Chapter 8- Dragon

2106 Words
Nagising sina Hermes sa katok na nagmumula sa labas ng kanilang silid. Bumangon si Rico sa higaan nito, maging si Hermes. Tumayo si Hermes at naglakad patungo sa pinto. Binuksan niya ito at bumungad sa kanya ang isang kawal. "Magandang umaga, Hermes," bati nito sa kanya. Nakatingin lang si Hermes dito, dahil hindi naman niya ito kilala. Naramdaman niyang tumabi sa kanya si Rico. "Oh! Joseph, ikaw pala! Anong kailangan mo?" tanong ni Rico dito. Napatingin naman si Hermes kay Rico at nasisiguro niyang kilala nito ang taong nasa harapan nila. Muling tumingin si Hermes sa taong nasa harap nila. Nakatingin na ito kay Rico. "Ah oonga pala, nandito ako para ibigay ito kay Hermes," sabi niya at may iniabot sa akin. Napatingin naman ako sa ibinigay niya sa akin. Isang nakatuping papel, kaya binuksan ko ito at nakita kong may nakasulat dito. Binasa ko itong mabuti. "You're participating the contest, Hermes. Kaya naman sana galingan mo, maraming magagaling at mahusahay makipaglaban. Inaasahan kong makakapasa ka sa finals," nakangiting sabi nito sa akin. Ngumiti na lang ako at tumango sa kanya. Hindi ko alam kung ko siya kakausapin, lalo na at siya lang ang nakakakilala sa akin. Bumaling siya kay Rico at tumango. "Sige, mauna na ako sainyo. Galingan mo na lang sa paligsahan, Hermes," muling sabi nito at tumango sa akin. Tumalikod na siya sa amin at muli kaming pumasok sa silid. Nakahawak pa rin ang kamay ko sa ibigay nitong sulat. Muli ko itong binasa at nasaad nga dito na isa ako sa mga magiging kalahok sa darating na paligsahan. Naroon din ang pangalako ko at perma ng mahaharlikang pamilya ng palasyo. Nakita ko roon ang pangalan ng Princesa. Princesa Amera. "Sa susunod na linggo na pala magsisimula ang paligsahan. May mga araw ka pa para makapagsanay kung gugustuhin mo," sabi ni Rico habang nakaupo katabi sa akin at nakatingin sa hawak kong sulat. "Oo, pero sa tingin mo papayagan ako nang mayor-doma na magsanay?" sabi ko at bumaling sa kanya. "Oo naman, alam na rin kaya niya na kasali ka sa paligsahan. Ipinagpaalam na kita sa kanya, kaya papayag iyon na magsanay ka muna bago ang paligsahan," sabi niya sa akin. Ngumiti ako. "Mabuti naman kong ganoon," tugon ko. Tumayo ako at nilapag sa higaan ang hawak kong sulat. Napapikit ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na nga ako sa panahong ito. Nabuhay pa akong muli dahil ito ang nakatadhana sa akin? Isang malaking katanungan rin sa akin, kung nasaan na ang totoong Hermes na nakilala nila. Anong nangyari sa kanya? Posible kayang nagkapalit kami ng posisyon at siya ang kasama ng mga magulang ko ngayon? May paraan pa kaya na makabalik ako sa dating buhay ko? "Alam kong nag a-adjust ka pa sa mga nangyayari saiyo. Maging ako ay nalilito rin, ngunit ang tanging masasabi ko lang saiyo. Maging matapang ka at huwag mong hayaang apihin ka lang. Patunayan mo sa sarili mong malakas ka at magpatuloy sa kung anong buhay mo na ngayon," narinig kong sabi ni Rico. Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Nakangiti siyang nakatingin sa akin. "Siguro tama ka, kailangan kong ipagpatuloy ang panibagong buhay na mayroon ako ngayon. I need to be brave for all the challenges. I will win this fight and achieve something," sabi ko. Napatango siya at ngumiti sa akin. Tama! Ipagpapatuloy ko ang panibagong buhay na ibinigay sa akin. Hindi ko hahayaang may umapi sa akin, dahil sa kapangyarihan. Patutunayan kong kaya ko. Gagamitin ko ang mga natutunan ko para sa darating na paligsahan. "Kaya lang, may kailangan ka pang malaman tungkol sa kahariang ito," seryosong sabi ni Rico. "Ano 'yon?" tanong ko. "Nasisiguro kong sa dating buhay mo ay isa ka lang normal na tao. Ngunit sa lugar na ito, kailangang may alam ka sa paggamit ng kapangyarihan," seryoso niyang sabi kaya natigilan ako. Kapangyarihan? Nagtataka akong nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin, dahil sa sinabi ko. Nakita ko naman mukhang naintindihan niya ang mga tingin ko. "Kung ang panahon o mundo mo ay isang mga mortal o normal na tao. Ang lugar na ito ay hindi normal, lahat ng mga tao dito ay nagtataglay ng kapangyarihan. Ngunit hindi naman lahat ay mat taglay na ganoon, tulad ko na lang," sabi niya. "Nagtataglay ng kapangyarihan ang lugar na ito? Sandali, ipaliwanag mo nga kung ano pa ba ang dapat kong malaman, lalo na sa sinasabi mong kapangyarihan?" nalilitong tanong ko sa kanya. Napabuntong-hininga siya. Seryoso siyang nakatingin sa akin. "Nasisiguro kong lahat ng kasali sa paligsahan ay may taglay na kapangyarihan. Kaya naman kailangan mo rin magsanay at palabasin ang nakatagong kapangyarihan mo," sabi sa akin ni Rico. Napamaang ako dahil sa sinabi niya. Seryoso ba talaga siya? Palalabasin ang kapangyarihan ko? Hindi ko nga alam kung may ganoon nga akong tinataglay. Ang tanging alam ko ay marunong akong gumamit ng espada at martial arts. Anong alam ko sa sinasabi niyang kapangyarihan. "Rico, alam mo naman kung ano ako dati di ba? Hindi ako ang nakilala mong Hermes, kaya naman wala akong alam kung may tinataglay ba akong kapangyarihan," sabi ko na lamang sa kanya at napabuntong-hininga. "Huwag kang mag alala, may kilala akong makakatulong sa atin," nakangiti niyang sabi. "Sino naman?" tanong ko na lang. "Isang magaling na manggagamot at maraming alam sa kapangyarihan. Kaso nga lang medyo malayo ang lugar niya mula rito. Ano, gusto mong puntahan natin?" sabi niya sa akin. Napaisip ako. Pwedi ko naman sigurong subukan di ba? Kung mundo ito nang mga may kapangyarihan, posible rin na mayroon ako. Nasisiguro rin akong makakatulong ang taong sinasabi ni Rico, para malaman kung may tinataglay ba akong kapangyarihan. Muli akong tumingin kay Rico, mukhang hinihintay niya ang sagot ko. "Sige, puntahan natin," sabi ko sa kanya. Ngumiti siya at tumango sa akin. Kaya naman napag usapan na naming pupunta kami bukas. Kailangan raw naming agahan dahil aabutin kami ng tanghali pagdating doon. Para naman makabalik pa kami bago magdilim. Maaga na rin kaming nagpahinga para bukas. Habang nakahiga ako sa kama ay bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa dibdib ko. Pakiramdam ko unti-unting bumalot sa buong katawan ko ang kakaibang init, pero hindi naman ako nasasaktan. Bahagya akong lumingin kay Rico. Nakatalikod siya sa habang nakahiga sa kama niya. Tumayo ako sa kama at lumabas sa aming silid. Habang nasa labas ako ay pinakiramdaman ko ang sarili ko, nararamdaman ko talagang tila inaapoy ako pero hindi ako nasasaktan. Bigla akong napatingin sa kalangitan at nakikita ko ang liwanag ng buwan. Napakurap pa ako nang may nakita akong isang bagay. Hindi ito isang simpleng bagay lang, may pakpak ito habang lumipad papalayo. Mariin akong nakatingin dito, isang may itim na pakpak at nasisiguro kong tao iyon na may pakpak. Hindi ko masyadong maidetalye dahil malayo na ito. Hindi ko alam kung taong-ibon ba iyo o ano. Napabuntong-hininga ako. Kumalma na rin ang pakiramdam ko at napahawak sa dibdib ko. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit nakakaramdam ako nang kakaiba sa katawan ko. Una, noong nakikipaglaban ako kina Topper, mabilis akong nakaramdam na may paparating at alakas na ang pandama ko. Muli akong tumingin sa kalangitan, na tela ba may tinatanaw ako. 'Kumusta na kaya sina mama at papa. Alam kaya nila ang ginawa ni kuya sa akin? Ano kayang nangyari doon, matapos akong mawala,' sambit ko sa sarili at napabuntong-hininga. Nakakalungkot isipin na sa isang iglap, biglang nagbago ang buhay ko at napunta sa ganitong lugar. Ngunit tama si Rico, kailangalan kong ipagpatuloy ang buhay ko dito. Kailangan kong harapin kung ano mang kapalaran ko sa lugar na ito. Napapikit ako at nagpasya nang bumalik sa loob para makapagpahinga. Ano nga bang mangyayari bukas? Sabay kaming umupo ni Rico sa isang puno, para makapagpahinga kami saglit. Hindi ko naman alam na sa bundok pala ang punta namin, dahil doon daw nakatira ang taong pupuntahan namin. Hindi ko na nagawang magtanong pa sa kanya kagabi. "Bakit hindi mo sinabi na sa bundok pala ang punta natin," sabi ko sa kanya. Napakamot siya sa batok niya habang nakatingin sa akin. Ngumiti lang siya. "Eh, nakalimutan ko, iyong kilala ko kasing Hermes ay alam kung sino ang taong tinutukoy ko," sabi niya sa akin. "Kung ganoon, nakapunta na rin siya doon sa pupuntahan natin?" tanong ko sa kanya. "Hindi pa, matagal ko na siyang niyayaya na pumunta doon. Kaso nga lang ayaw niyang pumunta, na ipinagtataka ko. Kaya nga niyayaya ko siyang pumunta doon, para malaman namin ang kapangyarihang mayroon kami. Kaya lang ayaw niya, hindi raw siya intersado," napapailing niyang sabi. Ayaw ni Hermes na pumunta doon? Kung ganoon, kailangan ko rin bang pumunta doon? "Kung ayaw niya, dapat rin ba akong pumunta doon?" sabi ko sa kanya. Natigilan naman siya at maging siya ay napaisip din sa sinabi ko. "Oonga no? Pero iba na kasi ngayon, dahil kailangan mo ito," sabi niya at parang nalilito din sa kung anong gagawin namin. Napaisip ako saglit. "Sige, ituloy na lang natin," sabi ko. "Sigurado ka?" paninigurong tanong niya sa akin. Tumango ako sa kanya. "Oo, kailangan ko ring subukan. Malayo pa ba tayo?" tanong ko sa kanya. Tumayo siya at tinanaw ang kabundukan na nasa harapan namin, saka siya may itinuro. "Doon sa tuktok na iyon, naroon ang pupuntahan natin," sabi niya habang nakaturo sa isang bundok na nasa harapan namin. "Malayo pa pala, teka bakit naman nasa tuktok pa talaga nag bundok?" nagtataka kong tanong. "Hindi ko rin alam kung bakit doon niya naisipang tumira. Alam mo ba kung anong tawag sa bundok na iyon?" sabi niya. Umiling ako. "Paano ko naman malalaman, alam mo naman kung saan ako galing," napapailing kong sabi sa kanya. "Ay oonga pala haha! Tara sasabihin ko habang naglalakad tayo," natatawang sabi niya at naunang maglakad. Kaya naman sumunod na rin ako sa kanya. "Ano bang tawag sa bundok na iyon?'' tanong ko sa kanya. "Sacred Mountain ang tawag sa bundok na iyon. Doon nakatira ang ilang taong-ibon. Kumbaga nagiging ibon ang mga taong nakatira doon," paliwanag niya. Napatango-tango ako. Taong-ibon? Hindi kaya ganoon 'yong nakita ko kagabi na lumipad palayo? "Astig rin pala kapag may ganoon kang kakayahan," natutuwa ko pang sabi. "Oo, astig nga. Ako nga hindi ko alam kung anong lahi ako eh hahaha!" sabi niya at tumawa. Napailing na lang ako. "Hmm, kung ganoon sino ang malakas at kinakatakutang nilalang sa mundong ito?" tanong ko sa kanya. Nakita ko kung paano siya napahinto sa paglakad at hindi man lang lumingon sa akin. Kaya naman nagtataka akong nakatingin sa kanya. "Bakit? May problema ba?" nagtatakang tanong ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at lumingin sa akin. Nakita ko ang pagiging seryoso ng mukha niya. "Sa kaharian ng Albania, iniingatan ng lahat ang Princesa dahil isa siyang fox lady. Taglay niya ang siyam na buntot, na maaring humusga sa masasamang nilalang. Siya ang kapayapaan at iniigatan sa kaharian ng Albania. Kaya naman maraming naghahangad sa kanya. Ang kinakatakutan at malakas na nilalang sa mundong ito ay ang mga........dragon," sabi niya at naging mariin ang pagbanggit niya sa huling salitang binitawan. Natigilan naman ako. Dragon? Hindi ko alam kung ano ang sasabihin , matapos kong marinig iyon. Dragon. Maraming beses ko na iyong narinig, kahit nasa dating buhay pa ako. Hindi ko alam na nag e-exist iyon sa mundong ito. "Anong ibig mong sabihing mga dragon?" nagtataka kong tanong. Umiwas siya ng tingin sa akin. "Oo, mga dragon. Sila ang kinakatakutan at malalakas na nilalang sa mundong ito. Higit sa lahat, mga dragon ang dahilan kung bakit namatay ang ama ko. Maging nang magulang ni Hermes at kapatid noon," seryoso niyang sabi. Natigilan pa ako sa huling sinabi niya, lalo na tungkol kay Hermes. "Anong ibig mong sabihin tungkol kay Hermes?" seryosong taong ko. "5 years ago, lumusod ang mga dragon dito upang angkinin ang kaharian ng Albania. Maraming namatay noon at isa na ang magulang at kapatid ni Hermes. Kaya galit na galit si Hermes kapag naririnig niya ang salitang dragon. Ito kasi ang dahilan kung bakit nawala ang pamilya niya," malungkot niyang sabi. Kaya naman nakaramdam din ako ng lungkot dahil sa sinabi niya. "Dito rin ba sa kaharian naninirahan ang mga dragon?" tanong ko. Umiling siya. "Walang kahit isang dragon ang nakatira dito. Nasa katimogang bahagi naninirahan ang mga taong-dragon; sa kaharian ng Lema. Kung saan pinamumunuan ito ng sakim na hari, na nais pakasalan ang Princesa. Hays, huwag na nga nating pag usapan iyon, naiinis lang ako," sabi niya at tumalikod na sa akin. Nanatili akong nakatayo habang nakatingin sa kanya na naglalakad. Mayamaya ay napasunod na rin ako sa kanya. Lema. Dragon. Bakit pakiramdam ko may kahulugan iyon sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD