CHAPTER 9

2324 Words
Sa loob ng ilang taon ngayon lang nakatulog si Blessa ng mapayapa. Sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha ang tuluyang nagpagising sa kanya kinabukasan. Matapos magligpit ng ilang kalat sa apartment ay agad na ring umalis si Blessa para umuwi na ng Antipolo. "Manong, d'yan na lang po sa tabi." Para ni Blessa sa driver ng taxi. "Salamat po. Ito po 'yong bayad." San Jose, Antipolo... Maraming nagbago sa probinsyang iniwan niya. Mas dumami ang bahay sa lugar nila. Maraming ring mga bata ang nagkalat para maglaro sa gitna ng kalsada. Kanina rin ng madaanan niya ang palengke ay marami na ring nakatayong gusali sa kabayanan na dati ay mga lumang grocery stores lang at maliliit na tindahan lang. Habang binabaybay ni Blessa ang eskinita papunta sa bahay nila ay agaw atensyon siya sa karamihan. Bawat madaanan kasi niya ay napapalingon sa kanya. Mabuti na lang at balot na balot siya dahil baka lalo siyang pagtinginan ng mga tao kapag nakita ang pasa at sugat na kasalukuyan pa lang na naghihilom sa kanyang katawan. "Blessa?" Napahinto si Blessa nang masalubong ang isang babae. "Ikaw nga!" tuwang-tuwang ani pa ng babae at agad siyang niyakap. "Kumusta ka na? Mabuti naman at umuwi ka na." "Oo nga po. Na-miss kita, 'Nay Natty!" nakangiting ani Blessa nang kumalas sa yakap ng babae. "Kayo po kumusta na? Si Pamela?" Hindi nakasagot si Natty. Bigla rin itong nalungkot. Huminga muna ito ng malalim at hinawakan nang mahigpit ang dalawang kamay ni Blessa. "Uunahan na kita, Blessa, ha," seryosong sabi nito. "Pero sa bahay na tayo mag usap." Sumunod si Blessa kay Natty papunta sa bahay nito. At nang makapasok si Blessa ay muling bumalik ang mga alaala niya noong high school pa sila ni Pamela. Madalas kasi siya dito sa kanila noon lalo na kapag may project na gagawin. Mabait rin kasi ang nanay ni Pamela. Naupo si Blessa sa lumang sofa at pumasok naman si Natty sa loob ng kusina. Pagbalik nito ay may dala na itong juice para sa kanya. "Alam kong may patago kang pera kay Pamela at para 'yon sa pangkinabukasan mo. Blessa, ako na ang humihingi ng kapatawaran para sa ginawa ng anak ko. Nilustay ni Pamela ang pera mo at ngayon nakakulong siya dahil kinasuhan sila ng legal na asawa ng naging boyfriend niya," malungkot at wala ng pasakalyeng kwento ni Natty kay Blessa. Sumikip ang pakiramdam ni Blessa. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. "A-ano pong nangyari sa pera ko?" Nanginginig ang buong katawan niya. Halos five hundred thousand rin iyon at magpapadala pa sana siya kay Pamela kaya lang ay hindi na niya ma-contact ang kaibigan. "Hindi ko alam noon na may ipinatago kang pera sa kanya. Ang sabi niya kasi ay mayaman raw ang boyfriend niya. 'Yon pala asawa lang no'ng lalaki ang mayaman. Lagi siyang nagpupunta kung saan-saan at lagi ang gimik. Nito ko lang nalaman na pera mo lahat ang ginagamit niya." Parang sumakit bigla ang ulo ni Blessa. Hindi niya alam kung iiyak ba o ano? Ang laki ng perang 'yon! Para 'yon sa pamilya niya. Para sa magiging simula nila. Pero nawala lahat na parang bula. "Alam mo, 'Nay Natty, masama man pong sabihin. Pero karma 'yon sa anak n'yo," naiiyak na ani Blessa. "Ako na ang humihingi ng kapatawaran para sa anak ko, Blessa," umiiyak na saad ni Natty. "Kung alam ko lang. Sana napigilan ko siya agad." Nasa boses nito ang pagsisisi. "Hindi ko po alam, 'nay. Masakit at walang kapatawaran ang ginawa ni Pamela, pero ano pa po bang magagawa ko? Nangyari na. Hindi na niya maibabalik ang pera ko." Bakas ang galit at hinanakit sa boses ng dalaga. "Kasalanan ko rin naman dahil hinayaan ko siya. Kahit alam kong mali na," nakayukong sabi nito. "Ah... 'Nay, pwede po bang next time nalang ulit tayo mag usap? Uuwi na po muna ako sa bahay," paalam niya sa babae at tumayo na agad. "Gusto ko rin po sanang makita si Pamela. Pero hindi po muna siguro ngayon, baka kung ano lang po ang masabi ko sa kanya." "Sorry ulit, anak." Sabay yakap nito kay Blessa. "Wala po kayong kasalanan, kung may dapat mang humingi ng tawad dito si Pamela po iyon. Sige po, aalis na po ako." "Blessa," tawag pa ni Natty sa dalaga. Nakaka ilang hakbang pa lang si Blessa ng lingunin niya ulit ang babae. "Ano po 'yon?" "Wala na dito ang pamilya mo. Nasa kabilang barangay na sila nakatira. Tatagan mo sana ang loob mo, ha." Bilin nito sabay abot ng maliit na papel kung saan nakasulat ang bagong address ng bahay ng kanyang pamilya. Nagtataka namang kinuha ni Blessa ang inaabot na papel nito. "Bakit po?" Kunot noong tanong niya matapos basahin ang nakasulat na address. "Basta! Ayaw kong magsalita dahil gusto ko ikaw mismo ang makakita," makahulugang turan nito. Naguguluhan man ay tuluyan ng umalis si Blessa. Dadaan pa sana siya sa dati nilang bahay pero hindi na rin siya tumuloy pa. "Ma'am, dito na po," wika ng tricycle driver. Matapos magbayad ay agad siyang umibis ng tricycle. Tulad ng dating lugar nila ay halos puro kabahayan rin ang bumungad sa kanya. Ang huling sabi ni Abby noon sa kanya ay sa subdivision daw nagpatayo ng bahay ang nanay nila at pagka-graduate daw nito ay lilipat na sila roon. "Miss, naghahanap ka siguro ng uupahan 'no?" untag ng isang babaeng may edad na at nakatambay sa harap ng tindahan. "Maraming paupahan dito, ineng," sabi rin ng babaeng may edad na rin na nasa loob ng tindahan. "May hinahanap po kasi ako. Sabi po dito sila lumipat," tugon ni Blessa. "Ano bang pangalan at baka kilala namin?" "Grace De Asis po," sagot ni Blessa. Nagkatinginan saglit ang dalawang babae at bumaling ang isa sa kanya. "Ah! Si Grace ba? Pasok ka d'yan sa ikalawang eskinita. D'yan sila nakatira." "Salamat po," aniya pa at tumalikod na para umalis. Maingay, magulo, maraming tambay. Bata man o matanda ay nagkalat kahit saan. May nadaanan pa nga siyang mag-asawang nag aaway. Ano bang lugar ang napuntahan niya? Baka nagkamali lang siya ng address. "Pwede po bang magtanong?" tanong ni Blessa nang huminto siya sa isang maliit na tindahan. "Saan po ang bahay ni Grace De Asis?" Sinipat pa siya ng matanda mula ulo hanggang paa. "Jojo! May naghahanap kay Aling Grace!" sigaw ng babae. May lumabas na binatilyo sa loob ng tindahan at napatingin agad sa kanya. "Kaibigan 'yan ni Omel, anak ni Aling Grace. Sumama ka na lang sa kanya," turan ng babae. "Tara na, ate," yaya ng binatilyo matapos magsuot ng puting sando. Tatlong kabahayan ang nadaanan pa ni Blessa at pawang magugulo rin. May nakita siyang lote sa 'di kalayuan. Kung saan nakatirik ang nag iisang bahay. Maraming tao sa labas at nagsusugal yata. "Ayan po ang bahay nina Omel. Maiwan na po kita." Hindi na hinintay ng binatilyo na sumagot siya at iniwanan na lang siya habang nakatanaw sa bahay na iyon. Parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ni Blessa. Bawat hakbang ng kanyang mga paa ay parang may mga kadena. Taliwas ang lahat sa mga inasahan niya. Nasaan ang bahay at lupa? Ang subdivision? Ang inaasahan niyang makita ay malaking bahay. Mas maganda pa ang inuupahan nilang bahay noon. "Bingo! Bingo!" sigaw ng babaeng nasa mahabang lamesa. "Hay talo na naman!" reklamo ng ilan pa sa mga naroon. Tinungo niya ang pintuan dahil hindi naman siya napansin ng mga ito. Magulo ang loob ng bahay, may narinig siyang umiiyak na batang nasa duyan. "Anthony! 'Yong bata umiiyak! Ano ba naman 'yan?!" Lumabas si Abby sa kusina. May bula pa ang mga kamay. Saka lang napansin ni Blessa na may tao sa sofa nang makitang binalibag ni Abby ng unan."Buwiset ka! Tulog mantika kang hayop ka!" "Ano ba?! Abby naman!" sigaw nitong naging dahilan ng muling pag iyak ng bata sa duyan. "Gunggong ka kasi! Tutulog-tulog ka 'yong anak mo umiiyak na dito, oh!" Binuhat ni Abby ang bata, napatulala na lang si Blessa dahil iyon ang buhat-buhat nito ng huling magkausap silang dalawa sa video call ilang buwan na ang nakalipas. "Bwiset na buhay 'to! Makalayas na-" Napahinto ang si Anthony sa paglabas sana. Napatingin sina Blessa at Anthony kay Abby nang narinig ang pagkahulog ng bote ng gatas. "A-ate! Ate blessa?!" natatarantang sambit ni Abby. Namutla ito bigla at hindi alam kung ano ang gagawin ng makita si Blessa. "Abby, patahimikin mo nga 'yang anak mo!" galit na sigaw ni Grace nang lumabas sa isang kwarto. "Ang ingay ng anak mo! Alam mo namang wala pa akong tulog!" singhal ni Grace. "Ma, si ate," mahinang sambit ni Abby na hindi maalis ang tingin sa kapatid. Marahas na napalingon si Grace sa pintuan at nanlaki ang mga mata nang makita si Blessa. "B-Blessa! A-a-anak!" Mabilis niyang nilapitan at niyakap ang anak na naestatwa na rin sa bukana ng pintuan. Nang maramdaman ang yakap ng mama niya ay parang bumalik ang ulirat ni Blessa. Nag unahan sa pagtulo ang kanyang mga luha. At kinalas ang mga kamay ng inang nakayakap pa din sa kanya. "Bakit hindi ka nagpasabing darating ka? Sana nasundo ka namin." Lalong naiyak si Blessa. Bakit parang wala lang sa mama niya ang naging reaksyon niya? "Ano'ng nangyari, ma?" mahinang tanong niya dito. Unang masamang balita, ang paglustay ni Pamela sa pera niya. Ngayon naman ito? Ano pa ang kasunod? "A-anak, magpapaliwanag ako, ha." "Paliwanag?" "Oo! Oo! Pa-paliwanag-" "Ano pang ipapaliwanag mo? Nakikita ko na!" "Hayaan-" "Ano'ng ibig sabihin nito?!" Napalakas ang boses niya kaya naglingunan na ang mga naglalaro sa labas. "Blessa, 'wag ka namang sumigaw. Magpapaliwanag ako!" alo ni Grace sa anak. Pilit hinahawakan ng ina ang mga kamay niya ngunit patuloy naman siya sa pagtanggal noon. Hindi niya matanggap! Ano ang nangyari? "Anak, makinig ka muna-" "Kitang-kita na ng dalawang mata ko, ma! Ano pa bang ipaliliwanag mo?!" galit na sigaw ni Blessa. "Kayo!" Duro niya sa mga taong naroon. Nagsisigaw na siya't lahat tuloy pa rin sa paglalaro ang mga ito. "Magsilayas kayo dito! Layas! Lumayas kayo!" umiiyak na sigaw ni Blessa. Lahat nang mahawakan ng kanyang mga kamay ay hindi nakaligtas sa pagbabalibag. Wala na siyang pakialam kung may matamaan man siya. "Anak, sandali lang naman!" awat ni Grace at niyakap siya. "Bitawan mo 'ko! 'Wag mo 'kong hawakan!" sigaw ni Blessa. Maging si Blessa ay nagulat rin nang bumagsak sa lupa ang mama niya dahil sa paghawi niya rito. "Ma!" sigaw ni Abby at patakbong dinaluhan ang ina matapos ibigay kay Anthony ang bata. "Ano ba naman Ate Blessa?! Para sa simpleng bagay lang nagkakaganyan ka!" galit na sigaw ni Abby. Tumayo pa ito at itinulak si Blessa. Dahil sa narinig mula sa kapatid ay nagpanting ang mga tainga ni Blessa. Ayos lang na itulak siya nito. Pero ang hindi niya matanggap ay ang lumabas sa mga bibig ng kapatid. "Ano'ng sabi mo?!" Nagdilim ang paningin niya at sinugod niya si Abby. Pinagsasabunutan niya ito at pinagsasampal ng maka ilang ulit. Lalo siyang nag apoy sa galit ng lumalaban din ito sa kanya ng sabunot at kalmot. "Tama na! Ano ba?!" awat ni Grace sa mga anak. Pumagitna na rin siya para mapaghiwalay ang mga ito. "Ang kapal-kapal ng mukha mong sabihing simpleng bagay lang! Alam mo ba ang isinakripisyo ko sa simpleng bagay na sinasabi mo?!" galit na tanong ni Blessa. Hinubad ni Blessa ang suot mula ulo hanggang paa. "Ito!" Turo pa niya sa hubad na katawan na puno ng sugat at pasa. Pinasadahan ni Abby ng mga mata ang buong katawan ni Blessa. Napalunok pa ito at waring umurong ang tapang na kanina lang ay handang-handa para lumaban. "Dahil mas pinili kong bigyan kayo ng marangyang buhay paulit-ulit kong ibinigay sa kung kani-kaninong lalaki ang katawan ko! Tiniis ko lahat dahil gusto kong maahon kayo sa hirap! Tapos ito?!" Luhaang turo niya sa bahay na halos barung-barong na. "Ito pala 'yong pinaghirapan ko ng maraming taon?!" sumbat ni Blessa. "Tapos ang lakas ng loob mong sabihing simpleng bagay lang!" may diing ani Blessa pa. Napahagulgol ng iyak si Grace matapos makita ang puro pasa at sugatang katawan ng anak. Maging si Anthony ay natulala na lang sa isang tabi. "Anak..." tawag ni Grace dito. "Ano, ma? Naaawa ka sa 'kin? 'Wag kang maawa! 'Wag n'yo akong kaawaan! Dahil kung totoo 'yang awa n'yo! Hindi n'yo ako lolokohin! Hindi n'yo gagawin sa akin 'to!" sumbat pa niya sa mga ito. Napalingon si Blessa sa kinaroroonan ni Anthony ng umiyak ang batang hawak nito. Sa tantya ni Blessa ay wala pang isang taon iyon. At ang lalaking may hawak nito. Ex lang naman niya noon. Ex niyang madali siyang iniwan at ipinagpalit sa iba. "Tinanong kita kung kaninong anak 'yan 'di ba?" Baling ni Blessa kay Abby. "At ang mas malupit! Ex ko pa talaga ang pinatulan mo!" Naningkit sa galit ang mga mata ni Blessa. "Ano pang hindi ko alam, ha? 'Wag mong sabihing ilusyon lang rin ang pag-graduate mo? Ha! Abby?" Hindi nakasagot si Abby. Umiwas lang rin ng tingin si Anthony. Maging si Grace ay hindi umimik. "Ang perang para sa ilusyong graduation ay ginamit niya ng manganak s'ya sa pangalawa niyang anak." Ibinaba ni Rommel ang bag sa sofa. Nakita ni Blessa na kinuha nito ang kumot sa sofa at ibinalot sa katawan niya. Inakay rin siya ng bunsong kapatid para ipasok sa loob. "Magsiuwi nga kayo sa inyo! Tapos na ang sine! Mga bwisit!" Sabay balibag ng pinto pasara. Dinala siya ni Rommel sa isang kwarto. Habang nagsasalin ng tubig sa baso ay pinagmasdan ni Blessa ang bunsong kapatid. Ang laki na ng pinagbago nito, tumangkad at mas lalong naging gwapo. "Uminom ka muna." Sabay lahad ng baso sa kanya. "Dalawa na ang anak ni Abby. Magkaiba lang ng ama." kwento ni Rommel naupo ito sa kanyang tabi. Tumahimik na ito at nagbuklat na ng gamit sa eskwela. Parang wala lang dito ang naabutang eksena. Ano bang nangyari sa pamilya niya ng mawala siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD