CHAPTER 15

1678 Words
Sa muling pagkakaroon ng free time ni Blessa ay inasikaso naman niya ang paghahanap sa anak ni Vherna Bautista. Kumuha muli siya ng mga bagong birthcertificate nina Vicky at Vherna dahil masyado ng luma ang mga hawak niyang dukomento. Wala siyang nakuhang impormasyon sa birthcertificate ni Blezilda Bautista kaya kay Vherna siya tumutok. "Are you sure about this, Blessa? Parang ayaw ko ng tumuloy." May takot sa boses ni Kira habang tanaw nila ang mahabang daan ng Varona Street dito sa Tondo, Manila. Tiningnan muli ni Blessa ang hawak na birthcertificate at nasa tamang lugar na sila. 1740 Varona, Street Tondo Manila. Maging siya rin ay kinakabahan sa lugar na papasukin. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat kung anong klaseng lugar ang Tondo. Pero narito na sila at hindi na pwede pang umatras. Kailangan na niyang maumpisahan ang paghahanap kay Blezilda Bautista. "Magandang araw po. Magtatanong lang po sana kung kilala n'yo po si Laura at Rex Bautista?" Nahinto sa pag uusap ang mga babaeng naguumpukan at napatingin kina Blessa. "Si Laura Bautista ba ika mo? Naku! Matagal ng patay 'yon! Pati ang asawa no'n matagal na ring patay!" sabi ng babaeng kulot ang buhok. "Wala na po ba silang kamag anak dito?" ani Blessa pa. "Si Aurora kapatid ni Rex 'yon. Pasok kayo d'yan sa kabilang iskinita, d'yan nakatira si Aurora." Turo rin ng isa pa. "Sabi mo ampon si Vherna? Paano kung wala tayong makuha sa kapatid ng Rex Bautista na 'yon?" tanong ni Kira habang tinatahak nila ang daan papunta sa bahay ni Aurora. "Nandito na tayo, Kira. May makuha man tayo o wala atleast sinubukan natin 'di ba," tugon ni Blessa na may kaba rin sa dibdib. "Magandang araw po. Saan po dito nakatira si Aurora?" tanong muli ni Blessa ng may madaanang tindahan. "Aurora?" Kunut noong tanong ng ginang na naroon sa labas ng tindahan. "Kapatid po ni Rex Bautista," sagot ni Blessa, sa naguguluhang babae. "Ah! Si Aling Aura! Bumilang ka ng tatlong bahay mula dito sa tindahan ko. Iyon ang bahay n'ya," sagot ng babae. "Salamat po," nakangiting tugon ni Blessa dito. Sinunod nila ang sinabi ng babae. Natapat sila sa isang maliit na bahay. Bukas ang pintuang tagpi-tagpi ngunit wala yatang tao. "Tao po! Tao po!" Kasabay ng pagtawag ni Blessa ay ang pagkatok nito sa pintuan. "Tao po!" Lumabas sa pintuan ang babae na natatabingan lang ng lumang kurtina. May pagtataka pa sa mga mata nito habang nakatingin sa kanila. "Magandang araw po," bati ni Blessa sa babae. "Magandang araw rin. Ano po ang kailangan nila?" "Ako po si Blessa. Hinahanap ko po kasi si Laura at Rex Bautista. Ang sabi po matagal na silang patay. Itinuro po kami dito, kasi dito daw po nakatira si Aurora, kapatid ni Rex," mahabang paliwanag ni Blessa. "Pasok po muna kayo." anyaya ng babae sa kanila. "Pasensya na po kayo sa bahay namin," anito pang pinulot ang ilang nagkalat na gamit. Niligid ni Blessa ang paningin sa loob ng bahay. Simple lamang iyon. May maliit na tv sa gilid na nakapatong sa luma at maliit na mesa. May mga picture sa dingding na luma na. Mga nakasuot ng toga ang mga iyon. May ilang family pictures din. "Ano po bang kailangan n'yo kay nanay? May sakit po kasi s'ya, kakatulog lang po kasi n'ya, eh," paliwanag ng babae. "Ako nga pala si Aira." "Blessa De Asis ang pangalan ko. Ito ang kaibigan ko si Kira. May hinahanap kasi kaming tao." "Kung si Tita Laura ang sadya ninyo, tatlong taon na s'yang namamatay. Ang Tito Rex ko ay patay na rin." "May anak sila, si Vherna 'di ba?" pagbabaka sakaling tanong ni Blessa. "Naku! Kung si Ate Vherna, matagal ng wala dito 'yon. Kawawa nga ang pinsan kong iyon. Malaki ang dinanas na hirap kay tita simula ng mamatay si Tito Rex noon," kwento ni Aira. "Ano pong nangyari kay Vherna?" si Kira. "Bakit gano'n ang ginawa ni Aling Laura sa kanya?" "Si Ate Vherna kasi dapat ang masasalpok ng truck, pero itinulak s'ya ni Tito Rex. Si tito ang nasagasaan at namatay, araw-araw pinarurusahan ni tita si Ate Vherna dahil sa nangyari. Naroong hindi pakainin at laging pinatutulog sa labas ng bahay. Naaawa man kami ay wala kaming magawa dahil minsang tulungan siya ng nanay ko ay inaway kami ni tita. Hanggang malulong sa sugal si Tita Laura. Dahil walang maibayad at uso dito noon ang bentahan ng mga anak pambayad utang. Ibinenta niya si Ate Vherna sa isang casa." Nagkatinginan sina Blessa at Kira sa kanilang narinig. Tama nga ang mga ilang impormasyong alam nila patungkol kay Vherna Bautista. "Aira, nakauwi pa ba si Vherna dito?" "Simula ng mapunta siya sa casa wala na kaming balita tungkol sa kanya. Hindi na rin inintindi ni Tita Laura dahil nga hindi naman niya tunay na anak si ate. May nagsabi lang sa amin na namatay na raw s'ya at napanood nila sa t.v. Pero hindi ko alam kung totoo," tugon nito. "Ang tunay na magulang ni Vherna? May alam ba kayo? Importante kasi ang sadya namin. Hinahanap kasi namin ang anak ni Vherna," paliwanag ni Blessa sa babae. "Hindi ko alam, eh-" "Aira, anak..." "Gising na ang nanay ko. Saglit lang ha!" Tumayo ito agad at pumasok sa pintuang nilabasan nito kanina. "Wala naman yata silang alam, girl! Mabuti pa umuwi na tayo," ani Kira pa. Nahinto lang sila sa pag uusap ng bumukas ang kurtina ng kwartong pinasukan ni Aira at lumabas mula roon ang naka wheelchair na matanda. "Sila po ang nagtatanong tungkol kay Ate Vherna, 'nay." "Anak ka ba n'ya, ineng?" mahinang tanong ng matanda kay Blessa. Nagkatinginan sina Kira at Blessa sa sinabing iyon ng matanda. "Naku! Hindi po. Ako po si Blessa De Asis." Nakangiting pakilala ni Blessa sa kanyang sarili. "Importante po kasi ang sadya namin, 'nay. Hinahanap po kasi namin ang anak ni Vherna Bautista. Nagbabaka sakaling taga dito ang pinagbigyan niya sa bata." "Simula ng ibenta ng hipag ko ang kawawang batang iyon, hindi na namin s'ya ulit nakita. Napakabait ng batang 'yon. Hindi ko alam na nagkaanak na pala s'ya. Alam mo bang magka mukha kayong dalawa?" "Nakita ko na po ang picture n'ya. Magka mukha po kami pero hindi ko po s'ya kilala," tugon ni Blessa dito. "Baka po may alam kayo sa mga tunay na magulang ni Vherna? O, kaya naman po kahit mga dating kaibigan man lang n'ya na posibleng pinag iwanan ng anak n'ya?" usisa pa ni Blessa dito. "Si Rodolfo, boyfriend niya noon. Kaibigan rin niyang matalik ang binatang iyon. Pero hindi ko na alam kung saan sila lumipat ng tirahan." "Rodolfo?" usal ni Blessa. "Nang minsang madalaw si Rodolfo dito ay naikwento niya sa akin na nagkita daw sila ni Vherna," ani Aling Aura. "Pero hindi na ulit nadalaw si Rodolfo dito matagal na panahon na." Ngayon pa lang pinanghihinaan na si Blessa ng loob. Mukhang malabo na niyang malaman kung nasaan ang anak ni Vherna Bautista. Laglag tuloy ang balikat na umalis sila ni Kira sa lugar na iyon. "Sabi mo secret agent si Lucas 'di ba? Baka naman may kakilala siyang private investigator. 'Yon na lang ang paghanapin mo kaya," suhestyon ni Kira habang binabaybay nila ang kahabaan ng EDSA. "Nakakahiya. Saka wala akong number ni Lucas. Saan ko naman s'ya hahagilapin?" "Ako meron! Wait a minute!" anito pang kinuha ang cellphone sa bag. Kinuha nga pala ng kaibigan ang number ni Lucas nang magkita sila sa Tagaytay ilang linggo na ang nakararaan. "Baka busy 'yong tao!" saway niya kay Kira dahil nakaka dalawang dial na ito at hindi naman sinasagot ni Lucas ang linya. "Green lights na! Hawakan mo lang 'yang phone ko. Sasagot 'yan," sabi pa nito habang pinapausad ang sasakyan. "Hello, Kira?" "Lucas, hi! Sorry sa istorbo, ha. Busy ka ba ngayon?" tanong ni Kira na tutok sa harapan ng kalsada ang tingin. "Hindi naman. Wala namang tao ng ganitong oras dito sa resto. Bakit?" "We need your help sana. Dadaan kami d'yan. Malapit naman na kami d'yan sa location mo" "Sige, I'll wait here. Bye." Napataas ang kilay ni Blessa dahil sa paraan ng pag uusap ng dalawa. "Bakit?" takang tanong ni Kira dito. "Alam mo kung saan s'ya nagtatrabaho?" taas kilay pa ring tanong niya. "Nagseselos ka na n'yan?" panunukso ni Kira sa kaibigan. "Para kang ewan d'yan!" pairap na saway ni Blessa. "Bakit naman ako magseselos?" "Ay sus! Namumula ang dalaga!" natatawang anito pa. "Selos ka nga?" "Kira!" naiiling na saway niya sa kaibigan. "Magkaibigan lang kami no'ng tao." "Okay! Sabi mo, eh!" natatawang sabi pa nito. "Nakapunta na ako sa restaurant na pag mamay ari niya. Kumain kami ng boyfriend ko doon," sagot lang nito. "Sabi mo chef s'ya 'di ba?" "Iyon naman talaga ang paniniwala ko. Hanggang sa malaman kong secret agent pala s'ya. I doubted him." "Alam mo, Blessa, bagay kayong dalawa ni Lucas," komento nito. Nasamid naman sa sariling laway si Blessa dahil sa narinig saka natawa. "Kaibigan lang ang turing sa akin no'n," sagot niyang napapailing pa. "Hindi mo ba nakikita ang mga titig n'ya sa 'yo? Manhid ka na lang kung hindi mo nakikita 'yon." "Kira, sa kanya na mismo nanggaling. Magkaaibigan lang kaming dalawa, oo crush-" "Oh my gosh! Really? Crush mo si Lucas?" pa tiling tanong ni Kira kay Blessa. "Loka! Teka nga! Crush lang naman 'yon dati pa-" "Oh my gosh! Oh my gosh!" pahisteryang sabi pa ni Kira habang pinapaypayan ang sarili. Mabuti na lang talaga at naka-red lights, kung hindi baka nabangga na silang dalawa. "What if he likes you?" nanlalaki pa ang mga matang tanong nito kay Blessa. "Imposible!" "Blessa, kung hindi s'ya interesado sa 'yo. Bakit sa buong dinner namin last time ikaw lagi ang laman ng mga tanong ni Lucas?" "Matagal nga kasi kaming hindi nagkita?" "No! Blessa, I am really sure! Lucas likes you!" Nakaramdam ng kilig si Blessa ngunit agad ring napawi sa isiping hindi siya deserving na magustuhan ng isang tulad ni Lucas. Hindi ang babaeng tulad niyang may madilim na nakaraan ang babagay sa disenteng lalaki na tulad ni Lucas Marcopolo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD