CHAPTER 4

2205 Words
Gabi-gabi ang pag iyak ni Blessa sa kalagayan niya ngayon. Hindi niya akalain na ito ang sasapitin niya. Gusto lang naman niyang kumita ng pera para sa kanyang pamilya pero bakit ang lupit ng tadhana at ito ang kanyang sinapit. "As I always said. Kahit lumuha ka ng ilang drum d'yan walang magbabago," ani Sarah habang naglalagay ng kolorete sa kanyang mukha. Nakahiga si Blessa sa kanyang kama at walang patid ang pag iyak dahil sa kanyang naranasan ng nagdaang gabi. Ilang lalaki rin ang pumila para lang matikman siya at mapaligaya niya ang mga ito. Diring diri si Blessa sa kanyang sarili. Pakiramdam niya ang dumi dumi na niya. "Tingnan mo si Julie naka move on agad," daldal pa nito. Si Sarah at Julie ang kasama niya sa kwarto. Si Julie ang tinutukoy nitong kasabay niya lagi sa pag-iyak nang nagdaang buwan. At makalipas nga ang tatlong buwan ay nasanay na rin ito at inililigo lang ang mga nangyayari. Si Sarah ay taon na ang binibilang dito. Noon ay wala rin daw siyang ginawa kundi ang umiyak. Pero kalaunan, natuto siyang yakapin ang buhay na meron siya. Para sa kasaganahan ng kanyang pamilya. "Blessa, three months ka na dito. Sabi mo may sakit ang nanay mo at nag aaral pa 'yong dalawang kapatid mo. Isipin mo na lang na para 'to sa kanila," payo ni Sarah sa kanya. "Walang mangyayari sa 'yo kung lagi kang ganyan. Ito na ang mundo natin, Blessa. Tanggapin mo na." Matapos sabihin iyon ay iniwan siya ni Sarah at pumasok sa banyo para magbihis. Tatlong buwan na siya dito at ni wala man lang siyang balita o alam tungkol sa lagay ng kanyang pamilya sa labas. Hindi niya alam kung magaling na ba ng tuluyan ang mama niya. Kung may nag aalaga ba dito kapag nasa eskwela ang kanyang mga kapatid. Ang mga perang iniiwan sa kama ng mga costumers niya ay nakatabi lang at halos ayaw niyang hawakan. Nandidiri siya hindi lang sa sarili kundi maging sa mga perang iyon. "Makapal na 'yang pera mo. Ayaw mo bang ibigay 'yan sa pamilya mo? I'm sure they need that money." Napatingin rin si Blessa sa kahon ng sapatos na nasa kandungan niya. Ang mga perang iyon ang nagpapaalala kay Blessa na marumi na siyang babae. Sa nanginginig na mga kamay ay itinago ni Blessa ang kahon. Sa tuwing hahawakan kasi niya iyon ay bumabaliktad rin ang kanyang sikmura. Napabuntong hininga na lang si Sarah dahil iyak lang ang sagot ni Blessa sa kanyang tanong. Inayos na ni Sarah ang sarili at bago lumabas ay muli niyang sinulyapan ang itinuring na ring kaibigan. "Pag isipan mo ng mabuti ang sinasabi ko, Blessa. Ito na ang bagong mundo mo, natin." Narinig ni Blessa ang pagsara ng pintuan. Umalis na si Sarah, oras na kasi ng duty nito sa club dito rin sa loob mismo ng Casa Aliwan. Si Julie naman ay isinama sa isang event ng mga pulitiko bilang escort mag-isa siya madalas at wala siyang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak. Dahil bago palang ay hindi pa siya pwedeng gawing escort dahil baka tumakas daw siya. Kahit naman datihan na ang inilalabas bilang escort nila ay may mga bantay pa rin naman. Hindi rin siya pinapasayaw muna sa club dahil nang unang gabi niya ay parang tuod lang siya sa ibabaw ng stage. Kaya ang kinabagsakan niya...dito sa mga pinipilahang babae. Mamimili ang mga lalaki sa mga picture sa screen at sa ayaw mo man o hindi ay bababuyin ka pa rin. Pinakamalaking tip ni Blessa ay limang libo gabi-gabi. At para siyang manika kung paglaruan sa kama ng iba't ibang lalaki. Gustuhin man niyang lumaban ay hindi rin niya magawa. Nang minsang gawin iyon ng isa sa mga kasama niya dito sa Casa Aliwan ay pinarusahan ito. Hindi na rin niya nakita ang naturang babae at ang bali balita ng iba ay pinatay na daw. "Ma, miss na miss ko na po kayo," umiiyak na sabi ni Blessa. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa kama at muling kinuha ang kahon ng sapatos sa loob ng kanyang maliit na cabinet. Halos mapuno na ito ng pera. Umalis siya sa kanila na tanging pang gastos sa pagkain at gamot lang ang iniwan ni Vicky. Hindi sasapat iyon sa dalawang buwan sa mahal ng gamot pa lang ng mama niya. Napatingin siya sa kalendaryo at isang linggo na lang ay matatapos na ang buwan ng june. Pasukan na at kailangan ng mga kapatid niya ng pera sa pag-aaral ng mga ito. "Nakapag-enroll na kaya sila? Nakabili kaya sila ng gamit sa school?" luhaang tanong ni Blessa sa kanyang sarili. Napatingin sa perang nasa harapan niya si Blessa. Tama si Sarah kailangan ito ng kanyang pamilya. Tumulo muli ang mga luha ni Blessa at nanginginig ang mga kamay na hinawakan ang mga perang iyon. Napahagulgol na lang si Blessa habang yakap-yakap ang mga perang iyon. Buo na ang pasya niyang yakapin ang buhay niya ngayon. Para sa pamilya, para sa buhay na pangarap niya para sa mga ito. Sabi nila kapag mabait ka at sumunod sa lahat ng sinasabi ng nasa itaas ay luluwag ang trato nila sa 'yo. Tama! Dahil nakita niya si Julie, nakakagamit na ito ng mga gadgets. Maging si Sarah ay kompleto sa gamit. Ngunit kahit malaya sila sa paggamit ng mga iyon ay limitado pa rin dahil may tracking divice iyon kung sakaling iba ang kontakin nila. "Pa, tama po ba itong pinili kong desisyon? Ikaw na po ang bahala sa akin. Gabayan mo po akong lagi," usal ni Blessa. At dahil nga nagpapakabait na si Blessa sa loob ng Casa Aliwan ay nakuha na rin niya ang kanyang inaasam-asam. Ang makausap ang kanyang pamilya. "Anak, kumusta ka na d'yan?" Ramdam ni Blessa ang saya ng ina. Masaya rin siya dahil ngayon hindi na siya malulungkot pwede na niyang kausapin anytime ang kanyang pamilya. May kasunduan ring hindi pwedeng malaman ng mga ito ang tunay niyang trabaho at kung nasaan si Blessa. Dahil nagbanta ang big boss nilang papatayin ang pamilya niya kapag nagsabi siya ng totoo sa mga ito. Ang alam ng mga ito ay kasambahay siya sa isang mayamang pamilya dito sa Maynila. Hindi siya basta basta nakakalabas sa bahay na kanyang pinapasukan dahil istrikto ang kanyang mga amo. Sa tuwing nagpapadala si Blessa ng pera sa pamilya ay sa centro pa dinadala upang makasiguro. "Ayos lang po, ma. Kayo po kumusta? Nasaan 'yong dalawa? Nag aaral bang mabuti?" sunud-sunod niyang tanong sa ina. "Nag aaral sila at tuwang-tuwa dahil nagpadala ka. Nabili nila lahat ng mga kulang sa school. Tapos 'yong iba binili ko ng mga gamot at gamit sa pang araw-araw," masayang kwento ni Grace. "Mabuti naman po kung gano'n. Hayaan n'yo po mapapadalas na ang padala ko sa susunod," ani Blessa. "Naku! Anak, mag ipon ka ng para sa 'yo. Saka sa trenta mil na ito malaking bagay na. Mag ingat ka palagi anak, ha. Alagaan mo ang sarili mo d'yan dahil malayo kami sa 'yo. Hindi kita maaalagaan." Tumulo na naman ang mga luha ni Blessa. Miss na miss na rin niya ang mga ito. "Opo, ma. Kayo rin mag ingat d'yan. Sige po, ma. Duty ko na po. Bukas na lang ulit," paalam ni Blessa habang pinupunasan ang kanyang mga luha. "Sige, anak. I love you." "I love you, ma! "Agad pinatay ni Blessa ang tawag. "Tama ako 'no? 'Di ba masarap marinig na masaya ang pamilya mo?" nakangiting ani Sarah. "True girl! Saka alam n'yo ba nabili na namin 'yong lupang gusto ko noon pa. Sabi ni nanay may bahay na daw at pwedeng i-renovate. Viola! May bahay na 'ko!" tuwang-tuwang balita ni Julie. "Ako naman natupad ko na 'yong rentahang bangka ni tatay. Malakas daw ang kita sabi n'ya kaya magdadagdag pa daw siya ng dalawa pa. Nakapagpagawa na rin ako ng bahay last year. Negosyo naman ang pag iipunan ko ngayon," kwento rin ni Sarah. "Ikaw, Blessa? Ano ang plano mo?" tanong ni Sarah sa kanya. Pangarap ng nanay niya ang restaurant, pati ang tatay niya ay ganoon din. Masarap magluto ang nanay niya lalo na ang yumaong ama dahil pangarap nitong maging chef noong bata pa. "Siguro magpapatayo muna ng karendirya at paunti-unti hanggang maging resto," tugon ni Blessa. "Nangungupahan lang kami kaya balak kong magpatayo muna ng sariling bahay," nakangiting sagot ni Blessa. Ngayon pa lang ay nakikini kinita na niya ang mga gusto niyang ipundar. Siguro naman hindi habang panahon ay narito siya sa apat na sulok ng Casa Aliwan na ito. "Tara na! Duty na tayo," yaya ni Julie kina Sarah at Blessa. "Let's go! Para sa bahay at lupa!" tumatawang ani Sarah pa. "Para sa nalalapit na pagtatayo ng restaurant!" sigaw rin ni Blessa. "Para sa pamilya!" sabay sabay nilang saad at nagtatawanan pang lumabas ng kanilang kwarto. Sa club kasi silang tatlo ngayon dahil may mga sundalong parokyano na dumayo. Lumalim ang gabi at naka tatlong set ng sayaw si Blessa. Naka maraming tip rin siya dahil bawat himas ng mga lalaki sa katawan niya ay may katapat na pera. Iniipit iyon ng mga lalaki sa suot niyang bra o hindi naman ay sa garter ng kanyang suot na t-back. Kitang kita ni Blessa ang pagnanasa sa mga mata ng mga lalaking naroon at nakapalibot sa kanya. Sa bawat paggiling ng kanyang balakang ay napapalunok pa ng laway ang mga ito. Napapakagat labi pa ang bawat lalaking hihintuan niya para gumiling sa harap ng mga ito. Nag aapoy ang mga palad ng mga ito sa tuwing sasayad sa kanyang balat para hipuin ang kanyang dibdib, pang upo at minsan ay ang umbok sa gitna ng kanyang malaporselanang mga hita. Wala na si Julie nang matapos ang dance number niya dahil inilabas ng kano. Si Sarah ay nagpa-table-table lang dahil ayaw daw niyang magpalabas. Lalo na at mga kano. Nagka-phobia kasi ito ng gawin siyang punching bag bago gamitin. Matapos ang kanyang dance number ay pumasok na sa dressing room si Blessa upang magbihis. T-back at bra lang kasi ang suot niya at n****e lang ang natatakpan sa kanya. Sinamsam niya ang mga perang inipit sa kanyang kakarampot na saplot at inilagay iyon sa loob ng kanyang wallet. "Blessa, may gustong mag-table sa 'yo. Lumabas kana, day! Bigtime 'yon at mabango!" kinikilig at patili pang imporma ni Mama Zenny. Madalas namang mabango ang ka-table niya. Tapos kapag DOM ay amoy lupa ang tawag niya sa mga ito. Nakakapanindig balahibo kasi ang hitsura. "Lalabas na 'ko. Magbibihis lang!" Matapos mag-retouch ay nagpahila na siya kay Mama Zenny sa isang lamesa. Nadaanan pa niya si Sarah na ka-make out ang isang costumer nito. Ngumisi pa ito nang makita sila. "Hi! Ito na si Blessa." "Hi! Nice to meet you, Blessa. You are really beautiful sa malapitan," papuri pa ng nakangiting lalaki sa kanya. "Thank you," tugon ni Blessa. Sanay na si Blessa sa mga ganoong linyahan. Iisa lang naman ang habol ng mga ito. Ang maikama siya at mapaligaya niya ang mga ito. Gwapo ito at matikas ang pangangatawan. Hindi pa naman ito mukhang matanda. Siguro ay hindi nalalayo sa kanyang edad. "Have a sit," alok nito sabay hila ng upuan. "You want sone drinks?" "Sure!" tugon niya na sinabayan pa ng bahagyang pagtango. "Waiter, one ladies drink please," tawag nito sa atensyon ng waiter namin. "By the way. Lucas nga pala." Sabay lahad ng isang kamay nito. "Blessa," pakilala rin niya sabay abot sa kamay nito. Napakislot pa si Blessa ng pisilin nito ang kamay niya. Akala niya ay kukuha ito ng kwarto dito sa loob ng Casa pero hindi nangyari. Nagkwentuhan lang silang dalawa sa lamesa na ikinatuwa ni Blessa, dahil mukhang makakapagpahinga siya sa pagpapaligaya sa kama ngayong gabi. "Bakit?" kunut noong tanong ni Lucas ng mapansing nakatitig siya dito. "Hindi ka kukuha ng kwarto? Kanina pa tayo nag uusap dito." "Gusto ko lang talaga ng kausap. Hinihintay ko lang ang mga kasama ko," tugon nito. "Ilang taon ka na?" tanong niyang muli. "Twenty five," tipid na sagot ni Lucas. Napatangu-tango si Blessa hindi rin pala nagkakalayo ang mga edad nilang dalawa. "Trabaho?" "Para naman akong mag a-apply sa mga tanungan mo," natatawang ani Lucas. "Pero sige, manager ako sa isang food chain dito sa Manila." Ilang oras pa silang nagkwentuhan at maya maya pa ay tumayo na si Lucas. Natanaw na kasi nito ang isa sa mga barkada niya. "Thank you, Blessa," nakangiting ani Lucas at naglapag ng lilibuhin sa ibabaw ng mesa. "Tip ko." "Pero-" "Kunin mo na." Nakaramdam ng lungkot si Blessa dahil ngayon lang siya narespeto ng ganito ng isang lalaki. Magkikita pa kaya sila ulit? "Don't be sad. Babalik pa naman ulit ako. Ngayong may nakilala na 'kong kaibigan dito, hindi na 'ko maiinip kapag maghihintay sa mga kaibigan ko," ani Lucas pa. Kaibigan? May kaibigan na siya bukod kina Sarah at Julie. Natuwa naman si Blessa sa kanyang narinig mula kay Lucas. "Aasahan ko 'yan, ha. Babalik ka, ha!" nakangiting sabi ni Blessa. Kumaway pa muli si Lucas bago tuluyang umalis. Nakangiting kinuha ni Blessa ang tip sa ibabaw ng mesa. Matapos bigyan ng parte si Mama Zenny ay lumabas na ng club si Blessa. Tapos na ang duty niya at pwede na rin siyang magpahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD