CHAPTER 5

1677 Words
"Blessa!" Napadilat agad si Blessa ng kanyang mga mata nang marinig ang boses ni Julie. Nakaupo si Julie sa dulo ng kanyang kama. Ngumiti ito at lumapit kay Blessa. Inihilig ni Julie ang ulo sa balikat ng kaibigan. "May problema ka ba? Anong oras ka umuwi?" sunud-sunod na tanong niya rito. Nag angat ito ng ulo at bahagyang ngumiti sa kanya. "Mag iingat ka lagi, ha. Mahal na mahal kita alam mo 'yan. Ikaw at si Sarah ay parang mga kapatid ko na," sabi pa nitong inilagay sa tainga ni Blessa ang takas na buhok at hinaplos pa ang kanyang pisngi. "Julie, anong problema?" Nag aalalang tanong niya pa ulit sa kaibigan. "Wala. Magpapahinga na kasi ako. Gusto ko lang magpaalam." Napabalikwas bigla ng bangon si Blessa. Napahawak pa siya sa kanyang dibdib dahil sa lakas ng kabog noon. Nakita niya si Sarah sa gilid ng kama niya at umiiyak. "Mabuti naman at gising ka na. Kanina pa kita niyuyogyog d'yan, eh!" sumisinghot singhot pang ani Sarah. "Bakit? May ginawa na naman ba sa 'yo ang naging costumer mo?" nag aalalang tanong ni Blessa dito. "Blessa, si Julie patay na. Patay na siya..." humagulgol na sabi ni Sarah. "Imposible! Kausap ko lang... s'ya..." Unti-unting humina ang boses ni Blessa. Napalingon pa sa kama ni Julie. Nag unahan sa pagtulo ang mga luha niya. Panaginip? Dinalaw siya ni Julie sa kanyang panaginip. Dinalaw siya nito para magpaalam. "Kalunus-lunos ang sinapit ng isang dalagang kasambahay sa kamay ng isang amerikanong sundalong boyfriend 'di umano nito. Matapos 'di umanong sapilitang gahasain ay parang hayop lang na itinapon ang katawan nito sa ilog." Iyon ang laman ng balita buong maghapon. At ang naturang amerikano ay wala na sa bansa. Nang gabing ilabas nito si Julie ay huling araw na pala ng mga ito dito sa Pilipinas. At dahil sindikato ang may hawak sa kanila ay mga tao na ng big boss nila ang humarap sa pamilya ni Julie. Nagpanggap na amo ng dalaga. "Isa 'yan sa mga kinatatakutan ko. Kaya ayaw kong magpalabas sa mga costumer hangga't maaari," ani Sarah, at pinatay na ang t.v. "Kawawa naman si Julie. Ganoon na lang ba ang sasapitin ng mga katulad natin? Dahil ganito tayo, may karapatan na silang tratuhin tayong hayop!" "Sarah, tama na. Hindi mangyayari sa atin ang nangyari kay Julie, okay," alo ni Blessa. "Marami pa akong pangarap, Blessa. Isa na do'n ang makaalis sa impyernong lugar na 'to!" ani Sarah na bakas sa boses ang takot. "Makakaalis rin tayo sa lugar na 'to, Sarah." "Kailan pa?" Natigil lang silang dalawa sa pag uusap nang bumukas ang pinto. At pumasok ang babaeng kinasusuklaman ni Blessa. Ang babaeng nagdala sa kanya sa maruming mundong ito. Ang babaeng halos ilang taon rin niyang hindi nakita. Si Vicky... "Ano'ng ginagawa mo dito?!" galit na tanong ni Blessa. "Masama bang dalawin ko ang mga alaga ko?" Taas kilay nitong tanong. "Nabalitaan ko kasi na nabawasan kayo ng isa?" nakangising sabi pa nito at humithit sa hawak na sigarilyo. Si Sarah, si Julie, si Blessa at ilan pa sa mga babaeng narito sa Casa Aliwan ay mga babaeng nabiktima ng matamis na dila ng babae ito. "Ikaw ang dahilan kung bakit namatay si Julie!" sumbat ni Blessa. "Wala kang puso! Gusto mo pa bang may sumunod? Sino? Sino pa sa amin? Si Sarah? Ako?!" luhaang sigaw ni Blessa sa babaeng kaharap. "Kapalaran na ni Julie 'yon! Hanggang doon lang ang kontrata ng buhay n'ya!" "Hindi ka Diyos!" sigaw ni Blessa sabay duro kay Vicky. "Hindi ka Diyos para magsabi kung hanggang kailan lang ang buhay ng tao!" "Patay na si Julie! Tanggapin n'yo na!" Nandidilat pang sabi ni Vicky. "Kasalanan mo! Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito! Mamamatay tao ka!" "Bakit? Ako ba ang pumatay sa kanya?" galit na sigaw ni Vicky kay Blessa. "Hindi naman 'di ba?!" "Hindi man sa sarili mong kamay namatay si Julie. Ikaw pa rin ang may kasalanan! Ikaw ang dahilan ng mga paghihirap namin!" ganting sigaw ni Blessa sa kanya. "Sana lang kayanin ng konsensya mo lahat ng kahayupan mo!" "Sorry, Blessa. Pero kahit ano pa ang sabihin mo! Ninyo!" Duro pa nito maging kay Sarah. "Ito na ang buhay ko. Dito ako nagkakapera. At tama ka! Wala akong puso! Kaya hinding-hindi ako maaawa sa inyo!" Matapos hithitin ang huling baga ng sigarilyo ay itinapon niya ito sa sahig at pinatay gamit ang takong ng sapatos na suot. Tuloy pa rin ang buhay para kay Blessa, at dahil ayaw matulad sa sinapit ng kaibigan ay iniiwasan niya ang mailabas ng kahit sinong costumer. Malaki ang pasasalamat niya kay Lucas dahil sa gabi-gabi nitong pagpunta sa Casa Aliwan. May kasama man ito o wala. Lagi nitong binabayaran ang bawat gabi ni Blessa. "Bakit malungkot ka yata?" nag aalalang tanong ni Lucas sa kanya isang gabi. "Wala na ang kaibigan ko, Lucas," naluluhang tugon niya sa binata. "Patay na si Julie." Natulala si Lucas sandali dahil sa narinig mula sa dalaga. Nang makabawi ay naikuyom na lamang nito ang mga kamao na nasa ilalim ng lamesa. "Sorry to hear that." Napanuod ni Lucas sa telebisyon ang tungkol kay Julie. Nakilala niya ito agad ng ipakita sa telebisyon ang mukha dahil nakikita rin niya ito dito sa casa. Sigawan ang sumalubong kay Blessa nang lumabas siya ng stage suot ang kakarampot na damit. Patay sinding ilaw, maharot na tugtugin, mga lalaking hayok na hayok ang makikita sa loob ng casa. Natapos na ang dalawang set ng dance number ni Blessa ng gabing iyon ay wala pa rin si Lucas. Mukhang hindi siya makakatakas sa mga costumers na matagal na siyang gustong i-table ngayong gabi. Hindi lang makaporma ang mga ito dahil nauunahan agad sila ni Lucas hindi pa man nag uumpisa ang show. "Darating din 'yon!" tukso ni Sarah nang makita siya sa isang bakanteng lamesa. "Anong oras na? Dapat nandito na siya, eh," nanlulumong sagot ni Blessa. "Kapag hindi s'ya dumating mapipilitan na talaga akong tumanggap ng costumer. Kanina pa galit si Mama Z. Baka isumbong na n'ya ako kay boss." "Speaking of!" pairap na ani Sarah pa nang makita ang mukha ng reyna ng mga bugaw. Napalingon si Blessa at nakita niya ang badtrip na si Mama Zenny. "Ano? Tutunganga na lang kayo d'yan?!" Duro nito kina Sarah na nasa lamesa ni Blessa. "Aba! Maraming costumers! Gusto n'yo pa yatang isumbong ko kayo kay boss, eh!" banta pa nito. Nakasimangot namang umalis sina Sarah at nagkanya-kanyang lapit sa mga table. Naiwan si Blessa roon at masama na ang tingin ni Mama Zenny sa kanya. "Ikaw? Ano pang tinutunganga mo? Sayang ang oras, day! Kilos-kilos ng kumita! I-table mo na si Mr. Ignacio-" "No need!. I'll pay her the whole night. May tip ka pa!" Lumiwanag ang mukha ni Blessa nang marinig ang boses ni Lucas. Sumilay ang ngiti sa labi ni Blessa nang magtama ang mga mata nilang dalawa. Akala niya hindi na ito darating. "Sabi ko naman sa 'yo na walang pwedeng mag-table kay Blessa 'di ba?" sita nito kay Mama Zenny. Lumapad ang ngiti ni Mama Zenny ng kunin sa kamay ni Lucas ang tip niya. "Maiwan ko na kayo." Hindi na hinintay ang sagot ng dalawa at kikendeng-kendeng na lumakad palayo. "Akala ko hindi ka na darating, eh." "Sabi ko naman sa 'yo, pupunta at pupunta ako. Marami lang kasi akong ginawa sa resto," nakangiting paliwanag ni Lucas. "Akala ko lang kasi-" "Blessa, hindi kita iiwan sa ere," ani Lucas na hinawakan pa nang mahigpit ang kamay niya. "Kaibigan kita. At ang kaibigan, hindi iniiwanan." Pilit ang naging ngiti ni Blessa. Kaibigan... Kaibigan lang siya ni Lucas. Kaibigan rin naman ang turing niya dito. Pero may bahagi sa kanyang puso na bigla nalang nakadama ng lungkot. Lumipas ang mga araw at buwan. Hanggang sa taon na ang binilang. Ganoon pa rin ang takbo ng buhay ni Blessa sa loob ng Casa Aliwan. Mabuti pa ang kaibigang si Sarah ay nakabingwit ng isang matandang mayaman at no'ng isang buwan lang ay ikinasal na ito. Natupad na ang pangarap ni Sarah na makaalis sa impyernong lugar na ito. Lugar kung saan mababa ang tingin sa kanila ng lahat. Ganoon pa man, masaya pa rin si Blessa. Unti-unti na niyang natutupad ang pangarap para sa pamilya. At tanggap naman na niya ang kanyang kapalaran. Kahit wala na sa Casa Aliwan si Sarah ay may kaibigan pa rin namang matatakbuhan si Blessa sa katauhan ni Lucas. Mula noon hanggang ngayon ay nariyan pa rin ang lalaki. At kung pumalya man ito sa pagpunta sa Casa Aliwan ay bayad pa rin ang gabi ni Blessa kaya hindi na niya kailangang magpa-table pa. Kagaya ngayong gabi. Hindi dumating si Lucas pero bayad ang gabi niya. At dahil malaki ang tip ni Mama Zenny ay tikom ang bibig nito. Bawal kasi iyon dahil negosyo ang pinag uusapan. Nakahiga na si Blessa sa kama niya at handa na sanang magpahinga ng tumunog ang kanyang cellphone. "Hello, ate." Bungad ni Abby sa kabilang linya. "Oh! Kumusta?" nakangiting tanong ni Blessa at naupo sa kama. "Ayos lang 'te. Next month na graduation ko, ha," paalala nito. "Makakalimutan ko ba naman 'yon? 'Yong pinagagawa kong bahay okay naman ba?" "Oo naman! Saka konting-konti na lang ayos na," tugon ni Abby. "Mabuti naman kung gano'n. Gusto ko na nga matapos para p'wede na 'kong magpahinga. May bahay na tayo may nurse pa! Tapos ilang taon pa may engineer na rin tayo!" excited na saad ni Blessa. "Abby? Nand'yan ka pa ba?" ani Blessa dahil natahimik sa kabilang linya. "O-oo, Ate! Excited na nga ako nga, eh!" Napakunot ang noo ni Blessa nang makarinig ng iyak ng bata. "Bakit may baby?" takang tanong niya sa kapatid. "Inaanak ko 'to. Iniwan saglit ng mommy n'ya at nag-grocery lang," paliwanag ni Abby. "Grocery? Sa ganitong oras?" "Wala na kasing gatas 'yong anak. S-sige na 'te! Asikasuhin ko muna. Bye! Love you!" Napabuntong hininga na lang si Blessa nang maputol ang tawag. Miss na miss na niya ang kanyang pamilya. Konting tiis na lang at makakaalis na rin siya sa lugar na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD