CHAPTER 7

1508 Words
"Ayoko! Pakawalan n'yo 'ko!" sigaw ni Blessa habang hila-hila siya sa kung saan. "Wala akong alam! Pakawalan n'yo 'ko!" "Kung kumanta ka na sana kay boss kanina pa, eh 'di sana wala ka dito sa loob ng basement ngayon!" ani Tommy matapos ikandado ang rehas. "Wala akong alam! Parang awa mo na! Ayoko ko dito! Palabasin n'yo na 'ko!" umiiyak na sigaw ni Blessa habang niyuyugyog ang matigas na rehas. "Wala akong alam sa mga sinasabi n'yo! Parang awa n'yo na!" humahagulgol na pagmamakaawa ni Blessa. Ngunit kahit ano pa ang gawing pagsigaw at pagmamakaawa ni Blessa ay bingi ang mga ito. Lumabas na ng basement sina Tommy at iniwan siya ng tuluyan sa madilim at masikip na lugar na iyon. Walang nagawa si Blessa kundi ang umiyak sa isang sulok ng masikip na lugar na iyon. "Papa... Papa..." palahaw ni Blessa na animo'y masasaklolohan siya ng ama. Napatayo si Blessa nang marinig ang tunog nang pagbukas ng pintuang bakal. Naka idlip pala siya. Si Tommy ang muling bumungad sa kanya. Kasunod nito ang dalawang lalaki at agad siyang inilabas. "P-pakakawalan n'yo na ba 'ko? Wala naman talaga akong alam, eh!" Pinaupo si Blessa sa isang bangkong naroon sa loob ng basement. Hindi alam ni Blessa kung umaga o gabi na ba. Walang makikita sa loob kundi bumbilyang masakit sa mata dahil sa dilaw na liwanag. "Ano? Nakapag isip ka na ba? Sabihin mo na sa amin ang mga nalalaman mo, Blessa," ani Tommy. "Wala nga akong alam! Kilala ko si Lucas bilang simpleng tao. Isang chef sa isang restaurant. Hanggang doon lang!" giit ni Blessa. "Alam mo namang pinarurusahan ang mga taong sinungaling hindi ba?" ani Tommy habang may kinukuha sa isang cabinet. Nanlalaki ang mga mata ni Blessa ng mapagtanto kung ano 'yon. Napapalunok siya habang palapit si Tommy sa kanya at hawak ang itim na itim na latigo. "Hindi ka masasaktan kung aamin ka na!" Umiling nang umiling si Blessa. "Wala talaga akong alam!" umiiyak na pagsusumamo niya. "Parang awa n'yo na!" Itinayo ng dalawang lalaki si Blessa. Itinali ang magkabilang kamay at iniwan na roon sa gitna. "Tommy! Sandali! Hindi na kailangan 'yan!" awat ni Vicky habang humahangos itong pumasok sa loob ng basement. "Vicky! Tulungan mo 'ko! Wala akong alam! Wala akong alam!" sigaw ni Blessa. "Nandito ka pa rin?! Hindi ikaw ang boss ko kaya 'wag mo akong utusan sa dapat kong gawin! Ilabas n'yo na nga 'to!" Naiinis na ani Tommy at itinulak palayo si Vicky. "Tommy! Maawa ka kay Blessa! Sinabi naman n'yang wala s'yang alam 'di ba!" Ngunit naging bingi si Tommy sa mga sinabi nito. At walang nagawa si Blessa kundi ang sumigaw sa sakit nang lumapat sa balat niya ang unang hagupit ng latigo. "Magsasalita ka na ba?" hinihingal na tanong ni Tommy kay Blessa matapos siyang hagupin ng maka ilang ulit. "Wala akong alam... Wala-ah.... " umiiyak na sigaw ni Blessa ng muling tumama sa kanyang likod ang latigo. Nakakatakot na sigaw ang pumuno sa loob ng basement na iyon. Sigaw ng pinaghalong hirap at sakit. At walang nagawa si Vicky kundi ang takpan ang magkabilang tainga sa naririnig niyang sakit sa pagsigaw at pag iyak ni Blessa sa loob. Napahagulgol na lang si Vicky. Ganito rin siya maraming taon na ang lumipas. Walang magawa kundi ang pakinggan ang masakit at nakakaawang sigaw ng matalik na kaibigan. Parang ibinalik siya sa nakaraan. At hanggang ngayon ay hindi niya pa rin mapatawad ang sarili sa pagkawala ng pinakamatalik niyang kaibigan. Ganitong-ganito rin ang sitwasyon niya habang hinahagupit ng latigo ang kaibigan at siya naman ay nasa isang sulok lang. Nakikisabay ng pag-iyak sa kaibigang pinahihirapan. Nang magsawa na si Tommy sa maka ilang ulit na paghagupit kay Blessa ay binitawan nito ang latigo sa isang sulok. Lumabas ito kasunod ang dalawang tauhan. Mabilis na tumayo si Vicky at pinuntahan si Blessa. "Blessa..." nabasag pa ang boses ni Vicky ng tawagin siya nito. Punung-puno ng sugat ang iba't ibang parte ng katawan ng dalaga. Hindi kayang tingnan ni Vicky ang mga dugong umaagos sa mga sugat nito. "Masaya ka na ba?" tanong ni Blessa dito. "Tingnan mo akong mabuti! Masaya ka ba sa nakikita mo?!" sigaw niya sa babae. "I'm sorry... I'm sorry..." Humagulgol na hingi nito ng tawad kay Blessa. Gusto nitong hawakan si Blessa ngunit agad ring ibababa ang mga kamay dahil hindi niya alam kung paano itong hahawakan. Napangiti ng matunog si Blessa. "Iyan lang ba ang kaya mong sabihin? Sorry? Kahit isang libong beses na lumabas sa bibig mo ang sorry mo, wala na..." nanghihinang ani Blessa. "Paano mo nasisikmurang ibenta at pagkakitaan ang mga kapwa mo babae? Paano mo naaatim na makitang nahihirapan kami?!" "Hindi ko alam na aabot sa ganito, Blessa. Ang alam ko lang tulad ni Sarah, makakaalis ka rin sa Casa kapag may bumili na sa 'yo para maging asawa. Hindi ko ginusto 'to, maniwala ka." "Sinungaling ka... Wala kang puso 'yon ang totoo! Marami pa akong pangarap! Gusto ko pang... gusto ko pang makita at makasama ang pamilya ko..." umiiyak na sabi pa niya. "Pero paano pa? Paano pa manyayari 'yon kung mamaya lang baka hindi na ulit ako sisikatan ng araw..." "Twenty three years ago tulad mo, bilanggo rin kami sa Casa Aliwan," kwento ni Vicky. Nanghihinang naupo ito sa gilid lang ni Blessa. "Nagkaroon rin ako ng kaibigan. Matalik na kaibigan. Dinala siya ng mama niya sa casa para ibenta. Ako naman pambayad utang. Sugarol ang mama ko, samantalang ampon naman s'ya at ng mamatay ang kinilalang tatay ay minaltrato at ibenenta siya sa casa ng kinilalang ina." "Wala namang kwenta 'yang sinasabi mo! Umalis ka na lang! Hayaan mo na lang akong mamatay!" "Makinig ka muna!" sigaw ni Vicky dito."Parehong-pareho kayo ni Vherna. Kahit hindi mahal ng nanay-nanayan pilit nag-iipon para sa kinabukasan niya at ng babaeng nasusuklam sa kanya. Hindi siya sumusunod sa kahit kanino. Nagrerebelde siya at nakipagsabwatan pa sa mga pulis-" "Pwes! Ako na ang nagsasabi sa 'yo! Hindi kami magkatulad ng kaibigan mo!" putol ni Blessa sa mga sasabihin ni Vicky. "Mahal ako ng nanay ko! Mahal ako ng mga tao sa paligid ko! At kahit kailan hindi ako nakipagsabwatan kahit kanino!" "Makinig ka muna-" "At ano'ng gusto mong palabasin ha?! Na nakikipagsabwatan ako kay Lucas? Ni hindi ko nga alam na secret agent ang lalaking 'yon! Kaya umalis ka na sa harapan ko! Ikaw ang may kasalanan nitong lahat! Ikaw!" "Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin." "Umalis ka na!" Pagtataboy ni Blessa sa babae. "Wala akong alam! Wala akong alam!" Halos lumabas na ang litid ni Blessa sa pagsigaw. "Kasalanan mo lahat ng 'to! Sana mamatay ka na! Mamatay ka na! Alis! Alis! Umalis ka na!" patuloy na sigaw ni Blessa habang umiiyak. Walang nagawa si Vicky kundi ang umatras at unti-unting lumayo kay Blessa habang hilam sa kanyang sariling luha. "Turn that off!" sigaw ni Archangel na mariin ang duro sa monitor. "Ano'ng gagawin natin ngayon, boss? Mukhang wala namang alam 'yong Blessa?" tanong ni Tommy. "Wala naman palang silbi 'di dispatsahin na!" gigil na saad nito. "Paano si Vicky?" "Kapag humarang isunod n'yo na! Isa pa 'yan! Wala na ring silbi!" Tumango lang si Tommy at saka nagtungo ulit sa basement para kunin si Blessa at sundin ang utos ng big boss. "Sige kunin na 'yan!" utos ni Tommy nang makapasok sa loob. "Saan n'yo dadalhin si Blesaa, Tommy?" "Saan ba dapat dinadala ang mga tulad n'ya? Para ka namang inosente! Alam mo kung saan s'ya pupunta." nakangising saad ng isang kasamahan ni Tommy. "Hinatid mo rin sa huling hantungan si Vherna noon hindi ba?" "Teka lang!" Hila nito sa kamay ni Blessa ng mapakawalan mula sa pagkakatali. At gusto mang lumaban ni Blessa ay hindi niya magawa. Nanghihina na siya at duguan pa ang ibang parte ng katawan dahil sa pagkakalatigo. Gusto niyang takbuhin ang kakarampot na distansya ng pintuan para makatakas na. Ngunit pati ang mga binti niya ay hindi na niya maigalaw pa. Kung hindi lang siya nakasandal kay Vicky, malamang humandusay na siya sa sahig. "Tigilan mo na ang pakikialam, Vicky. Para namang hindi ka pa nakakapatay ng tao!" ani Tommy pa. "Maawa ka sa bata! Ako na lang ang bahala sa kanya!" pagsusumamo ni Vicky dito. "Baka gusto mong sumama na rin sa hukay kasama nitong alaga mo?!" banta ni Tommy dahil sa pagkairita. Nag unahan muli sa pag agos ang mga luha ni Blessa. Magkahalong takot at galit ang nararamdaman niya. Hanggang dito na lang ba talaga siya? Wala na bang pag-asang mabuhay pa siya ng matagal? Mas lalo pa siyang nawalan ng pag-asa ng unti-unting bitawan ni Vicky ang mga braso niya. "Ano? Takot kang mamatay 'no?" kantiyaw ng isang tauhan kay Vicky. "Tigilan mo na anv pakikialam mo kung gusto mo pang humaba ang buhay mo!" "Tama na 'yan! tara na!" saway ni Tommy sa mga ito at nauna nang lumakad palabas. "Diyos ko! Kung hanggang dito na lang po talaga ako... ikaw na po ang bahala sa pamilya ko. Mahal na mahal ko po sila..." piping dasal ni Blessa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD