CHAPTER 18

1460 Words
Habang pinapanood ni Blessa ang paglilipat ng mga katawan ng kanyang mga magulang dito sa ipinatayo niyang museleo ay unti-unting nawawala ang bigat sa kanyang puso. Ipinagawa talaga niya ang museleo para kay Abby at sa papa niya. Hindi niya akalaing madadala rin niya dito ang katawan ng tunay niyang ina. Bago kasi sila umalis ni Rommel sa kulungan nang dalawin nila ang mama nila ay sinabi nito kung saan nakalibing si Vherna. Sila pala ang kumuha sa bangkay nito noon at binigyan ng maayos na libing. "Tumawag si Jaycee, nasa restaurant na daw sila," ani Lucas nang lapitan si Blessa sa isang tabi. Tapos na ang ginagawa ng mga taong kinuha ni Lucas para sa paglilipat sa mga katawan ng mga magulang niya kaya naman nagpaalam na sila sa caretaker ng naturang sementeryo matapos bayaran ang mga trabahador at bigyan ng konting tulong ang caretaker na tumulong rin. "Ano ang plano mo ngayon? Nag usap na ba kayo ni Attorney Pantallion?" "Nasa bakasyon si attorney, next week pa raw ang balik n'ya. Pero nagkausap na kami," tugon ni Blessa habang nakatanaw sa labas ng bintana. Naging tahimik ang buong byahe dahil sa sari-saring isipin ni Blessa. Marami kasi siyang naisip na tanong para kay Caridad Peña tungkol sa mama niya. Malakas ang kabog ng puso ni Blessa habang papasok sila ng restaurant. Nasa bukana na sila nang salubungin ulit ng isang waitress at igiya sa lamesa kung nasaan si Jaycee at ang Caridad Peña na tinutukoy nito. Tumayo agad si Jaycee para kamayan si Lucas nang makalapit sila sa lamesa. Ganoon rin ang ginawa ng lalaki kay Blessa na tinugon naman niya. "By the way, this is Caridad Peña. Mrs. Peña, this is Lucas Marcopolo the owner of this restaurant. And Blessa De Asis-" "Kamukhang-kamukha mo si Vherna noong kabataan namin. Hindi ko akalaing lalaking maganda ang nag iisa niyang anak," papuri ni Caridad kay Blessa. Matapos ipaghila ng upuan si Blessa ay sumenyas na si Lucas para sa pagkain nila saka naupo sa katabing upuan ng dalaga. "Is he your boyfriend?" nakangiting tanong ni Caridad patungkol kay Lucas. Napangiti ng alanganin si Blessa dahil doon. Napatingin pa siya sa dalawang kasama bago bumaling sa babae. "Kaibigan ko po sila." "Bagay kayo," anito pang matamis ang ngiti. "Well, maiba tayo. Bakit nga pala gusto mo akong makausap?" "Marami po akong gustong malaman tungkol sa tunay na nanay ko, Mrs. Peña." "Tita Cari na lang, iha," malumanay na sabi nito at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Blessa. Tinapos muna ng lahat ang hapunan at dinala ni Blessa si Caridad sa apartment na tinutuluyan niya. Kasama niya ulit si Lucas na ngayon ay nakikipaglaro na kay Bella sa sala. "Hindi mo ba talaga boyfriend 'yan, Blessa?" "Naku! Hindi po. Magkaibigan lang po talaga kami ni Lucas," sagot niya matapos ilapag ang baso ng juice sa harap nito. "Alam mo ba, noong kabataan namin sobrang daming pangarap nina Vherna at Vicky. Sila ang magkasama sa iisang kwarto kaya mas close silang dalawa. Nakakasama namin sila pero mas madalas na sila lang." "Mabait po ba ang mama ko?" "Sobra! Walang lumapit sa kanya na nabigo. At noong kabataan namin ligawin talaga siya dahil sa maganda na ay mabait pa. Alam mo ba, maraming pangarap ang mama mo para sa nanay n'ya. Sobrang mahal na mahal n'ya ang nanay n'ya, kahit na nga ang kwento n'ya eh, ampon s'ya." "Opo, totoo po 'yon. Pero, naging malupit si Lola Laura kay mama. Sinisi n'ya si mama no'ng mamatay si lolo, dahil kung hindi siya iniligtas ni lolo noon buhay pa daw sana ang asawa n'ya," kwento ni Blessa. "Pero, okay na po 'yon. Pare-pareho na po silang nasa kabilang buhay." Marami pang ikinuwento ni Caridad tungkol sa mama niya. Kung paano muling nagkita ang mama at papa niya kahit ilang taon na ang lumipas. Naging mahirap ang pagbubuntis ni Vherna noon sa casa. Maging ang panganganak nito ay buwis buhay din. Gusto mang manatili sana ni Vherna ang anak sa casa, ngunit hindi pwede. Masakit man ay ibinigay niya kay Rodolfo ang anak matapos binyagan noon. Nahuli kasi sila noon ni Archangel at binantaan siyang papatayin ang anak kung mananatili iyon doon sa casa. Doon nag umpisang magrebelde si Vherna. Lahat ng mga transaksyon patungkol man sa casa o sa ibang illegal na gawain ng sindikato ay sinasabi ni Vherna sa kaibigang pulis. Dahil nga madaling matuto sa mga gawain ay na-promote noon si Vherna bilang katiwala ng casa. At minsang may makarinig sa pag uusap ni Vherna at ng kaibigang pulis ay sinabi iyon kay Archangel. Dalawa sila noon ni Vicky na kinuha at ikinulong. Dahil nga sila ang laging magkasama ay akala ni Archangel magkasabwat silang dalawa. Nakabalik sa casa si Vicky ilang araw matapos silang kunin, ngunit hindi si Vherna. Ilang araw lang noon ay ibinalitang patay na ito. Tanda ni Blessa noon na sinabi ni Vicky sa kanya na ito ang dahilan kung bakit namatay ang mama niya. Isinalba nito ang sarili para mabuhay. Gayon pa man, wala na siyang makapang galit para kay Vicky. Nakalipas na ang mga panahong iyon at hindi na maibabalik pa. Sapat na ring iniligtas siya noon ni Vicky sa kamay ni Tommy at ibinuwis ang sariling buhay para sa kanya. Makalipas ang ilang linggo ay tuluyan na ngang nailipat sa pangalan ni Blessa ang mga naiwang ari-arian ni Vicky. May ipinatayo pa palang bahay si Vicky sa Makati at lilipatan na lang kaya naman iyon ang ginawa ni Blessa. Papaupahan na lamang niya ang tinitirahang apartment para sa dagdag income na rin niya. "Tama na ako sa inuupahan ko, ate." "Rommel, mas makakatipid ka kung dito ka kasama ko. Next year mag-o- OJT ka na. Ilang taon na lang ga-graduate ka na at mag-ta-take ng exam. Mas malaking kaluwagan kung makatipid ka kahit sa bahay na lang," paliwanag naman ni Blessa. "Tama ang ate mo, Omel. Saka wala kayang kasamang lalaki ang mga ate mo dito," ani Kira rin. "Mag-asawa ka na kasi," tudyo ni Rommel. "Wala nga akong boyfriend, asawa pa! Saka, ayos na 'ko mag-isa." "Sabihin mo lang takot ka!" si Kira. "Girl, hindi porke't galing tayo sa maruming gawain, hindi na tayo makakahanap ng the one para sa atin. Look at me..." Sabay taas nito ng kaliwang kamay kung nasaan ang engagement ring. "Akala ko nga boyfriend ni ate si Kuya Lucas, eh," nangingiting sabi ni Rommel. Napasimangot na lang si Blessa sa kapatid. "Kaibigan ko lang 'yong tao. 'Wag kang ano d'yan!" sabi niya sabay irap dito. "Paano kung magsabi s'ya sa 'yo na gusto ka n'ya? Ano'ng gagawin mo?" nakangiti pa ring tanong ng kapatid. "Imposible! S'ya na nagsabi! Friends lang kami. Inulit-ulit pa! Feeling yata hindi s'ya nakakasakit ng damdamin!" nakasimangot na saad pa ni Blessa. "Paano nga kung more than friends na ang gusto?" ani Rommel na malaki na ang ngiti. "Hindi kami bagay-" "Kasi tao tayo?" Napatayo sa gulat si Blessa ng magsalita si Lucas mula sa kanyang likuran. Malakas naman ang tawa nina Kira at Rommel dahil sa naging reaksyon niya. "Kanina ka pa ba d'yan?" nanlalaki ang mga matang tanong niya sa binata. Tumango ito at malapad ang ngiti. "Pwede bang ako naman ang magtanong sa 'yo?" Napalunok pa si Blessa at parang sasabog ang puso niya sa kaba. "Nang ano?" "Pwede bang manligaw?" Napalingon pa siya sa tumitiling si Kira. "Oo na agad, gaga! Sayang 'yan!" "Tara na, Ate Kira, tingnan na natin sila 'Nay Lotty sa kusina. Baka luto na ang pagkain." Hila ni Rommel kay Kira palayo. "Hindi ko pa nga naririnig sagot ni Blessa, eh!" reklamo ni Kira. "Mamaya na!" "Baka maudlot lang! Hayaan mong mag usap!" Napailing na lang si Blessa dahil sa mga pinagsasabi ng mga ito habang palayo. Hindi tuloy niya alam kung ngingiti ba o hindi sa lalaking kaharap. "So... what now?" "Seryoso ka?" hindi talaga makapaniwalang tanong ni Blessa. "Noon pa man gusto na kita, Blessa. At oo. Seryoso ako." "Sabi mo kasi friends lang tayo, eh," nakangusong sabi niya. "I'm serious, Blessa." "Seryoso rin naman ako, ah!" Depensa niya. "Saka... bakit ako? Marami namang-" "Sa tagal nating nagkasama sa casa naikwento mo na ang buong buhay mo sa akin. 'Wag mong ibaba ang sarili mo dahil alam kong iba ka sa kanila. Kahit ano ka pa, kahit sino ka pa, ano man at saan man ang pinaggalingan mo. Tanggap kita, Blessa," madamdaming saad ni Lucas. "Akala ko, hindi na tayo magkikita ulit. Sabi ko noon, makita lang kita aamin na ako. Hindi ko na palalagpasin ang pagkakataon na ibibigay sa akin ng Diyos kaya ito, lakas loob ko ng sasabihin sa 'yo. Gusto kita, Blessa." Walang pagsidlan ang saya sa puso ni Blessa. Para bang panaginip ang lahat. Pero totoo! Gusto siya ni Lucas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD