EPISODE 4 - COME WITH ME

1199 Words
WAVES OF DISTRESS EPISODE 4 COME WITH ME AMARA GEORGINA’S POINT OF VIEW. “Grabe, ‘no? Ang anghel ng mukha mo rito sa ID mo, pero ang sama naman ng pag-uugali mo. Alam mo ba na gustong-gusto kita sakalin?” pagkakausap ko sa ID ni demonyong pogi. Nandito na ako sa aming bahay at nakahiga ako ngayon sa aking kama rito sa aking kwarto. Kinuha ko sa loob ng aking bag ang nakuha kong ID ni Tobias Kai Generoso. Ang bait-bait niya sa picture tapos mukhang ang talino niya. Siguro matalino talaga itong si Tobias kasi sa nakikita ko kay Sabrina kahit bago pa lang ako sa aming paaralan ay magaling siya sa acads niya. “Anak! Lumabas ka na diyan sa kwarto mo. Nakaluto na ako rito sa kusina,” rinig kong sabi ni Papa. Itinago ko na muna ang ID ni Tobias sa ilalim ng aking kama at bumangon na sa pagkakahiga sa aking kama. Nang makalabas na ako sa aking kwarto ay kaagad kong naamoy ang masarap na nilutong paksiw ni Papa. Nakita ko siyang nag-aayos ng pagkakainan namin kaya ngumiti ako at lumapit sa kanya upang yakapin siya sa kanyang likod. Tumigil si Papa sa kanyang ginagawa at nilingon ako habang nakangiti. “Kumusta ang pag-aaral mo, anak? Hindi ka ba nahirapan sa bago mong paaralan?” tanong ni Papa sa akin at naupo na rin siya sa kanyang pwesto. Bago ko sagutin ang tanong ng aking ama ay umupo na rin muna ako sa aking pwesto at nagsimula na akong mag sandok ng aking kakainin. Ngumiti ako kay Papa at sinagot ang kanyang tanong. “Maayos naman po, Papa. Kahit naghahabol ako sa mga lessons ay hindi naman po ako nahirapan. May mga naging kaibigan na rin ako sa room namin at mabait naman po ang mga kaklase ko at mga instructors,” nakangiti kong pag ku-kwento kay Papa. Malapad naman ang kanyang ngiti na para bang tuwang-tuwa sa aking sinabi sa kanya. Tumango-tango si Papa. “Mabuti naman, anak! Pasensya na talaga kung biglaan tayong lumipat dito, ah? May trabaho na pala ako, anak!” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Papa. “Talaga, Papa? Wow! Ang bilis naman,” mangha kong sabi. “May nakita kasi ako na naghahanap ng baker sa may palengke, Anak, kaya pumunta ako roon at nag baka sakali na makuha. Salamat sa Dios at tinanggap kaagad ako! Kaya simula bukas ma bu-busy na ako kasi may trabaho na ako sa palengke,” masayang sabi ni Papa sa akin. Ngumiti ako sa kanya at lumapit upang siyay yakapin. Masayang-masaya ako para kay Papa dahil nakahanap kaagad siya ng trabaho. Noong nakaraang araw kasi ay malungkot siya dahil hindi niya alam saan siya mag a-apply kaya ngayon ay labis ang saya ko para sa kanya. Muli naming pinagpatuloy ni Papa ang aming pag kain at masaya rin kaming nag ku-kwentuhan habang kami ay patuloy sa aming pag kain. Ako na ang nag volunteer na mag hugas ng mga pinagkainan namin at si Papa naman ay pumunta na sa kanyang kwarto dahil kailangan niyanh gumising ng maaga bukas dahil simula na ng kanyang trabaho. Pagkatapos kong mag hugas ng mga pinagkainan namin ni Papa ay muli na akong bumalik sa aking kwarto para makahiga. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang maalala ko na nasa ilalim nga pala ng aking kama ang ID ni Tobias the demonyong pogi. Kinuha ko ito at muling tinignan. Hindi ko mapigilan mapangiti habang nakatingin sa kanyang picture sa kanyang ID. Ang pogi niya kasi! Hindi naman ako ganito noon dahil marami namang pogi sa dati kong paaralan pero never akong na attract kasi parang ang common na ng mga mukha nila, pero itong si Tobias, ibang-ibang siya. Napailing ako at nilagay sa may lamesa ang ID ni Tobias. Bakit ko ba siya muling naalala?! Kahit pogi ang isang iyon, wala naman siyang modo! Ang sungit tapos hindi man lang siya nag sorry sa akin kaya bahala na siya sa buhay niya! Pinilit ko na lang ang sarili makatulog at hindi na siya inisip pa. Maaga akong pumasok sa paaralan namin dahil nagsabay na kami ni Papa dahil papunta na rin siya sa work niya sa may palengke. Good mood ako ngayon hanggang sa makarating ako sa aming classroom. Ewan ko ba kung bakit ako ganito ngayon pero feel ko talaga na may mangyayaring maganda sa akin ngayong araw. “Amara, bakit parang ang blooming mo ata ngayon?” Napatigil ako sa aking pagsusulat at nag angat ng tingin sa aking katabi na si Clarisa. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin. Hinawakan ko ang pisngi ko at bahagyang nahiya. Nag lagay kasi ako ng light make-up sa mukha ko at nag lagay rin ako ng lipstick para hindi ako mag mukhang maputla rito sa room. Marunong din naman ako mag make-up kaso hindi ko lang ito na a-apply sa sarili ko, nag ma-make-up lang ako sa mga kakilala ko at sa mga kaklase ko noon kung may mga competition man. “Nag lagay kasi ako ng light make-up sa mukha, Clarisa,” nahihiya kong sabi sa kanya. Nag thumbs up naman siya sa akin. “Bagay na bagay sa ‘yo, Amara! Mas lalo kang gumanda,” puri ni Clarisa sa akin. “Salamat, Clarisa.” Hindi na ulit ako nakipag usap sa kaklase ko dahil pumasok na sa loob ang aming professor. Next week na ang aming exam kaya kailangan ko nang mas double-hin ang pag aaral ko. Nang matapos na ang aming klase ay muli akong nag sulat sa aking notebook habang ang mga kaklase ko naman ay nag chi-chikahan na habang naghihintay sa susunod naming professor ngayon. “Sabrina, nandito ang kuya mo sa labas!” Napatigil ako sa aking pagsusulat nang marinig ko iyon galing sa aming kaklase. Napatingin ako sa labas at nakita ko roon si Tobias Kai Generoso na mukhang galit na naman sa mundo. Nang mapatingin siya sa akin ay agad akong umiwas sa kanya at pinakalma ang aking sarili. Hindi naman ako siguro ang hinahanap niya diba? Hindi niya naman siguro alam na ako ang nakakuha sa ID niya! “Bakit naman ako hahanapin ni Kuya?!” rinig kong sabi ni Sabrina at padabog na naglakad palabas papunta sa kanyang Kuya. Napatingin ulit ako sa kanila sa labas at nakita ko na kinausap na ni Sabrina ang kanyang kuya. Makalipas ang ilang segundo ay muling pumasok si Sabrina habang nakanguso at tumingin siya sa akin at ngumisi. Bigla akong kinabahan nang gawin niya iyon. “Amara Georgina Quezon.” Natigilan ako at hindi makagalaw sa kinauupuan ko nang marinig ko ang boses na iyon. Unti-unti akong humarap ito at tumingala. Nanlaki ang aking mga mata nang makita kong nandito na sa aking harapan si Tobias Kai Generoso. Oh My God!!! “Come with me,” malamig niyang sabi at bigla niya na lang akong hinila patayo at palabas sa classroom namin. “Ano ba! Bitawan mo ako!” “Shut up!” sigaw niya kaya natigil ako sa aking takot sa kanya. Nilingon niya ako at tinignan niya ako ng matalim. “Hindi ka makakatakas sa akin, Georgina.” TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD