LITERAL na napanganga si Faith ng pagkapasok niya sa loob ng private room sa ospital kung saan siya nagta-trabaho bilang nurse ay nabungaran niya ang dalawang lalaking ipinadala yata ng langit sa lupa para pakiligin ang mga kababaihan dahil sa taglay na ka-gwapuhan at s*x appeal ng mga ito. Idagdag pa ang isang lalaking nakahiga sa hospital bed na kahit injured ang kanang binti at may ilang galos din sa noo dahil sa natamong aksidente ay hindi pa rin nababawasan ang angking kagwapuhan na taglay nito.
At mabuti na lang at nakasuot ng facial mask si Faith dahil kung hindi ay baka nakita ng mga ito ang pagnganga ng masilayan niya ang nag-ga-gwapuhang nilalang na nasa harap niya ngayon. Hindi inaasahan ni Faith na makikita niya sa araw na iyon ang dalawa pang Brillantes ng personal—na sina Zach at Ylac. Nakakatanda, at nakakabatang kapatid ni Xavier—ang pasyente nila sa ospital.
At totoo nga ang sinabi ng mga kasamahan niyang nurse sa ospital na iyon. The three Brillantes were all oozing with s*x appeal. Nakakalaglag panty ang kagwapuhan ng mga ito! Kaya pala halos magmakaawa sa kanya ang ilang kasamahan niyang nurse na babae para lang makipagpalit ng pwesto. Ang iba ay nakipag-deal pa sa kanya. Ibibigay daw ng mga ito sa kanya ang sahod ng mga ito ng isang buwan kapalit ng pwesto niya. Siya kasi ang nurse na naka-assign kay Xavier para i-monitor ang kalagayan nito. Siyempre, di pumayag si Faith na makipagpalit ng pwesto. Pagkakataon na rin naman niyang makita ang iniidolong car racers. Gusto din niyang makita ang gwapong mukha ni Xavier. Bonus na rin ang makita niya ng personal ang dalawa pang Brillantes.
Laman ng balita at sa pahayagan ang nagyaring aksidente kay Xavier Brillantes—ang sikat na car racer sa bansa. Nasangkot kasi ang minamaneho nitong sports car sa isang aksidente nong nasa racing field ang binata upang makipagkarera. Sa ospital kung saan siya nagta-trabaho dinala ang binata. Hindi naman malala ang pinsalang natamo nito sa aksidente. Na-fractured lang ang kanang binti nito dahil sa aksidente na kinailangan pang i-cast para hindi lalong ma-injured. Nagkaroon din ito ng kunting galos sa noo. Suma-total ay iyon lang ang natamong pinsala ng binata. At ang sabi ng doctor na tumingin sa binata ay dalawang linggo ang kinakailangan para tuluyang gumaling at maalis na rin ang cast sa binti ng binata.
Lalong mas humigpit nga ang seguridad sa ospital ng ipasok roon si Xavier. Siyempre, kilalang personalidad si Xavier. Maraming taga-media ang gustong pumuslit para makasagap ng balita tungkol sa kalagayan ng binata. Sa labas nga ng private room ni Xavier ay may nagbabantay. Mga pamilya lang nito ang pwedeng pumasok sa private room nito sa ospital. Siyempre, kabilang na si Faith na pwedeng pumasok roon at ang doctor na tumitingin sa kalagayan ng binata.
Mayamaya ay tumikhim si Faith para ipaalam ang presensiya niya sa dalawa at para na rin bumati. "Good morning po." magalang na bati ni Faith kina Zach at Ylac. Isang simpleng tango lang naman ang nakuha niyang sagot sa mga ito. "I-che-check ko lang po ang pasyente." paalam niya bago siya humakbang palapit sa kinahihigaan ni Xavier. Kakalapag lang ni Faith ng hawak na chart at stethoscope sa table malapit sa hospital bed ng bumukas muli ang pinto sa private room at pumasok doon ang isang babae at isang lalaki. Kung hindi nagkakamali si Faith ay mga magulang iyon ng tatlo. Kamukha kasi noong lalaki ang mga anak. Kuha naman ng ginang ang mata ng tatlo. Kahit parehong may edad na ay hindi pa rin mahahalata iyon sa mukha ng mga ito. Mababakas pa rin kasi ang kagandahan at ka-gwapuhan sa kabila man ng edad. Kaya hindi nakakapagtakang nagsisi-gwapuhan ang magkakapatid dahil maganda at gwapo ang pinagmulan ng mga ito.
Nang mapatingin ang ginang kay Faith ay agad niyang binati ito bilang paggalang. Nginitian naman siya ng ginang bago ito bumaling sa dalawang anak.
"Ylac, pagka-discharge ng Kuya Xavier mo ay doon mo na siya sa resort mo sa Batangas. Para makapagpahinga siya ng maayos. At doon na lang din siya magpapagaling." narinig ni Faith na wika ng ginang sa anak. Kung hindi nagkakamali si Faith, dating beauty queen ang ina ng tatlo.
"Sure, Ma. Doon na lang siya sa private cottage ko." sagot ni Ylac sa ina nito.
Shit! Pati boses, ang gwapo! isip-isip ni Faith habang inaayos niya ang stethoscope at sphygmomanometer na kakailanganin. I-che-check kasi niya ang Blood pressure ng pasyente. Hinawakan na niya ang braso ni Xavier. Pero agad siyang napabitiw ng makaramdam siya ng tila kuryenteng nanulay sa buong katawan ng mahawakan lang niya ang braso nito.
What was that? takang tanong niya sa sarili. Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa kamay at sa braso ni Xavier. Braso lang ni Xavier iyong nahawakan niya? Pero, bakit pakiramdam niya ay parang live wire iyong nahawakan niya?
Ipinilig na lang ni Faith ang ulo. Muli niyang hinawakan ang braso nito para makuha na niya ang BP nito. Sa pagkakataong iyon ay nagmulat na ng mata si Xavier. Agad na nagsalubong ang mga kilay ng binata ng tumutok ang mata nito sa kanyang mukha.
"Good morning, Sir. Check ko po ang blood pressure niyo." magalang na wika niya sa binata. Hindi pa rin naaalis ang pagkakasalubong ng mga kilay ni Xavier habang titig na titig ito sa kanya. Inalis na niya ang tingin rito at itinuon ang atensiyon sa ginagawa. Pero hindi siya makapag-concentrate sa ginagawa dahil ramdam na ramdam ni Faith ang mainit na titig ni Xavier na tumatagos hanggang sa kanyang puso.
Nakahinga ng maluwang si Faith ng sa wakas ay tapos na niyang kunan ng BP si Xavier.
"It's normal. 120 over 80." mahinang sambit niya. Inalis niya ang sphygmomanometer sa braso nito. Kinuha niya ang chart na inilapag niya kanina at sinulat doon kung ano ang resulta nang ginawa niya. Sinusulat niya iyon sa kanyang chart para ma-monitor niya ang Blood Pressure ng binata.
Naiilang na si Faith sa kinatatayuan dahil hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang titig sa kanya ni Xavier. Hindi tuloy niya maisulat mabuti sa chart ang dapat niyang isulat dahil sa titig nito na nakakapagpahina ng tuhod. At hindi nga siya nagkamali dahil ng sulyapan niya si Xavier ay nakatingin pa rin ito sa kanya. Iniwas na niya ang tingin rito dahil hindi niya kayang makipagtitigan sa itim na itim na mata nito na tila naghihipnotismo na gumanti rin ng titig sa binata.
"We need to hire someone to look for him habang naroon siya private cottage ni Ylac. Someone who will take care of him." narinig niyang wika ni Zach—ang panganay na anak sa pamilya nito.
Chineck naman ni Faith ang swero na nakakabit kay Xavier. Nang makitang okay iyon ay nagpaalam na siya sa pasyente at sa pamilya nito at doon niya nakuha ang atensiyon ng lahat. Sunod sunod tuloy na napalunok si Faith dahil lahat ng mata ay nakatutok sa kanya na tila ba may nagawa siyang mali.
"You're one of the nurses here, right?" tanong sa kanya ni Zach na hindi ngumingiti.
Hindi, janitor ako, anang pilosopong isipan ni Faith. Hindi niya napigilan ang sariling mapangiti sa mga naiisip. Kahit nakaka-intimidate ang mga kasama ni Faith sa loob ng kwartong iyon ay hindi pa rin niya napigilan ang isipan na maging pilosopo paminsan-minsan. Lalo tuloy napangiti si Faith. Mabuti na nga lang at nakasuot siya ng facial mask at hindi nakita ng mga ito ang pagngiti niya.
"What's funny?" nanlalaki ang mata ni Faith nang sumulyap siya sa gawi ni Xavier ng marinig niya ang sinabi nito. Seriously? Nakita pa nito ang pag-ngiti niya kahit na nakasuot siya ng mask? Grabe! Gwapo na nga ito, talented pa! Wow, siya na ang gifted!
"Anong ngingiti mo?" ulit na tanong ni Xavier ng nanatili siyang nakatingin sa mukha nito.
"Masama bang ngumiti?" mahina lang ang pagkakasabi ni Faith sapat na para madinig ni Xavier. Lalo tuloy nagkasalubong ang kilay nito dahil sa sinabi niya. Sa sobrang pagkasalubong ay nag-isang linya na iyon. Inalis na ni Faith ang tingin sa binata at ibinalik ang tingin kay Zach. Tinanggal din ni Faith ang suot na mask bago sumagot, respeto na rin sa mga kaharap dahil kinakausap siya ng mga ito.
Tumikhim mo na si Faith bago sumagot. "Opo. Bakit po?" magalang na sagot niya rito.
"We need someone who will take care of Xavier habang nagpapahinga siya." ani Zach sa seryoso pa ring tinig. Tango-tango namam si Faith habang pinapakinggan niya ang sinasabi ni Zach. Suma-total ay may ideya na si Faith kung ano ang gustong ipakahulugan sa sinabi ng nakakatandang kapatid ni Xavier.
Xavier needs a babysitter, she thought.
"Are you available for that someone?" sunod na tanong ni Zach dahilan para manlaki ang mata ni Faith sa gulat.
Nurse ako, hindi babysitter! "Po?" medyo napalakas ng kunti ang boses niya. Natutop tuloy niya ang bibig nang makita ang pagsalubong ng kilay ng kausap. "I'm...I'm sorry po." hingi niya ng paunmanhin. Lihim na pinagalitan ni Faith ang sarili dahil sa inasal.
"It's okay." sabi nito mayamaya pero hindi pa rin nawawala ang pagkakasalubong ng kilay. "So, do you accept our offer?"
Tumikhim si Faith. "Pero, Sir. Kailangan din po ako rito sa ospital." kagat labing wika niya.
"But my son needs you too." singit naman ng ginang sa usapan nila. Tahimik lang naman na nakikinig sa usapan nila si Ylac at ang ama nito.
"Po?" tanging nasabi niya sa ginang.
"I don't need her, Ma." ani Xavier.
Sinulyapan niya ang nakahigang binata. Isang klase na sulyap na nagpapahiwatig na 'I don't need you too'. Saka niya ito pasimpleng inismiran. Hindi kasi niya nagustuan ang tono ng boses nito ng sabihin nito iyon sa kanya.
"By the way, ano pala ang pangalan mo, hija?" mayamaya ay tanong ng ginang.
"Faith po." sagot niya. "Faith Sanchez." pagbanggit niya sa buong pangalan.
"So, Faith...Xavier needs your help. He needs a private nurse to take care of him habang nagpapagaling siya. And according to his doctor, it takes one or two week's bago tuluyang gumaling ang kaliwang binti niya at bago rin tanggalin ang cast na nakalagay sa binti ni Xavier. At hanggang hindi pa gumagaling at hindi pa natatanggal ang cast sa binti ni Xavier ay kailangan niya ng aalalay sa kanya. Hindi naman kasi makakakilos ng maayos si Xavier kung ganyan pa rin ang galagayan niya." pagkukumbinsi ng ginang sa kanya. "And don't worry about the p*****t, Faith. Dodoblehin ko ang sinasahod mo rito bilang private nurse ng anak ko." dagdag na wika ng ginang.
Sunod-sunod naman ang ginawang pag-iling ni Faith. "Hindi naman po sa ganoon." wika niya sa ginang sa mahinang tinig. "Hindi naman po iyong sasahudin ko ang dahilan kung bakit nag-aalinlangan akong tanggapin ang offer niyo." paliwanag niya. Huminga siya ng malalim saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Kung sakali pong tanggapin ko ang offer niyo, paano naman po ang trabaho ko rito sa ospital?" patuloy na paliwanag niya. "Baka po pagbalik ko rito sa ospital ay wala na po akong balikan na trabaho." Inaalala din kasi ni Faith kung ano ang mangyayari sa trabaho niya pagkatapos ng isa o dalawang linggo na sinasabi ng mga ito kapag pumayag siya sa offer nila. At baka kapag pumayag siya sa offer ng mga ito at pagbalik niya sa ospital ay wala na siyang trabahong babalikan. Mahirap pa naman ang maghanap ng trabaho ngayon. Lalong-lalo na kapag nursing graduate ka. Hindi kasi biro ang pinagdaanan ni Faith makapasok lang siya sa prestihiyosong ospital na iyon. Maswerte nga siya dahil nakapagtrabaho siya roon.
Faith was nursing graduate. Board passer din siya. Gayunpaman, kahit ganap na siyang nurse ay nahirapan pa rin siya sa paghahanap ng trabaho. Mahigit isang taon din si Faith na naging volunteer sa ospital. Sa panahong iyon ay naisipan na rin niyang mag-apply abroad para na rin matulungan ang ina sa pagpapaaral sa dalawa niyang kapatid na pawang nag-aaral sa kolehiyo. Hindi naman kasi mayaman ang pamilya ni Faith. School teacher ang ina niya. Samantalang ang ama naman niya ay dating Taxi Driver. Kasalukuyang nasa bahay lang ang ama dahil na-stroke ito noong nakaraang buwan. Kaya kailangan ding magtrabaho ni Faith para matulungan din ang ina sa gastusin sa bahay at pati na rin sa pag-aaral ng dalawang kapatid.
"Don't worry. Zach will take care of that, Faith. Sinisiguro namin sa'yo na pagkatapos nito ay may trabaho ka pang babalikan." pag-aasure ng ginang kay Faith.
Huminga siya ng malalim. "Sige po, payag na po akong maging private nurse ni Xav—Sir Xavier po." pagpayag na lang ni Faith. Napangiti na rin siya ng ngumiti sa kanya ng matamis ang ginang. Napataas naman ang isang kilay niya nang makitang nakatitig pa rin hanggang ngayon si Xavier ng sulyapan niya ito sa kinahihigaan nito.
Weird man, isip-isip na lang ni Faith.
"FAITH!"
Nasapo ni Faith ang kaliwang dibdib sa pagkagulat ng marinig niya ang pagsigaw ni Ana—kasamahan niyang nurse ng tawagin nito ang pangalan niya pagpasok niya sa quarters nila sa ospital na iyon.
"Ana naman...huwag mo akong gulatin at baka atakihin ako sa puso." sabi niya rito ng tuluyan na itong nakalapit sa kanya.
"Paano ka aatakihin, eh, wala ka namang sakit sa puso." nakangiting biro ni Ana.
"Aatakihin ako sa puso dahil sa lakas ng boses mo. Para kang nakalunok ng microphone." biro ni Faith dahilan para matawa si Ana.
Nakangiting-umiling ito bago siya nito inakbayan. "Kamusta?" mayamaya ay tanong nito.
"Okay lang naman." sagot niya habang umaagapay si Ana sa paglalakad niya. Napangiti si Faith nang makitang napasimangot si Ana sa sagot niya. Alam naman kasi niya kung sino ang kinakamusta nito.
"Hindi ikaw ang kinakamusta ko." wika nito na nakasimangot pa rin.
"Ouch!" nakangiting sabi niya habang sapo-sapo ang kaliwang dibdib. "It hurts." dagdag pa na biro niya.
"Ouch!" sa pagkakataong iyon ay napadaing na talaga si Faith ng totoo ng hampasin siya nito sa braso. "Bakit ka naghahampas." sabi niya habang hinihimas ang balikat na hinampas nito.
"Wala trip ko lang." nakangiting wika nito.
"Ouch!" daing ni Ana ng kurutin niya ng mahina ang tagiliran nito. "Bakit mo ako kinurot?" tanong nito.
"Wala, trip ko lang din." panggagaya niya sa sinabi nito. At ang sumunod na sandali ay pareho na silang tumatawang dalawa.
"But seriously, Faith. How's Xavier? Is it true?" mayamaya ay tanong ni Ana ng tumigil ito sa pagtawa.
"What do you mean?"
"Totoo ba ang usap-usapan ng karamihan na gwapo talaga siya sa personal?" puno ng kuryusidad na tanong ni Ana.
Isang matamis na ngiti lang naman ang isinagot niya rito. Lihim siyang napangiti nang makita ang pagbusangot na naman ng mukha nito. "Faith, huwag ka namang madamot sa impormasyon." nagpapadyak na wika ni Ana dahil sa frustration. "So, totoo?"
"Totoo." simpleng sagot niya.
Inilapit ni Ana ang bibig nito sa kanyang tainga at mahinang bumulong. "Totoong nakakalaglag panty ang ka-gwapuhan ni Xavier? Lalong-lalo na sa personal?"
Literal na napanganga pa ako ng masilayan ko ang ka-gwapuhan ng tatlong magkapatid, anang isang bahagi ng isipan.
Faith chuckled. Ginaya din niya ang ginawa ni Ana. Inilapit niya ang bibig sa tainga nito saka din siya bumulong. "Yeah. Nakakalaglag panty ang kagwapuhan nilang tatlo."
Kumunot ang noo ni Ana. "Nilang tatlo? What do you mean?"
Nanlaki ang mata ni Ana ng nginitian niya ito ng pagkatamis-tamis. Mukhang alam na nito kung ano ang ibig sabihin ng ngiti niya "Seriously? Nakita mo rin sina Zach at Ylac?" tanong nito sa nanlalaki pa ring mata.
Isang kindat lang ang isinagot niya rito. Napatakip siya ng dalawang tainga ng tumili ito. "s**t! Ang swerte mo, Faith. Dati sa magazine mo lang sila nakikita. Ngayon ay nakita mo na sila ng personal. s**t! Nakakainggit ka." wika nito sabay yugyog sa balikat niya.
Swerte ko daw? Ano kaya kung sabihin ko rito na ako ang magiging private nurse ni Xavier ng isa o dalawang linggo? Baka sabihin nitong hindi lang ako swerte. Swerteng-swerte. she chuckled from that thought.
"Magiging private nurse din pala ako ni Xavier." imporma niya kay Ana.
Nanlaki na naman ang mata nito. "Really?"
Nakangiting tumango siya kay Ana.
"Faith, ang swerte-swerte mo talaga!"
She chuckle once again. Sabi na nga eh....