WAVES OF DISTRESS EPISODE 27 AMARA’S PROPERTY AMARA GOERGINA’S POINT OF VIEW. “Amara, pinabilhan kita kay Justin ng macarons.” Agad akong napatingin kay Tobias nang sabihin niya iyon. May dala siyang paper bag sa kanyang kamay at agad ko rin itong kinuha. Nandito pa rin ako sa kanyang opisina at ayokong umalis, baka kasi bumalik na naman iyong Roxy at mangyari pa iyong sinabi niyang sa uulitin daw. Wala na siyang mauulit! Hindi ko na siya hahayaan na mayakap niya ulit si Tobias ko. Ang kapal ng mukha niyang gawing comforter ang boyfriend ko! Alam ko naman na mabait si Tobias tapos namatayan pa ang babaeng iyon pero wala siyang karapatan na yakapin ang boyfriend ko kaya humanap na lang siya ng ibang yayakapin at gumamit siya ng panyo pang punas ng kanyang luha hindi iyong gagamitin niy