Chapter 4 Hermes into Hermes body

1610 Words
Nanatili pa ring nakatingin sa kanya ang kasama niya. Tahimik lang silang dalawa habang nasa pasilyo. Hindi alam ni Hermes kung maniniwala ito sa sinasabi niya. Napabuntong-hininga siya at inalis na ang tingin dito. "Pasensya ka na, ngunit talagang hindi ako ang kinilala mong kaibigan. Hindi ko rin alam kung paano nangyaring buhay pa ako," muling sabi niya dito. Wala pa rin itong imik, habang nakatingin sa kanya. Mayamaya ay bigla na lamang itong tumawa, na ipinagtaka niya. "Hahaha! Umayos ka nga Hermes, ano bang pinagsasabi mo? Niloloko mo ata ako eh, anong walang alam? Tsk! Halika na nga!" natatawang sabi nito at inaya na paalis. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito. Hindi niya alam kung paano ito paniniwalain. Ngunit siguradong, maintindihan din nito ang sitwasyon. Sa ngayon, kailangan niya ito dahil, ito lamang ang nakakaalam sa lugar kung nasaan sila ngayon. Sumunod siya dito at pumasok sa isang silid. Nakita niya ang malawak na aklatan. Dalawang palapag ito, at halos libro lang ang naroon. Napansin niyang may dalawang babae na nakatayo. Nakasuot ito nang mahabang damit, na tulad ng sinusuot ng mga taga-korea na napapanood niya sa T.V. Sa suot na damit nito, ay nasisiguro niyang mga taga-silbi rin ito ng palasyo tulad niya. "Psst!" Napalingon siya sa kasama niya, nang tawagin siya nito. Kumaway ito sa kanya at pinapasunod sa kanya, kaya lumapit siya dito. "Hindi ka pweding lumapit sa princessa, alam mo iyan," sabi nito sa kanya. "Oh? Ganoon ba," sabi niya at muling tumingin sa kinaroroonan ng mga ito. Ngunit hinila na siya nang kasama niya. "Dito tayo," sabi nito at pumunta sa dulo ng aklatan. Nagsimula itong magpunas ng mga alikabok sa paligid, kaya naman nagsimula na rin siyang maglinis. Napabuntong-hininga na lamang siya at minabuting magtrabaho na lang muna. Habang naglilinis siya ay hindi niya pa rin maiwasang mag isip. Gusto niyang isiping patay na talaga siya, pero malinaw na buhay pa siya. Hindi niya alam kung ano nga ba ang nangyari sa kanya, kung bakit napunta siya sa ganitong panahon. "Ehem!" Napahinto siya sa pagpupunas ng mga libro, nang may tumikhim malapit sa kanya. Kaya naman napalingon siya dito at natigilan dahil sa kanyang nakita. "I want that book," sabi nito at tinuro ang hawak niya. Naguguluhan pa siya habang nakatingin dito. Hindi siya nakapagsalita dahil nasisiguro niyang sa itsura pa lang nito, ay ito ang prinsesa na tinutukoy ng kasama niya kanina. Masasabi niyang napakaganda nito. Makinis at mapuputi ang balat. Nakasuot ng kulay pula at mahabang damit. "Are you deaf? I said, I want that book and would you stop staring at me?" muling sabi nito at saka lamang siya natauhan. "O-Oh, yes here p-princess," natataranta niyang sabi. Iniabot niya ito sa prinsesa at mabilis naman itong kinuha. Sinimangutan siya nito, bago umalis kasunod ang mga taga-silbi nito. Sinundan niya ito nang tingin at bahagyang napailing. "Hoy, ayos ka lang? Haha! Oh di ba, nakakatulala ang ganda niya?" biglang sabi naman ng kasama niya at maging ito ay napatingin sa dinaanan ng princessa. "Yeah, she's pretty," tanging sabi niya at pinagpatuloy ang kanyang paglilinis. Hindi na niya ito pinansin, kahit na inaasar siya nito. Sinasabi nito kung gaano niya ka-gusto ang prinsesa. Ngunit para sa kanya ay wala siyang pakialam. Nasa isip lang niya ang bagay, kung bakit nabuhay siya sa ganitong panahon. Matapos nilang maglinis sa aklatan ay pumunta na naman sila sa bahay-lutuan o kusina ng palasyo. Para naman maghakot ng mga panggatong para sa pagluluto. Kaya naman napag alaman na niya na isa nga siyang taga-silbi sa palasyo. Nang matapos ang trabaho nila ay saka lamang siya nakapagpahinga sa silid nila. "Hay! Nakakapagod," narinig niyang sabi ng kasama niya. Napatingin ito sa kanya nang mapansing tahimik lang siya. "Hermes," tawag nito sa kanya. Kaya napalingon siya dito. Nakita niya itong lumapit sa kanya. "Kanina pa kita tinitingnan at napapansin ko talagang may kakaiba saiyo. Huling tanong ko na ito saiyo ha, ano ba talaga ang nangyari saiyo kanina sa ilog? Sumagot ka nang maayos at huwag kang magsalita nang ka balbalan, okay?" sabi nito sa kanya. Napabuntong-hininga si Hermes at seryosong dito. Hinihintay naman nang kasama niya ang magiging sagot sa katanungan nito. "Kung ano man ang nasabi ko saiyo kanina ay totoo iyon. Wala akong alam sa lugar na ito at hindi ko alam kung bakit ako nandito. Dahil sa pagkakaalam ko, pinatay ako nang kapatid ko at tinulak sa dagat. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag, kung bakit buhay ako at napunta ako sa ganitong panahon. Hindi ko nga rin alam ang pangalan mo eh, kanina ko pa iyon gustong itanong saiyo kaya lang baka maguluhan ka na naman," paliwanag ni Hermes dito. Napatitig lang kay Hermes ang kasama niya at mariin siyang tinitigan. Inikutan pa siya nito habang seryosong nakatingin sa kanya. Mayamaya ay naglakad ito palapit sa isang kabinet at may kinuha. Mayamaya ay muli itong lumapit sa kanya, habang may dalang isang larawan. Binigay iyon sa kanya, kaya napatingin siya sa binigay na larawan. Nakita niya ang limang tao na nasa litrato at bahagya siyang natigilan nang makita ang kamukha niyang kilala nito bilang Hermes din. "Kung hindi ikaw ang Hermes na kilala ko, nasisiguro kong hindi mo ako hahayaang kunin o pakialam ang litrato na iyan, dahil magagalit ka kaagad. Kaya naman naniniwala na ako sa sinabi mo, pero talagang napaka-imposible pa rin ang sinasabi mo. Nalilito at naguguluhan pa rin ako," seryosong sabi nito sa kanya. Hindi siya sumagot dito at muli niyang tiningnan ang larawang hawak niya, maging ang kamukha niyang lalaki. Nakangiti ito at katulad niya rin kung ngumiti. Nakaakbay ito sa isang babae, na nakayakap naman sa katabi nitong isa pang babae at nasisiguro niyang ina iyon ng babae dahil na rin sa nakikitang tuwa nito sa mga mata. Kabati naman no'ng matandang babae ay isa rin matandang lalaki na nakayakap naman sa bewang. Nakikita niya ang masayang larawan nang isang pamilya. Bigla niyang naalala ang pamilya niya. Ang ngiti nang kanyang ina, habang hawak niya ang kanyang diploma. Maging ang ngiti ng kanyang ama, na tuwang-tuwa sa pagtatapos niya. Nakadama siya nang lungkot at paghihinayang. Hindi niya alam kung paano nangyari ang lahat. Ang nais niya ngayon ay makabalik kung saan siya nararapat, pero hindi naman niya alam kung paano makakakabalik sa kanyang panahon. "So, hindi nga ikaw ang Hermes na nakilala ko," muling sabi ng kasama niya. Naputol ang pag iisip niya dahil sa sinabi nito. Ibinalik niya dito ang hawak niyang litrato. "Yeah, I'm not. Gusto kong bumalik, pero hindi ko naman alam kung paano. Mas lalong hindi ko alam kung nasaan ang Hermes na nakilala mo," sabi niya dito. Napabuntong-hininga ito at bahagyang nag isip. "Kung ganoon, magpapakilala ako saiyo. Ako si Rico, ang bestfriend ni Hermes," pakilala nito Hermes. Tumango si Hermes dito. "Hermes din ang pangalan ko," pakilala rin niya dito. Tumango ito sa kanya at naramdaman na niya ang pagkailang nito sa kanya. "Anong klaseng tao si Hermes?" mayamaya ay tanong niya kay Rico, na kilala bilang kaibigan ni Hermes na kilala nito. Ngumiti ito. "Mabait si Hermes at masipag. Masayahin din siya at matalino. Dahil sa isang mabait na tao si Hermes, may ilan din na naiinis sa kanya dito mga kasamahan rin namin. Ngunit nasa kabilang dako ng palasyo. Lagi kaming binubully ng mga iyon. Palibhasa kasi mga taga-silbi ng hari kaya mayayabang. Lagi nga kaming bugbog-sarado sa mga iyon eh. Hindi namin kami makalaban dahil malalakas din naman sila. Kaya lagi kaming binubully ng mga iyon, dahil hindi kami lumalaban," mahabang sabi nito sa kanya. Tahimik lang nakikinig si Hermes sa sinasabi ni Rico. Tumango-tango pa siya nang tumingin sa kanya si Rico. "Wala bang magagalit kung sakaling lumaban man kayo?" tanong ni Hermes. "Mayroon syempre, ang mayor-doma ng palasyo. Siya ang nagbibigay parusa sa mga pasaway dito sa palasyo. Kaso kami ni Hermes, hindi kami nagsasalita dahil nasisiguro kong mas lalo silang magagalit at aabangan kami palagi," muling sabi ni Rico. Muling tumango si Hermes at napaisip. Nasisiguro niyang mabuting tao nga ang kilala nitong Hermes, pero may kaibahan silang dalawa. May nabuo bigla sa isipan niya. Nang dahil sa insidenting nanyari sa kanya dahil sa kapatid niya, ay mas gusto na niyang maging matapang at gamitin ang kakayahan niya para hindi apihin ng ibang tao. Magiging malakas siya at ipagpatuloy ang buhay na mayroon siya ngayon. Para siyang magsisimula ulit sa panibagong kabanata ng buhay niya sa pahanon kung nasaan siya ngayon. "Kung ganoon, ngayong nabuhay ulit ako, sisiguraduhin kong walang kahit sino ang mang aapi sa akin tulad ng mga taong tinutukoy mo. Ipagpapatuloy ko ang buhay sa pagkatao ni Hermes," seryoso niyang sabi. Kahit nalilito si Rico sa kanya ay mas pinili nitong sumang ayon sa sinabi niya. Nakikita nitong desidido siya sa kung anong gusto niyang mangyari. Nararamdaman na rin nito ang pagiging ibang tao niya at hindi siya ang kinilalang kaibigan nito. "Sabihin mo sa akin ang lagi niyong ginagawa araw-araw, para naman mabilis kong makabisado ang takbo ng panahon dito," sabi niya kay Rico. Bahagya namang tumango si Rico sa kanya at nagsimulang magsalita tungkol sa pang araw-araw na trabaho nila sa palasyo. Habang nakikinig siya dito ay medyo nag alangan pa siya sa mga ginagawa ng Hermes na kinilala nito. Masyado ngang api ang dalawa, basi na rin sa kwento nito at nakaluwag siya nang malaman may isang araw sila na walang trabaho sa palasyo. Kumbaga sa panahon niya at may day-off sila na isang araw. Mas lalong naging desidido si Hermes sa mga gagawin niya sa mga susunod na araw at sinisiguro niyang wala ng aapi sa kinilala nitong Hermes, na siya na ngayon ang nasa pwesto nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD