WAVES OF DISTRESS
EPISODE 9
GUSTO KITA
AMARA GEORGINA’S POINT OF VIEW.
“Sabrina, kailan mo masasabi kung mahal mo ang isang tao?”
Napatigil siya sa kanyang pagsusulat at takang tumingin sa akin.
“Huh? Curious ka lang ba o may nagugustuhan ka na?” tanong niya pabalik sa akin.
Napakamot ako sa aking pisngi at hindi ko rin kayang sabihin sa kanya na may nagugustuhan na ako at ang kuya niya pa. Gusto ko lang malaman kung ano na ba itong nararamdaman ko para kay Tobias Kai. Unang beses ko lang din naman itong naramdaman kaya kailangan ko itong malaman kung simpleng pag hanga lang ba itong nararamdaman ko o man malalim pa rito.
“C-Curious lang ako. May binabasa kasi akong libro sa bahay at hindi ako naka relate sa binabasa ko kaya kailangan kong mag tanong sa love expert, sa ‘yo!” sabi ko kay Sabrina.
Humagikhik siya at mahina akong pinalo sa aking balikat.
“Enebe! Love expert talaga? Sabagay, kung sa atin lang namang tatlo ni Gabriella ay mas may alam talaga ako diyan sa love at sa mga relasyon na usapan na iyan. Ano bang gusto mo malaman at bakit bigla-bigla ka na lang napapatanong?! Kinakabahan tuloy ako sa ‘yo,” wika ni Sabrina.
Huminga ako ng malalim bago mag tanong kay Sabrina sa mga gusto kong malaman.
“A-Ano ang kaibahan ng paghanga at pag-ibig, Sabrina?” tanong ko sa aking kaibigan.
Napanguso siya at napahawak sa kanyang baba.
“Kaibahan ng dalawa? Nako! Malaki ang pagkakaiba sa kanila kaya huwag kang ma confuse. Kapag sinabi mo kasing paghanga ay humahanga ka sa isang tao! Parang crush lang, ganun? Halimbawa, humahanga ka sa lalaking ito kasi pogi siya, mabango, may abs, may charisma, mabait at hanggang doon na lang iyon, humahanga ka lang sa kanya. Mawawala lang kaagad iyan kasi mababaw lang at magkakagusto ka ulit sa iba. Kagaya ko, marami akong hinahangaan na mga lalaki pero never ko sila naging jowa dahil hanggang paghanga lang ang nararamdaman ko sa kanila,” mahabang explanation ni Sabrina tungkol sa paghanga. Tahimik lang akong nakikinig sa kanya ngayon at seryoso rin na nakatingin sa kanya habang nagpapaliwanag. Muli niyang pinagpatuloy ang kanyang pagsasalita.
“Samantalang ang pagmamahal naman ay malalim na ang nararamdaman mo, Amara. Kapag sinabi mong pagmamahal, masyado ka nang na attach sa taong ito, hinahanap mo na siya palagi, nasasaktan ka kapag nakikita mo siyang may kasamang ibang babae, in short ay nagseselos ka. Nagiging selfless ka na rin dahil sa labis mong pagmamahal sa taong ito at nagagawa mo na ang mga hindi mo nagagawa noon para lang sa taong ito. Tapos wala ka ng ibang nagugustuhan kundi lang siya. Feeling mo ang perfect na niya, na walang nang makakapantay sa kanya kasi sapat na siya sa 'yo, siya na lang naiisip mo, siya na lang bukambibig mo,” seryosong pagpapaliwanag ni Sabrina sa akin at nginitian ako.
“Na gets mo na ang sinabi ko, o baka mas lalo ka lang naguluhan?” tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo.
Bahagya akong ngumiti sa kanya at nag thumbs up.
“Okay na sa akin ang explanation mo, Sabrina. Bilid na talaga ako sa ‘yo bilang isang love expert. Stay in love ka lang palagi kay Rick!” nakangiti kong sabi sa kanya.
Muli siyang humagikhik at nag flip hair sa aking harapan.
Hindi na ulit ako nag salita at naisipan ko na lang na mag aral ng tahimik dahil papalapit na rin ang finals namin at kailangan kong mag aral ng mabuti dahil mahirap lang ako at kailangan ko rin ng scholarship.
Maaga kaming nag uwian ngayon dahil binigyan kami ng oras ng aming mga professors na makapag study para sa nalalapit na finals namin next week. Agad din na umalis ang mga kaklase ko at nakita ko rin na magkasabay na umalis ang magkasintahan na si Maverick at Sabrina at alam kong gagala lang ang dalawang iyon at hindi mag-aaral. Matalino na rin naman sila at hindi na rin nila kailangan na mag aral dahil alam na alam na nila ang mga ni-le-lessons namin. ‘Di hamak na mas matalino silang dalawa sa akin kaya kailangan ko pa lalong mag aral para sa kinabukasan ko at para magkaroon na rin ako ng scholarship next semester dahil hindi pa ako nakaka-avail ngayon dahil bago pa lang ako rito.
Ako na lang ang naiwan sa aming room at naisip ko na rin dito na muna ako at pinagpatuloy ko ang aking pag aaral. Mas tahimik kasi rito at kapag umuwi ako sa bahay ay baka maisipan ko lang na matulog at makalimutan ko na naman ang mag aral kaya mas mabuting dito na muna ako hanggang sa sumapit ang hapon.
Habang focus ako sa aking pag babasa sa libro tungkol sa Philippine History ay narinig ko ang kalabog sa may pintuan ng aming room kaya mabilis akong napaangat ng tingin at napatingin dito. Hindi ko maiwasan na manlaki ang aking mga mata nang makita ko kung sino ang pumasok sa loob ng room namin at nakita ko rin na sinirado at ni-lock niya ang pintuan. Nataranta ako bigla at napatayo.
“Bakit mag isa ka lang dito?” tanong niya sa akin.
Napalunok ako sa aking laway.
“B-Bakit ka nandito?! B-Bakit mo ni-lock ang pintuan ng room namin?!” tanong ko sa kanya.
Ako ang dapat mag tanong dahil bigla na lang siyang sumusulpot kung saan!
Ngumiti siya at sumandal sa may whiteboard namin sa harapan.
“Hinahanap ko lang ang kapatid ko kaya naisipan kong pumunta rito sa room niya. Akala ko ay naka lock ang pintuan pero bukas pala ito kaya pumasok ako rito kasi akala ko nandito si Sabrina,” sagot niya sa tanong ko.
Napakurap ako sa aking mga mata. Dapat ba akong maniwala sa sinabi ng isang ito? Hindi na dapat ako magpaapekto masyado kay Tobias Kai dahil matagal na akong winarningan ni Sabrina na pa-fall ang Kuya niya at ganito talaga siya sa mga babae at isa pa, may girlfriend na rin siya. Hindi ko dapat inaaksaya ang panahon ko sa isang lalaki na katulad nitong nasa harapan ko ngayon.
“Bakit ang talim ng tingin mo sa akin, Amara? Para kang mangangain ng tao.”
Bahagya akong napatalon sa gulat nang marinig ko si Tobias na sabihin iyon sa akin. Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya at dali-dali na niligpit ang aking mga gamit upang makaalis na ako rito dahil nararamdaman ko na naman ang abnormal na pag t***k ng aking puso kapag nakikita at nakakausap ko si Tobias.
“W-Wala rito si Sabrina. Maaga siyang umalis at hindi ko alam kung saan siya pupunta. Ang mabuti pa ay tawagan mo na lang siya dahil hindi na siya babalik dito ngayon,” sabi ko sa kanya habang patuloy pa rin sa pag-aayos ng aking gamit.
Nang mailagay ko na lahat sa aking bag ay sinuot ko na kaagad ito. Dahil isa lang ang pintuan dito sa room namin at malapit lang ito sa kinatatayuan ni Tobias ay kailangan kong maglakad at makalapit sa kanya para lang makalabas sa aming room. Huminga ako ng malalim at matapang na naglakad papunta sa harapan upang makalabas na sa aming room.
“Wait!”
Napatigil ako sa aking paglalakad nang mapigilan niya ang aking braso nang makalapit ako sa kanyang pwesto. Iniharap niya ako sa kanya habang nakahawak pa rin siya sa akin. Muli akong napalunok sa aking laway at nang dahil sa labis na pagkataranta ko ay nasampal ko siya sa kanyang mukha.
