung magising sya tulala lang sya. Di nagsasalita tapos bigla nalang umiiyak. I asked Jake's help since he's a psychologist. He told me that she might suffered a traumatic experience kaya ganon ang actions nya. She undergone therapies and it took months before natigil yung pag-iyak nya at pagiging tulala nya."
"So, you've been attending her since then?"
"Yup. It's just that I have this feeling which tells me that I should help her. And I'm actually glad that I did. Remember the time nung minsanan nalang kitang dalawin? Sya yung tinutukoy kong tinutulungan ko."
Naalala ko nga yun. Yung yung time na sinabihan ko si Ken na malapit na akong magtampo sa kanya dahil parang nakalimutan nya na ako.
"So, when she started speaking, tinanong sya ni Jake ng mga personal questions for us to know her identity. Para na din matawagan ang family nya. Dun ko nalaman na kaapelyido nya si Stuart. She became hysterical nung tinanong ko sya kung related ba sila ni Stuart. I was really puzzled during that time kung bakit ganon na lang ang reaction nya. Matagal-tagal din bago ko nalaman kung bakit ganon. Nalaman ko na pinagtangkaan pala syang patayin.... no erase that papatayin pala sya. Yun nga lang nakatakas sya."
"Sinong gustong pumatay sa kanya? At bakit sya papatayin?" Sinong walang puso ang gustong kitilin ang buhay nya?
"Si Stuart. Kaya pala matindi ang takot nya kay Stuart dahil ilang beses na sya nitong pinagbuhatan ng kamay. At ang pinakamalala ay yung pinagtangkaan na ang buhay nya."
Napaawang ang bibig ko. I can't believe it. Oo bad boy image si Stuart but I never thought he can hurt a woman. Parang nabasa naman ni Ken ang iniisip ko.
"I know it's hard to believe it. Kaya nga di muna ako naniwala kay Shinohara nung magkwento sya. Asawa nya daw si Stuart at may anak sila. Unfortunately, she's an orphan. Kaya naman ganon nalang ang pagnanais nyang makita ang anak. She's the only family she got. Hindi nya alam kung sino ang nag-aalaga sa anak nila ni Stuart. She wanted to get her child from them. Nung makita ko sya sa Tagaytay she had a car accident. Galing daw sya sa bahay nila ni Stuart noon. Nag-away kasi sila ng biyenan nyang babae kaya bago sya masaktan ni Stuart umalis sya. Tuwing nag-aaway kasi daw sila ng biyenan nya ay sinasaktan sya ni Stuart. Mabilis ang pagpapatakbo nya ng kotse and later did she know na wala na palang preno ang sasakyan niya. The car fell from the cliff buti nalang may babaing nakakita sa pangyayari at pinuntahan sya. Tinulungan sya nung babae na makalabas. Aalis na sana sila dun sa lugar kaso bumalik pa yung babae sa sasakyan para kunin ang bag nya. That's where the car exploded, and the woman was caught on fire."
"If she's the victim bakit bumalik sya at nagpakita pa talaga kina Tita?" Nakakalito lang eh. Kasi kung sinasaktan na sya ba't pa sya bumalik?
"Because she wanted to get her daughter."
"Why didn't she ask the police help?"
"Blair, si Stuart at ang nanay nya lang ang nakakaalam kung nasaan ang anak nya. Kung magsusumbong sya sa pulis, may malaking posibilidad na di na nya makikita ang anak nya."
"I still don't get it. Bakit sinasabi nila na psychopath si Shinohara? Kung sya talaga ang bikitima?'
"Para mapasunod nila si Shinohara. Kung sakaling magsusumbong sya magfafile ng custody sina Stuart at ididiin na di sya karapat-dapat. She's too afraid for the safety of her daughter kaya sunod-sunuran sya dito. Yung sinabi nilang she's been in and out, that's true. Pinipilit nilang pinapapunta si Shinohara sa psychiatric institution. There was a time na tinurukan sya ng drugs para mas mapaniwala ang doctor na may deperensya nga sya."
Di ko alam kung anong mararamdaman ko. If that's true kawawa naman pala si Shinohara.
"Kaya nung malaman ko yun, I decided to do that to you. Ayokong magaya ka kay Shinohara. I know you'll say sana sinabi ko nalang sayo pero nagahol ako sa oras dahil nalaman ni Stuart na alam ko ang nangyari sa kanila ni Shinohara. I don't want you to end up just like her lalo na at nagpropose na si Stuart sayo."
"Pero Ken why are they doing that to Shinohara?"
"I don't why, Blair. That's what I'm trying to find out."
***
"Breakfast in bed."
Kinusot-kusot ko yung mata ko para makita kung sinong pumasok ng kwarto ko.
Kagigising ko lang kasi at masyadong blurry pa ang paningin ko.
"C'mon, get up sleepy head. Breakfast is ready."
Umupo ako at isinandal ang likod ko sa headboard ng kama at pinikit pa din ang mata. Hindi ko na pala kailangang makita kung sinong tumatawag kasi boses palang kilalang-kilala ko na.
"Ken, it's too early pa kaya."
Naramdaman kong umupo sya sa tabi ko at sinalat ang noo ko.
"Alas dose na, Blair. Masama ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalala nyang sabi.
Agad akong napamulat.
"Ha?!!! Alas dose na?"
Ang haba pala ng tulog ko. Lately lagi nalang akong ganito. Ehh di naman ako heavy sleeper dati.
