WAVES OF DISTRESS
EPISODE 8
AMARA’S FEELINGS
AMARA GEORGINA’S POINT OF VIEW.
“Pasensya na, Amara, ah? Nandito rin pala si Kuya Kai sa bahay namin. Hindi ko kasi siya nakita kanina kaya nasabi kong tayo lang dalawa ang nandito. Busy pala siya kanina sa pag langoy sa pool namin at buti na lang din at nandoon siya dahil natulungan ka niya na hindi malunod,” wika ni Sabrina.
Nandito na kami sa loob ng kanyang kwarto at nakapagpalit na rin ako ng aking mga kasuotan at kasalukuyan na pinapatuyo iyong mga damit ko na nabasa kanina nang dahil sa pagkahulog ko sa pool.
“Okay lang, Sabrina. Hindi lang talaga ako naging maingat kanina dahil naapakan ko iyong madulas at basang parte ng tiles malapit sa pool kaya ako nahulog. B-Buti rin nandoon ang kuya mo dahil kung hindi ay baka nalunod na talaga ako ng tuluyan,” sabi ko at ngumiti sa kanya.
“Nako, Amara! Huwag ka talagang magkamali na magkagusto sa kuya ko!” wika ni Sabrina.
Napakunot ang noo ko at hindi rin maiwasan na kabahan ng bahagya.
“H-Huh? Bakit naman?” tanong ko.
“Kasi pagti-tripan ka lang ni Kuya kapag nalaman niyang gusto mo siya! Hindi naman siya playboy, pero pa-fall kasi siya sa mga babae kaya maraming umasa sa wala at umiyak at nasaktan nang dahil diyan sa kapatid kong gago,” nakasimangot na sabi ni Sabrina sa akin.
Napalunok ako sa aking laway at may naramdaman din ako ng kunting kirot sa aking dibdib sa hindi malaman na dahilan.
“H-Hindi ko naman gusto ang kuya mo! Naiinis nga ako roon kasi masyado siyang assuming!” sabi ko kay Sabrina at ngumuso.
Mahina siyang tumawa at ngumisi sa akin.
“Pero alam mo ba kanina, pinagmamasdan ko kayo ni Kuya Kai sa may pool!” aniya.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
“H-Huh?!” sigaw ko sa gulat sa kanyang sinabi sa akin ngayon.
Nakita kaya niya ang pag haplos ni Tobias sa aking pisngi kanina? Nakakahiya kay Sabrina! Baka bigla niya na lang isipin na kaya ko siya ginawang kaibigan dahil gusto kong mapalapit sa kuya niya, hindi iyon totoo! Iyon kasi ang rason ni Sabrina bakit masyado siyang pihikan sa mga kaibigan niya dahil marami ang puma-plastik sa kanya at ang agenda lang pala ng mga ito ay kinaibigan lang nila si Sabrina dahil gusto nilang mapalapit kay Tobias.
“Kanina sa may pool, Amara! Infairness, ah! Bagay kayo ni Kuya Kai at kinilig ako ng very slight kanina. Sana hindi ko na lang kayo inistorbo kanina at baka nag kiss pa kayo sa posisyon ninyong dalawa sa may pool,” nakangisi niyang sabi sa akin, nang asar pa talaga!
“Sabrina!” saway ko sa kanya. Nakakahiya! Sabi ko na nga ba, may makakakita talaga sa amin kanina ni Tobias.
Umiwas ako ng tingin sa kanya at hinawakan ang magkabila kong pisngi nang maramdaman ko ang pag-iinit nito. Pinaypayan ko ang aking sarili at huminga ng malalim dahil naramdaman ko na naman ang pag bilis ng pagtibok ng aking puso.
“Seryoso, Amara! Kung magkakatuluyan man kayo ni Kuya ko, support ako! Pero sa ngayon, huwag ka muna mahulog sa lalaking iyon! Wala pa kasi sa isipan nun na magkaroon ng girlfriend. Busy siya sa kanyang pag-aaral pati na rin sa pagta-trabaho sa kompanya namin dahil siya ang magmamana sa aming negosyo,” sabi ni Sabrina.
Napatango naman ako sa kanyang sinabi at hindi na nagsalita.
Makalipas ang isang buwan, hindi ko na ulit nakita si Tobias Kai sa campus. Rinig kong sabi ni Sabrina na naging busy ang kanyang Kuya sa pag-aral dahil isa rin itong deans lister.,ay parte sa akin na gusto ko siyang makita dahil hindi kompleto ang araw ko nang hindi ko makita ang kanyang mukha. Hindi ko na naiintindihan ang aking sarili dahil hindi naman ako ganito noon. Bakit gusto ko siyang makita? Bakit parang hindi kompleto ang araw ko nang hindi ko napagmamasdan ang kanyang poging mukha at ang kanyang nakakaakit na ngiti.
“Amara!” rinig kong pag tawag ni Sabrina sa aking pangalan.
“Ay, ngiti!” gulat kong sigaw.
Narinig ko ang malakas na pag tawa ni Sabrina habang nakatingin sa akin.
Matalim ko siyang tinignan at napasandal ako sa aking inuupuan. Kami na lang ang magkasama ni Sabrina ngayon dahil nakipagtanan ang aming kaibigan na si Gabriella sa kanyang kasintahan na si Sebastian Aki. Nalaman din namin na buntis siya at sa kasamaang palad ay tutol ang kanyang pamilya sa pag-iibigan nila ni Baste kaya napagpasyahan nilang lumayo rito sa probinsya ng Governor Generoso at magsama at mamuhay ng simple at tahimik malayo sa gulo rito sa probinsya namin. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig ano? Kaya mong isugal ang lahat para lang magkasama kayo ng taong pinakamamahal mo? Hindi ko pa kasi nararanasan ang ganoon na bagay dahil hindi pa naman ako nagmamahal at wala namang nagmamahal sa akin.
"Ahem! Anong ngiti iyan?" tanong niya sa akin habang nakangisi.
Napakurap ako sa aking mga mata. “A-Ano iyon, Sabrina?” nahihiya kong tanong ni Sabrina pagkatapos kong mag space out habang nagsasalita siya.
Bakit ko kasi biglang naisip si Tobias! Isang buwan na ang nakalipas kaya dapat ay nakalimutan na rin ng buong sistema ko ang lalaking iyon, pero kahit anong gawin ko ay hindi siya mawala-wala. Para siyang isang virus na nakadikit sa akin at kahit anong gawin kong pag alis dito ay mas lalo lang itong nag se-spread at mas lalong dumidikit sa akin.
“Nako! Ano iyang iniisip mo, ah? Luma-love life ka na, ano?!” nakangiting tanong sa akin ni Sabrina.
Mabilis akong umiling sa kanya.
“H-Hindi! Wala pa sa aking isipan ang bagay na iyan, Sabrina!” pagtatanggi ko sa kanyang tanong tungkol sa lovelife ko raw.
Humagikhik siya. Kahit anong gawin talaga nitong si Sabrina ay ang ganda-ganda niya pa rin. Labis ang paghanga ko sa kagandahan ng kapogian ng mga Generoso. Nakita ko na sa personal ang mga magulang ni Sabrina at para lang niya itong mga kapatid dahil hindi sila mukhang matanda at ang ganda rin nila! Ang macho pa ni Senyor Sebastian at para lang silang mag kuya ni Tobias. Habang si Ma’am Cristina naman ay parang Barbie at kamukha silang dalawa ni Sabrina.
“Nakatulala ka kasi diyan, Amara! Kanina pa ako nagsasalita rito pero hindi ako pinapakinggan,” sabi niya at napasimangot sa akin.
Nagkamot ko sa aking ulo at napangiwi.
“S-Sorry. Iniisip ko lang kasi ang nalalapit na finals,” sabi ko sa kanya.
Tumango naman siya at muling ngumiti sa akin.
“Punta ka sa bahay namin ngayong Sabado, Amara! Miss ko na rin na dumalaw ka roon, eh! Dalawang beses ka pa lang nakadalaw doon sa amin. Gusto ko sana mag swimming tao sa dagat o hindi naman sa swimming pool tapos mag hahanda tayo ng maraming foods!” masayang sabi ni Sabrina at tinaasan ako ng kilay.
Napakamot ako sa aking pisngi at alanganin na ngumiti kay Sabrina. May dalawa akong rason kung bakit hindi ako pwedeng pumunta sa mansion nila Sabrina. Unang rason kung bakit hindi ako pwedeng pumunta sa kanila ngayon Sabado ay may trabaho ako sa may palengke. Sa ilang buwan ko na rin dito sa probinsya ay nasanay na ako at nakahanap na rin ako ng trabaho at Sabado at Linggo ko itong ginagawa. Noong una ay hindi pumayag si Papa sa desisyon kong mag part-time kasi raw ay kaya niya naman na buhayin ako, pero ako na ang nag initiate dahil gusto ko rin itong gawin at dagdag ipon na rin para sa future ko ay sa future namin ni Papa. Pangalawang rason, natatakot ako na makita ko ulit si Tobias Kai. Alam kong may parte sa akin na gustong-gusto ko siyang makita pero nangingibabaw pa rin iyong parte na ayoko siyang makita dahil baka atakihin na ako sa puso!
“N-Nako, Sabrina! May trabaho ako sa Sabado, remember?” mahina kong sabi sa kanya.
Nawala ang ngiti sa mukha ni Sabrina at napatango siya sa aking sinabi.
“Oo nga pala. Sorry I forgot, Amara! Meron ka na palang work kaya hindi ka nakakasama sa amin noon ni Gabriella. Maybe next time right?” aniya.
Ngumiti ako sa kanya at tumango.
“Yes, Sabrina. Babawi ako sa ‘yo, promise!” wika ko at kinindatan siya.
Nagpaalam na ako na maunang umuwi kay Sabrina dahil may importante pa akong gagawin sa bahay. Sasabay na rin naman siya kay Maverick dahil mag jowa na silang dalawa at masaya ako dahil nakikita ko talaga na nagmamahalan silang dalawa.
Naglalakad na ako ngayon dito sa may hallway at papalabas na ako sa aming building. Nang makalabas na ako ay agad akong napatingin sa pinakamalapit na study shed sa kinatatayuan ko at hindi ko mapigilan na manlaki sa aking mga mata nang makita ko roon si Tobias Kai na nakaupo at seryoso siyang nagbabasa sa kanyang hawak na libro. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang nakatingin sa kanya, pero nawala rin ang ngiti sa akin mukha nang makita ko ang nasa kanyang tabi, si Stepahanie Sanchez ito, ang rumored girlfriend ni Tobias. May kumakalat na chismis sa department namin na may girlfriend na raw ang Kuya ni Sabrina at hindi ako naniniwala rito dahil sa sinabi ni Sabrina sa akin noon na wala pang plano si Tobias na magkaroon ng girlfriend dahil masyado itong busy at wala pa siyang panahon na pumasok sa isang relasyon. Pero habang pinagmamasdan ko ngayon na magkasama silang dalawa ay parang unti-unti na rin akong naniniwala sa chismis na aking narinig tungkol kay Tobias.
Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib nang makita kong hinawakan ni Stephanie ang dibdib ni Tobias at si Tobias naman ay tumawa at tumingin kay Stephanie at masayang kinausap ito. Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila dahil masyado silang malayo pwesto ko ngayon, pero kitang-kita sa akin ang ginagawa nila. Para nga silang mag jowa sa kanilang ayos at sa kanilang mga galaw, bagay rin silang dalawa.
Nang hindi ko na nakayanan na pagmasdan sila ay umiwas na ako ng tingin at nagmadali na naglakad paalis. Nang medyo nakalayo-layo na ako roon ay napatigil ako sa aking paglalakad at napasandal sa may puno at hindi na napigilan ang aking sarili na mapaiyak.
Hindi ko na kayang itago ito, hindi ko na kayang itago ang totoo kong nararamdaman para kay Tobias Kai Generoso. Ilang buwan ko rin itong tinatago at dini-deny sa aking sarili dahil hindi ko matanggap sa aking sarili na mabilis lang akong na-attract at nagkagusto sa lalaking ito. Hindi naman ako ganito noon at never pa akong nagkagusto nang husto sa isang lalaki, kay Tobias lang talaga.
Hindi ko napigilan ang sarili kong mahulog nang lubusan sa kanya, nasaktan tuloy ako.
Ang sakit sa pakiramdam na mahulog sa isang tao na alam mo naman na hinding-hindi ka sasaluhin.
TO BE CONTINUED...
Hello, everyone? Ilan kaya nagbabasa rito sa WOD? Pwede ba kayong magparamdam sa akin at igalaw ang baso? HAHAHA. Mag comment naman kayo riyan hehe. Kilala niyo naman siguro ako diba? So, ngayon sweet moments muna, wala pa tayo sa pinakadulo kaya alamin pa natin kung paano ba mahulog si Kai kay Amara at kung ano ang plano ni Amara, kung ipagpapatuloy niya ang nararamdaman kay Kai or mag mo-move on?
Sino kaya itong Stephanie at bakit may pahawak sa dibdib?! Char.