EPISODE 2 -NEWS

1095 Words
WAVES OF DISTRESS NEWS EPISODE 2 AMARA GEORGINA’S POINT OF VIEW. “Amara Georgina Quezon, With Highest Honor!” Nagpalakpakan ngayon ang mga tao rito sa loob ng gymnasium sa aming paaralan. Ngayon ang aming graduations day at puno nang kasiyahan ang nararamdaman ko dahil ako lang ang kaisa-isang estudyante rito sa aming paaralan na nagkamit ng With Highest Honor. Habang paakyat kami sa stage ngayon ni Papa para kunin ang aking medals, diploma at mga certificates ay kitang-kita sa mukha ng aking ama ngayon ang labis na kasiyahan sa aking nakamit. “Congratulations, Miss Quezon,” sabi ng aming principal. “Maraming salamat po,” pasasalamat ko sa aming principal nang makuha ko ang aking diploma at certificates. Nakasuot na rin sa akin ang mga medals ko. Pumunta kami ngayon ni Papa sa harapan at nagpa picture. Marami akong natanggap ngayong graduation ko, mga scholarships sa iba’t ibang kolehiyo rito sa aming lugar. Paauwi na kami ngayon ni Papa at nakasakay ako ngayon sa motor na hiniram niya kay Mang Nestor. Bago kami umuwi ay bumuli muna si Papa nang makakakain namin mamaya sa aming hapunan at celebrate na rin dahil graduate na ako ngayon sa senior high. Bumili kami ni Papa ng ice cream, letchon manok, pizza at pancit. “Pa, thank you po sa pagkain,” pasasalamat ko bago kami magsimula kumain. Ngumiti si Papa. “Ako dapat ang magpasalamat sa’yo, Amara. Ang swerte ko dahil ikaw ang naging anak ko.” “Sus! Binibola mo na naman ako, Pa! kumain nalang nga tayo,” natatawa kong sabi. Nagsimula na kaming kumain sa aming simpleng handaan at nagkatawanan sa aming hapag kainan. Sabado ngayon at ako ang nagbabantay sa aming bakery shop. Nag ba-bake ngayon si Papa ng mga bagong tinapay sa loob ngayon kaya ako na ang nagbabantay dito, wala na rin naman kaming klase at wala akong ibang gagawin. “Anak.” tawag sa akin ni Papa. Napatigil ako sa aking pagbabasa sa hawak kong pocketbook at napatingin sa aking ama. “Yes, pa?” sagot ko rito. Lumapit sa akin si Papa at umupo sa aking tabi ngayon. Bahagya akong nagtaka dahil ang seryoso nang mukha ngayon ni Papa. Masama ang pakiramdam ko ngayon pero hindi muna ako nagsalita at hinintay na magsalita si Papa ko. “Anak, may sasabihin sana ako sa iyo ngayon,” sabi niya sa akin. Napakunot ang aking noo. “Ano po iyon, Papa?” tanong ko, habang nakatingin pa rin sa kanya ngayon. Bumuntong hininga si Papa at hinawakan ang aking kamay. “Nakahanap na ako nang buyer sa bakery shop at sa bahay natin, Amara,” sabi ni Papa. Nanlaki ang mga mata ko at nagulat sa kanyang sinabi. “P-Po?! A-Anong buyer?!” tanong ko habang naguguluhan pa rin sa kanyang sinasabi ngayon. “Anak, lilipat na tayo ng lugar at sa probinsya na tayo titira,” seryosong sabi ni Papa. Napailing ako. “P-Paaano ang pag-aaral ko, Pa!” naiiyak kong sabi. “Anak, may kolehiyo naman doon sa Probinsya ng Governor Generoso. Pwede mong ipagpatuloy ang pag-aaral mo doon at makahanap ng trabaho,” sabi ni Papa habang nakangiti. Napatayo ako at muling napaharap kay Papa. Hindi man kami mayaman ni Papa pero hindi ko pa rin gusto na manirahan kami sa probinsya. Maganda na ang buhay namin dito sa syudad at hindi kami nagugutom dahil may negosyo kami. Marami na rin akong mga nakuhang mga scholarships sa iba’t ibang colleges dito sa lugar namin. Hindi ako papayag na lilipat kami. “Pa! ayokong umalis!” sabi ko. Napahawak siya sa kanyang noo at muling napatingin sa akin. “Wala na tayong magagawa pa, anak. May buyer na ang bahay at bakery shop nati na sila bukas dito para bilhin na talaga ito,” sabi niya. Hindi ko mapigilang magalit ngayon kay Papa. Hindi nalang ulit ako nagsalita at nag walk out nalang dahil ayaw kong makabitaw ng mga masasamang salita habang galit ako ngayon. Nag kulong lang ako sa aking kwarto at umiyak nang umiyak. Marami nang mga memories ang bahay na ito para sa akin at pati na rin sa aming bakery shop. Pinaghirapan nila Mama ang bahay at bakeshop namin na mapatayo noon, tapos ngayon malalaman ko nalang na ititinda na ito ni Papa at aalis na kami? Ang sakit. Isang linggo kong hindi pinansin si Papa. Kinakausap ko naman siya pero kapag kailangan lang talaga pero hindi ko siya pinapansin kapag nagkakasalubong kami sa loob ng aming bahay. Mabigat pa rin ang nararamdaman ko sa nangyari at hindi ko pa rin matanggap ang katotohanan. Last week ay dumating na nga ang buyer na tinutukoy ni Papa. Sa araw na iyon ay wala akong ibang ginawa kundi mag kulong sa aking kwarto at umiyak nang umiyak. Pero wala akong nagawa… mahal ko si Papa at siya nalang ang natitira kong pamilya. Wala akong nagawa kundi sumama sa kanya ngayon papunta sa sinasabi niyang probinsiya ng Governor Generoso. Ang alam ko ay doon pinanganak si Papa at doon din nakatira ang buong pamilya niya noon hanggang sa umalis na sila at napagpasyahan na manirahan sa syudad. Sabi ni Papa sa akin ay namimiss na niya ang probinsya at mapayapa doon kaysa syudad. Hindi nalang ako umangal sa aking ama at sinunod ang lahat ng gusto niya. Tumigil ang sinasakyan naming tricycle ngayon habang may maliit na truck na nakasunod sa amin ngayon kung saan nakalagay ang mga kagamitan namin. “Nandito na tayo, Anak!” masayang sabi ni Papa at lumabas na sa tricycle. Tahimik na rin akong bumaba at nang makababa ako ay hindi ko mapigilang mamangha nang makita ko kaagad sa aking harapan ang malawak na karagatan. Hindi ko mapigilang mapapikit at dinama ang sariwang simoy ng hangin na galing sa karagatan. “Nagustuhan mo ba ang bagong lugar na titirhan natin, Anak?” tanong ni Papa na napatabi na rin sa akin at napatingin sa malakawa na karagatan sa aming harapan. Hindi ko mapigilang mapangiti. Wala na akong nararamdaman na galit at pagkainis ngayon. Parang lahat nang kinimkim ko na galit habang bumabyahe kami papunta rito sa probinsya ay nawala nalang bigla nang makita ko ang malinaw at malawak na karagatan dito sa probinsya ng Governor Generoso. “Ang ganda rito,” mahina kong sabi. Narinig ko ang mahinang pag tawa ni Papa. “Alam kong magugustuhan mo dito, Anak at hindi nga ako nagkamali dahil mukhang nagandahan ka na sa lugar na ito,” sabi niya. Wala sa sariling napatango ako at napangiti. Mukhang ayaw ko na atang umalis sa lugar na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD