CHAPTER 14

1652 Words
Naging abala muli si Blessa sa mga sumunod na araw. Sunud-sunod ang gig niya na halos hindi na siya nakakauwi ng bahay. Mabuti na lang talaga at may nag aalaga sa pamangkin niya at mapagkakatiwalaan pa. Mabuti na lang rin at matatapos na ang pasukan. Two years pa ang bubunuin niya bago makatapos sa kursong education. Kailangan rin niyang linisin ang schedule niya next week para sa paghahanap sa anak ni Vherna. Nangako siya sa sarili na kapag natapos ang lahat ng ito. Si Bella naman ang aasikasuhin niya. "Saan tayo after ng trabaho?" tanong ni Kira sa mga kasamang naroon. "May bar na malapit dito. Ano? Doon tayo?" Isa-isang sumang-ayon ang ibang kasama nila. Samantalang hindi makapag desisyon si Blessa dahil sa totoo lang ay gusto na niya talagang umuwi. "Hmm! 'Wag mong sabihing hindi ka sasama?" ani Kira na waring nabasa ang kanyang iniisip. "Saglit lang naman tayo. Sige na... Hindi ako sasagad, ako ang maghahatid sa 'yo pauwi." Napangiti na lang si Blessa at tumango. Hindi niya mahihindian ang kaibigan. Naaalala talaga niya si Sarah dito. One of this days, hahanapin talaga niya si Sarah sa social media site. Sobrang miss na niya ang kaibigan. Nalulungkot rin si Blessa dahil hindi naabutan ni Julie ang pagiging malaya. Sa pagdaan ng mga araw ay unti-unti na ring nasanay si Blessa sa atmosphere ng bar. Naroon pa rin ang takot at pagka ilang. At iyon ang pilit niyang nilalabanan ngayon. Naroon si Kira sa tabi niya lagi at hindi siya pinababayaan nito. Naikwento na niya ang buhay kay Kira, ganoon rin si Kira sa buhay nito. Hindi nalalayo ang buhay nilang dalawa. Kaya naman mas lalo silang napalapit sa isa't isa. "Ang popogi 'di ba?" kinikilig na sabi ni Lyn nang bumalik sila ni Celly sa table nila. "Sayaw tayo ulit maya maya. Tapos doon tayo pumwesto banda!" "Uy! uy! Ano 'yon?" Curious na sita ni Kira sa dalawa. "May mga papabol do'n banda. Sama kayo mamaya. Malay n'yo makabingwit tayo!" natatawa ring ani Celly bago nilagok ang alak sa basong kanyang hawak. "Naku! Pass! May boyfriend na 'ko!" pairap na sagot ni Kira. "Pero, gwapo talaga?" Kambyo nito maya maya. Pati si Blessa ay natawa na rin sa inasal ng kaibigan. Kaya habang nagdadaldalan ay pinanay nila ang inuman at saka tumayo para pumunta muli sa dance floor. "T-teka! Ayoko!" tanggi ni Blessa nang hilahin siya ni Kira. "Kayo na lang! Ayos na 'ko dito!" "Sa akin hindi ayos! Titingnan lang naman natin kung totoo ang sinasabi ng dalawang 'to!" Sabay turo sa dalawa. Napabuntong hininga na lang si Blessa at agad tumayo para magpahila na kay Kira sa dance floor. Wild na wild ang mga nagsasayaw ng magpalit ng tugtugin. At dahil feeling ni Blessa ay kakapusin siya sa paghinga, agad siyang umalis doon at pumunta sa bar counter para humingi ng tubig o juice. "May tubig po kayo, kuya? Or juice na lang," ani Blessa nang makalapit doon. "Saglit ma'am." Pagbalik nito sa kanya ay inilapag sa harap niya ang baso ng juice. Agad ring umalis sa harap niya ang lalaki ng may maupong costumer sa kabilang side. Tinanaw ni Blessa ang tatlo sa dance floor. Todo sayaw na si Kira doon. Alam niyang lasing na ito, at iyon ang paraan ng kaibigan para pagpawisan at matanggal ang pagka lasing. Sina Lyn at Celly naman ay panay ang pa-cute sa lamesang tinutukoy kanina at nang sundan ni Blessa ng tingin ang mga sinusulyapan ng mga ito ay napanganga pa siya dahil mga gwapo ngang talaga. Anim sila sa table, simple ang mga suot pero malakas ang dating. Hindi lang naman sila Celly at Lyn ang nagpapa-cute at nagpapapansin sa mga lalaki. May ilang babae pa nga na lumalapit talaga sa table nila. Hindi na binigyang pansin pa ni Blessa ang mga iyon at inubos na lang ang iniinom. "Kuya, pa-charge po ng juice sa bill namin mamaya. Thank you." Umalis na siya roon matapos tanguan ng bartender. Malalim na ang gabi base na rin sa suot niyang relo. Malayo-layo rin ang Tagaytay sa Maynila kaya tatawagin na niya si Kira para umuwi na. "Ay!" tili ni Blessa nang mabangga sa nakasalubong na lalaki. "Ano ba 'yan!" naiinis na sabi niya habang pinapahid ang alak na tumapon sa kanyang tube top. "Sinabi na kasing tigilan mo na 'ko, eh! Ayan tuloy! Naka disgrasya ka pa!" Biglang napaangat ng ulo si Blessa dahil sa pamilyar na boses ng lalaki. "Lucas?" Parang nag slow motion ang paligid nang lingunin siya ng lalaki. Ang galit na ekspresyon nito ay unti-unting lumambot matapos na makilala si Blessa. "Ikaw nga!" tuwang-tuwang ani Blessa ng tuluyang humarap sa kanya ang lalaki."Long time no see!" "Hey!" awat ng babae kay Blessa. "I'm with him-" "She's my girfriend. At s'ya ang kasama ko dito. Kanina pa," may diing ani Lucas sa babaeng lasing na yata. She's with him daw! Eh, kakalapit lang nga nito sa table kanina. Mga babae talaga! Makakita lang ng gwapo! "Psh!" Padabog itong umalis sa harap nila Blessa. "Ano'ng ginagawa mo dito? Sino'ng kasama mo?" sunud-sunod na tanong ni Lucas ng balingan siya. "Hey!" "Ah... mga kaibigan ko. I-ikaw?" ani Blessa na natitigilan pa rin. "Hindi talaga ako makapaniwalang nakikita kita ngayon," nakangiting ani Blessa pa. "Kumusta ka na?" "Sa labas na tayo mag usap. Masyadong maingay dito," sabi ni Lucas at hinila na siya papunta sa smoking area ng bar. Malamig na hangin ang sumalubong kay Blessa paglabas nila sa bahaging iyon ng bar. Rinig pa rin ang tugtog mula sa loob ngunit hindi na ganoon katindi at hindi na masakit sa tainga. "So? Kumusta ka na?" tanong niya kay Lucas na nakatitig lang sa kanya. "Ako nga dapat ang magtanong n'yan sa 'yo, eh. Ikaw? Kumusta ang buhay mo ngayon?" Napabuntong hininga na lang si Blessa at nakahalukipkip na sumandal sa pader. "Ayos naman. Nakaka-survive kahit paano. Maraming nangyari sa loob ng ilang taon," kwento niya. "Ikaw? Secret agent ka pa rin ba?" "Tapos na ang kontrata ko bilang secret agent. Tinanggap ko lang ang trabahong 'yon para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid ko," wika nito. "Kapatid?" "Oo," tugon ni Lucas na sinabayan pa ng tango. "Kinidnap siya ng sindikato noon. Matapos pagsawaan ay itinapon na lang sa tambakan ng mga basura sa Payatas Area. At si Archangel Labrador ang gumawa no'n sa kanya." Bakas ang galit sa mga mata ni Lucas. "Kaya ng makilala kita, sabi ko sa sarili ko tutulungan rin kita. Pareho kayo ng kapatid ko. Hindi ko man s'ya kadugo pero, minahal namin s'ya at itinuring na tunay na pamilya." "Patay na si Archangel, nahuli n'yo na rin ang grupo n'ya. Nabigyan mo na rin ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid mo," alo ni Blessa dito. "Masaya akong nakita ulit kita," ani Lucas na napangiti pa. "Saan ka ngayon nakatira?" "Sa Malate. Sa apartment ni Vicky ako tumutuloy ngayon. Part time model at nag-aaral sa kasalukuyan," nakangiting sagot ni Blessa. "Ay! Naku! Nand'yan ka lang palang babae ka!" Biglang sumulpot si Kira. "Uy! Hi!" Kaway nito kay Lucas ng lingunin niya. "Si Lucas nga pala kaibigan ko." Pakilala ni Blessa. "Si Kira, kaibigan ko at kasama rin sa trabaho." "You must be the Lucas that Blessa talking about?" taas kilay na tanong ni Kira. Palipat-lipat pa ng tingin sa mga ito. "Oo," si Blessa. "Nagkita na rin kayo ulit." May himig ng panunukso sa boses ni Kira habang nakangiti sa mga ito. "May girlfriend ka na ba, Lucas?" "Kira!" nandidilat na saway ni Blessa dito. "Nagtatanong lang naman ah!" ani Kira na tinaasan muli siya ng kilay. "Nakakahiya!" namumulang saway pa rin nito sa kaibigan. "So... Lucas kumusta ka naman?" tanong pa rin ni Kira na hindi pinansin si Blessa. "Ayos naman?" sagot nitong nakamot pa ang sentido. "Alam mo gwapo ka! Bagay kayo ni Blessa-" "Kira naman, eh!" saway ni Blessa. "Single ka, single-" "Baka may girlfriend na si Lucas. Nakakahiya ka-" "Wala akong girlfriend!" biglang singit ni Lucas sa usapan. Nangingiti na rin. "Oh! See? Meant to be kayo!" pang aasar pa ni Kira sa kanila. "Alam mo umuwi na tayo! Lasing ka na, eh! Kung ano-ano na ang mga sinasabi mo d'yan!" ani Blessa habang pinandidilatan pa ang kaibigan. Nahihiya na tuloy siya kay Lucas, hindi na nga niya ito malingon dahil namumula na siya sa kahihiyan. Ngayon na lang ulit sila nagkita at baka kung ano pa ang isipin nito sa kanya. "Pwede bang makuha ang number mo, Papa Lucas?" sabi pa ni Kira at inilabas ang kanyang cellphone. "Kira!" "It's okay," sagot naman ulit ni Lucas at kinuha ang cellphone ni Kira na inilalahad sa kanya. "Thank you!" tuwang-tuwa pang ani Kira matapos i-saved ang number ng binata. "Usap lang kayo d'yan." "Teka! Uuwi na tayo!" awat ni Blessa dito dahil papasok na naman sa loob. "Mamaya na!" Sabay kindat nito kay Blessa at umalis na. "Pasensya ka na sa kaibigan ko, ha," nakangusong sabi ni Blessa habang kamot ang batok. "Wala 'yon! Okay lang naman. Mabuti at may mga kaibigan ka na ulit." "Si Kira lang ang ka-close ko. Madalas n'yang ikwento sa akin ang buhay n'ya. Unfair naman kung nag-o-open siya sa akin tapos ako hindi. Kaya 'yon, kinuwento ko sa kanya ang buhay ko." "Kasama ako?" Napangiti ng alanganin si Blessa sa tanong na iyon. "H-hindi ba pwede? Sorry-" "No! No! What I mean is... Naaalala mo pa rin pala ako," nakangiting sansala nito kay Blessa. "Oo naman! Sabi mo nga 'di ba, magkaibigan tayo?" Natigilan saglit si Lucas ngunit agad ring ngumiti pagkatapos. "Oo! Oo naman! Mag... magkaibigan tayo," sagot pa nito at saka huminga ng malalim. Hindi akalain ni Lucas na manhid pa rin hanggang ngayon si Blessa. Matagal rin niya itong hinanap. Halos lagi nga itong laman ng kanyang isipan. At ngayong nakita na ulit niya ang babaeng gumugulo sa isip niya sa ilang taong lumipas. Hindi na niya palalagpasin pa ang pagkakataong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD