WAVES OF DISTRESS
EPISODE 6
GENEROSO MANSION
AMARA GEORGINA’S POINT OF VIEW.
Isang buwan na ang nakalipas at nasasanay na rin ako rito sa probinsya. Hindi ko na ulit nakakasalubong si Tobias Kai Generoso at naging payapa na rin ang buhay ko. Naging kaibigan ko na rin ang mag pinsan na si Sabrina at Gabriella. Hindi ko akalain na magiging close friend ko sila rito at masaya naman sila bilang kaibigan. Boyfriend na ni Gabriella ang matalik na kaibigan ni Rick na si Baste, habang si Sabrina at Rick naman ay halatang may relasyon na rin silang dalawa. Nakita ko kasi silang nag hahalikan noong nakaraang araw sa study shed kaya halatang may relasyon na ang dalawa at hindi pa nila sinasabi sa amin ang totoo.
“Gabby, Amara, dalaw kayo sa amin bukas!” nakangiting sabi ni Sabrina.
Malungkot na ngumiti si Gabby sa kanyang pinsan at umiling. “Sorry, Sabby, hindi ako makakasama. May pupuntahan kasi kami nila Mommy at Daddy sa Davao bukas at kailangan ko rin talagang sumama,” sabi ni Gabriella.
Napasimangot si Sabrina at lumingon siya sa akin kaya nataranta ako. Wala pa naman akong nahahanap na part-time job at hindi rin ako busy bukas kaya siguro pwede akong sumama kay Sabrina? Hindi naman siguro ako papagalitan ni Papa basta magpaalam lang ako sa kanya ng maayos.
“S-Sige, wala naman akong gagawin bukas,” sabi ko kay Sabrina.
“Yes! Haha. Thank you, Amara!” nakangiting sabi ni Sabrina at kinindatan ako.
Shit. Mukhang mali ang pagpayag ko na sumama sa kanilang mansion bukas! Makikita ko si Tobias doon kasi kapatid lang silang dalawa at nasa iisang bahay lang silang dalaw. Hindi naman ata lumalabas si Tobias sa kanyang kwarto dinna? O hindi naman ay baka may pupuntahan siya bukas at may trabaho siya sa kompanya nila kaya sigurado akong wala siya mamaya. Tama, tama. Hindi dapat ako mag panic dahil si Sabrina naman ang pupuntahan ko sa kanila at hindi si Tobias Kai.
“Papa, aalis pala ako bukas.”
Napatigil sa pag kain si Papa at nag angat ng tingin sa akin. Magpapaalam na sana ako sa kanya na pupunta ako sa mga Generoso bukas. May trabaho naman si Papa bukas kaya ako lang ang maiiwan dito sa bahay at wala rin akong magagawa rito sa amin.
“Saan ka pupunta, Anak?” tanong sa akin ni Papa.
“Pupunta po ako sa bahay ng kaibigan ko papa. Malapit lang din naman ang bahay nila rito at sasakay lang po ako ng tricycle,” sagot ko sa tanong ni Papa.
Tumango naman siya. “Sino ba iyang kaibigan mo? Para naman hindi ako mag-alala sa ‘yo,” tanong ulit ni Papa sa akin.
“Si Sabrina Generoso po, Papa.”
Nakita ko ang gulat sa mukha ni Papa at bahagya rin siyang natigilan nang banggitin ko ang pangalan ng aking kaibigan na si Sabrina.
“G-Generoso? Anak ba iyan ni Cristina at Sebastian?” muling tanong ni Papa sa akin.
Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot sa kanyang tanong. Mukhang kilala ni Papa ang mga magulang ni Sabrina kasi naman dito naman talaga nakatira si Papa sa probinsya ng Governor Generoso kaya sigurado akong pamilyar na pamilyar sa kanya ang pamilya ng mga Generoso.
“Sige, sige, Anak. Kilala ko naman ang mga iyan at alam kong hindi ka mapapahamak doon sa kanilang pamamahay. Mag-iingat ka lang sa iyong pagbyahe papunta roon at pauwi rito, okay?”
Ngumiti ako kay Papa at tumango.
Maaga akong nagising sa umaga at agad din na nag text sa akin si Sabrina na mag-aabang na lang daw siya sa akin sa may gate nila dahil malayo pa ang mismong mansion nila sa gate at kailangan pang maglakad. Sumang-ayon naman ako sa sinabi ni Sabrina at agad na rin akong nag ayos para makapunta na ako sa kanila. Nang makalabas ako sa aking kwarto ay hindi ko na nakita si Papa, siguro ay nasa trabaho na siya ngayon sa may palengke.
Nang makalabas ako sa aming bahay ay may dumaan kaagad na tricycle kaya mabilis lang akong nakaalis at hindi ko na kailangang mag hintay pa ng masasakyan. Mabilis lang akong nakarating kina Sabrina at nakita ko kaagad siya sa labas ng guard house sa may gate nila. Pagkatapos kong mag bayad kay Kuya Tricycle driver ay lumabas na ako at kumaway kay Sabrina.
“Amara!” tawag niya sa akin at kumaway rin siya.
Lumapit ako kay Sabrina at niyakap siya. Sabay na kaming nag lakad papasok sa kanilang property. Hindi ko mapigilan na mamanghda dahil ang laki ng kanilang lupain. Kitang-kita ko rin sa hindi kalayuan ang malinaw na dagat malapit lang din sa kanilang mansion. Ang ganda ng property ng mga Generoso dahil mukhang nasa farm sila pero sa hindi kalayuan malapit lang ang bahay nila.
“Wala rito sila Mommy at Daddy kasi pumunta sila sa Manila. Kaya tayong dalawa lang ang nandito sa house namin!” masayang sabi ni Sabrina habang nakakapit sa aking braso habang papasok kami sa kanilang mansion.
Ngumiti ako sa kanya at tumango. Mukhang wala rin ang kuya niya rito dahil sinabi niyang kami lang dalawa ang nandito sa kanila. Nakahinga ako ng maluwag dahil makakagalaw ako rito ng maayos at hindi ko masyadong maiisip si Tobias.
Nang makapasok na kami sa loob ay pinaupo na muna ako ni Sabrina sa kanilang couch dito sa kanilang living room dahil may kukunin pa siya sa kanyang kwarto.
“Pwede kang mag ikot-ikot muna dito sa bahay namin, Amara. Medyo matatagalan pa kasi ako,” sabi ni Sabrina at nagmadali na umakyat sa kanilang hagdan para pumunta sa kanyang kwarto.
Tumingin ako sa kabuohan sa kanilang bahay at may nakita akong naglalakihang mga chandelier at puro ito gold! Ang gaganda rin ng mga designs dito sa kanilang mansion na may pinaghalong old and modern designs. Napagpasyahan kong tumayo at naglakad para mamasyal sa kanilang bahay. Nakarating ako sa kanilang kusina at hindi ko mapigilan na mapanganga dahil mas malaki pa ito kaysa bahay namin ngayon ni Papa rito sa Governor Generoso. Grabe! Ang yaman talaga nila!
Nagpagpasyahan ko rin na lumabas sa kanilang bahay at nakita ko kaagad sa hindi kalayuan ang pool area nila. Para itong mini beach resort ang kanilang labas at kitang-kita na rin dito ang malinaw na dagat sa hindi kalayuan. Humakbang ako papunta sa pool dahil gusto kong basain ang mga paa ko roon. Nang makapunta na ako sa pool ay napakunot ang aking noo at nagulat nang may makita akong lalaki na lumalangoy rito. Sino siya?
Bahagya akong lumapit sa may pool side upang mas makita ko pa lalo kung sino itong lumalangoy. Nang bigla itong umahon ay hindi ko mapigilan na magulat at aksidente kong natapakan ang basang part ng tiles dito sa pool side kaya na out of balance ako at nahulog sa tubig. s**t! Hindi ako marunong lumangoy! Buti na lang at may lumapit sa akin at agad akong napakapit sa kanyang balikat at nakaahon at nakahinga ulit.
Binuksan ko ang aking mga mata at nanlaki ang mga ito nang makita kung sino ang nasa harapan ko at ang lalaking nakita kong lumalangoy kanina at ang tumulong sa akin.
“T-Tobias,” mahinang banggit ko sa kanyang pangalan.
Naramdaman ko ang braso niyang pumulupot sa aking beywang at mas nilapit niya pa lalo ang mga katawan naming dalawa. Narinig ko ang malakas na tambol ng aking puso at naramdaman ko rin ang pamumula sa aking mukha kahit basang-basa na ako ngayon sa tubig at nanginginig.
Hindi ako makagalaw nang bigla niyang hinaplos ang aking pisngi at hinawakan ang aking baba habang seryosong nakatingin sa aking mga mata.
“Hello again, missy,” he said huskily.
Oh my God! Nagkita ulit kami ni Tobias! Hindi ako makahinga!
TO BE CONTINUED...