CHAPTER 6

1724 Words
Malaki ang ngiti ni Blessa nang makita ang ipinasang picture ni Abby sa kanya. Nakasuot ito ng toga at hawak ang kanyang diploma. Sulit talaga ang sakripisyo niya ng halos ilang taon. Ganito man ang sinapit niya ay may maganda namang kinahitnan iyon. Masayang masaya siya para sa kanyang kapatid. Kapag nagkaroon ng pagkakataon ay tatakas siya sa Casa Aliwan. Nakausap na niya ang bestfriend na si Pamela at handa na rin ang kanyang mga plano. Dahil nag iisa sa kwarto ay nakapag palusot siya ng di-keypad na cellphone. Doon niya kino-contact ang kaibigang si Pamela. Nagpapadala ng pera si Blessa sa kaibigan para sa pagtakas niya at pagbabagong buhay. Iniipon niya iyon dahil magpapaka layu-layo na siya kasama ang kanyang buong pamilya. Malayung-malayo na hindi na siya masusundan pa ng kahit sinong sindikato. Iyon rin naman ang suhestyon ni Lucas sa kanya. At handa itong tulungan siya para makapag bagong buhay at makapag simulang muli. Malaki ang pasasalamat ni Blessa sa lalaki dahil simula ng dumating ito sa buhay niya ay gumaan ang dinadala niya. May nasasabihan siya ng kanyang mga problema. Lahat ng tungkol sa buhay niya ay naikwento na yata niya kay Lucas. Maliban lang sa kanyang sitwasyon ngayon. Ayaw niyang may madamay na ibang tao lalong lalo na si Lucas. Kahit pa nga sinabi ng binata na handa siyang tumulong ano mang oras at kahit kailan naisin ni Blessa. Naroon pa rin ang takot sa dalaga na madamay ang mga taong wala namang alam tungkol sa mga malalaking taong nasa likod niya na handang kumitil ng buhay oras na mabunyag ang kanilang mga sikreto. Pero sadya yatang hindi umaayon ang tadhana kay Blessa. Dahil hindi niya inaasahan ang mga sumunod na pangyayari. "Lucas?" kunut noong ani Blessa nang makita ang cellphone sa ilalim ng kanyang unan. Maraming misscalls ang lalaki na hindi niya narinig dahil naka-silent iyon. "Ano kayang kailangan nito? Marami ring text." Bubuksan na sana niya ang inbox nang biglang bumukas ang pintuan nang balyahin iyon ng kung sino galing sa labas. "Ano bang problema n'yo?!" galit na sita ni Blessa kay Tommy at sa dalawanng lalaking bigla na lang pumasok sa kanyang kwarto. Hindi na tuloy niya namalayan kung saan niya naitapon ang cellphone na hawak dahil sa gulat sa nangyari kanina. "Ano bang kailangan n'yo?" tanong pa niya ulit. "Sige na! Kunin n'yo na!" utos ni Tommy sa dalawang kasama. "Sandali!" Pigil ni Blessa sa dalawang lalaking palapit sa kanya. "Ano bang nangyayari?" naguguluhan pa niyang tanong "Hindi namin obligasyong magpaliwanag sa 'yo! Sige na! Bitbitin n'yo na!" utos muli ni Tommy sa mga ito. "Teka lang! Ako na muna ang kakausap sa kanya!" Humahangos na pigil ni Vicky nang makapasok ito sa loob. "Hindi! Utos ni boss dalhin s'ya agad!" "Gusto ko lang s'yang kausapin, Tommy, sige na. Parang wala naman tayong pinagsamahan, eh!" ani Vicky pa. Napabuntong hininga si Tommy at sinenyasan ang dalawang kasama na lumabas. "Sandali lang kayo, ha. Ako ang malalagot kay boss kapag nakatakas 'yan!" sabi nito at sinulyapan pa si Blessa bago lumabas. "Ano'ng ginagawa mo rito?" malamig na tanong ni Blessa ng balingan niya si Vicky. "Blessa, hindi ito ang oras ng panunumbat mo! Si Lucas! Ano'ng ugnayan n'yong dalawa?" Napahinto si Blessa nang marinig ang pangalan ni Lucas. "Ano namang kinalaman ni Lucas dito?" "Boyfriend mo ba s'ya?" "Boyfriend?" natatawa at hindi makapaniwalang sambit pa ni Blessa. "Kaibigan ko lang 'yong tao. At kung dahil ito sa palagi niyang-" "Hindi dahil doon! May mas malalim pang rason, Blessa! Kilala mo ba kung sino si Lucas?" "Simpleng tao lang si Lucas, Vicky! At kaibigan ko lang s'ya!" Natawa ng mapait si Vicky. "May simpleng tao bang maglulustay ng libu-libo gabi-gabi para sa taong gaya natin? Blessa, secret agent si Lucas at pipigain ka nila hanggang magsalita ka sa mga nalalaman mo tungkol sa kanya!" "Secret agent?" natitigilang ani Blessa. "Oo! At dahil ikaw ang laging kasama ni Lucas dito sa casa, ikaw ang susi para malaman ang mga plano nila!" "Hindi ko alam ang mga sinasabi mo- A-anong plano?" Napalingon silang pareho ni Vicky sa pinto ng muling pumasok si Tommy kasunod ang dalawang kasama nito. Doon inatake ng kaba si Blessa. Dahil sa takot at kabang unti-unting kumakain sa pagkatao niya ay hindi na siya makapag isip ng tama. "Sige na kunin n'yo na!" utos nito sa dalawang kasama. "Tommy, ibalato mo na lang si Blessa sa akin," ani Vicky sa lalaki. Napahinga pa ito ng malalim. "Ako na ang bahala sa kanya. Please." pakiusap pa niyang itinago si Blessa sa kanyang likod. "Gusto man kitang pagbigyan, hindi p'wede. Trabaho 'to, Vicky. At sa ganitong trabaho. Hindi p'wede ang awa," seryosong sabi ni Tommy at malamig na tumitig sa kanya. "Ilabas n'yo na 'yan!" "T-teka lang!" nauutal na awat ni Blessa sa mga ito. "Bitawan n'yo ako! Sandali lang!" Pero hindi nila pinansin si Blessa at kinaladkad na lang siya basta palabas ng kanyang kwarto. "Tommy!" tawag ni Vicky sa nagmamakaawang boses. Humahabol pa rin ito sa kanila. "Kung pagbibigyan kita, para ko na ring pinatay sa sarili kong mga kamay ang pamilya ko!" galit na sigaw ni Tommy kay Vicky nang huminto ito sa pagharang ng babae. "Alam mo ang kapalit ng hinihingi mo! At hindi ko isasakripisyo ang buhay ko at buhay ng pamilya ko. Para sa taong hindi ko kaanu-ano!" Halos madapa na si Blessa sa paghila sa kanya ng dalawang lalaki. Hindi na niya halos maihakbang ng tama ang kanyang mga paa dahil sa nararamdamang takot. Ano na ang mangyayari sa kanya? Saan siya dadalhin ng mga ito? At si Lucas? Totoo ba ang sinabi ni Vicky na secret agent ito? Nagising ang diwa ni Blessa nang pabagsak na isara ng isang lalaki ang pintuan ng kotse sa tabi niya. Nakita niyang sumakay sa sariling kotse si Vicky at nang umandar ang sinasakyan nila ay sumunod rin ito. Pakaladkad pa rin siyang hila ng dalawang lalaki habang nakasunod kay Tommy. Bumukas ang elevator at bago sumara 'yon ay nakapasok agad si Vicky. Bakas ang takot sa mukha ni Vicky. Panay lang ang tingin nito kay Blessa. "Bakit mukhang takot na takot ka pa sa akin?" May panunuya sa tono ni Blessa. "Alam mo, kapag namatay ako ngayon mismo. Ikaw ang unang sisisihin ko!" Napalunok si Vicky at napayuko na lang. Ni hindi makuhang magsalita. "Ikaw ang naglagay sa akin sa ganitong buhay. At kung nakokonsensya ka man ngayon. Dapat lang! Dahil kasalanan mo ang lahat ng ito!" sumbat pa ni Blessa sa kanya. Gusto mang pigilan ni Blessa ang pagtulo ng kanyang mga luha ay hindi na niya nagawa. Dala ng takot para sa sarili at mga mangyayari pa. Nayakap na lang ni Blessa ang sarili ng muling makapasok sa kwartong iyon. Matagal na rin ng una siyang makaapak dito. Dapat wala na sa kanya ang pangyayaring iyon, dahil kung sinu-sino na rin ang nakasama niya sa kama. Kung sinu-sino na rin ang nagpapasasa sa katawan niya. Pero ngayong narito ulit siya sa apat na sulok ng kwartong ito. Hindi niya maiwasang lumuha. Dahil dito sa kwartong ito unang nasira ang pagkatao niya. Dito sa kwartong ito nawala lahat ng pag asa at pangarap niya sa buhay. "Blessa," marahang tawag ni Vicky sa kanya. "Sabi mo... babalikan mo 'ko. Hindi mo alam kung gaano ako nagtiwala sa 'yo." Naglakad si Blessa patungo sa salaming dingding at tinanaw ang mga naglalakihan at nagtataasang building ng Maynila. "Pinutol mo lahat ng pangarap ko. Kinuha mo ang kaligayahan ko!" Nanginginig ang boses na saad ni Blessa. "Ninakaw mo ang pagkakataon kong maging masaya at malaya!" "Sorry..." "Sorry?" Napangiti ng mapait si Blessa. "Saan ako dadalhin ng sorry mo? Saan ako dadalhin ng pagsisisi mo kung bukas patay na ako!" "Sabihin mo lang ang lahat ng nalalaman mo sa kanila. Hindi ka nila papatayin!" "Wala akong alam! Hindi ko alam ang sinasabi mo!" "Really?" Sabay silang napalingon ni Vicky sa bumukas na pinto. Archangel Labrador! Pang anghel ang pangalan ngunit kapatid ni satanas ang ugali! Pumasok ito sa loob na hindi inaalis ang tingin kay Blessa. "Sabihin mo sa akin lahat ng nalalaman mo tungkol sa hayop na agent na 'yon!" "Wala akong alam! 'Yon ang totoo!" "Sinungaling!" Halos mabali ang leeg ni Blessa sa lakas ng pagkakasampal ni Archangel sa kanya. "Lucas Marcopolo! A very famous and great agent at this time!" Ibinagsak ni Archangel sa sahig ang litrato ni Lucas. "Ano pa ang sinabi mo sa kanya bukod sa nasa kamay ka ng sindikato, ha!" nanlilisik ang mga matang tanong nito "Wala akong sinabi!" mariing tanggi ni Blessa sa paratang nito. Totoo namang wala siyang sinabing ano man kay Lucas. Sa ilang taon nilang pagkakaibigan, wala siyang ikinukwento sa lalaki kundi ang kagustuhan niyang makaalis sa Casa Aliwan. "Umamin ka na hangga't hindi pa nauubos ang pasensya ko!" "Iyon ang totoo! Ngayon ko lang rin nalamang agent s'ya- ah!" "Boss!" nahintakutang sigaw ni Vicky dahil sa biglaan nitong pagsakal kay Blessa. "Ayaw ko sa lahat ay ang mga taong sinungaling!" nanggigigil na sabi nito habang nagtatagis ang mga ngipin na sinasakal si Blessa. "Alam mo ba kung ano ang ginawa ng Marcopolo'ng 'yon sa ibang negosyo ko, ha?! At dahil sa mga kagaya mong ahas 'yon!" "Tama na, boss!" Nanginginig na awat ni Vicky at pilit kinukuha si Blessa sa kamay nito "Tonta! Isa ka pa!" galit na sigaw nito kay Vicky matapos pabalibag na bitawan si Blessa sa sahig. Umubo nang umubo si Blessa para lumuwag ang kanyang paghinga. Halos magdilim na ang kanyang paningin dahil sa pagkakasakal ni Archangel sa kanya. "Ako na po ang kakausap muna sa-" "No! We're running out of time!" gigil na saad nito. "Now! Tell me! You woman! Alin sa mga negosyo ko ang iri-raid ngayong gabi?!" sigaw nito sa mukha ni Blessa habang hawak ang buhok ni Blessa. Nag unahan sa pagtulo ang mga luha ni Blessa. Pakiramdam niya ay maghihiwalay na ang anit at buhok niya sa tindi ng pagkakasabunot nito. "W-wala akong alam!" nanginginig at umiiyak na sagot ni Blessa. "Ayaw mong magsalita, ha! Gusto mo pa talagang nahihirapan ka!" Tumayo si Archangel sa pagkaka-squat at nanlilisik ang mga matang tumingin kay Blessa. "Tommy!" "Boss?" "Ikulong sa basement 'yan! Pahirapan hanggang sa kusang umamin!" At sa isang senyas lang nito ay binitbit agad si Blessa ng dalawang lalaki. "Blessa," luhaang tawag ni Vicky sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD