PAGPASOK ni Faith sa private room ni Xavier ay naabutan niya itong pilit na sinusubukang bumaba mula sa kama. Saglit itong nag-angat ng tingin sa kanya bago nito ipinagpatuloy ang ginagawa. Halatang nahihirapan na ito pero pinipilit pa rin nitong gawing mag-isa ang bumangon sa halip na humingi ito ng tulong sa kanya
How egoistic, aniya sa isipan habang pinagmamasdan ito.
Napapailing na lang si Faith habang pinagmamasdan ang ginagawa nito. “Hindi nakakabawas sa ego ng isang lalaki ang minsang paghingi ng tulong kung nahihirapan na. Di ba?” hindi mapigilan ni Faith ang ibulalas iyon rito.
Xavier didn’t speak. He just glared at her with a blank expression on his face.
“At dahil mabuti akong mamamayan ng bansa. Tutulungan na kita kahit hindi mo hinihingi ang tulong ko.” wika niya habang lumalapit siya sa gawi ng binata.
“I don’t need your help.” sabi ni Xavier sa magaspang na tinig. Pero hindi ito pinakinggan ni Faith basta tuloy-tuloy siyang lumapit sa gawi nito para tulungan. At tulad ng unang beses na magdikit ang mga balat nila ng binata ay may naramdaman na namang siyang tila kuryenteng nanulay sa buong katawan niya. Alam din ni Faith na naramdaman din iyon ni Xavier dahil naramdaman niyang napaigtad ito ng hawakan niya ito sa braso. Naramdaman din niya ang pagbilis ng t***k ng puso niya pero isinawalang kibo na lang niya iyon.
Ipinagpatuloy na lang niya ang pag-alalay kay Xavier hanggang sa tuluyan na itong nakaupo sa gilid ng kama. Inabot ni Xavier ang saklay na nasa gilid ng hospital bed. Akmang aalalayan na naman niya ito ng pigilan siya nito.
“Kaya ko.” ani Xavier na hindi tumitingin sa kanya.
Eksaheradang ipinaikot naman ni Faith ang mga mata. “Okay, fine.” sabi niya. Hindi din niya naitago ang inis sa kanyang boses. Nagsisisi tuloy si Faith kung bakit pumayag siyang maging private nurse ni Xavier habang nagpapagaling ito. Para kasing hirap itong pakisamahan. He was strict, snob, bossy and arrogant. Iyon nga ang first impression niya sa binata ng makita niya ito ng personal. Well, ganoon din naman ang first impression niya sa dalawang kapatid nito na sina Zach at Ylac. They have the same overpowering aura that makes your knees weak in one just look. At ayon na rin sa naririnig niyang sabi-sabi. The three Brillantes were both bossy. Bawat salita daw ng mga ito ay batas. Ngayon ay napatunayan ni Faith na totoo ang sabi-sabi dahil siya mismo ang magpapatunay dahil nararanasan niya ang mga iyon.
At kanina, habang nasa quarters si Faith ng mga nurse at masayang nakikipagkuwentuhan sa mga kasamahan ay ipatawag siya ng management ng ospital. Nasabi na pala ni Zach sa management ang napag-usapan nila. Pumayag ang management ng ospital sa pakiusap nina Zack at siniguro din ng mga ito sa kanya na pagkatapos niyon ay may trabaho pa rin siyang babalikan. So, technically ay si Faith na ngayon ang private nurse ni Xavier. Pagkatapos nga siyang kausapin ng management ay kinausap muli siya ng ina nina Xavier na si Lorraine. Samahan daw mo na niya si Xavier sa private room nito dahil wala itong makakasama roon. Baka daw kasi may kailangan ito at wala itong mautusan dahil walang kasama ang binata. Kailangan kasing umuwi ng ginang at asawa nito. Samantalang ang dalawang kapatid naman ni Xavier na si Zach at Ylac ay hindi pwedeng magtagal dahil busy din ang mga ito. Babalik na lang daw ang mga ito bukas kapag idi-discharge na ang binata.
Pinagmamasdan lang ni Faith si Xavier habang dahan-dahan itong tumatayo gamit ang saklay. Mabilis ang naging reflexes ni Faith ng muntik ng ma-out of balance si Xavier ng makatayo ito. Mabilis niyang ipinaikot ang mga kamay sa baywang nito para hindi ito tuluyang ma-out of balance. Nabitawan ni Xavier ang saklay dahilan para mapahawak ito sa kanyang balikat.
“Hindi mo pa kaya.” sabi niya sa binata. Kaya huwag kang mag-inarte, dugtong naman niya sa isip. Isang buntong-hininga lang ang isinagot nito sa kanya. “Saan ka ba pupunta?” tanong niya sa binata.
“Comfort room.” simpleng sagot ni Xavier.
“Alalayan na kita.” sabi niya. Hindi nagsalita si Xavier. Hindi na din ito nagprotesta, maingat lang nitong ipinatong ang braso sa ibabaw ng balikat niya. Sa ginawa ng binata ay alam ni Faith na pumapayag na ito na tulungan niya. Hinawakan naman niya ang braso nito na nasa ibabaw ng balikat niya at ang isang kamay naman ay pumaikot sa baywang nito para maalalayan niya itong mabuti. Saka nito kinuha ang isang saklay pang suporta na rin rito. Dahan-dahan lang silang naglalakad na dalawa. Hindi din mapigilan ni Faith ang huwag mapangiwi. Nabibigatan kasi siya. Malaking bulas kasi si Xavier. He stood up six feet and two inches while she was only five feet and two inches. Kaya hindi niya masisisi ang sarili na mapangiwi dahil sa bigat ng binata.
You’re so stupid, Faith! May wheelchair naman na pwede mong gamitin para hindi ka na mahirapan. Where is your coconut shell, ha?
“Arrgg! Ang bigat mo pala.” hindi niya napigilang idaing iyon sa binata.
Sinulyapan siya ni Xavier dahilan para sulyapan din niya ito. “I didn’t ask for your help.” anang binata sa magaspang na tinig. Kitang-kita din niya sa malapitan ang pagkunot ng noo nito. Pero hindi man lang nabawasan ang angking ka-gwapuhan nito. Lalo pa iyong nadagdagan. Gusto ding mapapikit ni Faith ng mata ng tumama ang mainit at mabangong hininga ng binata sa mukha niya ng magsalita ito.
A sweet smile curves in her luchious lips. “Arrgg! Ang gaan mo pala.” kabig bigla ni Faith and then she grin. And Faith blinked not for once but twice and thrice when she saw a glimpse of a smile that curves in Xavier lips. Pero para lang iyong isang kidlat. Dumaan lang at agad na nawala.
“Move.” utos ni Xavier. “I said move.” ulit na wika nito ng nanatili lang siyang nakamaang sa mukha nito. Masyado kasing na-amaze si Faith sa nakita niya. Mayamaya naman ay napakurap-kurap si Faith hanggang sa maningkit ang mata niya dahil sa sinabi ng binata sa kanya.
“Hilain kaya kita.” mahinang wika niya sa binata.
Kung makapag-utos ka, wagas! Ikaw na nga ang tinutulungan.Walang utang na galang!
Hindi niya ito muling sinulyapan kahit na nararamdaman niya ang talim na titig na ipinagkakaloob nito sa kanya. Malamang narinig nito ang sinabi niya kahit mahina lang ang pagkakasabi niya roon. Paano naman hindi nito maririnig ang sinabi niya, kahit mahina lang ang boses ng sabihin niya iyon ay ang lapit naman ng mukha nito sa kanya.
Napahinto si Faith sa paglalakad ng nasa tapat na sila ng pinto ng banyo.
Sasamahan ko pa ba ito sa loob o hindi na? nagtatalo ang isipan niya kung ano ang magandang gawin.
Samahan mo na, pagkakataon mo na iyan, anang pilyang bahagi ng isipan.
Holy, s**t! Hindi siya prepared!
“I can manage.” sabi ni Xavier. Nakahinga si Faith ng maluwag roon, mukhang nabasa naman ng binata kung ano ang iniisip niya.
“Okay. Call me if you need help.” sabi niya kay Xavier.
Lalong gumwapo ito sa paningin niya ng tumaas ang isang kilay nito. At doon lang napagtanto ni Faith kung ano ang sinabi kanina. “Argg! Don’t call my name if you need help.” sabi niya sabay talikod dito. Bigla din nag-init ang magkabilang pisngi dahil sa hiyang nararamdaman. Nasisiguro ni Faith na nagkulay kamatis na iyon. Bakit ba kasi nasabi pa niya ang mga iyon rito? Baka isipin ng binata ay gusto niyang samahan ito sa loob ng banyo.
Palakad-lakad lang si Faith sa loob ng kwarto habang hinihintay niyang lumabas si Xavier ng banyo. Hindi naman nagtagal bumukas ang pinto ng banyo at inuluwa niyon si Xavier. Kaagad namang sinalubong ni Faith ang binata para muling alalayan. She encircled her hands towards his waist while Xavier put his hand on the top of her shoulder. Maingat at dahan-dahan ang ginawa nilang paghakbang hanggang sa makarating sila sa hospital bed. Inalalayan din ni Faith si Xavier na makaupo sa gilid ng kama. At hindi inaasahan ni Faith ang sumunod na nangyari. Dahil ng alalayan niya itong umupo ay napahiga si Xavier. At dahil nakapulupot pa ang isang braso sa baywang nito ay napasama siya sa pagkakahiga. Biglang nanlaki ang mata ni Faith ng hindi sinasadyang nagdikit ang labi niya at ang labi nito.
s**t! I kissed her, he kissed me. We kissed!
Halatang nagulat din si Xavier sa nangyari dahil naramdaman niya ang paninigas nito sa kanyang ilalim. Ramdam na ramdam din ni Faith ang pagbilis ng t***k ng puso na tila ba parang hinahabol siya ng sampung multo. Oh, god!
Oh, my god! What is happening to my heart?
Mabilis pa sa alas-kwatrong tumayo si Faith ng maramdam ang panggiwi ni Xavier habang magkadikit pa ang kanilang labi.
“M-may…err…labas mo na ako, S-sir. Balik ako m-mamaya.” hindi na niya hinintay na sumagot si Xavier. Walang lingon-likod na lumabas siya ng kwartong iyon na pulang-pula ang magkabilang pisngi dahil sa hiyang nararamdaman niya dahil sa nangyari.
My first kiss…
“WHERE’S my crutch?”
Napatingin si Faith sa gawi ni Xavier ng magsalita ito. Nakatingin din si Xavier sa kanya. “Where the hell is my crutch?” muling tanong ng binata ng hindi pa siya nagsasalita.
Nagpalinga-linga naman si Faith sa buong paligid ng kwarto para hanapin kung saan niya inilagay ang saklay ng binata. Noong tulog pa kasi ang binata ay nilinis niya ang private room ni Xavier sa ospital na iyon. Hindi naman trabaho ni Faith na gawin iyon pero kinakailangan niyang i-divert ang sarili lalong-lalo na ang kanyang isipan para hindi niya maisip ang nangyari kanina. Para kasing may after schock pa rin siya sa nangyari kanina. Hanggang ngayon kasi ay ramdam pa rin niya ang mainit na labi ni Xavier sa labi niya. At kung hindi niya i-di-divert ang isipan ay baka mabaliw pa siya sa kakaisip sa simpleng halik na iyon. Hindi maipaliwanag ni Faith sa sarili kung bakit ganoon kalakas ang naging epekto ng halik na iyon para sa kanya. Ang tanging konklusyon lang ni Faith roon ay kung bakit malakas ang epekto ng halik dahil iyon ang first kiss niya. Nasa isang iglap lang dagling nawala sa isang kisap lang ng mata.
Nang makita ni Faith ang hinahanap ay tinuro niya iyon saka siya tumingin sa binata. Hindi napigilan ni Faith ang mapasimangot ng makita niya ang magkasalubong na kilay ni Xavier habang nakatingin ito sa kanya.
Lagi bang magkasalubong mga kilay nito? tanong ni Faith sa sarili.
“Naglalakad ba ang saklay?” malamig na wika nito.
“Naglalakad siguro sa panaginip mo.” mahinang sagot naman ni Faith sa binata.
“May sinasabi ka?” lalong nagsalubong ang mga kilay ng binata.
“Wala.” sabi niya, umiiling pa.
“So, what are you doing? Get the damn crutch and give it to me.” utos nito sa galit na tinig.
Ganito ba ang ugali ni Xavier? tanong ni Faith sa isipan.
“Say please.” she said in a low voice. Hindi niya maipaliwanag kung bakit gusto niya itong asarin. Hindi din niya maipaliwanag sa sarili kung bakit hindi siya natatakot na asarin at sagot-sagutin ito. Lihim na napangiti si Faith ng makitang mas lalong nagsalubong ang kilay nito. He really looks so cute, scratch that, he looks so handsome sa tuwing magkasalubong ang mga kilay nito.
Ang sarap tuloy haplusin ang pisngi nito…
“One.” bilang ni Xavier.
“Two.” mahinang bilang din ni Faith pero humakbang naman siya para kunin ang saklay ng mahal na hari. “Ito na po, Sir.” sabi niya sabay abot ng saklay rito na may ngiting nakapaskil sa labi. Padaskol naman na kinuha ni Xavier ang saklay na hawak niya.
Bipolar yata ang lalaking ito, ani Faith sa kanyang isipan. Pabago-bago kasi ng ugali ang binata. Minsan mabait, madalas masungit naman.
“Sa susunod kapag inutusan kita, sundin mo agad. Maliwanag?” sabi ni Xavier sa seryosong tinig. “Sa lahat ng ayoko iyong taong hindi agad sumusunod sa simpleng pinag-uutos.” dagdag pa na wika nito.
Hindi napigilan ni Faith ang magtaas ng isang kilay sa sinabi nito. Ibinaba niya ang itinaas na kilay ng makita niya ang pagtalim ng tingin ni Xavier sa kanya. “Yes, Sir.” sabi niya. Gusto pa ni Faith na mag-salute rito pero pinigilan na niya ang sarili. Mahirap na baka bumulagta siya bigla dahil sa talim na titig ng binata. Napangiti na lang siya sa isipan.
Akmang lalapitan ni Faith ang binata para alalayang tumayo pero nakailang hakbang pa lang siya ng pigilan siya nito.
“I can.” sabi nito sa malamig na tinig.
Pinagkrus ni Faith ang dalawang braso sa kanyang dibdib. “Sure?” Ewan ni Faith kung bakit awtomatikong tumaas ang isang kilay niya ng sabihin niya iyon sa binata.
Xavier glared at her. “I said, I can, right?” he said, with a knot in his forehead.
She twitched her lips. Ala! Galit na si Mahal na hari. “Sabi nga kaya mo.”
Madapa ka sana, lihim na lang na napangiti si Faith dahil sa mga pinagsasabi niya sa kanyang isipan. Kawawa naman si Xavier dahil minumurder niya ito sa isipan.
Kahit kating-kati na si Faith na tulungan upang alalayan si Xavier ay nagpigil siya. Kung ma-pride si Xavier mas lalong ma-pride si Faith. Saka di ba sabi nito ay kaya nito? So, it’s means kaya iyon ni Xavier, hindi na nito kailangan ng tulong niya. Bahala ito sa buhay nito, at least hindi siya mahihirapan sa trabaho niya.
Hindi napigilan ni Faith ang mapahagikhik ng muntik ng ma-out of balance si Xavier, mabuti na lang at nakahawak ito sa may mesa malapit lang sa kinaroroonan nito. Agad na nag-poker face si Faith ng sulyapan siya ni Xavier ng matalim na titig.
“Are you laughing at me?” tanong nito sa seryosong tinig. Mababakas din sa tinig nito ang galit.
“Of course not!” mabilis na sagot ni Faith, with matching iling pa. Halatang hindi naman kumbinsido si Xavier sa sagot niya dahil hindi pa rin nagbabago ang talim ng titig nito sa kanya. Tumikhim si Faith. “Saan ka ba pupunta, Sir?” tanong niya para i-divert ang atensiyon ng binata sa kanya.
“Gusto kung maupo sa couch.” sagot ng binata.
“Ganoon ba? Alalayan ko na kayo papunta sa sofa.”
“I said I—
“Huwag na kayong maarte, Sir.” putol niya sasabihin nito. Hindi tuloy niya napigilan ang sariling bibig ng sabihin niya iyon rito.
“Tinawag mo ba akong maarte?” salubong na salubong ang mga kilay na tanong nito ng tuluyan na siyang nakalapit sa gawi nito.
“Tinawag ba kita sa ganoon, Sir? Hindi naman, aa?” kagat labing wika ni Faith sa binata. “Baka nakaringgan niyo lang iyon.” dagdag pa niya. Mayamaya ay napalunok si Faith ng mapansin ang pagtaas baba ng adams apple ni Xavier habang nakatitig ito sa mukha—hindi pala, nakatitig ang binata sa kanyang labi.
Naalala kaya niya iyong halik na pinagsaluhan namig kanina? naitanong tuloy ni Faith sa sarili habang nakatitig pa rin si Xavier sa kanyang labi.
COMMENTS AND VOTES ARE WELL APPRECIATED. THANK YOU!