“Ouch!” daing niya at agad na napahawak sa kanyang mukha na malakas kong nasampal.
“H-Hala! S-Sorry! Ikaw kasi!” naiiyak kong sabi at lumapit sa kanya. Baka kasi magalit siya sa akin at isumbong niya ako sa dean! Anak pa naman siya ng may-ari nitong pinag-aaralan ko na kolehiyo kaya kahit inis na ako sa isang ito ay kailangan ko pa rin na mag ingat.
Hinawakan ko ang kanyang pisngi na nasampal ko dahil baka namula ito sa lakas ng aking ginawa kanina. Natigil siya sa kanyang pag daing at napatingin sa aking mga mata. Ngayon ko lang napagtanto na ang lapit na pala ng aming mga mukha. Aakmang lalayo na ako sa kanya nang bigla niya na lang mahawakan ang palapulsuhan ko at hinila niya ako palapit sa kanya at isinandal niya ako sa may board namin at siya naman ay nasa harapan ko.
“A-Ano ba?!” taranta kong sigaw sa kanya at nagpupumiglas.
Mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa aking palapulsuhan habang ang isang kamay niya naman ay nakahawak din sa isa kong kamay at idinikit ito sa may board kaya hindi ko na kayang gumalaw ngayon nang dahil sa kanyang ginawa.
“A-Anong kailangan mo sa akin?! Bitawan mo nga ako!”
Hindi na siya nakakatuwa. Hindi porket nararamdaman niyang na a-attract ako sa kanya ay paglalaruan na niya ang nararamdaman ko.
“Bakit mo ako iniiwasan, Amara?” seryoso niyang tanong sa akin.
Matapang kong sinalubong ang kanyang tingin sa akin at tinaasan siya ng kilay.
“Bakit? Hindi naman tayo close!”
Ngumisi siya.
“Were friends, remember?”
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat sa kanyang sinabi. Anong sabi niya?! magkaibigan kaming dalawa? Kailan pa at hindi ko na ito maalala!
“Naka inom ka ba? Never kong sinabi na magkaibigan tayo at never kitang tinuring na kaibigan!” inis kong sabi sa kanya at muling nagpupumiglas upang makawala ako sa pagkakahawak niya sa akin at makaalis ako rito palayo sa kanya.
“Ayaw mo rin akong maging kaibigan diba? Kasi ayaw din kitang maging kaibigan eh,” seryoso niyang sabi habang nakatingin sa akin.
Napakunot ang aking noo at takang nakatingin sa kanya.
Anong pinagsasabi ng isang ito?
"H-Huh? Pwes, bitawan mo na ako!" sigaw ko sa kanya.
Ayaw niya rin pala akong maging kaibigan. Bakit niya ako ginugulo?!
“Amara, gusto kita.”
Napakurap ako sa aking mga mata. Nabibingi na ba ako?
Parang tumigil ang oras nang sabihin niya iyon sa aking harapan habang seryosong nakatingin sa aking mga mata. Mas naging abnormal pa lalo ang malakas na pagtibok ng aking puso at nanghihina na rin ako.
Muntik na akong mapaupo sa sahig nang lumambot bigla ang aking mga tuhod, buti na lang at nahawakan ako kaagad ni Tobias sa aking beywang at tinulungan niya akong maging balanse ulit.
“I got you, love,” mahina niyang sabi nang mahawakan niya ako sa aking beywang.
Napalunok ako sa aking laway at mahigpit din na napahawak sa kanyang balikat.
Nagkatitigan kaming dalawa.
“A-Ano ulit iyong sinabi mo kanina?” mahina kong tanong, hindi pa rin makapaniwala sa aking narinig.
Ngumiti siya at hinaplos ang aking pisngi.
"Gusto kita, Amara. Simula ngayong araw ay liligawan na kita."
TO BE CONTINUED...
HI, EVERYONE! Next week na po ako mag do-double updates kasi busy akesh now, kaya tiis-tiis na muna kayo sa isahang update ko hanggang Sunday mga kamarupokers!
Don't forget to leave a comment! Thank you, everyone!