Chapter 14- Paligsahan 3

1023 Words
 Kinabukasan ay maaga akong nagising at naligo. Tulog pa si Rico kaya hindi ko na muna siya ginising. Nagwork-out muna ako sa silid namin, habang hinihintay siyang magising. Iniisip ko rin kung ano ang magiging tema ngayon sa laban. Sana magawa ko pa rin na makapasa, tulad kahapon.  "Oy! Bakit hindi mo ako ginising?"  Napalingon ako kay Rico, nang marinig ko siyang magsalita. Papungay-pungay siyang bumangon sa kama at umupo. "Mahimbing kasi ang tulog mo, kaya hindi na kita ginising," sabi na lang sa kanya. "Naku, sana ginising mo na lang ako. Sige, mag ayos ka muna diyan at pupunta mo ako sa kusina para makakuha ng pagkain natin," sabi niya sa akin. Tumango na lang ako, kaya naglakad na siya papunta sa pinto. Ngunit bago pa siya makarating ay may biglang kumatok na dito. Kaya napahinto siya at napatingin sa akin. Nagtataka rin akong nakatingin sa kanya. Kaya naman muli na siyang tumingin sa pinto at pinagbuksan ito. Lumapit ako para makita kong sino ang kumakatok. Ngunit ganoon na lang ang gulat ko dahil sa mga nakita ko. "Simula ngayon, dadalhan na namin kayo ng pagkain hanggang sa matapos ang paligsahan," bungad sa amin ng mayor-doma ng palasyo. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa sinabi niya. "Hermes, kumain ka muna bago ka umalis at ikaw naman Rico, hindi purket kaibigan mo itong si Hermes ay kakalimutan mo na ang trabaho mo. Kaya naman pagkatapos niyong kumain ni Hermes ay pumunta ka kaagad sa akin, maliwanag?" sabi niya kay Rico. Napakamot naman si Rico sa noo niya at tumango. "Opo, madam, pasensya na rin," tanging tugon ni Rico. Mayamaya ay bumaling naman ito sa akin at seryoso akong tiningnan. "Ikaw naman Hermes, pagbutihin mo ang laban mo. Dahil kapag natalo ka, balik ka sa dating trabaho mo. Naiintindihan mo ba?" sabi niya sa akin. "Ah o-oo po, madam," tugon ko rin sa kanya. "O sige, kumain na kayo at ikaw na rin ang magdala ng mga iyan Rico, kapag natapos na kayong kumain," muling sabi niya at tumalikod na sa amin. Nagkatinginan naman kami ni Rico at sabay na napangiti. Hinila namin ang cart papasok sa silid namin at inayos sa mesa ang mga dinala nilang pagkain. "Ibang klase talaga si Madam," sabi ni Rico. "Oonga, mabuti naman at dinalhan pa tayo ng pagkain," sabi ko. Nagsimula na rin kaming kumain at panay ang kwentuhan naming dalawa . Nang matapos na kaming kumain at tinulungan ko siyang magligpit. Tulad nang sabi ni Madam, siya na ang naghatid ng mga pinagkainan namin patungo sa kusina at hinayaan akong maghanda para sa susunod kong laban. Kaya naman nag ayos na rin ako nang sarili ko, upang pumunta na sa arena. Hindi makakasabay sa akin si Rico, dahil nga may iuutos pa sa kanya si Madam. Matapos kong mag ayos ay pumunta na ako sa Arena, para sa susunod na laban.     Nang makarating ako ay nakita kong marami ng taong nakaupo sa mga upuan at hinihintay na magsimula ang laban. Unti-unti na rin kaming nabubuo, hanggang sa naging kompleto na kaming maglalaban-laban. Kaya naman lumapit na ang taga-pagsalita, upang ipaliwanag kung ano ang gagawin sa magiging laban namin ngayon. "Good day everyone! Handa na ba kayo sa susunod na laban? Yes! Handa na tayong lahat! Kompleto na ang ating mga natitirang kalahok. Kaya naman ang magiging tema nang laban ngayon ay 'Strength Power' ibig sabihin ay kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng ating mga kalahok!" sabi nito. Medyo nalito ako at nakulangan sa sinabi niya. Hindi ko makuha ang punto niya kung para saan ang sinasabi niyang lakas. Mayamaya ay nabaling sa dalawang kawal ang mga tingin ko. May dala silang tila isang malaking bolang crystal na kulay puti. Mariin naman akong napatingin doon. "Sigurado akong nalilito kayong lahat, lalo na ang ating mga kalahok. Ipapaliwanag ko kung anong klaseng laban ito. Tulad ng sabi ko kanina, susukatin ng bolang crystal na iyan, kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng bawat isa sa kalahok natin. Walang ilalabas o ipapakitang kapangyarihan. Ang tanging gagawin lang ng mga kalahok natin ay iipunin nila ang lakas at kapangyarihan sa kanilang kamay. Saka sila hahawak sa bolang crystal upang sukatin ang kapangyarihan nila. Dapat umabot sa 100 percent ang makuha nilang score dito at dapat mag iba ang kulay ng bolang crystal. Kung sino ang makakakuha ng 50 percent pababa na score at tanggal na. Kapag 50-99 percent ang makuha nila, makakakuha sila ng 5 points. Samantalang iyong 100 percent ay makakakuha ng 10 points. Kaya naman maliwanag na ba sainyo ang gagawin ninyo huh?" nakangiting baling niya sa amin. Tumango lang kaming lahat.  "Sige, gawin nating ranking sa kung sino ang mauuna sa inyo. Let's start with the lowest rank," sabi nito. Kaya nagsimula na laban. Seryoso lang akong nakatingin sa mga kasamahan ko at napapailing na lang ako dahil may iba na hindi umabot sa limit na 50, kaya tanggal na agad sila. Mayamaya ay nakita kong si Troy na ang sumunod. Nakita kong seryoso siyang nakatingin sa bolang crystal at mariin ang pagkakakuyom niya sa kamay niya. Saka niya inihawak sa bolang crystal ang kamay niya. Nakita kong nag iba ang kulay nito. Mula sa pagiging puti ay naging kulay asul ito. Naghiyawan pa ang lahat nang makitang nakuha niya ang 100 percent score. Grabe! Subrang lakas ba talaga niya?  Mayamaya ay naglakad na siya papalapit sa akin. Ako na kasi ang susunod. Napabuntong-hininga ako at naglakad na patungo sa pinanggalingan ni Troy. "Galingan mo," sabi niya sa akin nang makadaan siya. Tumango lang ako at inihanda ang sarili ko. Seryoso akong nakatingin sa bolang crystal na nasa harapan ko. Napapikit ako at inipon ang lakas at kapangyarihan ko sa kamao ko. Nang pakiramdam ko ay sapat na iyon ay saka ko hinawakan ang bolang crystal. Mariin akong nakatingin doon. Para akong nanlamig nang makitang hindi nagbago ang kulay ng crystal. Maging ang score at tila nag c-countdown pa paitaas. Mula sa 1-50, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang sandaling iyon. Bakit ganoon? Bakit hindi nagbago ang kulay ng crystal at kung bakit mabagal ang bilang ng score ko. Bakit ganito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD