Chapter 3

2709 Words
“TUMAWAG ka sa’min ng Papa mo kung naroon ka na sa pupuntahan niyo.” bilin ng ina ni Faith na si Fatima habang hinahatid siya nito sa labas ng gate ng bahay nila. “Huwag mong pababayaan ang sarili mo roon. Kumain ka din sa tamang oras, Faith.” dagdag na bilin pa ng ina.             Tumango si Faith. “Okay po, Ma.” sagot niya rito habang nakangiti.             “Mag-ingat ka.” sabi pa ulit ng ina sa kanya.             “I will, Ma.” sabi niya. Hinalikan niya sa pisngi ang ina bago siya naglakad palapit sa kotseng naghihintay sa kanya. Na-discharge na kasi si Xavier sa ospital at ngayon na ang alis nila papunta sa Batangas kung saan ito magpapahinga ng isa o dalawang linggo para gumaling. Pagkalapit niya ay agad siyang sinalubong ng driver ng mga Brillantes. Ito ang maghahatid sa kanya patungo sa Batangas kung saan matatagpuan ang private resort ng kapatid ni Xavier na si Ylac. Kinuha nito ang bitbit niya at iniligay nito iyon sa likod ng kotse. Pagkatapos niyon ay binalikan siya ng driver at pinagbuksan siya nito ng pinto mula sa backseat ng sasakayan.             “Thank you po!” magalang na wika ni Faith bago siya sumakay sa loob ng backseat. Nanlaki ang mata ni Faith sa sobrang gulat ng makita si Xavier na nakaupo din sa backseat ng sasakyan habang nakapikit ang mga mata nito. Hindi kasi inaasahan ni Faith na sabay silang pupunta ni Xavier sa Batangas. Ang alam kasi niya ay nauna na ito roon at susunod na lang siya. “H-hello po, Sir.” bati niya. Saglit na iminulat ng binata ang mata para tingnan siya bago ito muling pumikit. Napaismid si Faith dahil sa hindi pagpansin ni Xavier sa pagbati niya. Hindi man lang ito gumanti ng bati sa kanya. Hindi na lang kumibo si Faith. Kinuha na lang niya ang kanyang cellphone at earphone sa loob ng bag. Makikinig na lang siya sa paborito niyang kanta sa kanyang cellphone para hindi siya mainip habang nasa biyahe sila.             Faith was humming her favarorite song. Habang itinatapik-tapik ang mga daliri sa kanyang hita. Nang mainip si Faith ay binalingan niya si Xavier sa kanyang tabi. Hanggang ngayon ay nanatili pa rin itong nakapikit kaya nagkaroon tuloy siya ng pagkakataon para pagmasdan at i-access itong mabuti. Una niyang pinagmasdan ang malalagong kilay ng binata. Sumunod ang matangos na ilong nito hanggang mapatuon ang tingin sa mapupulang labi ni Xavier. Napalunok at namula ang magkabilang pisngi ni Faith ng maalala niya ang insidenteng nangyari sa kanilang dalawa kahapon. Iyong aksidenteng nahalikan niya ito ng hindi sinasadya. Iyong paglalapat ng mga labi nila. Hindi makapaniwala si Faith na dumampi ang labi niya sa labi ng binata. Lalong namula ang magkabilang pisngi ni Faith ng biglang nagmulat ng mata si Xavier at huling-huli siya nitong tinititigan niya ito.             “Akala kop o Sir tulog kayo?” nakangiwing wika ni Faith kay Xavier.             “I can’t sleep if someone looking at me.” sa halip na wika ng binata habang nakakunot ang noo na nakatitig sa kanya.             Namilog ang mata ni Faith. “I’m not looking at you. Excuse me?” defensive na wika niya. Agad naman niyang natutop ang bibig ng mapagtanto kung ano ang nanulas sa kanyang bibig. God, Faith! You’re defensive! sita niya sa sarili. Mabuti na lang at hindi na nagkomento ang binata. Muli nitong ipinikit ang mga mata. Ibinaling na naman ni Faith ang paningin sa labas ng bintana. Tumaas ang kamay niya upang hawakan ang kaliwang dibdib ng maramdaman hindi normal ang t***k niyon. Nagpakawala na lang siya ng malalim na buntong-hininga saka niya ipinilig ang ulo. “Manong anong oras tayo makakarating sa pupuntahan natin?” tanong ni Faith sa driver ng i-alis niya ang tingin sa labas ng bintana. “Naroon na tayo ng bandang alas sinko, Ma’am.” sagot nito ng tingnan siya nito mula sa rearview mirror. Tumango-tango naman si Faith. “Ano nga pala ang pangalan niyo, Manong?” tanong muli ni Faith rito. “Joaquin, Ma’am.” magalang na sagot nito. “Ayy…Manong Joaquin, huwag niyo na po akong i-ma’am. Tawagin niyo na lang po akong Faith.” nakangiting wika niya sa matanda. Para hindi mainip si Faith sa biyahe ay kakausapin na lang niya si Manong Joaquin. Para malibang siya at malibang din ang matanda. Mahaba-haba din ang biyahe nila. “Faith.” banggit nito sa pangalan niya. “Bagay sa’yo ang pangalan mo. Kasingganda mo.” nakangiting wika ni Manong Joaquin habang ang atensiyon nito ay nasa kalsada. Inipit naman ni Faith sa kanyang tainga ang ilang buhok na na tumabing sa kanyang mukha. “Alam ko po.” sabi niya sa natatawang tinig. Narinig din niya ang mahinang pagtawa ni Manong Joaquin. “May boyfriend ka na ba, Faith?” mayamaya ay tanong nito. “May balak po ba kayong ligawan ako, Manong?” nakangiting biro niya sa matanda dahilan para matawa ito.  “Naku! Mahal na mahal ko ang asawa ko.” natatawang wika naman ni Manong Joaquin. Napangiti naman si Faith sa sagot ng matanda. “Ang swerte naman ng asawa niyo, Manong.” sabi niya. “Hindi. Sa aming dalawa ay ako ang maswerte dahil mahal din niya ako.” sagot nito ng tumingin ito sa kanya mula sa rearview mirror ng kotse. “Nakakakilig naman po kayo.” sabi ni Faith na nakangiti. Halatang mahal na mahal ni Manong Joaquin ang asawa nito. Maswerte silang pareho dahil mahal na mahal nila ang isa’t-isa. “Sana makahanap din ako ng lalaking kagaya niyo. Iyong mapagmahal na lalaki.” tila nangangarap na wika ni Faith. She hoped na sana ay makatagpo din siya ng lalaking mamahalin niya at lalaking mamahalin din siya. “Alam mo Faith may inilaan ang tadhana na magmamahal para sa atin. Nakita ko na ang akin, nang makita ko si Delah ang asawa ko.” tukoy ni Manong Joaquin sa asawa nito. “At huwag kang mag-aalala, Faith. Darating ang araw at makikita mo rin ang lalaking magmamahal sa’yo ng lubos at mamahalin mo ng tunay.” Napangiti muli si Faith sa turan ng matanda. Sana makilala na agad ni Faith ang lalaking nakatadhana sa kanya. “Excited na po akong dumating at makilala siya. Huwag kayong mag-alala, Manong Joaquin. Kapag dumating at nakilala ko siya ay invited kayo at ang pamilya niyo kapag ikinasal na po kami.” sabi niya at binuntutan niya ng tawa. Napatigil lang siya sa pagtawa ng marinig niya ang boses ng kanyang katabi. “Quiet.” ani Xavier. Kahit nakapikit ang binata ay magkasalubong pa rin ang kilay nito. Inismiran ni Faith ang binata kahit hindi nito iyon nakikita. KJ talaga ang lalaking ito sa kasiyahan nilang dalawa ni Manong Joaquin.  “Sana manong hindi masungit iyong lalaking nakatadhana sa akin. Kasi kapag nagkataon itatapon ko talaga siya sa ilog Pasig.” biro ni Faith kay Manong Jaoquin. Narinig niyang tumawa ang matanda pero agad itong tumigil ng muling nagsalita ang masungit na katabi niya. Tumahimik na lang silang dalawa ni Manong Joaquin. Itinuon na lang ng matanda ang atensiyon sa pagmamaneho samantalang ibinaling naman ni Faith ang tingin sa labas ng bintana. Saka kinuhang muli ang cellphone at muling inilagay ang earphone sa kanyang magkabilang tainga. Naghanap siya sa kanyang playlist kung ano ang gusto niyang ipatugtog. Nang mahanap niya ang paborito niyang kanta ay iyon ang ipinatugtog niya. Umayos din siya ng upo at isinandal ang likod ng ulo sa headrest ng backseat ng sasakyan. Ipinikit na rin niya ang mga mata hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog. Naalimpungatan si Faith ng maramdaman niya ang mahinang pagtapik sa kanyang braso. Kinusot-kusot niya ang mga mata at marahang iminulat iyon.             “Finally, you’re awake.” nanigas si Faith mula sa kinauupuan ng marinig ang baritonong boses na iyon. Nang mag-angat siya ng tingin ay sumalubong sa kanya ang maitim na mata ni Xavier. Nanlaki din ang mata niya ng mapagtantong nakasandal pala siya sa balikat nito at ang isang braso naman ng binata ay nakapulupot sa baywang niya. Mabilis siyang humiwalay rito at umayos ng upo. Inayos din niya ang medyo nagulong buhok dahil sa pagsandal niya sa headrest kanina at ngayon sa balikat nito.             “Nandito na ba tayo, Sir?” tanong niya sa binata ng balingan niya ito.             “Yes.” simpleng sagot ni Xavier. Inalis niya ang tingin sa binata at inilipat ang tingin sa labas ng bintana ng kotse. Napangiti ng maluwang si Faith ng makita niya ang asul na asul na karagatan. Bigla niyang nakalimutan ang presensiya ni Xavier at dali-daling binuksan ang pinto sa backseat at lumabas ng kotse. Hinawakan niya ang mahabang buhok dahil hinahampas ng hangin iyon saka siya tumakbo palapit sa dalampasigan. Ipinikit niya ang mga mata habang humahaplos ang malamig na hangin sa kanyang mukha. Hinayaan lang din niya na hampasin ng agos ang paa niya. Hindi niya alintana kahit nababasa ang sneakers na suot niya. Faith took a deep and long breath. Matagal na rin noong panahong nakapunta si Faith sa isang beach. Masyado kasi siyang busy sa trabaho kaya nakalimutan na niyang magbakasyon. Nang lumingon si Faith sa kanyang pinanggalingan ay nakita niya si Xavier na matamang nakatingin sa kanya. Nakaupo pa rin ito sa backseat ng sasakyan at nakasungaw lang ito sa nakababang salamin ng sasakyan nito. Inipon niya ang mahabang buhok sa kanyang gilid dahil sa lakas ng hangin. Tumatabing kasi ang buhok sa kanyang mukha. And then she smile sweetly and then she waved her hand at him.   MAGANDA ang private cottage na tutuluyan nila ni Xavier. Mababakas din ang karangyaan sa loob. Hindi na nagtataka si Faith dahil mayaman naman talaga ang may-ari niyon. Matatagpuan ang private cottage na iyon sa duluhang bahagi ng YB Resort—ang private resort na pag-aari ng bunsong kapatid ni Xavier na si Ylac.             Sinulyapan niya si Xavier na ngayon ay nakaupo sa sofa. “Sir, nagugutom ba kayo?” tanong niya rito. Nag-angat ng ulo si Xavier para masulyapan siya. “Nagugutom ka na ba?” balik tanong nito.             “Hmm…” tanging nasabi ni Faith. Nahihiya kasi siya na sabihin kay Xavier ang totoo. Nahihiya siyang sabihin rito na nagugutom na siya. Medyo malayo-layo din kasi ang biniyahe nila. At tanging biscuit lang ang kinain niya noong umalis siya ng bahay nila papunta sa Batangas. Kaya ngayon ay kumakalam na ang kanyang sikmura. Kulang na nga lang at mag-rally dahil sa protesta ang alaga niya sa tiyan sa sobrang gutom.             Nangunot ang noo ni Xavier habang hinihintay nitong dugtungan ang sinasabi niya. Mayamaya ay kinuha nito ang cellphone nito at may tinawagan. Nanatili naman ang kanyang tingin rito habang abala ito sa pakikipag-usap sa cellphone. Agad niyang ibinaling ang tingin sa ibang direksiyon ng hindi niya inaasahang babaling ito sa gawi niya.  At kahit hindi tumingin si Faith sa salamin ay alam niyang pulang-pula na ang magkabilang pisngi niya. Lagi na lang kasi siya nitong nahuhuling nakatitig rito. Baka mamaya ay pag-isipan pa siya nito na may gusto siya rito.             Bakit? Wala ba, ha, Faith? tanong ng mahaderang isipan.             “Hey,” tawag ni Xavier sa kanya. Nilingon naman niya ito. Nakasalpak pa rin ang cellphone sa kanang tainga nito pero ang tingin naman ay nakatuon sa kanya.             “Sir?”             “What do you want to eat?” Napakurap-kurap si Faith sa tanong na iyon ng binata. Hindi kasi siya makapaniwala na itatanong nito kung ano ang gusto niyang kainin. Thoughtful naman pala ang binata. Ngayon lang alam ni Faith ang bagay na iyon. “I’m asking you.” wika nito na hindi pa rin siya sumasagot.             Napakurap-kurap muli siya. “Kahit na ano, Sir.” sagot niya sa binata.             Nagsalubong ang kilay nito sa sagot niya kaya dinugtungan niya ang sinabi. “Bahala na kayo, Sir. Kahit na ano kakainin ko basta makakain at walang lason.” mahinang sambit niya. Inalis na ng binata ang tingin sa kanya at itinuon ang pansin sa kausap nito sa kabilang linya. Gustong maglaway ni Faith ng binabanggit ni Xavier ang pagkaing i-no-order nito. Napahawak tuloy siya sa kanyang tiyan. Gutom na talaga siya.             “Make it fast.” maatowridad na wika ni Xavier sa kausap ng makita nitong nakahawak siya sa kanyang tiyan. Pagkatapos nitong makipag-usap ay inabot nito ang saklay na nasa gilid nito at saka ito tumayo mula sa pagkakaupo nito sa sofa. Mabilis naman siyang lumapit sa gawi nito para alalayan itong makatayo.             “Saan ka pupunta, Sir?” tanong niya rito habang ipinapaikot niya ang isang kamay sa baywang nito. Madalas ay iyon ang itanong ni Faith sa binata sa tuwing tatayo ito gamit ang saklay nito.             “Sa kitchen.” simpleng sagot nito. “In a minute ay nandito ang staff ng resort para sa in-order kung pagkain.” nang magsimula itong naglakad ay naglakad na rin siya. Tinahak nila ang daan papunta sa kitchen na kung saan ay naroon ang dining area. Humila ito ng upuan at umupo ang binata roon. Pagkatapos ay iminuwestra nito ang katapat para umupo siya. Sumunod naman si Freya sa binata.             Makalipas naman ng ilang sandali ay dumating na ang staff nang resort na may dala-dalang pagkain. Halos maglaway na si Faith ng makita ang inilagpag ng staff sa mesa. Kaya pagkaalis ng mga ito ay agad niyang nilantakan ang mga pagkaing nakahanda. Hindi na niya pinansin ang mga titig ni Xavier sa kanya. Ang mahalaga kasi kay Faith sa sandaling iyon ay ang magkalaman ang kanyang sikmura. Nagugutom na talaga siya.             Pagkatapos naman nilang kumain ay nagpahinga sila saglit. Pinainom niya si Xavier ng gamot saka niya ito inihatid sa magiging silid nito sa pananatili nila roon. Nang maihatid niya ito ay lumabas na rin siya roon upang pumunta na rin sa magiging silid niya habang naroon din siya. Pero mayamaya ay nangunot ang noo ni Faith ng may mapagtanto.             “Where the hell is my room?” tanong niya sa sarili ng hindi niya makita ang magiging kwarto niya—nilibot na kasi niya ang buong private cottage pero wala na siyang makitang ibang silid doon. And then her eyes grew wide ng mapagtantong iisa lang ang nakita niyang silid sa private cottage na iyon. At iyon ang inuukupa ni Xavier.             Paano siya ngayon? Saan siya matutulog? sunod-sunod na tanong niya sa sarili. Humugot ng malalim na buntong-hininga si Faith bago siya naglakad pabalik kung nasaan si Xavier. Kumatok siya sa pinto ng tatlong beses para ipaalam ang presensiya niya.             “Come in.” anang baritonong boses. At nang marinig niya iyon ay pinihit niya ang seradura pabukas at pumasok roon. Naabutan niya si Xavier na nakasandal sa headrest ng kama habang ang mata’y nakapikit.             “Sir…” pukaw niya sa binata. Nagmulat ito ng mata at tumingin sa kanya. Tumikhim si Faith bago siya nagsalitang muli. “Saan po ako matutulog?” tanong niya dahilan para magsalubong ang kilay nito. “Iisa lang kasi ang kwarto dito.” dagdag na wika ni Faith.             “One room?” ulit na wika ni Xavier, nakakunot pa rin ang noo.             Tumango si Faith ng sunod-sunod. “Yes, sir.” hindi na nagkomento si Xavier sa halip ay tumitig lang ito sa kanyang mukha. Sinalubong naman ni Faith ang titig nito. Hindi maipaliwanag ni Faith sa kanyang sarili kung ano iyong nararamdaman niya sa oras na iyon habang magkahinang pa rin ang mga mata nila ni Xavier. Hindi niya maipaliwanag kung bakit tila nanghihina ang tuhod niya habang nakatitig siya sa itim na mga mata nito.             Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Xavier. “Ylac didn’t tell me na iisa lang ang kwarto rito sa private cottage niya.” umpisa ni Xavier. “But…” itinaas ni Faith ang isang kilay para hikayatin si Xavier na ipagpatuloy ang sinasabi. “If you want, you can stay here in my room. In fact the bed is huge.” sabi nito sabay kibit-balikat. Tila balewala kay Xavier na makatabi siya sa kama. Sanay siguro itong may katabing ibang babae sa pagtulog.             Pero ng mag sink-in sa utak ni Faith kung ano ang sinabi ni Xavier ay nanlaki ang mata niya. Seriously? Inaanyayahan siya ni Xavier na tumabi rito sa pagtulog? Sa iisang kwarto? Sa iisang kama? Oh, god! She want to faint.             Sinulyapan ni Faith ang kamang sinabi ni Xavier. At tama ito, malaki nga iyon! Pero hindi pa rin siya komportable sa isiping may iba siyang makakatabi. Lalong-lalo na kung si Xavier iyon. She doesn’t want to take a risk. Mahirap na baka gapangin niya ito kapag tulog na ito. Napangiti na lang si Faith sa mga naiisip. “Sir wala na bang ibang option?” alanganing tanong niya kay Xavier. Sa halip na sumagot ang binata sa tanong niya ay sinulyapan lang nito ang couch na nasa loob ng kwarto.             “But I don’t let you sleep on the couch.” sabi ni Xavier. “And by the way, you’re not my type. There’s nothing to worry.” dagdag na wika ng binata na ikinalaglag ng kanyang panga. PLEASE SUPPORT MY OTHER STORY. PA-ADD NA LANG PO SA LIBRARY NIYO.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD