CHAPTER 13

1480 Words
Kapag may pasok sa eskwela o may gig si Blessa ay kay Lotty muna niya iniiwan ang pamangkin. Kapag may bakanteng oras rin si Rommel ay ito naman ang nag aalaga kay Bella. Pilit nilang pinagtutulungang alagaan si Bella dahil ito na lang ang nag iisang alaala ni Abby sa kanila. Isang taon na lang at ga-graduate na ang kapatid niya. Kasunod na noon ay ang pagkuha nito ng exam upang maging isang ganap na engineer. Ibinalita rin ni Rommel sa kanyang Ate Blessa na nagkakausap na sila ni Jean at minsan na ring dumalaw sa bahay ng pamilya ni Jean para makita ang anak nila. Masaya si Blessa para sa bunsong kapatid. Nakikita kasi niya ang pagpupursige nito. "Gusto kong ipakita sa pamilya ni Jean na kaya ko silang buhayin. Kapag naka-graduate at nakapag trabaho na ako ng maayos kukunin ko sila." Iyon ang pangako ni Rommel sa kanyang Ate Blessa. Alam rin naman ni Blessa malayo ang mararating nito balang araw. "Good morning. How may I help you?" "Hello, good morning po. Can I speak to Attorney Pantallion, please?" "May I know who's in the line, please?" "Ako po si Blessa De Asis," ani Blessa sa babaeng kausap sa kabilang linya. "May appoinment po ba kayo kay attorney, ma'am?" "Wala po. Pero inaasahan n'ya po ang tawag ko." "Okay. I'll inform Attorney Pantallion first. Just wait for a second." Saglit pang naghintay si Bleesa at napatuwid pa siya sa kanyang pagkakaupo nang magsalita ang babae sa kabilang linya. "Iko-connect na lang po kita sa line ni attorney, ma'am. Wait lang po." "Thank you." Nawala muli sa linya ang babae at ilang saglit muling naghinintay ni Blessa. Hindi niya ma-explain pero kinakabahan siya. Hanggang sa may magsalita na sa kabilang linya. "This is Attorney Pantallion, speaking." "Magandang umaga po, Attorney Pantallion. Ako po si Blessa De Asis. Gusto n'yo raw po akong makausap?" "Oh! Yeah. This is all about Vicky Vera. At ang mga naiwan niyang properties. Kailan ka ba free?" "Properties? Hindi lang ang apartment na ito ang pag aari niya?" gulat na tanong ni Blessa sa abogado. "Pwede naman po ako ngayong araw. Pupunta po ako sa opisina n'yo," tugon ni Blessa. "Okay. I'll wait you here." Ibinaba na ni Blessa ang linya at mabilis na nag ayos para puntahan ang opisina ng abogado. "Hello, Baby Bella. Dito ka na ulit kay Lola Lotty," magiliw na sabi ni Lotty matapos kunin mula kay Blessa ang bata. "Mam..ma..." Humihikbing habol ni Bella sa kamay ni Blessa. "Naku! Shhh... Saglit lang si mama mo. Babalik s'ya agad," ani Lotty habang hinihele sa mga braso ang papaiyak na si Bella. Nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Blessa ng maalala ang kapatid, kung sana nga ay pwedeng bumalik ang mama ni Bella. "Aalis na po ako, 'nay. Kayo na po muna ang bahala kay Bella, ha." Habilin pa nito at hinalikan sa ulo ang pamangkin. "Walang problema, Blessa. 'Wag kang mag alala." Malaki ang pasasalamat ni Blessa at may napagkakatiwalaan siya pagdating kay Bella. Mabait rin naman si Lotty at magiliw sa bata. "Good morning po. Ako po 'yong tumawag kanina. Blessa De Asis po." Pakilala ni Blessa nang makapasok sa loob ng building at ituro dito ng receptionist sa isang opisina. "Ah, opo! Pasok lang po kayo, ma'am. Nasa loob po si Attorney Pantallion," magalang na tugon ng sekretarya nito. Agad nag angat ng ulo ang may edad ng abogado nang buksan ni Blessa ang pintuan. Ngumiti ito sa kanya kaya ganoon rin ang sukli niya. "Have a seat, iha." Alok ng abogado. "Ria, paki dalhan kami ng kape, please," anito sa entercom na nasa kanyang gilid at nakangiting bumaling muli kay Blessa. "Attorney, ano po bang pag uusapan natin?" "Pumunta ako sa apartment ni Vicky noong nakaraan. Nakausap ko si Lotty na matagal ng umuupa doon. Nasabi nga niya sa akin na ikaw ang anak ng kaibigan ni Vicky," "O-opo," ani Blessa sa abogado. "Vicky is my very long client. She's one of my friend too. I know her for a long time. Until I saw her on local television, dead..." malungkot na ani Attorney Pantallion. "May mga naiwan kasing ari-arian si Vicky. And since wala naman siyang pamilya. Ikaw ang kakausapin ko tungkol dito." "Hindi ko naman po kamag-anak si Vicky." Ngumiti ng bahagya ang abogado. "I know. She told me about you. At sabi n'ya nakikita n'ya si Vherna sa 'yo." Ngumiti ulit ito. "Medyo may hawig nga kayong dalawa, eh. I've seen Vherna on a picture once." "Vherna?" usal ni Blessa. "Merong last will na naiwan si Vicky. At hinahabilin niya sa anak ni Vherna Bautista ang lahat ng ari-arian niya. Vherna is dead, hindi ko rin naman kilala ang anak na sinasabi nito sa last will niya." "Paano po ako makakatulong kung pareho nating hindi kilala ang anak ni Vherna Bautista?" naguguluhang tanong ni Blessa. "For the mean time. Ikaw muna ang paghahabilinan ko ng mga properties ni Vicky habang hindi pa natin nahahanap ang tagapagmana niya. Bukod sa apartment na tinitirahan mo ngayon. May resort pa si Vicky sa Batangas. May mga nabili rin siyang lupa na nasa Batangas rin. Kapag naging maluwag ang schedule mo ipapasyal kita doon," ani pa ng matandang abogado. "Wala po bang palatandaan kung paano at saan natin makikita ang anak na tinutukoy ni Vicky, attorney?" "Ang alam ko inaanak ni Vicky ang batang iyon. Hindi naman lingid sa akin ang naging buhay ni Vicky sa Casa Aliwan. Doon yata nanganak si Vherna sa loob at ibinigay ang bata sa isang kaibigan rin. Hanggang doon lang ang alam ko." Hanggang sa pag uwi ay iniisip ni Blessa ang napag usapan nila ni Attorney Pantallion. Paano at saan niya hahanapin ang taga pagmana ni Vicky? Tulog na tulog na si Bella sa crib nito ngunit hindi dalawin ng antok si Blessa. Kaya naisip niyang pumunta sa kwarto ni Vicky. Sa halos dalawang taon niya rito ay ngayon lang siya naglakas loob na pasukin ang kwarto nito. Una niyang binuksan ang mga cabinet, agad rin niyang isinara iyon dahil mga damit lang naman ang laman. Isa-isa rin niyang binuksan ang iba pang drawer at natagpuan niya ang mga dukomentong sana'y makatulong sa kanya. Inisa-isa ni Blessa ang mga papel na naroon. Mga xerox copy ng birthcertificate, titulo ng lupa at mga resibo ng kung anu-ano. May isa pang envelope roon at iyon naman ang binuklat niya. "Vherna Bautista," basa niya sa birthcertificate na hawak. "Kay Vherna 'to!" bulalas pa niya. Medyo luma na at halos burado na ang ibabang bahagi kaya hindi niya gaanong mabasa. Inilabas niya ang iba pang laman ng envelope at may isang birthcertificate pa siyang nakita. Inilatag niya ang mga iyon sa sahig. Kinuha niya ang parehong birthcertificate nila Vicky at Vherna. Saka binasa ang huling nakuha. "Blezilda Bautista? Kapangalan ko pa." Bahagya pang natawa si Blessa roon. Inilagay niya ang mga iyon sa isang malinis na envelope. At muling tumayo para halughugin pa ang ilang mga drawer at karton na naroon sa kwarto ni Vicky. Mabilis niyang hinila ang isang karton na nasa isang sulok nang makitang mga papel rin ang laman niyon. At umagaw sa atensyon niya ang ilang photo album. Mga picture iyon nina Vicky na halos kupas na ang iba dahil sa kalumaan na. Mga kuha iyon sa Casa Aliwan habang naka suot sila ng mga sexy-ng damit. Halos manlaki ang mga mata ni Blessa nang makita ang litrato ni Vicky na may kasamang babae. Tama si Attorney Pantallion kamukha niya ang Vherna Bautista na sinasabi nito. Sigurado siyang iyon si Vherna dahil hawig na hawig niya ang babaeng nasa litrato. Patuloy niyang binuklat ang iba pang mga litrato at ng maubos ay isinunod naman niya ang isa pang photo album. "Parang nakita ko na 'to, ah!" ani Blessa nang bumungad sa kanya ang isang picture ng batang babae. "Nakita ko na 'to!" Isang batang babae ang nakasuot ng kulay pink na dress. May sombrerong pink rin at sapatos na kakulay ng damit at sombrero. Pati ang bracelet na suot ng baby ay pamilyar sa kanya. Puro picture ng batang babae ang laman ng photo album. Iyon marahil ang anak ni Vherna Bautista dahil wala namang anak si Vicky. May kuha pa sa simbahan ang mga ito. Hawak ni Vherna ang sanggol katabi si Vicky. "Ibinigay ni Vherna ang baby sa isang kaibigan. Sino'ng kaibigan 'yon?" tanong ni Blessa sa sarili dahil sa lahat ng picture ay halos si Vicky at Vherna lang ang tanging magkasama. Iniligpit ni Blessa ang mga ikinalat niyang gamit at inilgay sa isang kahon ang mga kailangan niya. At sigurado si Blessa na nakita na niya ang batang nasa picture. Hindi lang niya alam kung saan. Basta alam niyang nakita na niya iyon noon. Ngayong may ilang dokumento na siyang hawak. Kahit paano ay alam na niya kung saan magsisimulang maghanap sa taga pagmana ni Vicky Vera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD