Chapter 9-Lissana the snake

1751 Words
Tahimik kaming naglalakad ni Rico patungo doon sa tinitirhan ng taong pupuntahan namin. Matapos ang usapan namin kanina ay hindi na siya nagsalita pa. Kaya naman nakarating kami sa isang malaking gate, na tahimik lang. Napatingin ako sa paligid. May nakita akong hagdan na paakyat pataas at medyo mahaba iyon. Maraming mga punong nakapalibot dito at napakaaliwalas ng paligid. "Sa hagdan tayo dumaan," narinig kong sabi niya sa akin. Tumango ako. Nauna na siyang naglakad at sumunod lang ako. Habang naglalakad kami sa hagdan paitaas ay hindi ko maiwasang humanga sa ganda ng paligid. Simple lang ito pero napakagaan sa matang tingnan. "Rico," tawag ko kay Rico. Bahagya siyang lumingon sa akin pero hindi huminto. "Bakit?" "Gaano mo kakilala ang taong pupuntahan natin?" tanong ko sa kanya. Hindi agad siya tumugon sa sinabi ko, kaya nagtataka ako. Magsasalita na ulit sana ako, nang sumagot siya. "Siya ang kapatid nang reyna ng Albania. Lahat ng mga taong nangangailan, lalo na pagdating sa kapangyarihan ay tinutulungn niya pero hindi lahat. Medyo mailap rin kasi siya at masungit. Kaya natatakot rin ang ilan sa kanya," sabi niya at bahagya pang natawa. Napatango na lang ako kahit hindi niya nakita. "Sa tingin mo tutulungan niya tayo?" muling tanong ko. Napahinto siya sa paglalakad at lumingon sa akin. Nakita ko ang alinlangan sa mga mata niya. "Sa totoo lang hindi ko rin alam kung tutulungan niya tayo. Ngunit kailangan nating subukan," nag aalangan niyang sabi at napangiti lang. "Siguro naman tutulungan niya tayo," sabi ko na lang. Kailangan kong maging positibo dahil kailangan ko ito, lalo na sa kung anong kakayahan ni Hermess. Nasisiguro rin kasi akong may tinatago si Hermes, kaya ayaw niyang sumali sa mga nagdaang paligsahan at aalamin ko iyon. "Sana nga at tulungan niya tayo," sabi ni Rico. Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad pataas, hanggang sa marating kami sa itaas. Mas lalo akong namangha dahil sa ganda ng paligid. Halos puro bulaklak ang nakikita ko at may mga prutas rin sa paligid. May napansin akong isang maliit na bahay sa unahan namin. Siguro doon nakatira ang tinutukoy ni Rico. "Halika dito tayo," sabi niya at naglakad patungo sa bahay. Sumunod naman ako sa kanya. "Tao po!" tawag ni Rico. Pinakiramdaman ko ang paligid, wala naman akong napansing kakaiba. Tahimik lang ang paligid, pero sigurado akong nandito ang taong tinutukoy ni Rico. Dahil mabilis na akong makaramdam ay alam kong nandito lang ito. "Tao po!" muling tawag ni Rico. Ngunit wala kaming nakuha tugon. Nagkatinginan kami ni Rico. "Wala ata siya ngayon," sabi niya sa akin. Umiling ako. "I'm sure nandito siya," seryosong sabi ko. Tumingin ako sa paligid, mayamaya ay natigilan ako nang may napansin ako sa gitna ng mga bulaklak. May Gumagalaw sa ilalim nito patungo sa amin, kaya napaatras ako maging si Rico. Mayamaya ay bigla na lang may lumabas mula doon isang malaking...ahas! Nagulat kami ni Rico at halos mapatakbo kami. Subrang laki ng ahas at kulang na lang ay kainin kami ng buo. "S-Siya 'yan," mahinang sabi ni Rico sa akin. Nagugulat naman akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Ito ang tinutukoy niyang makakatulong sa amin? "S-Seryoso ka?" paninigurado ko at muling tumingin sa ahas na nasa harapan namin. "Yumuko ka," narinig kong sabi ni Rico, kaya muli akong lumingon sa kanya. Nakita ko siyang agad na yumuko, kaya ganoon na rin ang ginawa ko. "Mahal na Lisaana, n-nandito po kami upang humingi ng tulong para sa kaibigan kong si Hermes. N-Nais po naming malaman kung anong kakayahan mayroon soya," sabi ni Rico. Wala kaming nakuhang tugon, pero naramdaman kong nagbagong anyo siya at naging tao tulad namin. "Ikaw si Hermes, di ba?" Natigilan ako nang marining ang boses niya. Kaya nag angat ako nang tingin upang makita siya. Kaya naman muli akong natigilan nang makita ang mukha niya. Hindi ko aakalaing subrang ganda pala ang tinutukoy ni Rico, na kapatid ng Reyna ng Albania. "O-oo, mahal na Lissana," sagot ko sa kanya. "Sumunod kayo sa akin," sabi niya. Kaya naman nang makapasok na siya ay agad kaming sumunod sa kanya. Nang makapasok kami, nakita namin ang mga nasa loob. May nakalagay sa bawat sulok na kakaibang tila potion, na nakalagay sa maliit na bote. Kung hindi ako nagkakamali, sinabi ni Rico kanina na isang manggagamot ito. Kaya siguro mga gamot ang mga iyon na nakalagay sa maliit na bote. "Matagal ko nang hinihintay na makita ka rito, Hermes," sabi niya sa akin. Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya at napatingin kay Rico. Matagal na niya akong hinihintay? Bakit naman kaya? Bumaling siya kay Rico at tiningnan ito nang seryoso. "Gusto kong makausap si Hermes, kaya naman maari ka bang maghintay lang muna dito?" sabi niya dito. "Ha? O-Oo, s-sige po," tugon ni Rico at napatingin sa akin. Tumango lang ako sa kanya at tumingin kay Lissanan na seryosong nakatingin sa akin. "Sumunod ka sa akin," sabi niya. Tumango lang ako at sumunod na sa kanya. Bago ako pumasok sa isang silid ay lumingon pa ako kay Rico. Nag thumbs-up lang siya at ngumiti sa akin. Kaya pumasok na rin ako at isinara ang pinto. Ngunit ganoon na lang ang pagkagulat ko sa aking nakita. Naging isang ahas na naman siya sa harapan ko at gumapang palibot sa akin, na tila kinikilala akong mabuti. Pwedi naman siguro niyang gawin iyon, nang hindi ganyan ang anyo niya di ba? Bakit kailangang ganyan pa ang anyo niya. "I must say, you are a different person. You are not, Hermes," narinig kong sabi niya. Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya. Paano niya nalamang hindi ako si Hermes. "Pareho kayo nang mukha pero hindi ikaw, siya. Sabihin mo, sino ka at saan ka nanggaling?" mariing sabi niya, habang lumalapit ang ulo niya sa akin kaya napaatras ako. "I-I will explain, but please let's talk in a different way. N-Not that kind of look," kinakabahan kong sabi. Ilang saglit lang ay bumalik na siya sa dati at naroon pa rin ang kakaiba niyang tingin sa akin. "Now explain," mariing sabi niya. Humugot muna ako nang lakas para masabi sa kanya ang lahat. Nararamdaman ko namang mapagkakatiwaan siya. Kaya maaari kong sabihin sa kanya kung sino at saan ako galing. "Well, You're right. I'm really Hermes that you've known. But, I'm still Hermes. My name is Hermes," sabi ko sa kanya. Napataas ang kilay niya dahil mukhang nalito siya sa sinasabi ko. Kaya naman pinaliwanag ko sa kanya ang lahat. Sinabi ko kung saan ako galing, kung ano ang nangyari sa akin bago ako napadpad sa mundo o panahong ito. Kaya naman habang sinasabi ko iyon ay nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko sa kanya. Napanganga pa siya at tiningnan ang kabuuan ko. "Kaya iyong nakilala niyong Hermes ay hindi ko alam kung nasaan na. Wala akong ediya kung saan siya napunta," patuloy kong sabi. Nakita kong napahawak siya sa noo niya at bahagyang napapikit. "Sandali nga, nalilito talaga ako. Ibig sabihin ba nito ay talagang wala kang alam sa mundong ito? Dahil hindi ikaw ang Hermes na taga-rito sa mundong ito?" maguguluhan niyang sabi. Tumango naman ako sa sinabi niya. Napabuntong-hininga naman siya at bahagyang napatango. "Right. The moment you die in your world, Hermes also die in this world. Ngunit imbes na tuluyan kang mamatay ay nabuhay kang muli sa mundong ito. Samantalang si Hermes ay tuluyan nang namahinga," sabi niya. Natigilan naman ako sa paraan nang pagkakasabi niya. Tila may nabuong tanong sa isipan ko, dahil sa sinabi niya. "Wait, may alam ka ba sa pagkamatay ni Hermes o sa dahilan kung bakit nawala na siya rito?" nagtataka kong tanong. Hindi agad siya nakasagot sa tanong ko at sa halip ay tumalikod sa akin. Hindi ko naman maintindihan ang sarili ko, dahil mukang may alam siya sa nangyari. "Hermes wants to die," sabi niya. Natigilan naman ako sa sinabi niya. Tama ba iyong narinig ko? "O mas tamang sabihin na, may taning na ang buhay niya. Ako ang naging doctor niya dahil lagi siyang pumunta sa akin dito. Kaya alam ko ang lahat na dinaramdam niya," sabi niya at tumingin sa akin. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Nakakagulat iyon para sa akin. "May ginawa siya, kaya ka nandito," mariing sabi niya sa akin. Napakurap ako sa pagkakagulat dahil sa nalaman ko. Anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya. May ginawa si Hermes kaya ako nandito? Anong ginawa niya? "H-Hindi ko maintindihan, ano bang ibig sabihin nang sinabi niyo," naguguluhan kong sabi. Narinig kong napabuntong-hininga siya. "May ginamit siyang potion, upang makakuha ng patay na kaluluwa na maari niyang ipalit sa katawan niya. Ngunit magagawa lang niya iyon nang tama, kung ang kaluluwang makukuha niya ay may koneksyon sa kanya. Pinigilan ko siyang gamitin iyon, pero sa tingin ko ginawa niya pa rin. Dahil ikaw ang naging kapalit no'n, kaya ka nandito," seryosong sabi niya. S-Seryoso ba siya? Ginawa iyon ni Hermes? Ngunit para saan? Bakit niya kailangang gawin iyon? Ibig sabihin patay na nga ako, kaya ako nakuha niyang magiging kapalit niya? "B-Bakit naman niya gagawin iyon? Kung may taning na ang buhay niya, bakit niya pa naisipang gumawa nang isang taong papalit sa kanya?" nagtataka kong tanong sa kanya. Nakita ko kung paano siya naging seryoso. Naglakad siya papalapit sa akin at hinawakan ang sa bandang dibdib ko. "Sa ngayon hindi ko muna sasabihin saiyo kung bakit niya iyon ginawa. Ang masasabi ko lang saiyo ay may mission ka, kaya ka nandito. Malalaman mo lang ang mission mo kapag nanalo ka sa paligsahan at maging isa sa nakakataas sa palasyo. Nararamdaman kong may kakayahan ka, kaya nasisiguro kong hindi mo bibiguin si Hermes, maging ako," tanging sabi niya. Matapos niya iyong sabihin ay inalis na niya ang kamay sa dibdib ko at tumalikod na sa akin. "Alam ko kung ano ang kailangan mo, taglay mo ang kapangyarihan ng apoy. Iyon ang nakatagong kapangyarihan ni Hermes at may isa pang nakataong nilalang sa ng katawan na iyan. Ngunit hindi mo pa ito matutuklasan kung ano, kapag nakapunta ka na sa lugar ka narapat-dapat sa nilalang na iyan ay saka mo lang ito malalaman," sabi niya sa akin. Muli siyang tumingin sa akin. Nagulat na lang ako nang may biglang lumabas mula sa katawan ko. Isang nag aalab na apoy at wala man lang akong naramdamang sakit dahil dito. Napatingin ako sa kamay ko at may apoy din dito. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Totoo nga ba ito? Totoo nga bang may kapangyarihan ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD