Chapter 10- Hermes secret

1011 Words
Habang pabalik na kami ni Rico patungo sa palasyo ay tahimik lang ako. Hindi ako nagsasalita dahil masyado akong nagulat sa mga nalaman ko. Pinaalala ni Mrs. Lissana na wala akong pagsasabihin sa mga nalaman ko, lalo na kay Rico. Kaya tinupad ko naman ang sinabi niya at wala akong sinabi kay Rico. Naramdaman naman siguro niya na wala akong sasabihin, kaya hindi na siya nagtanong pa. Hindi mawala sa isip ko ang lahat nang nalaman ko, lalo na sa ginawa ni Hermes. Marami pa akong kailangang malaman tungkol kay Hermes, kaya naman sisiguraduhin kong mananalo ako sa paligsahang ito. Maggagabi na nang makarating kami sa palasyo. Tumungo na agad kami sa quarters namin upang magpahinga. Nang nasa loob na kami ng silid ay tahimik akong umupo sa kama "Hermes," biglang tawag ni Rico kaya napalingon ako sa kanya. "Bakit?" "Alam kong may nangyari sa pag uusap niyo ni Mrs. Lissana, kaya hindi na ako magtatanong kong ano iyon. Gusto ko lang malaman kong ano ang nalaman mo sa kakayahang mayroon ka," tanong niya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin at hinihintay ang sagot ko. Tumingin ako sa mga kamay ko at iniangat ito. "Apoy ang kapangyarihan ko," sabi ko sa kanya. "Woah? Seryoso? Ipakita mo nga!" namamangha niyang sabi. Agad naman siyang tumabi sa akin, upang makita ito. Napapailing na lang ako at tumango sa kanya. Iniharap ko sa kanya ang kamay ko at pinalabas sa palad ko ang apoy na kapangyarihan. Nakita ko kung paano siya namangha dito. "Woah! Bihira lang dito ang kay ganyang kapangyarihan. Sa tingin ko nga wala pa akong nabalitaan dito na may katulad mong kapangyarihan," namamangha niyang sabi. "Talaga? Wala ka pang nabalitaan na may ganitong kapangyarihan?" tanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin. "Sa totoo lang mayroon naman, pero wala dito sa Albania kundi naroon sa Lema," seryoso niyang sabi. Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya. Sa Lema? Ang kaharian ng mga dragon? "Di ba ang Lema na sinasabi mo ay kaharian ng mga dragon? Tulad nang sinabi mo kanina?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Marahan siyang tumango sa akin at muling napatingin sa kamay mo. Wala na roon ang apoy na pinalabas ko pero seryoso pa rin siyang nakatingin dito. "Ipapakita mo ba sa kanila ang kapangyarihan mo?" seryoso niyang tanong niya. Hindi agad ako nakapagsalita sa tanong niya. Nag aalangan ako pero sa tingin ko, kailangan ko iyong ipakita dahil iyon ang magiging daan ko para makapasok. "Oo, kung kinakailangan ko itong gamitin at ipakita ay gagawin ko," sagot ko sa kanya. Tumango-tango siya at muling tumingin sa akin. "Sige, ikaw ang bahala may tiwala naman ako saiyo," sabi niya sa akin. Tumayo na siya at naglakad patungo sa higaan niya. Bago pa siya makahiga ay muli akong nagsalita, na naging dahilan upang mapatigil siya. "Gaano ka-importante saiyo si Hermes?" tanong ko sa kanya. Hindi agad siya nakasagot at tila may biglang naalala. "Parang kapatid na ang turingan namin sa isa't isa. Magkasangga kami sa lahat ng bagay at pinoprotektahan ang isa't isa. Kapag may mali ang isa sa amin ay pareho naming hinaharap. Ayaw niyang iniiwan ako sa ere at lagi siyang nandiyan kapag kailangan ko siya. Ngunit sadyang nakakalungkot isipin na bigla siyang nawala at wala man lang akong nagawa," naging malungkot siya sa kanyang huling sinabi. Matapos niya iyong sabihin ay humiga na siya at nararamdaman ko ang lungkot na nararamdaman niya. Gusto kong sabihin sa kanya ang nangyari kay Hermes, pero kailangan ko rin tumupad sa usapan namin ni Mrs. Lissana. Kaya hindi ko pa maaaring sabihin kay Rico ang dahilan nang pagkawala ni Hermes. "Kapag nanalo ako sa paligsahan, sasabihin ko saiyo ang lahat. Sa kung anong totoong nangyari kay Hermes kung bakit siya nawala," sabi ko sa kanya. Napansin kong natigilan siya at napalingon sa akin. "Alam mo ang totoong nangyari sa kanya?" tanong niya. Tumango ako. "Sinabi sa akin ni Mrs. Lissana ang lahat, ngunit sinabi niya rin na wala akong pagsasabihin muna sa nangyari kay Hermes. Kaya naman hindi ko muna sasabihin saiyo ang tungkol doon," sabi ko sa kanya. Napatitig lang siya sa akin matapos ko iyong sabihin. Mayamaya ay napabuntong-hininga siya at marahang tumango. "Sige, naiintindihan ko. Hihintayin ko kung kailan mo iyon sasabihin sa akin," sabi niya at ngumiti. Tumango ako sa kanya. Tuluyan na siyang humiga sa higaan niya at maging ako ay humiga na rin. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang lahat ng mga nalaman ko. Ngunit alam kong may iba pa akong dapat malaman, tulad nang sabi ni Mrs. Lissana sa kung sino talaga si Hermes na nakilala nila. Matapos kong mag isip-isip nang kung ano-ano ay nakatulog na rin ako. Habang papalapit ang paligsahan ay minabuti kong magsanay kasama si Rico. Pinakita ko sa kanya ang natutunan ko sa pagiging isang martial artist at maging sa paggamit ng espada. Nakikita ko namang humahanga siya sa kakayahan ko at nagtitiwala siya. Tinutulungan niya rin ako upang mas maging malakas ako. Minsan pa ay tinuturuan ko na rin siya ng martial arts at sa paggamit ng espada. Imbes na magsanay ako ay siya pa ang tinuruan ko. Ngunit masaya naman ako dahil ginusto niya rin matuto, tulad ko. Kaya naman sa mga sumunod na araw ay nagsanay na rin ako, kung paano ang tamang paggamit ng kapangyarihan ko. Tinulungan niya rin ako, kahit pa wala siyang kapangyarihan ay marami naman siyang alam. Nalaman ko na lang mula sa kanya, na pareho sila ni Hermes na laging nagbabasa ng libro at ang lagi nilang binabasa ay ang libro tungkol sa majika. Kaya alam niya kung paano ang tamang paggamit at pagpapalabas ng isang kapangyarihan. Hanggang isang araw ay may biglang dumating na hindi inaasahan. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin dahil talagang nakikita ko sa mga maya niya na masaya siyang makita ako. "Mukhang nagsasanay kang mabuti," sabi niya sa akin. Napayuko ako dahil sa pagkabigla. Nandito ang mahal na princessa at nakangiti pa sa akin. Hindi ko alam na makikita niya kami ni Rico na nagsasanay dito sa bundok, sa likod ng palasyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD