EPISODE 7 - FRIEND OR BOYFRIEND?

1304 Words
WAVES OF DISTRESS EPISODE 7 Friend or Boyfriend? AMARA GEORGINA’S POINT OF VIEW. “Hello again, Missy.” Para akong tinakasan ng hininga nang marinig ko ang boses niyang sinasabi iyon sa akin. Hindi ako makagalaw. Nakatitig lang ako sa kanyang magadang mga mata na para bang hini-hypnotize ako. Mas lalo niya pa akong idinikit sa kanya kaya mariin akong napakapit sa kanyang balikat at napakurap sa aking mga mata. “Bakit ka nandito, hmmm?” he asked me. Hindi ako makasagot. Nakatingin pa rin ako sa kanya at hindi ko rin mapigilan na mapatingin sa kanyang basang katawan at mas lalo pa siyang nagiging hot ngayon. Bakit ko ba ito iniisip? Magkakasala na ata ako! “Amara!” Mabilis kong itinulak palayo si Tobias sa akin at pumunta ako sa gilid ng pool at kumapit dito. Nakita ko kaagad si Sabrina na papalapit sa akin at kita ko sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala. “Anong nangyari sa ‘yo?! Hinanap kita kanina sa living room pero wala ka roon kaya inisip kong gumala ka tapos nakita na lang kita bigla rito na nasa pool at basa na!” sabi ni Sabrina. Tinulungan niya akong maka ahon at makaalis sa pool. Ngayon ko lang naramdaman ang labis na panginginig nang biglang humangin. “Nahulog sa pool ang kaibigan mo kaya tinulungan ko kaagad siya kasi hindi pala ito marunong lumangoy.” Napatingin ako kay Tobias ng magsalita ito. Nakaahon na rin pala siya sa swimming pool at hindi ko mapigilan na mapalunok sa aking laway nang makita ko ang kabuohan ng kanyang basang katawan. Hindi ko alam kung anong edad na ni Tobias pero hulmang-hulma na ang kanyang katawan at may abs na rin siya. “Amara, kukuhanan muna kit ang tuwalya, ah? Nanginginig ka na kasi sa lamig diyan! Wait lang talaga,” sabi ni Sabrina at muling tumakbo papasok sa kanilang bahay kaya muli akong naiwan kasama si Tobias. Shit. Pwede naman akong sumama papasok sa loob at doon na lang din mag hintay kay Sabrina. Naiwan tuloy ako rito na kasama si Tobias at nakakaramdam talaga ako ng awkwardness lalo na sa nangyari kanina sa may pool. Kinakabahan ako sa kanya at ayokong kausapin siya o hindi namna ay tinignan siya ulit. “Nilalamig ka na,” rinig kong sabi niya. Muli akong napalingon kay Tobias at nang makita ko siyang humakbang papalapit sa akin ay mabilis akong umatras at pinatigil siya sa kanyang pag hakbang. “D-Diyan ka lang!” sigaw ko. Bakit ako nauutal?! Huminga ako ng malalim at pinakalma ang aking sarili. Ngumisi siya sa akin at nakita ko siyang sinuklay ang kanyang buhok habang nakangisi at nakatingin pa rin sa akin ngayon. Para niya akong inaakit sa kanyang mga galaw ngayon at hindi ko rin maitago sa aking sarili ang katotohanan na naaakit niya talaga ako ngayon! Gusto kong pagalitan ang aking sarili dahil hindi naman ako ganito dati sa ibang lalaki lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa akin noon na mga pogi rin, pero hindi kasing pogi at macho nitong lalaking nasa harapan ko ngayon. “Bakit parang kinakabahan ka sa akin, Missy? Hindi kita kakainin,” natatawa niyang sabi sa akin na para bang tuwang-tuwa na asarin ako. Tinignan ko siya ng matalim at mas lalo pang hinigpitan ang pagyakap sa aking sarili dahil giniginaw na talaga ako. Nanlaki ang aking mga mata at nataranta nang muli siyang humakbang palapit sa akin at ako naman ay mabilis din na umatras hanggang sa makaupo ako sa pool lounge chair nila. Napapikit ako sa aking mga mata nang mas lumapit pa sa akin si Tobias at naramdaman ko na rin ang kanyang hininga sa may balikat ko. Muli akong napamulat sa aking mga mata at gulat na napatingin sa kanya nang may nilagay siya na tuwalya sa aking balikat at pinulupot ito sa aking katawan. Bahagya na siyang lumayo sa akin at nginitian ako. “Kinuha ko lang ang tuwalya ko na nakalagay diyan sa upuan dahil nakakaawa kang tignan na nanginginig sa lamig. Kaibigan mo pala ang kapatid ko? So, palagi na pala kitang makikita rito,” sambit niya at muling ngumisi sa akin. Tinignan ko siya ng masama at inirapan siya. “Pupunta lang ako rito kung wala ka!” Napahawak siya sa kanyang dibdib at umarte na para bang nasasaktan siya sa aking sinabi. “Ouch! Ang sakit mo magsalita ah? Hindi naman kita inaaway. Dahil kaibigan ka na ng kapatid ko, kaibigan na rin kita,” sabi niya at kinindatan ako. Umiwas ako ng tingin sa kanya. “H-hindi kita kaibigan!” masungit kong sabi sa kanya. Hinding-hindi ako makikipag kaibigan sa lalaking ito at never ko talagang nakikita ang sarili ko na maging kaibigan ko itong si Tobias Kai. Feeling ko kasi ang bad influence niya sa akin kapag naging magkaibigan kaming dalawa. Mabuti naman si Sabrina na maging kaibigan dahil kahit maldita ito at pasaway, makikita mo naman na may kabaitan din siya at pinapahalagahan niya ang pagkakaibigan namin, hindi rin siya bad influence sa amin ni Gabriella. “Ayaw mo akong maging friend?” malungkot niyang tanong sa akin. Natigilan ako at hindi mapigilan na mapatulala habang nakatingin sa kanya nang bigla na lang siyang ngumuso sa aking harapan na para bang nagpapa-cute. Mahigpit kong hinawakan ang tuwalya na nakapulupot sa katawan ko dahil sa sobrang kaba at sa malakas na pagkabog ng aking dibdib. “H-Hindi,” mahina kong sagot sa kanyang tanong. “Ganoon ba? Okay.” Tumango si Tobias at humalukipkip. Akala ko ay titigilan na niya ako pero muli siyang humarap sa akin at nginitian ako. “Kung ayaw mo akong maging friend, pwede mo ba akong maging boyfriend?” Para akong tinakasan ng hininga sa aking narinig galing kay Tobias Kai. Napatulala ako habang nakatingin sa kanya at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o magiging reaksyon. “Amara!” Oh My God! Lifesaver! “S-Sabrina!” tawag ko sa aking kaibigan at mabilis na lumapit sa kanya. “Oh! May tuwalya ka na pala?” taka niyang tanong habang nakatingin sa tuwalya na gamit ko. “Akin na lang ‘yan, Sis. Pinahiram ko na lang sa kaibigan mo ang tuwalya ko dahil nanginginig na siya sa lamig kanila,” rinig kong sabi ni Tobias at kinuha ang tuwalya na dala ni Sabrina para sana sa akin. Tumango si Sabrina at lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa aking balikat. “Halika na, Amara! Pahiramin na muna kit ang damit habang pinapatuyo natin iyang damit na suot mo,” wika niya at nagsimula na rin kaming mag lakad papunta sa loob ng kanilang bahay. Hindi ko na ulit nilingon pa si Tobias dahil ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang kanyang titig sa akin at para na akong ma he-heart attack sa lakas ng pagtibok ng aking puso! Bakit ba ito nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito dati at ngayon ko lang talaga ito nararamdaman habang nasa paligid si Tobias sa akin at kapag nagsasalita siya. May kapangyarihan ba siya na hindi namin alam? O hindi kaya ay may sakit ako sa puso tapos ngayon lang lumabas? Argh! Nakakainis! Hindi na tuloy mawala sa isipan ko ang tanong niya sa akin kanina. “Kung ayaw mo akong maging friend, pwede mo ba akong maging boyfriend?” Mabilis akong napailing at hindi na ulit inisip ang tinanong niya sa akin na hindi ko nasagot kanina. Pinagti-tripan ka lang ng lalaking iyon, Amara. Tama, tama. Alam kong pinaglalaruan lang ako nun kaya niya ako ginugulo kaya dapat hindi ako magpaapekto sa kanya. Shit. Mukhang kailangan ko na talagang double-hin ang pag iwas kay Tobias Kai dahil na a-apektuhan na ang puso ko. Baka sa susunod ay mahimatay na ako sa lakas ng pagtibok ng aking puso. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD