Chapter 15-Paligsahan 4

1452 Words
Hindi ko alam kung bakit ganito ang lumabas. Hindi ko matatanggap na hanggang dito na lang ako. Marami akong gustong gawin at iyon ay ang manalo sa labang ito. Kaya kailangang maging malakas ako. Maging malakas ako! Sumisigaw ang isip ko habang nakatingin ako sa bolang crystal. Naramdaman ko ang pananahimik nang paligid dahil sa nangyayari. Mayamaya ay napansin kong biglang nag iba ang kulay ng crystal at naging kulay pula ito. Naging mabilis din bigla ang countdown at tila nabuhayan ako nang makitang umabot ito sa 100 percent. Napangiti ako at inalis na ang kamay ko sa pagkakahawak ng bolang crystal. Narinig ko ang biglang hiyawan ng lahat. Hindi ko maitago ang saya ko, akala ko matatanggal na ako. "Good job," papuri sa akin ni Troy. Tumango lang ako sa kanya at bahagyang ngumiti. Matapos ko ay may sumunod na naman, hanggang sa matapos. Nakuha rin ni Topper ang 100 percent kaya naman pareho lang ang naging score namin. Batid kong nagpupursigi rin siya para sa labang ito. Kaya hindi ako pweding magpatalo sa kanya. Nasisiguro kong malapit na kaming magkaharap sa laban. Sampu na lang kaming natitira at masasabi kong hindi basta-basta ang ilan sa kanila. "Okay! Natapos na rin ang ating unang round sa araw na ito at may limang natanggal. Sumali na lang ulit kayo sa susunod at ang mga nanatili ay binabati ko kayo. Sa susunod na raw ay gaganapin ang 'Duel'. Kung saan maglalaban ang dalawang tao sa ibabaw nang ring. Maaring gamitin ang kung anong kapangyarihan ang mayroon kayo. Ngunit paalala lang sainyong mga kalahok, bawal ang pumatay sa laban na ito. Kaya naman huwag niyong hayaan na matalo kayo ng emosyon niyo at makapatay. Ngayon sisimulan natin ang pangalawang round. Base sa ranking ang gaganapin natin. Mula sa mababang rank hanggang sa mataas. Kaya tingnan niyo kung sino ang una niyong makakalaban sa screen," sabi nang taga-pagsalita. May lumabas na malaking screen at nakita namin ang ranking na naroon. Nakita ko ang pangalan ko doon at ikatlong ako sa maglalaban. Napalingon ako sa katabi ni Topper dahil siya ang makakalaban ko sa ikatlong round. Sa pagpapakilala ni Rico sa kanya, sa akin ay siya si Asero. "Ngayon nakikita natin kung sino ang unang maglalaban sa Duel. Unang maglalaban ay sina Arcadios at Peter. Kasunod naman nito ay sina Billy at Troy. Kasunod naman ay sina Asero at Hermes. Kasunod nila ay sina Maji at Romeo. At ang huling maglalaban ay sina Topper at Orly. Lahat nang pares ay maglalaban ngayon. Kung sino ang mga mananalo ay siyang maglalaban bukas. Kaya naman pagbutihin niyo ang laban. Paalala lang na kahit anong mangyari ay hindi kayo maaaring pumatay. Dahil kapag ginawa ninyo iyon ay matatanggal agad kayo. Kaya naman sinimulan na natin ang ikalawang round. Let see who's the strongest among of them!" sabi nito. Tumunog ang malaking gong para simulan ang laban. Tumabi muna kami upang makita ang gaganaping laban. Kaya naman pumunta ako kay Rico na nasa unahan na nakaupo. Nakipag-apiran ako sa kanya at sinuntok niya ng mahina ang balikat ko. "Ayos, ang galing nang ginawa mo kanina," sabi niya sa akin. "Kinakabahan nga ako eh, akala ko matatanggal na ako," napapakamot kong sabi. "Sus! Ikaw pa? Hindi maaaring hindi ka makakalaban ulit. Magaling ka kaya at alam mo bang lahat ng taong nasa likod natin ay sinisigaw ang pangalan mo kanina? May fans ka na," mahinang sabi niya at napapasulyap sa likod namin. Bahagya naman akong napasulyap at nakita kong nakangiti silang lahat sa akin. Napangiti naman ako bilang tugon. "Mas lalo ata akong kinakabahan," mahinang sabi ko sa kanya. Inakbayan niya ako bigla. "Alam mo, natural lang naman na kabahan ka. Ngunit alam kong may tiwala ka sa kakayahan at sa sarili mo. Kaya mong baguhin iyang kaba na nararamdaman mo at kaya mong patunayan sa sarili mo na kaya mo talaga. Kaya alam kong kayang-kaya mo ito at nakikita ko nang ikaw ang mananalo sa paligsahang ito," nakangiting sabi niya. Natawa na lang ako sa sinabi niya at bahagyang napailing. "Ikaw talaga, pero salamat na rin. Tama ka, kailangan ko lang magtiwala sa sarili ko," sabi ko sa kanya. "Ayos! Ganyan nga," natatawa niyang sabi. Sabay naman kaming napalingon sa battle ring na biglang lumabas kanina mula sa lupa. Umakyat doon ang taga-pagsalita at kumaway pa. "Ngayon sisimulan na natin ang unang pares na maglalaban. Sina Arcadios at peter!" tawag nito. Nakita kong naglakad paakyat ng ring ang dalawa at magkaharap. Nararamdaman ko ang kakaibang tensyon sa pagitan nilang dalawa. "Nakita naman natin na magagaling rin sila. Isang anak ng ministro ng palasyo at isang taga-ibang bayan ang maglalaban. Nakita natin ang galing nila sa nakaraang mga round. Kaya ngayon panonoorin natin kung sino nga ba ang malakas sa kanilang dalawa. Kaya naman simulan na ang laban!" sigaw nito at bigla s'yang nagbago ng anyo at naging ibon. Kasabay no'n ang malakas na gong. Hudyat upang magsimula na ang laban. Seryoso lang akong nakatingin sa kanila, habang nakatayo lang sila at tila hinihintay kong sino ang unang susugod. Mayamaya ay sabay silang sumugod dalawa, bago sila magtagpo ay may biglang lumabas mula sa likod ni Peter. Tila ba isang kamay ng gagamba. Kaya naman mabilis na umiwas si Arcadios, at may inilabas na majika sa kamay niyat saka pinatama kay Peter. Ngunit nasalaga lang iyon ni Peter at patuloy na inaatake si Arcadios. May pinapalabas rin siyang tila sapot sa mga kamay niya at pinapatama kay Arcadios. "Taong-gagamba," narinig kong sabi ni Rico. Kaya napalingon ako sa kanya. Seryoso lang siyang nakatingin sa mga naglalaban. "Bakit? Anong mayroon sa taong-gagamba?" nagtataka kong tanong sa kanya. Hindi agad siya nakasagot sa tanong ko. Kaya naman muli akong tumingin sa mga naglalaban. "Minsan ko nang narinig ang tungkol sa kanila. Ngayon lang nangyari na may sumali dito na katulad niya. Idagdag na rin nating isang mahusay kawal si Peter. Hindi ko alam na may ganyang anyo siya ng kapangyarihan," seryoso niyang sabi. Hindi ako nagsalita pa dahil wala naman akong alam sa mga nangyayari dito noon. Ngunit dagdad impormasyon na rin iyon para sa akin. Habang naglalaban ang dalawa ay may napansin ako kay Arcadios. Umaatake nga siya kay Peter pero nararamdaman kong may ginagawa siya na hindi namin nakikita. Natigilan ako nang may napansin akong iginuhit ni Arcadios sa ere. Kasabay noon ang paglitaw ng mga sinulid sa paligid ng ring. Nakita ko kung paano nagapos ng mga sinulid si Peter at hindi halos makagalaw. "What a nice move," narinig kong sabi ng isang tao nasa likod namin. "Kung maaari lang sigurong pumatay sa arena, ay siguradong patay na iyang si Peter. Pasalamat na lang siya at bawal iyon," sabi naman ng katabi nito. Palihim ako sumulyap sa kanila at muling tumingin sa mga naglalaban. Sa isang iglap ay biglang naputol ang mga galamay ni Peter at napahandusay siya sa lupa. Nakita ko ang sunod na ginawa ni Arcadios. Kinokontrol niya ang mga sinulid at pinulupot sa leeg ni peter kaya nahihirapan itong huminga. Habang ginagawa naman iyon ni Arcadios ay may biglang lumitaw na malilit na gagamba sa kamay ni Peter at inaatake siya nito. Ngunit dahil nahihirapan si Peter sa paghinga, dahil sa sinulid ni Arcadios ay bigla na lang siyang nanghina at tuluyang nawala nang malay. Kasabay no'n ang pagkawala ng mga gagamba. Inalis naman ni Arcadios ang mga sinulid at biglang tumunog ang malakas na gong. Ibig sabihin no'n ay tapos na ang laban. "Grabe, kapag si Arcadios talaga makaharap talo na agad. Isa siyang manipulator, kaya mahihirapan ang kung sino man ang makakalaban niya," muling sabi ng taong nasa likod. Napansin kong napatingin sa akin si Rico. Ngumiti lang ako sa kanya at muling tumingin sa gitna, nang makitang naroon na ang taga-pagsalita. "What a nice fight! Sa totoo lang ngayon ko lang nakita na may isang taong-gagamba ang sumali sa paligsahan. Ngunit hindi hinayaan ni Arcadios na manalo ito, kaya binigay niya ang lahat ng makakaya niya upang ipanalo ang laban! Kaya naman, abangan natin ang susunod na lalaban. Tawagin na natin sina Troy at Billy. Isa ring magagaling sa paligsahang ito," sabi nito. Naglakad na papunta sa ring sina Troy at nakita kong seryoso lang si Troy habang napapasulyap kay Billy. "Siguradong magandang laban ito," narinig kong sabi n Rico. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. Alam ko naman iyon pero bakit parang nae-excite pa talaga siya? "Bakit naman?" nagtataka kong tanong. "Parehong nainlove ang dalawang iyan sa isang babae. Kaso si Troy ang sinagot no'ng babae at lagi pa ring lumalapit si Billy sa girlfriend ni Troy. Kaya naiinis si Troy sa kanya. Siguradong ibubuhos nilang dalawa ang galit at inis sa isa't isa," nakangisi niyang sabi. Ganoon pala? Mukhang exciting nga iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD