WAVES OF DISTRESS
OLD BUILDING
EPISODE 5
AMARA GEORGINA’S POINT OF VIEW.
“Ano ba! Bitawan mo nga ako! Bakit mo ba ako hinihila? Saan mo ako dadalhin?!” sigaw ko sa kanya habang nag pupumiglas pa rin.
Pinagtitinginan na kami ng ibang mga estudyante rito pero wala akong pakialaman! Ang kapal ng mukha nitong Tobias Kai Generoso para bigla na lang niya akong hilain palabas sa room at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung saan niya ako dadalhin. Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto kong papunta pala kami sa likuran ng isang lumang building. Oh my God! Don’t tell me, machuchugi na ako ngayon?! Dito ako papatayin sa tahimik na lugar at walang mga tao para hindi malaman ng iba ang gagawin ni Tobias sa akin.
Napatigil ako sa aking paglalakad at muling pinilit na makaalis sa pagkakahawak ni Tobias.
“Ano ba! Sabing bitawan mo ako! A-Anong gagawin mo sa akin? Papatayin mo ako, huh?! Nagkabangga lang tayo kahapon at wala akong ginawang masaya sa ‘yo!” naiiyak kong sabi habang patuloy pa rin na hinihila ang braso ko.
Malamig na lumingin si Tobias sa akin at tinaasan ako ng kilay.
“Shut up! Hindi kita papatayin! Mukha ba akong mamamatay tao?!” sabi niya at muli akong hinila.
Nang makarating na kami sa likod ng abandonadong building ay napatili ako nang bigla akong isandal ni Tobias sa pader at kinulong niya ako gamit ang kanyang mga braso.
“A-Ano bang kailangan mo sa akin?!” tanong ko sa kanya habang hindi makatingin ng diretso sa kanyang mga mata.
Ang lapit na ng mga mukha namin at naaamoy ko rin ang kanyang pabango na nakaka adik. Napalunok ako sa aking laway at pinakalma ang aking sarili.
“Where’s my ID?” he asked.
Nanlaki ang aking mga mata at hinay-hinay na napatingin kay Tobias nang itanong niya iyon sa akin. s**t! Alam niya na nasa akin ang ID niya?!
Napakurap ako sa aking mga mata at umiling-iling.
“A-Anong ID ang pinagsasabi mo diyan?! Wala sa akin ang ID mo!” pagtatanggi ko sa kanyang paratang sa akin.
Bahagya siyang yumuko at narinig ko ang kanyang mahinang pagtawa. Nakaramdam ako ng inis kaya sinapak ko siya sa mukha. Natigil siya sa kanyang pag tawa at muling nag angat ng tingin sa akin habang nanlalaki ang mga mata.
“Bakit mo ako sinapak?!” sigaw niya.
“Kasi tinatawanan mo ako! Hindi naman ako nagpapatawa!” inis kong sabi sa kanya.
Nakakainis! Nawawala ang pagiging mahinhin at mabait ko sa lalaking ito dahil binu-bwesit niya ang araw ko. Kahit naman wala siyang ginagawa, titignan ko lang ang mukha niya ay hindi na ako mapakali. Nakaka-intimidate ang aura ni Tobias Kai kaya naiinis ako, masyado akong naaapektuhan. Hindi naman ako ganito dati! Hindi malapit sa ibang lalaki at wala akong pakialam sa kanila, pero parang nabago na lang ang lahat nang makita ko ang lalaking ito.
“Where’s my ID? Akala mo hindi ko malalaman na ikaw ang nagkuha nun sa akin?” malamig niyang tanong sa akin.
Napalunok ako sa aking laway at umiwas ng tingin sa kanya. Hindi ako aamin! Ang kapal naman ng mukha niya pagkatapos niya akong sigawan at murahin kahapon?! Hindi ko ibibigay ang ID niya!
“Alam kong pogi ako, pero I badly need my ID, Miss Amara. Pwede naman tayo mag picture diyan sa phone mo para iyon na lang ang pagmasdan mo every night bago ka matulog,” sabi niya at ngumiti sa akin.
Napaawang ako sa aking bibig at hindi makapaniwala sa aking narinig galing sa kanya. Sandali… a-anong sinabi niya?
Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto ko ang kanyang sinabi sa akin ngayon lang.
“Ang kapal ng mukha mo!” sigaw ko at itinulak siya palayo sa akin.
Nakawala na ako sa pagkakakulong sa mga bisig ni Tobias pero nasa harapan ko pa rin siya habang nakangisi sa akin. Nararamdaman ko na ang pamumula sa aking mukha at mas lalo pa akong nainis sa kanya.
“A-Ang… ang assuming mo! Bakit ko naman titignan ang mukha mo?! Na curious lang naman ako sa ID mo kaya ko pinagmasdan kagabi bago ako matu—oh… my—” s**t! Nasabi ko sa kanya!
Mabilis kong tinakpan ang bibig ko habang nanlalaki pa rin ang mga mata. Mas lalo siyang ngumisi na para bang tuwang-tuwa sa akin. Humakbang siya papalapit at muli akong kinorner. Napapikit na lang ako sa aking mga mata at nanghina dahil nasabi ko na sa kanya ang totoo.
“Totoo nga, nasa sa ‘yo ang ID ko. Bakit mo kinuha ang ID ko, Miss Georgina?” tanong niya sa akin habang nakataas ang kilay.
“Don’t call me Georgina!” inis kong sabi sa kanya. Okay lang naman ako sa pangalan ko at wala ang problema. Ayoko lang talaga na tinatawag ako sa second name ko dahil hindi ako sanay.
“Okay, Georgina. Again, bakit mo kinuha ang ID ko?” muli niyang tanong sa akin.
“Hindi ko kinuha ang ID mo!” sagot ko sa kanyang tanong.
“Bakit nasa ‘yo ang ID ko? ano ‘yun, bigla na lang napunta sa ‘yo ang ID ko?”
Umiwas ako ng tingin sa kanya at hinawakan ang aking bulsa kung nasaan nakalagay ang ID niya. Iwan ko ba kung ano ang pumasok sa ulo ko at bakit ko dito nilagay sa bulsa ko ang ID niya.
Hinawakan niya ang aking hita.
“Bastos!” sigaw ko at sinampal siya sa kanyang pisngi.
“Ouch! I’m just trying to get my ID! Ibigay mo na kasi sa akin!” nakasimangot niyang sabi habang nakahawak sa kanyang pisngi na nasampal ko.
Matalim ko siyang tinignan at walang choice kundi ang ilabas ang kanyang ID sa aking bulsa at itinapon sa mukha niya para maibigay ito. Tumama ito sapol sa kanyang mata kaya muli na naman siyang napasigawa sa sakit.
“Aray! Pangalawa na ‘yon ah!” inis niyang sabi habang nakahawak na rin sa kanyang mata.
“Alam ko! Marunong ako mag bilang! Diyan ka na nga, huwag mo na ulit ako puntahan sa room namin at huwag mo na rin akong pakialamanan!” sigaw ko sa kanya at napabog siyang iniwan doon sa abandonadong building.
Sa sobrang inis at hiya ko ay naramdaman ko na lang ang pag tulo ng aking luha. Mabilis ko itong pinunasan at huminga ng malalim bago tumakbo para makabalik sa aming classroom. Hindi talaga maganda para sa sarili ko ang mapalapit kay Tobias Kai Generoso. Kaya habang may panahon pa ako ay lalayo na ako sa kanya at kakalimutan ko na rin siya kahit napaka imposible ng aking gustong gawin.
TO BE CONTINUED...