WAVES OF DISTRESS EPISODE 28 THE PROBLEM AMARA GEORGINA’S POINT OF VIEW. Naging maayos na ulit ang relasyon naming dalawa ni Tobias. Hindi ko na ulit narinig o nakita man lang si Roxy Ramirez na umaaligid sa boyfriend ko. Baka natauhan na ang babaeng iyon, buti nga. Mag hanap siya nang malalandi na iba, hindi iyong boyfriend ko ang nilalandi niya palagi. Alam ko naman na hindi talaga maiiwasan na may lumapit na babae kay Tobias dahil lapitin talaga siya ng mga babae dahil pogi siya at mabait. Malakas ang karisma ni Tobias sa mga babae, kaya nga ako nahulog sa kanya kahit nakaka-bwesit siya noon. Natapos na ang bahay na pinagawa ko para sa amin ni Papa sa probinsya namin sa Governor Generoso. Tamang-tama dahil nakauwi na rin si Gabriella, kaibigan namin ni Sabrina at ang asawa ni Bas