"Napapansin ko napapadalas na yan. Pumunta na kaya tayo ng ospital?"
"Ang OA mo, Ken." Napapairap kung sabi sa kanya masyadong OA na kasi.
"Hindi ka naman kasi pagod kagabi saka ang aga mo pang natulog. Buti sana kung pinapagod kita gabi-gabi eh hindi naman. Di nga tayo nagtatabi eh"
Pinamulahan ako ng mukha. At nanlalaki ang matang napapatitig sa kanya.
"Ken!!"
Pinagkukukurot ko sya. Grabe lang ha? Ang pilyo-pilyo lang. Todo naman ang ilag nya sa mga kurot ko. Hinuli nya ang mga kamay ko para di na makakurot.
"Bakit? Totoo naman ah? Di naman talaga tayo nagtatabi saka hindi din naman kita pinapagod para matulog ka ng ganyan kahaba." Kunwari'y nagtatampo nyang sabi.
"Magtigil ka nga dyan! Ang pilyo-pilyo mo."
"Anong pilyo ba ang pinagsasasabi mo? Di naman talaga kita pinapagod gabi-gabi ah? Di kita pinagluluto, pinaglilinis, pinaglalaba at pinapagroceries."
Pakiramdam ko tuloy lalong naging pula ang mukha ko. Sya nama'y napangisi ng malaki.
"Bw*sit ka talaga, Ken!!"
Nakakagigil baka akalain nyang ang dumi kong mag-isip. Tumawa naman sya nang malakas at pinisil ang pisngi ko.
"Ang cute-cute talaga ng asawa ko."
"Ewan ko sa'yo, Ken." Sabi ko sa kanya sabay irap.
Ilang buwan na ba simula nung nalaman ko yung tungkol kay Stuart? 2 months? Matagal na rin pala at di pa rin ako makapaniwala.
Kahit naman kasi mukha syang barumbado, never nya naman akong sinaktan. He was always gentle to me. I was wondering bakit ganon sya kay Shinohara. At kung bakit nung nagtanong ako about sa anak nila ni Shinohara ay di nila ako masagot.
Naisipan kong magmove on nalang sa nangyari. I dont have to imprison myself in the past. I have to let go in order to move forward. Wala na din contact si Ken kay Shinohara. For some reason nawala nalang sya bigla. Di din namin sya macontact sa phone nya. Sabi ni Ken baka nagtago na daw yun.
Naaawa ako kay Shinohara at lagi ko nalang pinagdadasal na sana'y magkasama na sila ng anak nya at nasa mabuti syang kalagayan.
"Oh? Ba't napatulala ka dyan?"
"Naiisip ko lang kasi si Shinohara."
"I understand but then kumain ka muna. Di ka pa nagbebreakfast eh." Anitong kinuha ang tray at ipinatong sa lap ko.
Magana naman akong kumain sa dalang pagkain nya. Ang sarap nya talagang magluto. Nasimot ko na ang pagkain nang mapansin kong nakatitig lang si Ken sa akin.
"Bakit?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Wala naman ang lakas mo na kasing kumain ngayon." Nakangiti nyang sabi na hinaplos pa ang pisngi ko.
"Ang sarap mo kasing magluto." Itinabi ko na yung tray sa side table.
"Halika nga payakap. Wala pa akong tootbrush pero yaan mo na mahal mo naman ako." Sabay belat sa kanya.
Natatawa naman syang yumakap sa akin.
"Minsan talaga napachildish mo. Saka wala akong paki kahit wala ka pang toothbrush or wala kang ligo dahil para sa akin ikaw ang pinakamabangong babae na nakilala ko. Mahal kasi kita."
"Ikaw nga tong ang bango-bango eh. Ano bang ginamit mong sabon?" Isiniksik ko pa lalo ang mukha ko sa leeg nya.
"Anong sabon? Pawis ko lang yan."
Napatawa nalang ako sa kanya.
Ang sarap yakapin ni Ken ngayon. Para akong naaaddict sa amoy nya. Lalo kong idinikit ang katawan ko sa kanya.
"Hey, ano bang nangyari sayo, Blair? Ang clingy mo ata ngayon." Aniyang natatawa na bumitiw sa pagkakayakap sa akin.
Pero di ko sya hinayaang makawala sa yakap ko.
"Ehhhh kasi naman eh... nakakaaddict ang bango mo. Parang gusto ko lang lagi kitang naaamoy. Wag kang magpapalit ng sabon ha?"
"Oo na, oo na. Dali ligo ka na para makapamasyal tayo mamaya. Saka si Myrna nga pala pinag-stay in ko na para may makasama ka. Nagtatrabaho na ulit ako. Ang dami ng nakatambak na papeles dun eh."
"Sasama ako sayo." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.
Ewan ko ba feeling ko di ko kayang mapalayo sa kanya. Feeling ko malulungkot ako ng todo pag di ko sya naaamoy.
"Are you, sure? Mabobored ka lang doon di naman kita maasikaso dahil marami ang tatrabahuin ko."
"Okay lang naman basta makita lang kita at maamoy."
Alam kong nagtataka si Ken sa inaasal ko pero di lang sya nagsalita. Kahit ako nga nagtataka rin sa sarili ko. Di naman ako ganito.
"Nga pala, Ken. Tabi na tayo matulog ha?"
Napaawang ang mga labi nya at nanlaki ang mga mata.
Natawa naman ako sa reaction nya.
"Blair, we have to go to the hospital today. C'mon and get ready."