Chapter 13-

1403 Words
Nang makarating kami ni Rico sa silid namin dito sa palasyo ay humiga agad ako at napapikit. Hindi pa rin maalis ang kaba ko dahil sa mga nangyaring laban kanina. Hindi naman siya ganoon kahirap pero siguro dahil sa desidido akong manalo ay ganito ang nararamdaman ko. Kabado ako na baka matalo ako sa paligsahan. Marami akong gusto gawin at alamin pag natapos na paligsahan. Kaya naman magpupursigi ako sa laban na ito. "Ayos ka lang ba?" narinig kong tanong sa akin ni Rico. Nagmulat ako ng mata at lumingon sa kanya na nakaupo sa higaan niya. Nakatingin siya sa akin, kaya naman umupo rin ako sa higaan ko. "Oo, ayos lang naman ako. Hindi naman masyadong mahirap ang mga naging laban kanina. Ngunit sadyang hindi ko maiwasang kabahan, na baka isang pagkakamali lang ay baka mawala ako sa paligsahan," sabi ko sa kanya. "Ano ka ba, huwag ka ngang mag isip nang ganyan. Isipin mo na lang na may dahilan ka kaya mo ito ginagawa. Alam ko namang kaya mong lumaban eh,ay tiwala ako sa kakayahan mo," nakangiting sabi niya sa akin. Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Mabuti na lang at nandiyan para pagsabihan ako sa kung ano ang dapag kong gawin. Nasisiguro kong masaya rin si Hermes, dahil may kaibigan siyang tulad ni Rico. Mayamaya ay may biglang pumasok sa isip ko. Kaya muli akong napatingin kay Rico. "Rico, kilala ba ni Hermes si Troy? Ang sabi niya kasi kanina pinsan niya si Hermes, totoo ba iyon?'' tanong ko sa kanya. "Naku! Mabuti na lang at pinaalala mo iyan. Oo, pinsan ni Hermes si Troy sa mother side. Isa pa, rinig naming lahat ang pinag uusapan niyo kanina ni Troy. Dapat hindi mo na siya tinanong no'n eh, dahil talagang magtataka siya. Kilala si Hermes sa buong Albania, kaya naman maraming nakakakilala sa kanya. Kung tutuusin nga hindi siya karapat-dapat na maging isang tagapag-silbi lang dito. Kaya sa susunod na laban, huwag ka nang magtanong kung sino man ang makakaharap mo.," paliwanag niya sa akin. Napatango ako dahil sa sinabi niya. Tama siya. Hindi dapat ako nagtatanong sa kung sino, lalo na at wala akong kakilala dito, bukod kay Rico at Mrs. Lissana na alam kung sino ako.  "Nga pala, iyong sa pangalawang round. Bago matapos ang oras kanina ay konte na lang makakaharap mo na si Topper. Isang liko mo na lang magkikita na kayo eh, kaso umabot na sa oras kaya bumalik na kayo sa dati. Kung hindi, talagang maglalaban kayong dalawa," napapailing niyang sabi. "Ganoon ba? Sa totoo lang siya naman talaga ang gusto kong makaharap kanina, kaso mukhang hindi pa iyon ang tamang oras," sabi ko. Tumango naman siya. "May iba tayo, sa mga natirang kalahok, kilala mo ba sila?" tanong ko sa kanya. Napatango naman agad siya. "Oo, kilala ko pero hindi lahat. May tatlo lang akong hindi kilala doon. Mukhang taga ibang bayan rin sila na sakop pa rin ng Albania. Ngunit iyong iba ay kilala ko. Hindi naman masyadong magagaling iyon ilan sa kanila at iyon ang nakikita ko. Ang kailangan mo lang paghandaang makaharap ay sina Troy, Topper, Arcadios, Peter, Billy at Asero. Mahuhusay sa pakikipaglaban ang mga iyan. Mga kawal naman ni Peter at Billy. Magagaling gumamit ng espada at may kapangyarihan magkontrol ng mga puno at lupa. Si Asero at Arcdios ay mga anak ng ministro ng palasyo. Hindi ko alam kung anong kapangyarihan mayroon sila. Si Troy naman, kaya niyang magpalaki ng katawan. Inhancer ata ang kapangyarihan niya, hindi ako sigurado. Si Topper naman, magaling din at nakalaban mo na naman siya. May kapangyarihan siyang magbago ng anyo, isa siyang lobo," pagpapakilala at pagpapaliwanag niya sa kakayahan ng mga ito. Seryoso lang akong nakikinig sa kanya. Iniisip ko kung magiging match na sa kanila ang kapangyarihan ko. "Iyong kapangyarihan mo, kapag mahusay ka nang magkontrol nito ay nasisiguro kong kaya mo silang talunin," pagpapalakas nang loob niyang sabi. Napatango ako. Inaamin kong hindi ko pa talaga kabisado ito, pero kailangan kong maniwala. Kailangan kong magtiwala sa kakayahang mayroon ako. "Sa tingin mo anong tema naman kaya ang mangyayari bukas?" tanong ko sa kanya. Napaisip naman siya sa tanong ko. "Noong nakaraang taon kasi iba ang tema, hindi tulad ng ginawa niyo kanina. Kapag ginaganap kasi ang paligsahan iniiba nila ang tema. Kaya hindi ko mahuhulaan ngayon kung ano ang susunod na magaganap," sabi niya sa akin. Napatango naman ako, mukhang sinadya naman talaga nilang ibahin ang tema sa bawat taon. "Sa magaganap na laban niyo bukas, pagbutihin mo na lang. Alam ko naman kayang-kaya mo," nakangiting sabi niya sa akin. Napangiti ako sa sinabi niya at tumango. "Sige na, magpahinga na tayo," muling sabi niya. "Sige," tugon ko. Sabay na kaming humiga sa kama. Pipikit na sana ako nang biglang may kumatok sa pinto ng silid namin. Napatingin ako kay Rico, na napatingin rin sa akin. "Rico? Hermes?" narinig naming tawag nito mula sa labas ng pinto. Natigilan ako dahil pamilyar sa akin ang boses, maging kay Rico. Kaya naman sabay kaming napatayo sa higaan namin. Dali-dali namang binuksan ni Rico ang pinto ng silid namin at nabungaran namin ang mayor-doma ng palasyo. Seryoso siyang nakatingin sa amin ni Rico. "Kumain na ba kayo?" maotoridad niyang tanong sa aming dalawa. Bahagya kaming nagkatinginan ni Rico at muling tumingin dito. "O-Oo po madam, dumaan kami kanina sa labas para kumain," sagot ni Rico sa kanya. Nakita ko pang tumaas ang kilay niya dahil sa sagot ni Rico. Bumaling siya sa akin at medyo napaatras ako. Mayamaya ay bigla siyang tumalikod sa amin. "Sumunod kayo sa akin, may inihanda ako para sa inyo. Inutos iyon ng Princesa kaya kailangan niyo iyong kainin," sabi niya at naunang naglakad paalis. Nagkatinginan naman kami ni Rico dahil nagulat kami sa sinabi nito. Pinahandaan kami ng pagkain ng mahal na Princessa? Siniko ako bigla ni Rico. "Halika na, baka magalit pa iyon sa atin," sabi niya sa akin at sumunod na patungo sa kusina ng palasyo. Kaya naman sumunod na rin ako para nga hindi magalit sa amin ang mayor-doma. Pagdating namin sa kusina ay medyo nag alangan pa ako dahil sa dami ng handang nakalagay sa mesa. Parang pangkalahatan ang mga pagkain na naroon. Tumabi ako kay Rico at bumulong sa kanya. "Siguro naman hindi lang tayo ang kakain niyan di ba?" bulong ko sa kanya. Umiling siya. "Tayo lang ang kakain niyan," sagot niya sa akin. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya? "Oh ano? Anong hinihintay niyo, kumain na kayo dito," tawag sa amin ng mayor-doma. Nag aalangan kaming lumapit ni Rico, pero wala na kaming nagawa at lumapit na lang. Umupo kami ni Rico sa mesa at tiningnan ang mga nakalagay roon. "Ahm, s-sa amin lang ba ito, madam?" sa wakas ay tanong ni Rico. "Oo, sainyo lang iyan," sagot naman ni madam. "P-Pwedi niyo naman siguro kaming saluhan di ba? M-Masyado po itong marami para sa aming dalawa ni Rico. Kaya samahan niyo na lang po kami, sayang naman kung hindi maubos," sabi ko sa kanya. Tumaas ang kilay niya dahil sa sinabi ko. "Oonga po madam, samahan niyo na lang kami, pati na rin iyong iba. Pagsaluhan na lang natin itong lahat," nakangiting sabi ni Rico sa kanya. Nakita ko kung paano siya napairap sa amin. "O siya sige," tugon niya sa amin.  Tinawag niya ang ilan na nandito lang sa kusina at sabay naming pinagsaluhan ang inihanda sa amin na pagkain.  Habang kumakain kami ay biglang nagsalita ang mayor-doma namin. "Sa totoo lang, Hermes, nabigla ako nang malaman kong sasali ka. Ngunit masaya ako dahil nakita ko kung gaano ka kagaling sa pakikipaglaban. Kaya galingan mo pa sa susunod na laban," sabi niya sa akin. Sumang ayon naman ang iba dahil sa sinabi ng mayor-doma. Napangiti naman ako sa kanya. "Maraming salamat, madam," tanging tugon ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin. Masaya naming pinagsaluhan ang mga pagkain at panay ang kwentuhan namin. Nakikita ko ang mga tuwa sa mga mata nila habang pinupuri ako. Kaya mas nagkaroon ako nang lakas para sa mga susunod na laban.  Matapos naming kumain kasama sila ay nagpaalam na rin kami para magpahinga. Hinayaan naman nila kaming umalis at sinabing sila na ang bahala sa kusina. Nang makabalik kami ay nagpahinga na kami ni Rico. Bago ko maipikit ang mga mata ko ay napangiti ako. Nararamdaman kong may magandang mangyayari sa mga susunod na araw ko sa paligsahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD