Chapter 2 His death

1022 Words
Naririnig pa rin ni Hernan ang tawanan nina Hermes sa ibaba. Kaya naiinis siya at pilit na tinatakpan ang tenga niya para lamang hindi marinig ang mga ito. Ilang minuto pa ang lumipas ay biglang may kumatok sa kwarto niya. Alam niya kung sino ito, ngunit hindi siya nag abala na pagbuksan ito. Saglit pa ay nakita niyang marahan itong bumukas. Kilala niya ang kapatid niya. Kapag ganitong nagtatampo o nagagalit siya ay ito mismo ang lalapit sa kanya para lamang kausapin. Nakita niya itong pumasok, kaya agad niyang inalis ang tingin dito. "Kuya," tawag nito sa kanya. Ngunit hindi siya tumugon dito at nanatiling sa iba ang tingin. "Hindi ko alam na ganoon na pala ang nararamdaman mo, pasensya na," sabi nito sa kanya kaya bahagya siyang napasinghal dito. "At ano naman ang gagawin mo? Pagsasabihan mo na naman ako, kahit ako ang mas matanda sa atin? Alam ko ang ginagawa ko at sarili ko itong desisyon," sabi niya dito. Narinig niyang napabuntong-hininga ito. "Kuya, wala akong intensyon na makaramdam ka nang ganyan. Oo, magkaiba tayo. Ngunit alam kong may kakayahan ka at hindi mo kayang gumaya lang sa akin. Magtiwala ka lang sa sarili mo, hindi sa ganito mo lang sisirain ang buhay mo," pangaral nito sa kanya. Kaya inis siyang tumingin dito. "Pwedi ba, Hermes, hindi ko kailangan nang payo mo. Umalis ka na," tanging sabi niya dito. Ilang saglit silang naging tahimik at mayamaya ay napansin niyang naglakad palabas ng kwarto niya si Hermes. Napapikit na lamang siya sa inis. Lumipas ang mga araw, marami ang bumabati kay Hermes sa campus nila. Maraming humahanga sa kanya dahil bukod sa gwapo na ay matalino pa. Maraming babae ang nagkakagusto sa kanya, ngunit naging fucos lamang siya sa pag aaral para sa pamilya niya. Hinahangaan rin siya ng mga guro niya dahil masipag at matulungin rin ito sa mga gawain; lalo na school nila. Hanggang sa dumating ang araw ng graduation nila. Laking tuwa ng magulang niya dahil siya ang nangunguna sa lahat. Hindi maalis sa mukha ni Hermes ang tagumpay na nakuha niya at inaalay niya iyon sa pamilya niya. Maraming bumati na mga kaibigan at ka-klase niya. Maging ang mga naging guro niya at iba pa. Sa bahay nila; nagkaroon sila nang kunting salo-salo para sa pagtatapos niya. Inabot ng gabi ang kasiyahan nilang iyon. Lahat nang nangyayari ay nasaksihan ni Hernan, habang nag iisa sa isang tabi. Nakikita niya ang mga ngiti ni Hermes kapag binabati ito. Dahil doon parang gusto niyang mawala ang ngiting iyon. Nang mapag isa si Hermes ay nilapitan niya ito. "Bro," tawag niya dito. Bumaling sa kanya si Hermes at bahagyang nagulat. Dahil ngayon lamang ito lumapit sa kanya. Ngumiti agad siya rito. "Kanina mo pa ako tinitingnan kuya, bakit ngayon ka lang lumapit," nagtatampong sabi niya rito. Ngumiti lamang ito sa kanya at bahagyang lumingon sa paligid. Nakita ni Hernan na buzy sa pakikipag usap ang ilang bisita nila. "Pasensya na, nahihiya kasi akong lumapit dahil sa nangyaring sagutan natin. Kaya babawi na lang ako saiyo, may regalo sana ako nais kong ibigay nang tayong dalawa lang," sabi ni Hernan kay Hermes. Sumilay ang malaking ngiti ni Hermes dahil sa sinabi ng kuya niya. Hindi niya aakalaing may regalo pala ito sa kanya. "Oo ba! Sige, tara kuya," anyaya agad nito. Tinapik niya ito sa braso at sabay silang lumabas ng bahay nila. Nagtataka man si Hermes kung bakit sila lumabas ay hinayaan na lamang niya ang kuya niya. Walang kahit na sino naman ang nakapansin sa pag alis ng dalawa. Habang naglalakad sila palayo sa bahay nila ay hindi maiwasang mapaisip ni Hermes kung saan sila pupunta ng kuya niya. Ngunit hinayaan na lang niya at may tiwala naman siya rito. Hanggang sa mapansin niya ang daan na tinatahak nila. Papunta ito sa mataas na bahagi kung saan makikita nila ang karagatan. Palihim siyang napangiti at iniisip kung ano ang regalo nito sa kanya. Nang makarating sila ay isang malamig na hangin ang tumama sa mukha niya at naririnig niya ang bawat hampas ng alon sa mga batong nasa ibaba kung nasaan sila. Napapikit siya dahil sa simoy ng hangin na mula sa dagat. "Hindi ko inaasahang aabot tayo sa ganito," narinig niyang sabi ng kuya niya at bumaling siya rito. Ngunit bago pa siya makatingin dito ay may malamig na bagay ang biglang tumama sa may tiyan niya. Napaigik siya dahil doon. "A-Anong?" gulat niyang sabi sa kuya niya. Nakangising demonyo ito sa kanya at muling tinarak ang patalim sa dibdib niya. "K-Kuya, b-bakit?" tanong niya dito kasabay nang pagtulo ng luha niya. Hindi niya inaasahan na gagawin ito sa kanya ng kuya niya. Kapatid niya ito. Ang kasangga niya noon at laging nandiyan para sa kanya. Hindi siya makapaniwala na nangyayari ito ngayon sa kanila. Nais man niyang isiping nanaginip siya ay alam niyang gising na gising siya. "Naiinis at naiinggit ako saiyo! Kaya gusto kong mawala ka na, para wala na silang maipagkokompara sa akin! Galit na galit ako dahil napakagaling mo sa lahat ng bagay at naiinis ako sa sarili ko dahil hindi kita maabot! Pero ngayon, alam kong wala na akong kakompetinsya! Papatayin kita upang mawala ka na nang tuluyan!" sigaw nito at muli siyang sinaksak nito. Nais man niyang umiwas ay nanghihina na siya at umaagos na ang dugo sa labi niya. "Mamatay ka! Mamatay ka! Papatayin kita!" sigaw nito na tila ba nababaliw. Hindi niya alam kung ilang beses siya nitong sinaksak. Ang alam lang niya ay tila namanhid na ang buong katawan niya at nais nang pumikit ng mga mata niya. Ngunit nanatiling dilat ang mata niya. Naramdaman pa niya ang pagtulak nito sa kanya patungo sa dagat. Maging ang pagbagsak niya ay naramdaman niya pa. Hindi niya alam kung bakit nakikita pa niya ang sarili na nakatingin sa itaas. Kahit alam niyang mamatay na siya. Nakita niya pa ang kuya niya na dumungaw upang kompermahin kung nasaan na siya. Hindi niya maintindihan at nalilito siya. Alam niyang mamatay na siya, ngunit ang isip niya ang buo pa rin. Tila ba nanatiling buhay ang isip niya, kahit pa tuluyan na siyang pumikit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD