Chapter 20

1167 Words
Napapikit ako habang nakasandal sa pader, dito sa ibigay sa aming silid. Kasama ko pa rin si Rico at tinitingnan niya lagi ang sugat ko. Mamaya ay maglalaban na kami ni Topper, kaya naman minabuti kong magpahinga at magpalakas para sa aming laban. "Mag ingat ka kay Topper, dahil nasisiguro kong desidido siyang talunin ka," paalala ni Rico sa akin. Napadilat ako. Nakita ko siyang papalapit sa akin at inabutan niya ako ng tubig. Hindi agad ako sumagot sa sinabi niya at nanatiling tahimik. Uminom ako ng tubig na ibinigay niya. Naramdaman ko naman ang tingin niya sa akin. "Ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong niya sa akin. Tumango lang ako sa kanya.  "Naisip ko lang kung ano ang magiging resulta sa gaganapin namin na laban mamaya ni Topper," sabi ko. Nakita kong lumapit siya sa akin at bahagyang tumabi sa pagkakasandal ko sa pader. "Ano ka ba, nandito ka na. Kaunti na lang at makakamit mo na ang tagumpay. Alam kong kaya mo siyang labanan at talunin. Mag ingat ka lang, dahil masyado siyang agrisibo," sabi niya sa akin. Tumango lang ako sa kanya. Alam ko naman na masyadong agrisibo si Topper. Noong unang nakalaban ko siya ay ganoon na talaga siya. Mukhang gusto nga niyang manalo sa laban na ito. "Oonga pala, nandito kanina si Mrs. Lisanna at pinabibigay niya itong gamot saiyo," sabi niya at may inabot sa akin. Nakita kong katulad ito noong unang binigay sa akin ni Mrs. Lisanna kahapon. Kinuha ko iyon at agad na ininom. "Mukhang pati si Mrs. Lisanna ay nag aalala saiyo. Nakikita ko rin na suportado siya saiyo," narinig kong sabi niya. Tumango lang ako sa sinabi niya. "Alam mo naman may usapan kami di ba? Kapag nanalo ako ay may sasabihin siya sa akin, tungkol kay Hermes," sabi ko. Napatango naman siya at mukhang naiintindihan ang sinabi ko. "Uy! Baka nakakalimutan mong may sasabihin ka rin sa akin pagkatapos nang laban na ito. Maging sa princesa ay may sasabihin ka rin," paalala niya sa akin. Oonga pala, may usapan rin kami ni Rico at ng Princesa. Kapag natapos ang paligsahan na ito. Napabuntong-hininga ako. "Hindi ko iyon nakakalimutan," sabi ko at bumaling sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at tumango.  "Yeah, inaasahan ko iyan," sabi niya sa akin. Bahagya pa niyang sinuntok nang mahina ang balikat at napapailing lang ako sa kanya. "Kung sakali man," narinig kong sabi niya. Kaya muli akong napalingon sa kanya. Nakita kong nakangisi siya sa akin at tila nag aasar na tingin. Kaya naman nagtataka ako sa inaasta niya at sa kung ano ang sasabihin niya. "What?"  "Kung sakali lang naman, posible kayang magustuhan mo ang Princesa?" tanong niya sa akin. Natigilan ako sa tanong niyang iyon. Napatitig ako sa kanya at tila inuulit sa isip ko ang tanong niyanh iyon. "Ha?" wala sa sariling sambit ko, habang nakakunot-noo na nakatingin sa kanya. "Tsk! Nabibingi ka na ata eh! Ang sabi ko posible bang magkagusto ka sa Princesa?"  Natauhan naman ako dahil doon at umiwas nang tingin. Ano ba naman kasi ang tinatanong niya. Bakit niya iyon natanong pa. "Woi! Ano? May posibilidad bang magkagusto ka sa kanya?" muling sabi niya. "Tsss! Bakit mo ba tinatanong iyan?" pag iiwas ko sa sinabi niya. "Asus! Mukhang may nangyayari na ata eh, may gusto ka na ba sa kanya? Aw sabagay napakaganda naman talaga ng Princesa natin. Marami kayang humahanga sa kanya at inaalok ng kasal. Ma-swerte ka nga dahil malapit sa inyo ang Princesa. May posibilidad na ikaw ang piliin niya kapag niligawan mo siya," tuwang-tuwa pa niyang sabi. Hindi ako nag-reak sa sinabi niya at natahimik lang. Kaya naman mukhang napansin niya ang pananahimik ko at biglan akong siniko. Sakto pang sa sugat ko, kaya napadaing ko. "Tsk," sita ko sa kanya. Napaismid siya sa akin pero agad namang ngumisi. "So ano na? Posible nga ba ang sinasabi ko?" pang aasar niya. Napabuntong-hininga ako. "Imposible iyang sinasabi mo," seryoso kong sabi sa kanya. Napansin ko namang natigilan siya at nawala ang tuwa sa mukha niya. "Tsk! Bakit naman?"  Bumaling ako sa kanya. "Look, all she know that I'm the person she'd known. Kapag nalaman niya na hindi ako ang taong kilala niya, ano ba sa tingin mo ang mangayari?" seryosong sabi ko. Mukhang nakuha naman niya ang sinasabi ko at napabuntong-hininga na lang. Hindi na agad siya kumibo dahil doon. "Isa pa, kahit pa malaman niya kung sino ako ay hindi pa rin pwedi. Kahit magustuhan ko siya ay hindi iyon dahilan para tuluyan akong mapalapit sa kanya. Gusto kong magtrabaho at maging mahusay na alagad ng palasyo. Kung magiging bodyguard niya ako ay tatanggapin ko. Ngunit hindi ko siya maaaring mahalin. Isa siyang princesa at isa lamang akong tagapag-silbi sa palasyo. Ayokong madumihan ang pangalan niya, nang dahil lang sa akin. Higit sa lahat, gusto kong mabuhay na sarili ko mo na. Wala pa sa plano ko ang magmahal, lalo sa tulad niyang isang Prinsesa," mahabang paliwanag ko sa kanya. Muli akong napabuntong-hininga at pinikit ko ang mga mata ko. Totoo lahat nang sinabi ko sa kanya. Wala pa sa isip ko ang pag ibig. Kahit noong nasa buhay pa ako sa dati kong mundo ay ganoon ang hangarin ko. Gusto kong makapagtapos nang pag aaral, para matulungan ang pamilya ko. Wala pa sa isip ko ang magmahal ng isang babae. Maraming nagkakagusto sa akin at may ilan na nagtapat na pag ibig. Ngunit nangibabaw sa isip ko ang umiwas muna sa ganoon. Gusto ko munang mahalin ang sarili ko at pamilya ko. Dahil alam ko na balang araw ay makikita ko rin ang babaeng para sa akin. Ngunit hindi ko aakalaing magtatapos din ang lahat sa isang hindi inaasahang pangyayari. Naikuyom ko ang kamay ko at bigla akong nakaramdam ng galit. Galit para sa nakakatanda kong kapatid. Hindi ako mapupunta dito, kung hindi niya ako pinatay. But then, I was thankful that I meet some people here to survive. Ngunit ang sinasabi ni Rico ay talagang napaka-imposible. Hindi kami magka-level ng Princesa. Kaya ang dapat sa kanya ay iyong taong bagay rin na sa kanya. Tulad ng isang prinsipe, dahil isa siyang princesa.  "Pero suportado pa rin kita sa lahat. Alam ko na masyado ka pang naguguluhan sa nangyari saiyo. Huwag mong isipin na nag iisa ka lang dito. Nandito ako, para samahan at gabayan ka sa pangangailangan mo dito sa mundong ito," narinig kong sabi ni Rico. Napadilat ako at napatingin sa kanya. Nakita kong nakangiti siya, habang nakantingin sa akin. Napangiti rin ako at tumango sa kanya. "Kaya nga subrang nagpapasalamat ako dahil ikaw ang naging kaibigan ni Hermes, at naging kaibigan ko na rin," nakangiting sabi sa akin. Napatitig siya sa akin at bahagyang nangunot ang noo niya, na ipinagtaka ko naman. "Hindi kaya, ako ang type mo at hindi ang Princesa?" nagugulat niyang sabi. "Sira!" sigaw ko at bahagyang binato sa kanya ang hawak kong baso. Natatawa naman siyang umilag, kaya natawa na rin ako. Tsk! Ibang klase din mangtrip ang lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD