Chapter 21- The last battle

1593 Words
Matapos kong makapagpahinga ng dalawang oras ay naghanda na rin ako, para sa gaganaping laban namin ni Topper. Pinalitan muna ni Rico ng bandage ang sugat ko, bago ako nagpasya na bumalik sa arena. Sinamahan niya naman ako pabalik at laging pinapaala na mag ingat ako. "O sige, hanggang dito na lang ako. May tiwala ako sa kakayahan mo, kaya pagbutihin mo," nakangiting sabi niya sa akin. "Oo," tanging tugon ko sa kanya. Kumaway lang siya at pumunta na sa itaas upang umupo, para panoorin ako. Napabuga ako ng malalim at naglakad na papunta sa bulwagan ng arena, patungo sa battle ring. Naroon na ang taga-pagsalita at nakita ko rin si Topper na mukhang kararating lang tulad ko. "At ngayon! Nandito na ang ating dalawang kalahok!" sigaw nito. Naghiyawan ang lahat, talagang inaabangan nila ang magaganap naming laban ni Topper. Nagkatinginan kami ni Topper, nakangisi lang siya sa akin. Kaya ako na ang umiwas nang tingin sa kanya. "Handa na ba kayo? Hahaha! Ngayon ipapaliwanag ko muna ang magaganap na laban sa pagitan nilang dalawa. Alam naman natin na talagang nag iinit na ang lahat, dahil sa laban na ito. Kaya naman ang mangyayari sa labang ito ay ang paghaharap nilang dalawa. Maaari nilang gamitin ang buong lakas at kapangyarihan. Ngunit ipapaalala ko ulit na bawal pumatay. Naiintindihan niyo bang dalawa?" sabi niya at tumingin sa aming dalawa. Sabay kaming napatango ni Topper sa kanya. "Good! And now let's start the final battle between, Hermes and Topper!" Kasabay no'n ang malakas na gong, hudyat na magsisimula na ang laban naming dalawa. Seryoso akong nakatingin kay Topper, ganoon rin siya sa akin. Mayamaya ay may kinuha siyang espada sa likod niya. Kinuna ko rin ang espada na nasa likod. Seryoso kaming nakatingin sa isa't isa at sabay kaming sumugod dalawa. Nagkasanggaan ang mga espada namin, habang nakangisi siya sa akin. "Nakita ko naman ang mga nagdaan mong laban, kaya masasabi kong hindi mo ako kayang talunin," nakangising sabi niya sa akin. "Nagsisimula pa lang ang laban natin," sagot ko sa kanya. Mabilis kong ikinilos ang paa ko upang sipain siya. Ngunit mukhang napansin niya iyon, kaya naman nakaiwas siya at agad na lumayo sa akin. Ngunit hindi ko inaasahan any sunod niyang atake sa akin. Biglang nagbago ang kamay niya at Bahagyan itong lumaki, habang may matutulis na kuko. Natamaan ako sa braso kaya naman napadaing ako sa sakit at napahandusay. Napahawak agad ako sa braso ko. Nahiwa ang damit ko at nasugatan dahil sa mga kuko niya. "You didn't know who I am, right?" nakangisi niyang sabi, habang papalapit sa akin. Mariin ko lang siya tiningnan. Naging pabaya ako, hindi ko nakita sa mga nagdaan laban niya na magbagong anyo. Kaya hindi ko nagawang makaiwas agad. Dahan-dahan akong tumayo, pero agad siyang lumapit sa akin. Iiwas na sana ako pero huli na. Hindi ako nakaiwas, lalo na at tuluyan na siyang nagbagong anyo bilang isang lobo. Muli akong natamaan ng mga kuko niya at tumilapon patungo sa pader ng Arena. "Woaah! Nagbagong anyo na si Topper! Ano kayang gagawin ni Hermes, sa sandaling ito!" narinig kong komento ng taga-pagsalita. Namimilipit ako sa sakit at hapdi dahil sa natamong sugat ko mula sa mga kuko niya. Ngunit hindi pa ako nakakabawi, nang makita ko siyang patakbo patungo sa akin at kinagat niya ang heta ko at hinila. Napasigaw ako sa sakit dahil sa ginawa niya. Winasiwas niya ako na para bang laruan at tila ba mahahati na ang heta sa katawan ko, dahil sa pagkakagat niya. Mayamaya ay binitiwan niya ako at tinapon. Kaya nagpagulong-gulong ako, habang iniinda ang sakit. Napaubo ako at napasuka ng dugo, matapos kong tumama ulit sa pader. Marami na akong natamong sugat mula sa kanya at wala pa akong nagagawang atake laban sa kanya. Masyado akong dehado dahil sa pagbabagong anyo niya. "Mukhang dehado na si Hermes ngayon dahil sa sugat niya! Makakaya niya pa kayang lumaban?" narinig kong muling komento ng taga-pagsalita. Naririnig ko rin ang mga usap-usapan sa paligid. Naririnig kong matatalo na ako laban kay Topper. Hindi! Hindi ko iyon hahayaan! Pilit akong tumayo kahit na marami na akong sugat, lalo na heta ko. "Oh? May gana ka pang lumaban? Gusto mo bang mamatay? Pwedi ka namang sumuko di ba?" narinig ko sabi ni Topper. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Marahas niyang hinawakan ang buhok ko at pinaharap sa kanya. "Sumuko ka na lang, magiging mabait pa ako saiyo. Kahit pa gustong-gusto kitang patayin," nakangisi niyang sabi. Napangisi ako sa kanya, kaya nakita kong nainis siya sa pinakita ko. "I can't give up now," mahinang sabi ko. May naramdaman akong init mula sa loob ng katawan ko. Kakaibang init na maaaring tumunaw sa kung sino man ang malapit sa akin. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nararamdaman. Hindi ko pa ito naramdaman habang nag eensayo ako, ngayon pa lang. Napasulyap ako sa dugong bigla na lang nag iba ang kulay. Tila ba naging buhay na dugo ito at umuusok pa. Agad akong nabitawan ni Topper dahil mukhang naramdaman niya ang init na nagmumula sa akin. "Kapag nasugatan ako, nabubuhay ang mga dugong iyon at nagiging apoy," wala sa sariling sabi ko. No! Sa tingin ko hindi ako ang nagsalita pero kusa iyong lumalabas sa bibig ko. Anong nangyayari sa akin? "Look! What's going on? Anong nangyayari kay Hermes! Tila nabuhay ang mga dugong niya, na mula sa mga sugat niya. Makikita na ba natin ang tinatago niyang kapangyarihan ngayon?" narinig kong komento ng taga-pagsalita. Hindi ko iyon pinansin at nanatiling nakatingin kay Topper. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya dahil sa nakikita niya sa akin. Hindi ko rin alam kung ano nga ba ang nangyayari sa akin. Bakit nga ba nagkaganito bigla? Naramdaman ko ang pagkilos ng kamay ko at nakita ko ang paglabas ng apoy mula rito. Natigilan ako sa nakita ko. Bakit ito lumabas? Hindi ko naman ito pinapalabas, kaya bakit ganito? 'I will help you just this time..' Muli akong natigilan. Sino ang nagsasalita? 'Just watch and see. I will handle this..' Muling sabi nito, pero sino iyon? Muli akong napatingin sa kamay ko. Hindi ko makontrol ang katawan ko, kusa itong kumikilos na hindi ko alam. Nakita ko ang pag atras ni Topper at naramdaman ko ang takot sa mga mata niya. Napansin ko rin ang pagtahimik ng paligid. Naramdaman ko ang pagkagulat at pagtataka sa mga nanonood. Kakaibang senaryo ang nakikita ko, parang nanonood rin ako sa nangyayari. Nakita ko ang mga dugo na mula sa akin, nakalutang ito sa ere at parang may buhay ito, habang sumisingaw ang init mula rito. "A-Anong klaseng kapangyarihan iyan? Bakit ka may ganyang kapangyarihan!" sita niya sa akin. "Ito ang gusto mong makita hindi ba? Pwes, ipapakita ko saiyo ang tunay kong kapangyarihan," sabi ko sa kanya. Ngunit hindi iyon ang nasa isip ko. Kusa iyong lumabas sa bibig ko Hindi ko na hawak ang sitwasyon ngayon. Sino ba ang komotrol ngayon sa akin? "Taste the sweet of my blood," mariin kong sabi. Kasabay noon ang pag atake ng mga buhay na dugong apoy. Halos mapatakbo si Topper, para lang makaiwas dito pero nang tamaan siya nang isa ay napasigaw siya sa sakit. Nakita ko ang pagkatunaw ng suot niyang damit at pagkasugat ng balat niya. Napadapa siya at sunod-sunod na tumama sa kanya ang mga atake ko o sa madaling salita, atake ng taong komokontrol sa akin ngayon. Matapos matamaan ni Topper ay nakita ko ang panginginig niya at mga sugat na natamo niya. Naglakad ako patungo sa kanya at halos mapaatras siyang muli ng makita ako. "Y-You!" "Binabalik ko lang ang atakeng ginawa mo sa akin. Ano? Lalaban ka pa ba?" tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot at mariin lang na nakatingin sa akin. Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin. Hinawakan ko siya sa noo, ngunit bigla siyang napasigaw at umatras muli palayo sa akin. "What's wrong?" sabi ko. Ngunit batid kong nakangisi ako sa kanya ngayon. "I-I surrender," mahinang sabi niya. "Good to hear that," komento ko pa. 'Will done..' Muling narinig ko sa aking isipan. Will done? Nagtataka ako, pero hinayaan ko na lang at tiningnan si Topper na pinipilit tumayo upang makaalis. Narinig ko ang malakas na gong at ang biglang paglapit ng taga-pagsalita. "The Battle is end! And the winner is Hermes! Let's give him around of applause!" sigaw ng taga-pagsalita. Hinawakan niya ang kamay ko at itinaas iyon. Napangiti ako, kasabay nang malakas na sigawan at hiyawan ng mga nanonood. I win. But something strange, who's the one who help me? Who is he? Naramdaman ko ang panghihina, kaya muntik na akong matumba. Mabuti na lang at nagawa ko pang i-balance ang sarili ko. Nakita ko ang paglapit ng royal guards. Nakita ko roon si general Rui. Nakangiti siya habang may dalang kulay gintong damit na katulad niya. Nang makalapit siya sa akin ay nakipagkamay siya at nakita ko ang tuwa sa mga mata niya. "I know you can made it, congratulations, Hermes," nakangiting sabi niya sa akin. "Thank you," sagot ko sa kanya. Iniabot niya sa akin ang damit at isinuot nila iyon sa akin. Ibigay niya rin ang isang espada at isang gold medal na tanda nang pagpanalo mo. "And now I pronounce you, to be the royal army commader. Let's work together," sabi sa akin ni general Rui. Napangiti ako at tumango sa kanya. Hindi man ako makapaniwala ay mas nangibabaw ang tuwa na nararamdaman ko. I win the battle and become the roya army commander. I will work at the palace atlast, as a commander. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD