CHQPTER 12

1321 Words
Simula ng gabing iyon ay hindi ni minsang kinumusta ni Blessa kay Rommel ang mama niya at si Abby. Masama talaga ang loob niya sa mga ito. Nag-focus na lang si Blessa sa pag-aaral at sa pagtatrabaho para buhayin ang sarili at tulungan rin si Rommel sa pag aaral. "Ate!' Napalingon si Blessa sa isang gilid ng marinig ang boses ni Rommel. Naka-uniporme pa ito na agad niyang nilapitan. "Mauna na ako, Blessa. Ingat kayo pauwi," ani Kira na kumaway kay Blessa at sumakay sa kotseng kakaparada lang sa harap nila. "May problema ba?" nag aalalang tanong niya sa kapatid. "May nangyari kasi sa bahay," balita nito. "Mabuti pa sa apartment na tayo mag-usap. Kumain ka na ba? Hindi ka pa yata umuuwi, ah!" sunud-sunod na tanong ni Blessa saka pumara ng taxi. Agad naghanda ng pagkain si Blessa pagdating sa apartment. "Ano'ng nangyari?" tanong niya habang nasa hapag sila. "Nahuli si Fredo kanina sa bahay, kasama si mama. Pati si Abby at Anthony," kwento ni Rommel. Napabuntong hininga pa ito. "Pumunta ako sa police station kanina. Iyak nang iyak si mama at si Abby, Ate Blessa." mangiyak-ngiyak na sabi pa nito. "Ano'ng gagawin natin ngayon?" Nahilot pa ni Blessa ang kanyang sentido. "Gusto mo silang tulungan?" tanong pa nito kay Rommel. "Ate, alam kong masama ang loob mo kina mama. Pero pamilya pa rin natin sila. Kahit para na lang kay Bella. Hawak s'ya ng DSWD ngayon. Ayaw rin s'yang kunin ng pamilya ni Anthony," pahayag ni Rommel. "Ate, please! Kunin natin si Bella. Walang kasalanan 'yong bata." Tama si Rommel, walang kasalanan ang bata. Kung ano mang pagkakamali ang ginawa ni Abby sa kanya. Labas ang bata doon, at pamangkin pa rin niya iyon. Walang gig si Blessa kinabukasan. Mabuti na lang rin at araw ng sabado, kaya sabay silang pumunta ni Rommel ng Antipolo. Sa presinto sila unang pumunta kung saan nakakulong ang ina at kapatid. Habag ang namayani sa puso ni Blessa ng makita ang inang si Grace at si Abby doon. Sobrang siksikan ang mga preso sa loob. "Sabi ko sa inyo eh! Darating ang rescue namin!" may pagmamalaking ani Grace nang makita si Blessa at Rommel. Naupo sina Blessa sa visitors table. Agad ring naupo ang excited na si Grace. Malaki pa ang ngiti niya sa mga anak. Malalim at nangingitim ang mga mata, humpak ang pisngi, maitim na mga labi at tuyot na balat. Kapag huminga ito ay akala mo may malalang hika dahil sa lalim ng pagkakahinga. Gusto na namang maiyak ni Blessa sa nakikitang itsura ng ina. Tinawag rin si Abby para lumabas pero hindi ito sumunod at nanatili sa isang sulok ng kulungan. "Anak, mabuti naman at pinuntahan mo kami," anitong hinawakan pa ang mga kamay ni Blessa. "Tulungan mo kami ng kapatid mo. Ayaw naming makulong ni Abby," naiiyak na pagsusumamo ni Grace kay Blessa. "Ilabas mo na kami ngayon na!" "Ma, malakas po ang ebidensya laban sa inyo," sagot ni Rommel. "Non vailable daw. Iyon ang sabi ng pulis na nakausap ko kahapon pa." "Tama si Rommel. At pumunta lang ako rito para kausapin si sana Abby tungkol kay Bella," walang ganang ani Blessa. "Hindi mo kami tutulungang makalabas?" galit na tanong ni Grace. Tinapik pa nito palayo ang kamay ni Blessa na kanina lang ay hawak niya. "Ma-" "Bakit pa kayo pumunta dito kung wala rin lang silbi?!" sigaw nito at tinitigan ng masama ang dalawa. "Umalis na lang-" "Boss! Boss! Tulong po dito sa loob! May nasaksak!" sigaw ng ilang preso sa loob ng selda. Dahil sa kaguluhan ay pinalabas ang lahat ng dalaw. May narinig ring sigaw na nagpapatawag ng ambulansya na agad namang pumarada sa harapan ng presinto. Halos mawala sa ulirat si Blessa nang ilabas si Abby mula sa loob, kasunod si Grace na pumapalahaw na ng iyak. Nang maisakay si Abby sa loob ng ambulansya ay agad sumama sina Blessa at Rommel. Sumisigaw naman si Grace na naiwan dahil hindi siya pwedeng sumama sa hospital. "Abby," tawag ni Blessa sa kapatid. Hinawakan nito ang isang kamay ni Abby at pinisil. "Abby," ani Blessa pa habang haplos ang pawisang noo ng kapatid. Nagmulat ito ng mga mata, at sumilay ang ngiti sa mga labi nito nang magtama ang mga mata nila ni Blessa. "Ate..." "Nandito si ate, ha. 'Wag kang pipikit! 'Wag kang pipikit! Malapit na tayo sa hospital!" umiiyak na sabi ni Blessa habang hawak ng mahigpit ang kamay ni Abby. "Si Arabella... Ihahabilin ko...sa 'yo...ala...gaan mo s'ya, ha..." Agad pinunasan ni Blessa ang luhang pumatak sa mga mata ng kapatid. "Ikaw ang mag aalaga kay Bella. 'Wag kang magsalita ng ganyan!" saway ni Blessa dito, wala ng humpay ang pag agos ng kanyang mga luha. "Lumaban ka." "Patawarin mo 'ko, ate... S-sorry..." "Ayos na! Ayos na 'yon, ha. Basta 'wag ka lang bibitaw. 'Wag mo kaming iiwanan," humihikbing ani Blessa pa habang haplos ang buhok ni Abby. "Kailangan ka pa ng anak mo." "Mahal kita... mahal na mahal, ate," Agad pinahid ni Blessa ang mga luhang tumulo sa mg mata ni Abby. Niyakap pa ni Abby si Blessa. "Ma... hal ko kayo..." Matapos no'n ay unti-unti nang lumuwag ang pagkakayakap ni Abby kay Blessa. "Abby..." Napahagulgol na lamang si Blessa nang umiling ang nurse na nag-check sa pulso nito. Mahigpit naman siyang niyakap ni Rommel na umiiyak din. "Makakapag pahinga na si Abby," ani Rommel habang hagod ang likod ng kanyang Ate Blessa. Tatlong araw ang naging burol ni Abby. Wala naman silang hinihintay pang kamag-anak kaya hindi na nila pinatagal ang burol nito. Nakatayo sina Blessa at Rommel sa puntod ni Abby na natatabunan pa lang ng lupa. Buhat ni Blessa ang anak ni Abby na payapang natutulog sa kanyang balikat. "Ano na ang plano mo ngayon?" "Hindi ko alam. Siguro ako na ang magiging fully guardian ni Bella simula ngayon. Na-check na ng DSWD ang bahay ko. May stable akong trabaho kaya pwede kong kupkupin si Bella. Pambawi ko na rin kay Abby," tugon nitong haplos ang buhok ng pamangkin. "Mabait si Abby alam mo 'yan. Talagang naimpluwensyahan lang sila ng masamang bisyo." "Alam ko naman 'yon. Kahit si mama, sobrang layo na n'ya sa nanay na iniwan ko kasama n'yo." "Sana lang, ngayong nakakulong s'ya. At ngayong namatayan s'ya ng mahal sa buhay. Maisip n'yang magbago." "Nasa kanya na 'yon. Matanda na si mama, alam na n'ya ang tama at mali. Kaya n'yang magbago kung gugustuhin n'ya," ani Blessa. At ngayong siya na ang bagong guardian ni Bella. Gagawin niya ang lahat para lumaking mabuting bata ito. Gagawin niya lahat para magabayan ito at mapalaki ng tama. Bumalik na rin siya ng Maynila dahil tinawagan na siya ng manager nila ni Kira at may malaking gig na kailangan niyang puntahan. "Nanay Lotty. Tao po!" tawag ni Blessa sa tapat ng pintuan ng inuupahan ni Lotty. "Ay! Blessa! Naku, pasok ka muna. Ano bang atin?" tanong nito sa dalaga at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. "May gig po kasi ako ngayong gabi. Pwede po bang ihabilin ko muna si Bella dito?" pakiusap ni Blessa. "Naku! Walang problema! Ayos lang. S'ya nga pala, pumunta si Attorney Pantallion dito. Sabi n'ya gusto ka raw niyang kausapin ng personal. Tawagan mo raw s'ya." Sabay abot nito ng isang calling card. "Attorney Pantallion?" naguguluhang ani Blessa ng pasadahan ng tingin ang card na galing kay Lotty. "Sino po s'ya?" "Attorney daw ni Miss Vicky. Hindi na ako nang usisa. Mabuti pa tawagan mo na lang o kaya sadyain mo sa opisina n'ya," suhestyon pa ni Lotty. May legal attorney pala si Vicky? Ngayon, mas mapapadali na ang paghahanap ni Blessa sa ibang mga kamag anak nito. Mabibigyan na rin ito ng maayos na libing kung sakali. At maluwag niyang ipauubaya ang apartment na ito na halos magdadalawang taon na rin niyang tinirahan. Sana lang ay mabubuting tao ang mga kamag anak na mahanap niya. At nang sa ganoon ay maalagan ang ipinundar ni Vicky.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD