Chapter 22

1275 Words
Dama ko ang tuwa at saya, habang nakahawak ako sa medalyang natanggap ko. Maging ang espada at kasuotan ng nakakataas na kawal. Hinaplos ko ito at napangiti. Napalingon ako sa may pinto nang bumukas ito. Nandito ako sa isa sa silid ng palasyo. Ang sabi ni General Rui, ay ito na ang magiging silid ko simula ngayon. Nakita ko si Rico na pumasok at agad napangiti nang makita ako. Lumapit siya sa agad umakbay. "Ayos! Nagawa mong manalo! Binabati kita," masayang sabi ni Rico. "Haha! Salamat," masayang sabi ko rin sa kanya. Tiningnan niya pa ang mga natanggap ko kanina, maging ang medalya ay namamangha niya itong tiningnan. "Grabe! Ang ganda nito, bagay na bagay saiyo! Lalo na itong espada! Nakakabilib ka talaga!" papuri niya sa akin, habang sinisipat ito at bahagyang winasiwas. Napapailing lang ako sa reaksyon niya, namamangha talaga siya sa mga ito. Tiningnan ko lang siya, habang nakatayo ako at nakangiti sa kanya. Mayamaya ay bumaling siya sa akin. Binalik niya ang espada at marahan na lumapit sa akin. Nakita ko bigla ang biglang pagiging seryoso niya, habang papalapit sa akin. "Sandali nga, gusto kong malaman kung ano iyong nakita ko kanina. Hindi naman iyon ang nakita ko habang nagsasanay tayo di ba? Kaya ano iyong nakita ko?" seryosong tanong ko sa kanya. Hindi agad ako nakasagot. Lumingon ako at pinakiramdaman ang paligid. Wala naman akong nararamdamang kakaiba, kaya naman muli akong tumingin sa kanya. "Doon tayo mag usap," sabi ko at tinuro ang balkonahe.  Tumango naman siya at sabay kaming naglakad patungo doon. Nang makarating kami ay tumingin ako sa paligid ng palasyo. Mula rito nakikita namin ang lawak ng bayan. Kaya nakakahanga rin tingnan. "So, ngayon ipaliwanag mo, kung ano iyong nakita ko," muling tanong niya sa akin. Bahagya akong napabuntong-hininga at tumingin sa kanya. Mariin akong napatingin sa kanya, habang hinihintay naman niya ang sagot ko. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang nangyari, pero bahala na. "Iyong nakita mo kanina ay hindi ko rin iyon inaasahan. Sa maniwala ka o sa hindi. Hindi ko alam kung paano ko iyon nagawa," sabi ko sa kanya. Nakita ko naman kung paano siya nabigla at mas lalo siyang nagtataka dahil sa sinabi ko. "Anong ibig mong sabihin na hindi mo alam kung paano mo iyon nagawa? Teka, nalito paanong..." nalilito niyang sabi sa akin. Napapikit ako. "I was controlled earlier. Hindi ko alam kung sino siya, pero sinabi niya sa akin na siya ang bahala sa laban na iyon. Hindi ako makatanggi sa sinabi niya dahil nagulat din ako. Nakita ko na lang na kusang may lumalabas na salita sa bibig ko at kusang gumagalaw ang katawan ko para atakihin si Topper. Hindi ko alam kung ano iyon, pero ang masasabi ko ay tinulungan niya ako," paliwanag ko sa kanya. Nakita kong nanatili siyang nakatingin sa akin, na tila hindi makapaniwa sa sinabi ko. "A-Are you serious?" naguguluhan niyang sabi. Bahagya akong tumango sa kanya. Napabuga siya ng hangin, habang napapailing na tumingin sa akin. Sino ba naman kasi ang maniniwala tungkol doon di ba? Ako lang ang nakakaalam sa nangyari. Ako lang ang nakarinig at nakakita, kaya malamang hindi madaling paniwalaan ang sinabi ko. "Hmm, sabagay kung sino man iyon ay siguradong konektado kay Hermes," mayamaya ay sabi niya. Napapatango siya at bahagyang umiwas nang tingin sa akin at nanahimik. Hinayaan ko na lamang siyang manahimik saglit. Tumingin rin ako sa paligid ng palasyo. Kahit saang angulo ay maganda tingnan ang lugar. "Sa totoo lang, hindi talaga ako makaniwala sa nakita ko kanina. Nang dahil sa mga dugo na galing sa sugat mo ay nagawa nitong atakihin si Topper at tila isang asido ito na mabilis tumunaw sa damit niya at nasugatan siya. Ano nga kayang klaseng kapangyarihan mayroon si Hermes," biglang sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya. Dahil sa sinabi niya ay napaisip rin ako. Ano nga kayang klaseng kapangyarihan mayroon si Hermes at may iba pa kaya siyang tinataglay na kapangyarihan? Hindi ko malaman kong ano iyon, kahit nasa katawan niya ako. Ngunit malalaman ko rin sa mga susunod na araw ang lahat sa kanya. Napatingin ako kay Rico. Tahimik lang siyang nakatingin sa harapan. Kaya muli rin akong tumingin. "Gusto mo na bang malaman ang nangyari kay Hermes?" sabi ko at tumingin sa kanya. Napansin kong natigilan siya at napalingon sa akin. Ngunit agad ding uniwas. "Hindi naman ako nagmamadali," aniya. I sighed. "Hindi ko naman alam ang lahat dahil may iba pang hindi sinabi si Mrs. Lisanna. Kaya ang sasabihin ko lang saiyo sa ngayon ay kung bakit ako nandito at kung nasaan na siya," sabi ko. Hindi siya kumibo sa sinabi ko. Mukhang hinihintay lang niyang sabihin ko iyon ng deretso. "Hermes is dying. Kaya siya pumupunta kay Mrs. Lisanna ay para kumuha ng gamot. Ngunit sadyang may taning na ang buhay niya at alam niyang hindi na siya makakapagpatuloy pa sa buhay niya," sabi ko. Magpapatuloy na sana ako nang mapansin kong tumingin siya sa akin. "A-Ano? May taning na ang buhay niya?" hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango ako bilang sagot. "Kaya naman may ginawa siya, kaya ako nandito. Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginawa, pero sa tingin ko ay may dahilan. Humingi siya ng isang potion kay Mrs. Lisanna at hindi alam ni Mrs. Lisanna na ginawa agad iyon ni Hermes. Hermes use a spell to call a spirit who died, that have a connection with him in other world. In return, he died in that spell and someone replace his body. The spirit he called was me. I was dead too. Ngunit nagawa niyang tawagin ang kaluluwa ko para sa kagustuhan niya," paliwanag ko sa kanya. Nakita kong napanganga siya habang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. Naramdaman ko ang sakit at lungkot sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Agad siyang umiwas nang tingin, kasabay no'n ang pagpahid niya sa kanyang mga luha. Nakaramdam din ako ng lungkot dahil sa nakikita ko sa kanya. "H-Hindi ako makapaniwala," sambit niya. Naikuyom niya ang kamao niya, habang napapikit sa sakit. "B-Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin! Kaibigan niya naman ako ah, handa ko siyang tulungan sa lahat. Bakit itinago niya pa iyon sa akin," umiiwak at puno ng hinanakit nasa sabi niya.  Agad ko siyang nilapitan at hinagod ang likod niya, habang umiiyak siya. "Nasisiguro kong may dahilan ang lahat, Rico. Kaya nga hindi ko agad masabi saiyo dahil alam kong masasaktan ka. Pasensya ka na," sabi ko sa kanya. Hindi siya nagsalita at patuloy na umiiyak. Naiintindihan ko naman ang nararamdam niya. Syempre kaibigan niya si Hermes at itinuring na niya itong kapatid. Kaya masakit para kanya na malamang wala na ang kaibigan niya. "Nasisiguro kong may dahilan kung bakit niya ako tinawag, kung bakit gusto niyang magpatuloy ang buhay niya kahit na ibang tao ang nasa katawan niya. Kaya naman, ikaw lang ang taong makakatulong sa akin na magpatuloy, Rico," sabi ko sa kanya. Napansin kong napahinto siya. Mukhang naiintindihan niya ang pinupunto ko. Tama, siya lang ang makakatulong sa akin sa oras na ito, bukod kay Mrs. Lisanna. "Kaya naman tatanungin kita, handa mo ba akong samahan para malaman ang dahilan, kung bakit nga ba ako na ang magpapatuloy ng buhay niya?" tanong ko sa kanya. Napalingon siya sa akin at bahagyang napatitig. Ngumiti ako sa kanya at inabot ang kamay ko. Napatingin siya dito, bago muling tumingin sa akin. Nakita ko ang unti-unting pagngiti niya at tinanggap ang kamay ko. Tanda na sasamahan at tutulungan niya ako, sa kung ano pa ang nais gawin ni Hermes. Sabay naming aalamin kung ano pa ang nakatagong pagkatao ni Hermes.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD