Chapter 3 In other world

1144 Words
Hindi niya pa rin maintindihan kung bakit tila buhay na buhay pa siya. Ilang beses siyang sinaksak ng kuya niya, ngunit wala siyang anumang naramdamang sakit. 'Hermes!' Dahan-dahan niyang naimulat ang mga mata niya. Nang marinig niya ang pangalan niya na tinatawag. 'Hermes!' Sa pagmulat ng mata niya ay napansin niya ang kakaibang liwanag at isang kamay na papalapit sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya saka siya hinila paitaas. "Hoy! Hermes! Ano bang nangyari saiyo at ang tagal mong umahon! Mag iisang oras ka nang hindi umaahon! May balak ka bang magpakamatay?!" sigaw ng isang lalaki sa kanya at bahagya siyang niyugyog. Napaubo naman siya bigla at napahawak sa dibdib niya. Natigilan pa siya nang may maalala at napatingin sa tiyan at dibdib niya. Nagugulat niyang kinapa ang dibdib at tiyan. Naalala niyang sinaksak siya ng kuya niya sa katawan niya. Nagugulat siyang napatingin sa isang lalaking nagtataka sa naging reaksyon niya. "Sino ka?" gulat niyang tanong dito. Natigilan naman ang lalaking kaharap niya at tinapik siya sa balikat. "Okay ka lang ba? Bakit parang hindi mo ako kilala? Umayos ka nga Hermes, mapapagalitan na naman talaga tayo nito. Halika na at baka hinahanap na tayo ng mayordoma sa palasyo," sabi nito sa kanya at hinila siya paalis sa ilog. Nagtataka siyang tumingin sa paligid. Ang huling naalala niya ay nasa itaas na bahagi sila ng kuya niya. Sinaksak at tinulak siya nito sa dagat. Tapos ngayon may humila sa kanya upang makaahon at ito na ang bumungad sa kanya. Nakita niya ang kasama niyang lalaki na may dalang dalawang kabayo. Habang may karga itong mga dayami. Nagugulat pa rin siyang lumapit dito. 'Nasaan ba ako?' tanong niya sa sarili. "Tara na uy! Talagang pagagalitan tayo nito eh! Sabi mo saglit lang tayo sa ilog, pero halos umabot ka ng isang oras doon bago makaahon. Tapos ngayon parang nagtataka ka pa? Ano bang nangyayari saiyo?" naiinis nang sabi nito sa kanya at mabilis na sumakay sa kabayo. "Bilisan mo na at pakakainin pa natin ang mga kabayo sa palasyo!" sigaw nito sa kanya. Wala sa sariling sumakay na rin siya ng kabayo. Alam naman niya kung paano ito sakyan kaya hindi na siya nahirapan pa. Sumakay na siya dito at sumunod na sa lalaking kasama niya. Habang papunta na sila sa palasyo ay halos hindi maalis ang tingin niya sa paligid. Kinikilala niya ang lugar, ngunit talagang wala siyang maalala sa lugar kung nasaan siya ngayon. Tila ba nagising siya sa ibang mundo o napunta siya sa nakaraang panahon. Hindi niya matukoy kung alin sa dalawang panahon kung nasaan siya ngayon. Napatingin siya sa daang tinatahak nila at nakita niya ang tila mataas na kastilyo. 'Iyon ba ang sinasabi niyang palasyo?' Habang unti-unti silang lumalapit sa sinasabing palasyo, ay nasisiguro na niyang wala na siya sa mundo kung saan siya naroon. Tila nabuhay siya bigla sa mundong ito. Nang makarating sila ay nakita niyang lumihis ng daan ang kasama niya at tila papunta ito sa likod ng palasyo. Kaya naman sumunod siya dito upang hindi siya maligaw. Dahil wala naman siyang alam sa lugar kung nasaan siya ngayon. Nakita niya ang kasama niyang bumaba sa kabayo. Lumapit na siya rito at bumaba. Kinuha nito ang dala nitong dayami at binuhat papasok sa isang pinto. Narinig niya ang ingay mula sa loob at masasabi niyang mga kabayo ang mga iyon. Kinuha rin niya ang dayami na dala niya at binuhat papasok. "Anong oras na at ngayon lang kayo dumating!" sigaw ng isang boses babae. Kaya naman tuluyan na siyang lumapit at nakita niya ang isang matanda na pinapagalitan ang kasama niya. Bigla itong Bumaling sa kanya. "At ikaw? Ano pang ginagawa mo diyan? Pakainin niyo na ang mga kabayo dito at linisin niyo ang bahay-aklatan sa ikalawang palapag! Magdahan-dahan kayo roon at siguradong naroon ang prinsesa! Hala kilos!" sigaw nito at naglakad na paalis. Nang makaalis na ito ay bumaling sa kanya ang kasama niya at napailing. "Sige na, kumilos na tayo," sabi nito sa kanya. Ngunit nanatili siyang nakatayo at tiningnan ang paligid. "Sandali nga, kanina ko pa napapansing parang may nagbago saiyo. Ano ba talagang nangyari saiyo?" nagtatakang tanong nito at lumapit sa kanya. Hindi siya nakasagot sa tanong nito at iniisip kong sasabihin ba niya dito, na hindi siya ang taong kilala nitong Hermes. Naghihintay ito sa sagot niya, kaya naman ngumiti na lang siya dito. "Pagod lang siguro ako kaya ganito ako magsalita. Halika na at magsimula na tayo," sabi na lamang niya dito. Nagtataka man sa kinikilos niya ang kasama niya ay tumango na lamang ito at pinakain na nila ang mga kabayo. Matapos nila itong pakainin ay nagdala na sila nang panglinis, upang maglinis na sa ikalawang palapag kung nasaan ang aklatan. Habang papunta sila roon ay napapatingin naman siya sa paligid at kinilala ang ang bawat lugar, dahil baka maligaw siya. "Sabi ni madam kanina, naroon ang prinsesa. Kaya siguradong makikita natin siya, nakaka-excite di ba?" narinig niyang sabi ng kasama niya. Bahagya lang siya tumango dito. Isa pa hindi niya alam ang pangalan nito at hindi niya alam kung paano ito tatanungin tungkol doon, dahil siguradong magtataka na naman ito. "Nakita mo na ba ang prinsesa?" Napansin niyang nagulat ito sa tanong niya at napalingon ito sa kanya. "Oo naman! Di ba nga lagi natin siyang inaabangan pag nandito siya sa aklatan dahil makikita natin siya. Tuwang-tuwa ka pa nga kapag nalaman na nandito siya at ilang beses na rin natin siyang nakita," nagtatakang sabi nito sa kanya. Napahinto naman siya sa paglalakad at bahagyang napalingon sa paligid. Tanging silang dalawa lang ang nasa pasilyo kung nasaan sila. Napabuntong-hininga siya at seryoso siyang tumingin dito. "Mapagkakatiwalaan ba kita?" seryosong tanong niya dito. Bahagyang nagulat ito sa tanong niya at napasuntok ito sa braso niya. "Oo naman! Ako kaya ang bestfriend mo, alam ko lahat nang sekreto mo. Isa pa, tayo lang ang magkasangga dito kaya ano bang klaseng tanong iyan?" natatawang sagot nito sa kanya. "Hindi ko alam kung paano ko ito ipapaliwanag saiyo pero, sa totoo lang simula nang iahon mo ako sa ilog kanina ay hindi ko na alam ang lugar na ito. Hindi kita kilala at wala akong ka-alam-alam sa paligid. I should be dead right now. My brother killed me and push me into the sea. But, when someone pulled me out of the water; I become someone else that you know," seryosong sabi niya dito. Nagugulat namang nakatingin sa kanya ang kasama niya at hindi alam kung maniniwala ba ito sa sinasabi niya. Maging siya ay naguguluhan sa lugar kung nasaan siya ngayon. Hindi niya alam na mabubuhay pa siya at mapupunta sa ganitong mundo. Makakatungtong sa isang palasyo at makikilala ang isang prinsesa na sinasabi nito. Hindi niya alam kung paano makisama; ngunit isa lamang ang nasa isip niya ngayon. Magpapakatatag siya sa bagong buhay at mundong binigay sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD