EPISODE 3 - THE I.D

2118 Words
WAVES OF DISTRESS EPISODE 3 THE I.D AMARA GEORGINA’S POINT OF VIEW. New place, new school, and new life. Hays. Paano ko kaya ma su-survive itong bagong buhay ko rito sa probinsya? Wala akong kaalam-alam dito! Dalawang linggo na ang nakalipas at nag start na rin ang pasukan sa nag-iisang kolehiyo rito sa Governor Generoso na pagmamay-ari rin ng pamilya Generoso. Maayos naman ang mga facilities ng campus at malaki rin ang lugar. Nandito na ako rito sa classroom namin at tahimik lang ako dahil wala naman akong kaibigan at kakilala rito. Nagsimula na sila sa kanilang klase at bilang bagong lipat lang ako rito, kailangan kong mag habol sa mga activities at kung ano na ang kanilang mga nasimulan na lessons. “Amara?” Napakurap ako sa aking mga mata at napatingin sa aking tabi. Nakita ko ang isang lalaki na nakasuot ng salamin sa mata at nakangiti siya sa akin. “Ano iyon?” tanong ko sa kanya. May binigay siya sa akin na notebook at taka ko naman itong kinuha sa kanya. “Sabi ng mga professors natin na bago ka lang daw dito at naghahabol ka sa mga lessons kasi malapit na rin ang first exam. Ako nga pala si Maverick Santiago, pwede mo akong tawaging Rick. Mag tanong ka lang sa akin kung may hindi ka maintindihan diyan sa mga notes ko,” nakangiting sabi ni Rick sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya at tumango. Dahil wala pa ang professor namin ay dali-dali kong kinuha ang aking notebook at kinopya ang mga notes ni Maverick sa kanyang notebook. Buti na lang talaga at nag volunteer si Maverick na pahiramin ako sa kanyang notes. Nahihiya kasi ako kanina sa mga kaklase ko dahil busy naman sila sa kanilang ginagawa. Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na sa loob ang prof namin at nagsimula na siyang mag lecture. Kailangan kong makinig ng mabuti dahil papalapit na rin pala ang exam namin dito. Hindi ako pwedeng maging tanga dahil kailangan kong mag aral ng mabuti para may makuha akong achievements dito sa bago kong paaralan. Nang matapos na ang klase ay nagsilabasan na ang mga kaklase ko dahil break time namin. Hindi ako lumabas dahil pinagpatuloy ko ang pagsusulat sa notes na binigay ni Maverick sa akin sa aking notebook. “Hi!” Napatigil ako sa aking pag susulat nang may biglang pumunt sa aking harapan at binati ako. Napatingala ako rito at nakita ko ang isang magandang babae na nakangiti sa akin dito sa aking harapan. Kung titignan siya sa kanyang ayos ngayon ay makikita mo talaga ang pagiging friendly niya at mukha rin siyang pasaway dahil masyadong maiksi ang blouse ng kanyang uniform. “Anong pangalan mo?” muli niyang tanong sa akin. Nahihiya kong sinagot ang kanyang tanong. “A-Amara Georgina Quezon ang pangalan ko, pero pwede mo akong tawagin na Amara na lang,” sagot ko sa kanya. Napanguso siya at tumango. Muli siyang ngumiti sa akin at naglahad sa kanyang kamay. “Okay, Amara! Hi! I’m Sabrina Aik Generoso pala. Welcome to our province!” masigla niyang sabi at kinuha ang kamay ko upang makipag shake hands sa kanya. Hindi ako makapaniwala na isang Generoso ang nasa harapan ko ngayon. Kaya pala ang ganda-ganda niya at mukha siyang kastila! Tapos ang iksi rin ng kanyang blouse at palda hindi kagaya ng ibang estudyante na nakita kong naka uniform. Sila pala ang may-ari nitong kolehiyo na pinag-aaralan ko. “S-Salamat, Sabrina,” nahihiya kong sabi sa kanya at bahagyang ngumiti. “Gusto mo sumama sa amin ni Gabriella? Pupunta kami sa cafeteria!” pagyayaya niya sa akin. Nahihiya naman akong umiling at ngumiti sa kanya. May pera naman ako rito sa aking bag ngunit ayoko itong gastusin dahil nag iipon ako at hindi naman ako gutom kaya hindi na lang ako lalabas at pupunta sa cafeteria upang bumili ng pagkain. Kailangan ko rin na tapusin ito ngayong araw na kopyahin ang mga nasa notebook ni Maverick dahil nakakahiya kung bukas ko pa ito ibabalik sa kanya. “H-Hindi na, Sabrina. Kailangan ko kasing tapusin itong sinusulat ko,” sabi ko sa kanya. Nakita kong nagsalubong ang kilay ni Sabrina at napatingin sa notebook ni Maverick na binigay niya sa akin kanina. “Wait! Kaninong notebook iyan?” tanong niya sa akin. Napakurap ako sa aking mga mata at sinagot ang kanyang tanong sa akin. “N-Notebook ni Maverick itong ginagamit ko ngayon. Ang bait niya nga kasi pinahiram niya ako ng mga notes niya. Kaya kailangan ko muna itong tapusin kasi nakakahiya sa kanya kapag bukas ko pa ito ibabalik,” nakangiti kong sabi at napatingin kay Sabrina. Nawala ang ngiti ko sa mukha nang makita kong malamig na nakatingin si Sabrina sa akin. Wait, may nagawa ba akong mali? Wala naman akong nasabi na masama diba? “Okay. Pakasaya ka diyan!” mataray niyang sabi at umalis sa aking harapan. Taka ko siyang sinundan ng tingin hanggang sa makalabas na siya sa aming classroom. May nasabi ba ako kay Sabrina na hindi niya nagustuhan? Akala ko pa naman magkakaroon na ako ng kaibigan dito sa bago kong paaralan, mukhang hindi pa rin pala. Pinagpatuloy ko na lang ang aking pagsusulat at hindi na inisip pa si Sabrina at sa naging reaksyon niya kanina. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na ang mga kaklase ko sa loob ng classroom. Nakita ko rin si Sabrina na pumasok na sa loob at may kasama siya na isang babae na maganda rin kagaya niya at nakasalamin ito. Nang mapatingin si Sabrina sa akin ay agad niya akong inirapan. Hindi ko maiwasan na maging malungkot at binalik ko na lang ang aking tingin sa harapan at hinintay na pumasok ang aming susunod na teacher. Buti na lang talaga at mabait itong nasa tabi ko na upuan na si Maverick at Clarisa. Tinulungan nila ako para mas maintindihan ko ang tinuturo ng aming professor. Nang matapos na ang class namin ay isinauli ko na ang pinahiram na notebook sa akin ni Rick. “Maverick, maraming salamat talaga sa pagpapahiram ng notes mo sa akin. Natapos ko na pala siyang isulat sa notebook ko ngayon lang,” nakangiti kong sabi sa kanya. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha nang kunin niya ang kanyang notebook sa akin. “Natapos mo na kaagad? Ang bilis mong mag sulat!” hanga niyang sabi sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Nagpaalam na si Rick sa akin at lumabas na siya sa classroom at sumama sa isang lalaki na kanina pa naghihintay sa kanya sa labas. Hindi ko naman mapigilan na mapasulyap kay Sabrina dahil ramdam ko parang may matalim na nakatingin sa akin at hindi nga ako nagkamali, masamang nakatingin sa akin si Sabrina ngayon. Nang makita niyang nakatingin na rin ako sa kanya ay inirapan niya ako at mabilis na lumabas sa classroom. Nanguso na lang ako at inayos ang aking mga gamit upang maka alis na rin at makauwi. Bago ako makalabas sa classroom namin nang mag uwuain na kami ay nakita kong lumapit sa akin sa akin iyong babaeng nakasalamin na kasama ni Sabrina kanina. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako sa kanya. “Hi! Ako nga pala si Gabriella, pero you can call me Gabriel or Gab na lang. Pasensya na talaga sa inasal ng pinsan ko na si Sabrina sa ‘yo, ah! Akala niya kasi may crush ka kay Rick at nilalandi mo ito,” sabi ni Gabriella. Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi. “H-Huh? Hindi ko crush si Maverick!” pagtatanggi ko. Pogi naman si Rick tapos matalino rin siya, pero hindi ko siya crush. Mahina siyang tumawa at tumango. “Alam ko, Amara. Pero iba kasi mag isip ang babaeng iyon! Kaya natarayan ka niya kasi akala niya nilalandi mo si Rick,” natatawa niyang sabi. “Bakit, boyfriend niya ba si Maverick?” tanong ko kay Gabriella. Bagay naman si Sabrina at Maverick kahit mukhang pasaway si Sabrina habang si Maverick naman ay mahinhin at mabait na para bang hindi kayang gumawa ng katarantadohan. Kaya siguro bigla na lang nag maldita si Sabrina sa akin kanina dahil sinabi kong pinahiram ako ni Maverick sa notebook nito. “Nako! Hindi sila mag jowa, Amara!” muling tumawa si Gabriella. Napapansin ko sa babaeng nasa harapan ko ngayon na mahilig siyang ngumiti at tumawa. Bagay naman sa kanya ito at mas lalo siyang gumaganda kapag naka ngiti. “Huh? Pero bakit parang ang possessive naman ni Sabrina kay Rick? Wala naman pala silang relasyon,” sabi ko. Normal lang ba ang ganito rito? Kasi sa amin doon sa Manila ay kapag may ganoon na klaseng tao ay alam namin na magkasintahan silang dalawa. Hindi ko nga lang alam kung ano ang uso rito, baka uso ang no label relationships pero may feeling sa isa’t isa. “Nililigawan ni Rick si Sabrina, habang si Sabrina naman ay may crush kay Rick, hindi nga lang niya ito inaamin. Sorry ulit, Amara, ah? Masasanay ka rin sa katarayan ni Sabrina,” nakangiti pa rin na sabi ni Gabriella at kinindatan ako. Nagpaalam na siya na uuwi kaya kumaway na rin ako sa kanya. Mabait si Gabriella at ramdam ko iyon. Sana maging kaibigan ko siya, pati na rin si Sabrina kahit tinarayan niya ako kanina. Malay ko bang may crush siya kay Rick! Hindi ko naman ito aagawin sa kanya. Pogi naman si Rick tapos mabait pa kaya siguro ganoon si Sabrina, ayaw niyang maagaw sa kanya si Rick. Napagpasyahan ko na lang na lumabas sa classroom namin. May dala akong tatlong mabibigat na libro dahil binigay ito kanina sa aming professor sa aming Contemporary world na subject at sa iba pa na general subjects namin. Kailangan ko rin itong dahil malapit na ang exams at wala itong nasa libro sa notes na binigay ni Rick kanina. Napasigaw ako pagkalabas sa classroom namin nang may bigla akong makabangga. Napaupo ako sa sahig at nabitawan ko rin ang mga dala kong libro. Aray! Ang sakit ng balakang ko! Hindi na ata ako makatayo ng maayos nito. “Damn it!” Ay! Nag mura? Hinay-hinay akong napa upo ng maayos habang nakahawak pa rin sa aking balakang. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang napakagwapong lalaki sa aking harapan. Para siyang isang anghel na bumaba sa lupa upang bantayan ako rito sa mundong ito. Napaka pogi niya! Naka kunot ang kanyang noo at nakahawak din siya sa kanyang balakang na mukhang nasaktan din sa pagbangga namin sa isa’t isa. Mabilis akong napatayo at pinagpagan nag aking sarili. Lumapit ako kay Kuya pogi at tutulungan ko na sana siyang tumayo nang mpatayo na siya ng una bago ko siya tulungan. Tinignan niya ako ng masama na para bang kasalanan ko kung bakit kami nagkabangga dalawa. “s**t! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo! Stupid!” galit niyang sabi at naglakad na palayo sa akin at nilagpasan ako. Napaawang ako sa aking labi at napalingon sa kanya na naglalakad na palayo sa akin. What the! Ako pa ang sinabihan niyang stupid ah?! Kasalanan niya rin naman eh! Akala ko pa naman mabait ang poging iyon, hindi naman pala! Magkaka-crush na sana ako sa kanya kasi mukha siyang anghel iyon pala ay demonyo siya! Nakakainis. Hindi man lang niya ako tinulungan dito sa mga libro ko kagaya sa mga nababasa ko sa pocketbooks! Hindi pala totoo ang ganoon dahil wala ng gentleman na pogi sa mundong ito! Mga masungit na ‘di porket pogi sila. Nang makuha ko na ang libro ko sa sahig ay napakunot ang noo ko nang may makita akong isang I.D. Kinuha ko naman ito at tinignan kung kanino itong I.D na nakita ko malapit sa aking mga libro. Napataas ang aking kilay at hindi maiwasan na mapangisi nang makita ko kung sino ang nagmamay-ari nitong I.D na aking nakita. Kung sinu-swerte nga naman oh! Naiwan ni demonyong pogi ang I.D niya! Sigurado akong hinahanap na nito ngayon ang ID niya. Stupid pala ah? Look who’s more stupid?! Huwag kasi masungit ayan tuloy, ang bilis ng karma. Binasa ko ang kanyang pangalan at hindi ko mapigilan na manlaki ang mga mata at magulat nang mabasa ko na ng buo ang kanyang pangalan. Tobias Kai Generoso! Oh My God! He’s a Generoso?! Kapatid ba ito ni Sabrina? Pero kung kapatid man ito ni Sabrina, magkaugali silang dalawa. Maldita si Sabrina, ito namang kapatid niya ang demonyong pogi. Hindi ko ibabalik ang ID niya! Mamatay siya kakahanap nito! Kung tinulungan niya sana ako kanina e ‘di sana mabilis ko siyang hinanap ngayon dito at isauli ito sa kanya, pero dahil ininis niya ako, hindi ko ito ibabalik! TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD