CHAPTER 16

1532 Words
Habang nasa loob ng restaurant at hinihintay si Lucas na lumabas mula sa kitchen ay panay ang linga ni Blessa sa paligid. Naalala tuloy niya ang ama dahil nga magaling itong magluto at pangarap rin nitong maging chef nang nabubuhay pa. "Ayan na si Lucas," ani Kira at itinago na sa loob ng dalang bag ang hawak na cellphone. "Pasensya na sa paghihintay. May ipinagawa pa kasi ako sa isang tao ko," sabi nito nang maupo sa bakanteng upuan. "Ano nga pa lang sadya n'yo?" tanong nitong papalit palit pa ang tingin sa kanila. "Ikaw na magsabi, Blessa." "Ano kasi... may naiwang mga properties si Vicky sabi ng abogado n'ya. Ang sabi sa last will, anak ni Vherna Bautista ang tagapag mana no'n. Galing kami sa Tondo kanina at wala kaming nakuhang impormasyon kung saan at kanino nga ba iniwan o ibinigay ni Vherna ang bata," paliwanag ni Blessa. "We need a private investigator, Lucas. Pwede bang humingi ng pabor, baka may kakilala ka?" Tumikhim pa ito at umayos sa pagkakaupo. Buong sinabi yata ni Blessa ay titig na titig ito sa dalaga. "May kaibigan akong investigator. Sasabihin ko agad sa kanya. Ibigay mo lang sa akin ang mga kailangan n'ya." "Magkano?" tanong ni Blessa. "Ako na ang bahala do'n. 'Wag mo ng intindihin." "Pero kasi-" "Blessa..." awat ni Kira dito. "Okay na nga raw sabi ni Lucas 'di ba? Ibigay mo na 'yong mga documents para masimulan na 'yong paghahanap. Marami pa tayong kailangang gawin sa school 'no." Napabuntong hininga na lang si Blessa at inilapag sa table ang mga dala niya. Sa totoo lang kasi ay nahihiya siya kay Lucas. At kung pambayad lang naman Attorney Pantallion assured her for the budget para lang mahanap ang nawawalang anak ni Vherna Bautista. "Can... can I get your number? Para matawagan kita agad incase may balita na," kakamut-kamot sa batok na tanong Lucas nang ihatid sila sa parking ng resto. "Ah, sige!" tugon ni Blessa at kinuha nito ang cellphone sa bag saka iniabot sa binata. "May social media account din 'yang kaibigan ko. Baka gusto mo ring kunin?" tudyo ni Kira kay Lucas. Bahagyang natawa si Lucas at umiling pa. "Okay na 'tong number," nahihiyang sabi nito. "Ingat kayo pauwi." Walang nagawa si Kira kundi matawa sabay irap dito dahil mukhang itinataboy na sila nito pauwi. Kumaway pa si Lucas sa kanila ng tuluyang paandarin ni Kira ang kanyang sasakyan paalis. Since that day ay madalas na ang palitan ng messages nina Blessa at Lucas. Minsan nga ay kinikilig pa si Blessa sa mga good mornings at good nights messages nito. Pero sa tuwing maiisip niya ang maruming nakaraan. Hindi niya maiwasang malungkot. Hindi ang tulad niya ang nababagay kay Lucas. Mas deserve nito ang malinis na babae. "Is this okay? Mukha namang na-over ang outfit ko, Kira! Hindi naman ako makikipag-date!" reklamo pa ni Blessa ng makita sa salamin ang suot at hitsura. "Loka! Natural na 'yang ganda mo 'no! Saka kahit ano naman ang damit na isuot mo bagay sa 'yo, kaya tama na 'yang reklamo mo d'yan!" saway nito habang nagliligpit ng mga ginamit na make ups. Nakasuot si Blessa ng beige sleeveless dress na lagpas sa tuhod. Hapit na hapit iyon sa katawan at kitang-kita ang hubog noon. Muling sinipat ni Blessa ang sarili sa salamin. Baka mamaya isipin ni Lucas na nagpapaganda siya para dito. "Nakakahiya kasi-" "Blessa, tigilan mo nga 'yan. Maganda ka in and out, okay," awat ni Kira sa kaibigan. "Baka lang kasi isipin n'ya-" "Na nagpapaganda ka?" taas kilay na tanong ni Kira. "Kahit sinong lalaki hahanga sa ganda mo, friend! Hala na baka ma-late ka na sa usapan n'yo." May nakuha na kasing impormasyon ang kaibigan nitong imbestigador kaya pupunta sila ni Kira sa restaurant ngayon. "Bye the way, girl. Hindi ako makakasama sa 'yo ngayon-" "Hala! Bakit?" natatarantang tanong agad ni Blessa kay Kira. "Kira!..." "Ikaw na rin ang nagsabi na hindi date ang lakad mo 'di ba?" natatawang sabi ni Kira dito. "Relax ka nga lang! Halatang-halata ka, eh!" "Kahit na! Hindi ako komportable kapag s'ya lang ang kasama ko," nakangusong ani Blessa pa. Napapailing na lang at natatawa si Kira para sa kaibigan. "Gusto mo kasi kaya ka ganyan!" tudyo pa nito. "Nando'n naman 'yong friend na investigator kaya relax ka lang!" "Kahit na! Kinakabahan pa rin ako," kinakabahang sagot pa nito. "Ganyan talaga kapag inlove-" "Crush ko lang 'yong tao!" "Crush?!" bulalas ni Kira. "Pang teenager lang 'yon, Blessa! Gusto mo s'ya! Inlove ka na! At 'wag ka ng mag-deny d'yan!" "Pero 'wag mong ibahin ang usapan! Samahan mo 'ko!" pagmamakaawa pa ni Blessa. "May lakad kami ni boyfie, girl. Meet the family ito, kaya sorry talaga." "Seryoso na talaga si Aries sa 'yo, ha." Napangiti ng ubod tamis si Kira kay Blessa. "Feeling ko nga, s'ya na talaga ang road to forever ko. At ngayong ipapakilala n'ya na 'ko sa family n'ya, siguro nga seryoso na talaga s'ya!" kinikilig pang kwento ni Kira. "Happy ako para sa 'yo, girl. S'ya sige na, sabay na tayong lumabas. Titingnan ko na rin si Bella sa kabilang bahay." Habang papasok sa restaurant si Blessa ay hindi maalis-alis ang kaba niya. Ganito pala talaga kapag gusto mo ang isang tao. Wala pa man kinakabahan ka na. "Hindi date ang ipinunta mo rito! Loka ka talaga!" bulong-bulong ni Blessa sa kanyang sarili. "Good evening po, ma'am," nakayukong bati ng sumalubong sa kanyang waitress sa pintuan. "Hinihintay na po kayo ni Sir Lucas sa table n'yo," sabi pa nito at iginiya na siya patungo roon. Buong akala ni Blessa noon, maging nito lang ay simpleng trabahador lang si Lucas sa restaurant na ito. 'Yon naman pala ay co-owner ito ng restaurant at may sinasabi rin sa buhay. Mas lalo tuloy siyang nanliit sa kanyang sarili. Habang naglalakad papunta sa lamesa kung nasaan si Lucas ay may iilan nang napapatingin sa kanya. Ang ganda naman talaga kasi niya sa suot at binagayan pa ng make up na ginawa ni Kira kanina. Lalong tumindi at lumakas ang kabog ng puso ni Blessa ng matanawan si Lucas na nakatingin rin sa kanya habang naglalakad siya palapit sa lamesang ukupado nito. Maging ang lalaking kasama nito ay napalingon rin kay Blessa ng mapansing tahimik lang si Lucas. Kung hindi pa tinapik ng lalaki si Lucas nang makalapit si Blessa sa kanila ay hindi pa ito kikilos para ipaghila ang dalaga ng upuan. "Alma, pakilabas na 'yong dinner na ipinahanda ko. Thank you." "Noted, sir." "By the way, this is Jaycee Tiamco. Jaycee si Blessa nga pala." "Hi, Blessa De Asis. Ikaw 'yong private investigator?" "Yeah. Nice to meet you," tugon ni Jaycee matapos makipag kamay dito. "Sabi ni Lucas may impormasyon ka na raw?" "Oo, here!" Sabay lapag nito ng isang folder sa ibabaw ng lamesa. "Vherna Baustista is adopted of Rex and Laura Bautista. Vherna's legal parents are from Leyte and both died a years ago," pahayag ni Jaycee. Pinasadahan ni Blessa ng tingin ang mga papeles na nasa harap niya. Nag-aral si Vherna sa Jose Abad Santos ngunit hanggang second year high school lang. That was the time na namatay si Rex Baustista. "Twenty six years ago, ibinenta ni Laura si Vherna sa casa. Nalulong sa sugal si Laura at dahil wala namang pambayad ay si Vherna ang ipinambayad nito. Doon n'ya nakilala si Vicky Vera, naging mag-bestfriend silang dalawa. Until Vherna got pregnant." "Ang gusto kong malaman kung kanino n'ya iniwan ang anak n'ya?" nanlulumong ani Blessa. Alam na niya ang ilan sa mga nabanggit ni Jaycee. "Rodolfo De Asis. Vherna's bestfriend and ex boyfriend, ito s'ya." Naguluhan pa si Blessa sa narinig. Pangalan iyon ng papa niya. "Papa ko 'to!" bulalas ni Blessa ng kunin mula kay Jaycee ang isang lumang litrato. Medyo bata pa sa litratong iyon ang papa niya pero sigurado siyang papa niya iyon. "May mga file akong nakuha sa ginawang operation noon sa pag-raid sa casa twenty six years ago," pahayag ni Lucas. "Ang ilan sa mga pangalan at address ng mga iyon ay pinuntahan namin. May nakakilala pa kay Vherna at Vicky dahil nakasama daw nila sa casa noon." "Nasaan s'ya? At paano'ng nasama ang papa ko dito?" naguguluhan na talagang tanong ni Blessa. "Pwede natin s'yang puntahan ulit sa Tarlac if you want. Bukas na bukas din para ikaw mismo ang makausap ni Caridad Peña," suhestyon ni Jaycee. "Blessa, hindi kaya ikaw ang anak ni Vherna Bautista at tagapagmana ni Vicky Vera? Sa pagiging magkahawig n'yo lang-" "No!" Putol ni Blessa kay Lucas. "Si Rodolfo at Grace ang mga magulang ko, Lucas," nanginginig na sabi Blessa. "Bakit kaya hindi mo tanungin ang mama mo? Blessa, sa hitsura pa lang hindi na maipagkaka ilang magkamukhang-mukha kayo ni Vherna," giit ni Lucas. "And if your father and Vherna have connection with each other, maybe ikaw nga ang nawawalang anak ni Vherna." Napailing ng maraming beses si Blessa. Biglang sumakit ang ulo niya sa mga impormasyong nalaman ngayon lang. Imposible ang sinasabi ni Lucas, dahil kung totoo mang hindi niya magulang ang mga kinalakihan sana isinumbat na iyon ng mama niya sa kanya ng minsang magkasagutan sila noon. Pero paano rin maipapaliwanag ang pagiging magkamukha niya at ni Vherna?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD