CHAPTER 8

1443 Words
Ang katiting na pag asa ni Blessa ay unti-unting nawala ng tuluyan siyang maisakay sa loob ng sasakyan. Ang tanging nagawa na lamang niya ay ang tahimik na lumuha. Palabas pa lang sa parking lot ng building ang kotse nila ng bigla itong huminto dahil sa malakas na pagsabog. Kasabay ng maka ilang ulit na pagsabog ay mga putukan naman ng baril ang sumunod. Galing iyon sa loob ng building. "Paandarin mo na ang kotse!" utos ni Tommy sa kasamang nagsilbing driver. "Pero, Tommy. Baka may masalubong tayong parak!" alanganing sabi nito. "Anak ng tinapa! Mamamatay na yata tayo!" takot na takot na saad ng isa pa nilang kasama at mabilis na lumabas ng sasakyan. Iniwan nito si Blessa sa backseat at tumakbo na palayo sa kanila. "Ayaw ko pang mamatay, Tommy! Sibat na 'ko!" natatakot na sabi rin ng isa pang kasama na siyang nagda-drive. Mabilis rin itong tumakbo paalis matapos lumabas ng sasakyan. "Hoy mga gago! Saan kayo pupunta?!" sigaw ni Tommy sa dalawang lalaking mabilis pa sa bulang nawala sa kanyang paningin. Mabilis siyang umibis ng kotse at hinila palabas si Blessa. Kailangan na niyang maidispatsa ang babae tulad ng utos ng big boss nila. "Akin na si Blessa, Tommy!" Harang ni Vicky sa daraanan ng lalaki. Hawak ang nanghihina pa ring si Blessa. "Mahigpit ang utos ni boss!" mariing tanggi nito. "Utos pa rin ni boss ang iniisip mo? Nasaan na ba s'ya? Malamang tumakas na 'yon! Tumakas ka na rin! Hayaan mo na si Blessa sa akin!" pangungumbinsi pa ni Vicky sa lalaki. Muling may sumabog at ngayon malapit na iyon sa kanila. Nabitiwan ni Tommy si Blessa at mabilis naman itong kinuha ni Vicky. "Tara na Blessa. Umalis na tayo dito." Inakay nito si Blessa sa isang tabi. Ngunit hindi pa man sila tuluyang nakakaalis ay biglang bumagsak ang duguang si Vicky dahil sa tama ng baril sa likod nito. Napasigaw sa takot si Blessa dahil doon. Nilingon niya ang pinanggalingan ng putok at nakitang sa kanya naman ngayon nakatutok ang baril na hawak ni Tommy. Gustong tumakbo ni Blessa. Ngunit hindi niya maigalaw ang kanyang katawan. Lumalakas ang kanyang pag iyak habang palipat-lipat nang tingin sa katawan ni Vicky na naghahabol na ng hininga at kay Tommy na ano mang oras ay kakalabitin ang gatilyo ng baril para patayin siya. "Maawa ka... Gusto ko pang mabuhay... Kailangan pa ako ng pamilya ko..." pagmamakaawa ni Blessa dito. Pero hindi umubra ang pagmamakaawa niya dahil walang alinlangang kinalabit nito ang gatilyo ng baril. Naidilat ni Blessa ang pikit na pikit na mga mata ng may bumagsak sa kanyang tabi. Wala ng buhay si Tommy dahil sa ulo ito tinamaan. Si Vicky... si Vicky ang bumaril dito para iligtas siya. Napahagulgol na lang ng iyak si Blessa. Nanghihinang napasalampak na lang siya at doon umiyak nang umiyak. "B-Blessa..." "Vicky!" Hinamig ni Blessa ang sarili ng hawakan ni Vicky ang mga kamay niya. "Blessa....tu...makas ka na.bilis...san mo." "Sabay tayong aalis dito!" giit niya. "Tara na! Hindi kita iiwanan dito!" ani Blessa habang pilit na itinatayo si Vicky. "Hin-hindi ko... hindi ko na kaya. Umalis ka na. Baka mapa-hamak ka... umalis ka-ka na..." "Hindi!" Umiiyak na iling ni Blessa. "Kaya mo pa... Tara na! Please..." "Pumunta ka sa apartment ko. Ikaw... na ang bahala..." "Uuwi tayo ng sabay sa apartment mo! Tumayo ka na! Magbabagong buhay tayo, Vicky! Please! Tara na!" Umiling si Vicky habang isa-isang pumapatak ang mga luha sa pisngi. Nginitian nito si Blessa ng mapait. "Ito na ang kabayaran sa mga kasalanan ko. Patawarin mo ako, Blessa... Pa-pata...wad..." Hindi na malinaw kay Blessa ang mga sumunod na mga pangyayari. Ang alam lang niya ay biglang may mga lalaking dumating. Armado ng matataas na de kalibreng mga baril ang mga ito at may bumuhat na lang sa kanya paalis sa lugar na iyon. Nagising si Blessa sa isang puting-puting kwarto. Sa amoy pa lang alam niyang hospital iyon. "Ma'am, 'wag po muna kayong bumangon. Mahina pa po ang katawan mo." Pigil ng babaeng nurse ng tangkang babangon sana siya. "Tubig. Gusto ko po ng tubig," namamalat na sabi ni Blessa sa nurse na nag aasikaso sa kanya. "Tawagin ko lang po si doc sandali. Titingnan pa po muna kayo." Lumabas ito ng kwarto at pagbalik ay kasunod na ang babaeng doctor. Muling hinila ng antok si Blessa matapos masayaran ng tubig ang kanyang lalamunan. Magaan na rin ang kanyang pakiramdam kahit na nga marami pa rin siyang sugat sa katawan. Sa muling pagdilat ni Blessa ay si Lucas ang bumungad sa kanya. Bahagya itong ngumiti nang makitang gising na siya. "Kumusta?" Natahimik lang si Blessa. Hindi alam kung ano ang sasabihin sa lalaki. Hindi niya alam kung saan mag uumpisa. Muling nanumbalik sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Vicky at Archangel. "Lucas Marcopolo! A very famous and great agent at this time!" "Bakit hindi mo sinabing secret agent ka?" "I'm really sorry, Blessa." Nakayukong hingi nito ng tawad. "Ako ang dahilan ng pagka pahamak mo." Napabuntong hininga na lang si Blessa. Gusto man niyang sisihin ang lalaki sa nangyari ay balewala na rin dahil tapos na ang lahat. "Trabaho mo 'yon kaya naiintindihan ko. Saka para saan pa na sisihin kita?" Nag angat ng tingin si Lucas sa kanya. Nasa mga mata pa rin ang pagsisisi. "Aaminin ko naman sa 'yo, eh. Pero nag alangan lang ako na baka iwasan mo 'ko." Nag iwas pa ito ng tingin. "Bakit ko naman gagawin 'yon? Magkaibigan tayo 'di ba? O, baka naman pati iyon hindi totoo?" ani Blessa na nakaramdam pa ng bahagyang lungkot dahil sa isiping pati ang pakikipag kaibigan yata nito sa kanya ay parte rin ng trabaho nito. "Totoo 'yon! Nagi-guilty lang talaga ako sa nangyari sa 'yo." Napangiti si Blessa at kinuha ang issng kamay ng lalaki. "Malaya na ako, Lucas. Makakauwi na rin ako sa pamilya ko. Salamat," sinserong ani Blessa dito. "Basta kung kailangan mo ng tulong. Don't hesitate to go or call me." Tumunog ang cellphone nito at ng mabasa ang message ay agad na ring tumayo. "Paano? Mauna na ako. Kailangan pa ako sa station." Ngumiti lang si Blessa at tumango. "Ingat ka. Salamat ulit." Tumalikod na ito ngunit agad ring huminto. "Blessa." Napakunot ang noo ni Blessa ng tawagin siya nito "Bakit?" Natahimik si Lucas at nakamot na lang ang batok. "Wala. Ingat ka." Napailing na lang si Blessa at nginitian ang binata. Nang lumapat pasara ang pintuan ay napalis rin ang ngiti niya. "Hanggang sa muling pagkikita, Lucas," usal niya. "Kung may susunod pa nga ba..." Alam niyang hindi na sila ulit magkikita ng lalaki. Magkaiba ang mundong ginagalawan nila. Ngayong tapos na misyon nito ay hanggang dito na lang siguro talaga ang lahat. Hindi siya mangangahas na pasukin ang mundo nito dahil magkaiba silang dalawa ng daang tinatahak at tatahakin pa. Aaminin niyang may kaonting pagtingin siya para sa lalaki. Pero kakalimutan niya iyon ngayo na magkahiwalay na ang landas nilang dalawa. Kahit hindi pa naghihilom ang ibang sugat niya ay lumabas na ng hospital si Blessa kinabukasan. Umuwi siya sa apartment ni Vicky dahil iyon lang naman ang matutuluyan niya sa ngayon. Itinanong niya sa nurse station kung nasaan ang bangkay ng babae at nalaman niyang inilibing na raw ito sa pahintulot ni Lucas para sa kanya. Nasa likod lang iyon ng hospital kung saan siya na-confined. Sementeryo iyon para sa mga katawang walang nagki-claim. Malinis ang apartment ng pumasok si Blessa sa loob. Parang naghihintay na uwian ng may-ari ng bahay. Naglakad si Blessa patungo sa cabinet kung saan nakapatong ang picture frame ni Vicky. Nakangiti at buhay na buhay. "Pinapatawad na kita," ani Blessa habang nangingilid ang mga luha. "Patawarin mo rin ako sa mga masasakit na salitang sinabi ko sa 'yo. Salamat sa pagliligtas sa buhay ko. Malaya ka na rin," aniya pa habang haplos ang mukha ni Vicky sa larawan. Naupo siya sa sofa at isinandal ang pagod na katawan. Sa wakas! Malaya na siya. Ilang taon rin siyang nakulong sa impyernong lugar na iyon. Ilang taon siyang nagtiis sa paulit ulit na pambababoy sa kanya ng kung sinu-sinong lalaki. Hindi man ganito ang inaasahan niyang paglaya ay nagpapasalamat pa rin si Blessa dahil buhay siya. "Malaya na ako, pa. Makakasama ko na po ulit sina mama. At ipinapangako ko po na hindi na ulit ako aalis," nakangiting ani Blessa pa habang nakatingala pa sa puting puting langit na tanaw mula sa bintanang nakabukas. Uuwi na rin siya sa pamilya niyang ilang taon rin niyang hindi nakasama. Tiyak masusurpresa ang mga ito sa kanyang pagdating. Gagawin niya ang lahat para muling makabangon at makalimot sa bangungot na hatid ng impyernong Casa Aliwan na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD