CHAPTER 19

1487 Words
Naging makulay ang buhay pag-ibig ni Blessa simula ng magtapat si Lucas sa kanya. Panay ang tukso ni Kira kay Blessa dahil si Lucas na ang tagahatid at sundo nito sa eskwela. Kahit sa mga gig nila ay naroon si Lucas kahit malayo ang venue ay matiyaga si Lucas na ihatid at sunduin si Blessa. Agaw pansin ang binata dahil sa tindig at angking kagwapuhan. "Grabe ka, girl! Tatahi-tahimik pero may gwapo at macho pa lang jowa na itinatago!" kantiyaw ni Lyn kay Blessa. "May mga kaibigan pa ba 'yang jowa mo? Baka pwede naman kamu niya kaming ipakilala," si Celly na natatawa pa. Madalas rin silang lumabas ni Lucas kasama si Bella na lubos na ikinatutuwa ni Blessa dahil close na close ito kay Lucas. Papa na nga ang tawag ng bata sa binata. At ngayon, nandito sila sa isang playground malapit sa bahay nila dahil may gustong makipagkita kay Blessa. Nakangiti si Blessa habang tanaw ang pamangkin na naglalaro sa slide kasama si Lucas. "Blessa," tawag ng isang lalaki sa atensyon niya. Nilingon ni Blessa ang lalaki at nadako ang tingin niya sa batang hawak nito. Nagtago pa ng bahagya ang bata sa likod ni Lenard ng ngitian niya. "S'ya na ba si Ivan?" Baling nito kay Lenard dahil mukhang takot sa kanya ang pamangkin. "Oo, anak namin ni Abby," tugon ni Lenard. "Anak, s'ya ang Tita Blessa mo. Kapatid s'ya ng mama mo," sabi pa nitong pinantayan ang anak. "Sa kanya na po ba ako titira, pa?" "Ayaw mo ba?" malungkot na tanong ni Lenard sa anak. "Sasaktan n'ya rin po ba ako gaya ni Mama Nica?" natatakot na tanong nito sa ama. Napatingin si Lenard kay Blessa at bakas ang lungkot at pagsisisi sa mga mata nito. "Anak, mabait si Tita Blessa. Nakita mo ang batang 'yon?" Sabay turo nito sa apat na taong gulang na si Bella na tuwang-tuwang pabalik-balik sa pagsa-slide habang inaalalayan ni Lucas. "Kapatid mo s'ya. Anak rin siya ng Mama Abby mo. At si Tita Blessa ang nag aalaga sa kanya. Magiging maayos ang buhay mo sa tita mo," paliwanag pa nito. Unti-unting nilingon ni Ivan si Blessa at nadudurog ang puso ng dalaga sa nakikitang takot at sakit sa mga mata nito. "Paano kung saktan n'ya rin ako? Paano kung hindi s'ya mabait?" may pag aalinlangang tanong muli ni Ivan sa ama. "Hindi mangyayari 'yon, anak. 'Di ba sabi ko sa 'yo mabait ang Mama Abby mo. Magkapatid sila ni Tita Blessa kaya mabait rin s'ya. Hindi ka sasaktan ng tita mo," pagpapaintindi pa nito. Sampung taon na si Ivan at alam na nito ang mga bagay-bagay na nangyayari sa kanyang paligid. Sa kagaya ni Ivan na nakaranas na ng hindi maganda sa kamay mismo ng mga taong dapat nagbibigay kalinga sa kanila. Mahirap sa mga batang nasa ganoong edad na magtiwala ng basta-basta. "Maglaro ka muna, anak. Mag uusap muna kami ng tita mo, ha," nakangiting sabi ni Lenard na ginulo pa ang buhok nito. Sinunod ni Ivan ang ama at pumunta ito sa swing matapos sulyapan si Blessa. Nakita pa nila na inakay ni Lucas si Bella patungo sa swing kung nasaan si Ivan saka naupo sa kabilang swing at kinausap ng mga ito ang tahimik na si Ivan doon. "Sinasaktan ng asawa mo si Ivan?" paunang tanong ni Blessa habang na kay Ivan ang tingin. "Ilang taon akong nasa abroad noon. May nagsusumbong na sa akin noon pa na ginagawa ni Nica 'yon sa anak ko. Pero hindi ako naniniwala kasi, alam kong mahal n'ya ang anak ko," sabi nito at naupo sa sementong bangkong naroon. "Hanggang sa umuwi ako ng Pilipinas, wala naman akong nakita o napansin. Dahil ayaw ko ng bumalik sa abroad dito ako nagtrabaho sa Maynila. Isang beses na hindi ako nagpasabing uuwi doon ko naaktuhan na sinasaktan nga niya ang bata." Napabuntong hininga na lamang si Blessa at hindi lubos maisip na ilang taon ng dinadanas ng pamangkin niya ang ganoong klase ng buhay. "Babalik ulit ako ng Korea, hiniwalayan ko na rin ang asawa ko at susustentuhan ko na lang ang isa pang anak ko sa kanya. Alam kong magiging maayos ang buhay ni Ivan sa poder mo." Nasa tinig nito ang pag-asa. "Hindi ko naman kalilimutan ang obligasyon ko kay Ivan, Blessa. Gusto ko lang na maging maayos ang kalagayan ng anak ko habang wala ako. Ayaw kong maulit na naman ang masakit na karanasan ng anak ko sa kamay ng ibang tao kaya mas mapapanatag ako kung sa 'yo ko iiwan ang bata." Noong nakaraang linggo ay tumawag kasi si Rommel sa kanya at sinabi nga ng kapatid ang pagkikita nila ni Lenard na dating kinakasama ni Abby. Nasabi na rin ni Rommel sa kanya ang plano ni Lenard na iwan sa pangangalaga niya ang pamangkin. At buong puso niyang kukup-kupin at aalagaan si Ivan para na lang sa kapatid. "Walang problema sa akin kung sa akin mo iiwan ang pamangkin ko. 'Wag kang mag alala safe s'ya kapag umalis ka," pangako ni Blessa sa lalaki. "Aalagaan ko ng mabuti si Ivan katulad ng pag aalaga ko kay Bella. 'Wag kang mag alala dahil hindi ko s'ya pababayaan." "Salamat." Napabuntong hininga pa ito. "Sobrang mahal ko si Abby, to the point na ipinaubaya ko s'ya sa iba. Ayaw kong maging magulo ang buhay na kalalakihan ng anak ko kaya dinala ko s'ya nang umalis ako. Pero, kalbaryo lang din pala ang magiging buhay ni Ivan sa akin. Iyong taong akala ko na mamahalin at aalagaan ang anak ko kagaya ng kung paano niya ako mahalin at alagaan, iyon pa pala ang magmamalupit sa kanya." Tinanaw muli ni Blessa ang tatlo sa swing. Napangiti siya maging si Lenard ng makitang inuugoy ni Ivan si Bella sa swing at tumatawa silang pareho. "Ivan, ito ang magiging kwarto mo simula ngayon," ani Blessa nang buksan ang isang kwarto pagkauwi nila ng bahay. Pumasok si Ivan at inilibot ang tingin. Agad itong tumungo sa bintana upang tanawin ang labas. "Ang ganda po ng mga puno!" tuwang-tuwang sabi nito ng tanawin ang mga puno sa labas ng bintana. "Dito na po ba ako titira?" "Ayaw mo bang tumira dito sa akin?" nag aalalang tanong ni Blessa habang haplos ang buhok nito. "Hindi n'yo po ako ibibigay kay Mama Nica?" bakas ang takot at lungkot sa mga matang tanong nito kay Blessa. "Sa akin ka na inihabilin ng papa mo simula ngayon. Aalis kasi ulit ang papa mo, pero 'wag kang mag alala dahil araw-araw mo naman s'yang makakausap," pangako pa ni Blessa dito. "Pangako ko sa 'yo na hangga't ako ang kasama mo. Walang mananakit sa 'yo, hmm?" Unti-unting umangat ang mga kamay ni Ivan at yumakap sa baywang ni Blessa. "Thank you po," gumaralgal ang tinig na sabi pa nito. "Hindi ka dapat umiyak," alo niya sa pamangkin. "Isipin mo na lang na gift ni God sa 'yo lahat ng ito. Gusto ni God na maging masaya ka dahil ilang taon ka ring malungkot," aniya pa habang haplos ang buhok ng bata. "Dati po, lagi kong tinatanong kung mahal ba ako ng tunay na mama ko? Kasi bakit wala s'ya? Bakit sa ibang mama ako lumaki? Sa ibang mama na hindi ako mahal." Kinalas niya ang mga braso ni Ivan sa baywang niya at inakay ito paupo sa kama. Pinahid nito ang mga luhang naglandas sa pisngi ng bata saka ngumiti siya para gumaan ang nararamdaman nito. "Hindi mo pa lubos na maiintindihan sa ngayon ang mga dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. At isa lang ang alam ko, kung mahal ka ng papa mo, mas mahal ka ng Mama Abby mo. Kaya 'wag kang magagalit sa kanya, ha. Kasi, kahit anong gawin mong galit d'yan sa puso mo, hindi mababagong s'ya pa rin ang mama mo," paliwanag ni Blessa. "At kung nasaan man qng Mama Abby mo ngayon siguradong nakikita ka n'ya at natutuwa iyon na ligtas at maayos na ang kalagayan mo." "Hindi naman po ako nagagalit sa totoong mama ko. Sabi kasi ni papa, nasa langit na raw si mama kaya hindi na n'ya ako binalikan," sabi pa nito at pinahid pa ng kamay ang mga luha. "Kapag nagagalit si Mama Nica sa akin lagi n'yang sinasabing bad daw ang tunay na mama ko. Pero mas naniniwala ako kay papa dahil sabi ni papa mabait daw ang mama kong totoo." "Mabait ang Mama Abby mo, Ivan. At balang araw mas maiintindihan mo rin ang lahat-lahat." Nagpapasalamat na rin si Blessa kay Lenard at nagawa pa nitong ipagtanggol si Abby sa anak kahit na nga naging masama talaga ito kahit saang anggulo tingnan. Walang ina ang matitiis na mawalay ang anak pero nagawa iyon ng kapatid niya. Natiis nitong mawalan ng anak kapalit ng masamang bisyo. At ngayong wala na si Abby siya na ang magtatama ng mga maling nagawa nito sa mga anak niya. Sisiguraduhin ni Blessa na lalaking mabubuting bata ang mga pamangkin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD