Chapter 11- Paligsahan 1

1815 Words
Nanatili kaming nakayuko ni Rico, habang nasa harapan namin ang Princesa. Nararamdaman ko naman na nakatingin lang siya sa amin. "Nakikita kong kaya mong lumaban. Kaya naman inaasahan kong mananalo ka. Kapag nanalo ka, may sasabihin ako saiyo," narinig kong sabi niya. Napaangat ang tingin ko sa kanya at nakita ko siyang nakangiti sa akin. Natigilan naman ako dahil sa mga ngiti niya. Tama ba ang nakikita ko? Nakangiti siya sa akin? "I will support you," nakangiting sabi niya. Mayamaya ay tumalikod na siya sa akin at naglakad na paalis. Nanatili akong nakatingin sa kanya at hindi ko maintindihan kung bakit niya kailangang sabihin iyon. Anong mayroon sa kanila ni Hermes at ganito siya magsalita? "Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko," narinig kong sabi ni Rico. Kaya inalis ko na ang tingin sa dinaanan ng princessa at lumingon kay Rico. Mapang asar siyang nakatingin sa akin. Napailing lang ako at lumapit sa isang puno at umupo doon. Lumapit naman siya sa akin at tumabi sa pagkakaupo. Bahagya niya pang sinuntok ang braso ko at nang aasar na tumingin sa akin. "Iba din ang dating mo huh? Mukhang nabighani saiyo ang Princesa," nang aasar niyang sabi sa akin. "Tss, baka nakakalimutan mo na hindi ako ang Hermes na kilala mo. Wala rin akong alam kung may koneksyon ba ang Princesa kay Hermes," sabi ko sa kanya. Nakita ko kung paano siya matigilan dahil sa sinabi ko. Mukhang naalala niya ang sitwasyon ko. Narinig kong napabuntong-hininga siya at nanahimik bigla. "Pasensya ka na sa sinabi ko," sabi ko sa kanya. "Ayos lang, nakalimutan ko nga na hindi na pala ikaw ang dating Hermes na kilala ko. Ngunit nakakagulat pa rin nang makitang lumapit siya sa atin at sabihin iyon saiyo," sabi niya sa akin. Sumang ayon naman ako sa sinabi niya. Sadyang nakakapagtaka ang naging kilos at salita ng Princesa. "Sa tingin ko may inililihim si Hermes at ang Princesa. Kapag nalaman niyang hindi ako ang Hermes na kilala niya ay siguradong magugulat siya," sabi ko kay Rico. Tumingin naman siya sa akin. "Siguro ganoon ang mararamdaman niya. Ngunit nakakapagtaka pa rin talaga kung ano ang koneksyon nila sa isa't isa," sabi ni Rico at bahagyang napaisip. "Wala ka bang alam tungkol dito? Tungkol sa Princesa at kay Hermes?" tanong ko sa kanya. Umiling siya. "Wala akong nalalaman tungkol diyan. Nagulat nga rin ako dahil ganoon ang naging pakikitungo niya sa saiyo," sabi niya. Tumango ako at napaisip na rin. Siguro kakausap ko siya kapag nagawa kong manalo sa paligsahan. Gagawin ko ang lahat manalo lang at malaman ang lahat, lalo na kay Hermes.       At nang sa wakas ay dumating na rin ang pinakahihintay naming lahat, lalo na sa akin. Dumating na araw kung saan magsisimula na ang paligsahan. Kasama ko si Rico kanina nang pumunta kami dito sa arena, sa labas ng palasyo. Kung saan gaganapin ang paligsahan. Nagtipon-tipon ang lahat ng kalahok sa bulwagan ng arena. Habang ang mga manonood ay nasa gilid, kung saan naroon ang mga upuan. Nakikita ko kung gaano karami ang mga manonood, kaya nakaramdam ako ng konteng kaba dahil sa dami ng tao. Marami kaming kasali sa paligsahan at nakita ko rin si Topper na seryosong nakatingin sa akin. Hindi ko na lamang siya pinansin at ibinaling ang mga mata ko sa paligid. Hanggang sa napatingin ako sa itaas, kung saan nakaupo ang mga maharlikang pamilya. Nakita ko roon ang Princesa na nakatingin naman sa gawi ko. Nasa tabi nito ang heneral na nakausap namin ni Rico, noong nakita niya kaming nakikipaglaban kina Topper. Inalis ko ang tingin sa kanya at nag-fucos. Mayamaya ay may naglakad sa gitna, habang may dalang microphone. "Good morning everyone! Ngayong araw ay magsisimula na ang unang araw nang paligsahan! Bago natin sisimulan ay ipapakilala muna natin ang ating mga kalahok. They are 30 mens participants and now let's give them around of applause!" narinig kong sabi nang taga-pagsalita sa paligsahan. Narinig ko ang ingay sa buong paligid ng arena at tila tuwang-tuwa sa nakikita. Ipinakilala niya isa-isa ang mga kalahok at kasama ako sa mga pinakilala niya. Medyo natigilan pa ako dahil may sumisigaw din sa pangalan ko. Hindi ko alam na marami rin palang nakakakilala kay Hermes. Pinaliwanag naman nang taga-pagsalita ang mga dapat naming gawin at mga hindi pweding gawin. "The one who can reach the highest level 10 and have a 100 points will be the winner. The first level will be held here in Arena and the others will be somewhere. In this round, you need to make a long range of archery. The one who can shoot the first 1 out of 10 raw will have 10 points. If someone shoot the 10 raw will be eliminated. Those who can shoot the 2 to 9 raw will have 5 points. You can only use two shoot in this game, to shoot the raws. Every shoot will be counted. That's the game in this round, so be ready participants! This game was choose of our General Rui, to know who's the best in Archer. So, you need to your best! Let's start the first round of the tournament!" masayang sabi nito at malakas na hiyawan ang pumuno ng ingay sa arena. Nakita ko ang ilang kawal na may hawak na mga pana at palaso, na siyang gagamitin namin. Hindi ko maiwasang kabahan. Sinanay ko naman ito pero dahil medyo malayo ito ay hindi ako sigurado kung makakatama ako. Ngunit kailangan kong magtiwala sa sarili ko. Matapos ihanda ng mga kawal ang mga gagamitin namin ay may lumapiy uli na dalawang kawal, habang may dalang box. Sa tingin ko bunutan ang mangyari kong sino ang unang titira. Kaya naman nagsimula nang bumunot ang lahat, nang ako na ang sumunod ay seryoso lang ako. Nang makakuha ako ay nakita ko kung anong numero ko, 10. Ika-sampu ako, kaya tiningnan ko nang mabuti kung gaano kalayo ang magiging tira ko. Dalawang subok lang mayroon ako kaya kailangan kong maging pursigido sa larong ito. Nang makabunot na ang lahat ay nauna nang pumwesto ang unang titira. Nakita ko kung paano niya sinipat nang mabuti ang hawak niyang pana at palasyo, patungo doon sa titirahin nito. Ilang sandali pa ay binitawan na niya ito at tumama ito sa 7 raw. Kaya napailing siya at muling pumorma para sa ikalawang tira niya. Nang bitawan na niya ito ay tumama ito sa 2nd raw. Napatingin ako sa nakuha niyang points. May 10 points siyang nakuha. Matapos niya ay sumunod ang pangalawang titira at nakakuha rin ng 10 points. Hanggang sa sunod-sunod na ang ilan sa pagtira. Nang ako na ang susunod ay napabuga muna ako nang hininga, bago lumapit at kinuha ang pana at palaso. Tumingin ako sa layo ng titirahin ko. Inayos ko ito at sinipat ng mabuti. Nang makita ayos na ay saka ko binitawan ang palaso. Tila naging mabagal ang oras para sa akin, habang nakatingin ako sa palasyo kung saan ito tatama. Nang tumama ito ay muntik ko nang mabitawan ang hawak ko. Konte na lang kasi ay sa 10 raw iyon tatama, mabuti na lang at sa gitna ng 9 raw iyon tumama. Napalunok ako nang bahagya at nakaramdam ng konteng kaba. "Huwag mong sabihin hanggang dito lang ang kaya mo," narinig ko sabi ng pamilyar na boses. Lumingon pa ako dito at nakita kong nakangisi si Topper sa akin. Maging ang ilang kalahok na katunggali ko. "Hanggang salita ka lang pala," muling sabi niya. Hindi na lang ako nagsalita at inalis na ang tingin sa kanya. Muli akong pumwesto at mariing sinipat ang palaso sa first raw. Bumilang ako ng tatlong segundo sa isip ko at pumikit ako bago binitawan ang palaso. Sa pagdilat ko ay nakita ko kung saan ito tumama. Mayamaya ay narinig ko ang hiyawan ng lahat. Tumama ito sa first raw, kaya napangiti ako. Naging maingay ang arena dahil sa nangyari. Bahagya akong napatingin sa kung saan nakaupo ang Princesa. Nakita kong pumalakpak din siya at nakangiti sa akin. Inalis ko rin agad ang tingin sa kanya at bumaling kay Rico na nakaupo sa nakahilirang upuan. Sinigaw niya pa ang pangalan ko habang tuwang-tuwa sa nangyari. Napangiti lang ako sa kanya at binigay ko na sa susunod na titira ang hawak kong pana at palaso. Nakita ko pang sinamaan ako nang tingin ni Topper, pero hindi ko iyon pinansin. Nagtuloy-tuloy ang laro, hanggang sa natapos rin ito. May mga natanggal na sampung kalahok sa unang round. Kaya naman kaunti na lang kaming mga maglalaban at maghaharap sa susunod na round. Matapos no'n ay nagsama-sama ulit kami, para alamin kung ano ang gaganapin sa susunod na round. "Alright! Natapos na ang ating unang round. Kaya naman ang susunod ay... Hunting!" sabi ng taga-pagsalita. Nakita kong nagbulungan ang mga kasamahan ko kung ano ang sinasabi nitong 'hunting'. Maging ako ay iniisip kung ano ito. "Hunting! Ito ang gagawin niyo sa susunod na round. Sa dalawampung kahalok na nandito. You will enter in an illusion city to hunt your enemies. In this game, you can't use any magic. You can only use your martial arts abilities. If someone use magic, it will be eliminated. You need to earn 10 points in this round. You can earn 2 points every person you deafet in this round," paliwanag nito sa amin. Mayamaya ay may tinawag siya at may dalawang kawal ang lumapit. May dala itong parang wristband, na iba-iba ang kulay. Binigyan kami nito isa-isa at matapos nitong maibigay sa amin ay umalis na rin ang mga ito. "Iyang mga hawak niyong wristband ay siyang magiging buhay niyo loob ng illusion city. Kapag naubos na ang kulay pula diyan, ibig sabihin ay talo na kayo. Kung sino man ang walang makuhang points ay tanggal na. Sa larong ito, kapag nakatalo ang isa at nagkaroon nang puntos. Maaaring maagaw ang puntos nito kapag natalo siya nang susunod niyang kalaban. Kaya kung sino ang unang makakuha ng lahat ng puntos ay siyang makakakuha ng 10 points sa larong ito. May kalahating oras kayo para mabuo ang dapat niyong puntos. Kapag umabot na sa oras at may natira pa sa loob ng illusion city. Makakuha pa rin ng dalawang puntos ang mga ito. Sa mga makakakuha naman ng mataas na puntos, kahit hindi iyon nabuo ay siya pa rin ang magkakaroon ng sampung puntos na ito. Kaya naman, humanda na kayong lahat at magsisimula na ang ikawalang round ng paligsahan!" mahabang paliwanag niya at nasundan iyon nang hiyawan ng lahat. Inihanda ko na ang sarili ko, dahil alam kong marami akong makakalaban sa loob. Lalo na at naroon rin si Topper. Bahagya pa akong lumingon sa kanya at nakita ko siyang masama ang tingin sa akin. Napailing na lang ako at iniwas ko na lang ang tingin sa kanya. Mayamaya ay nakita kong nawala na ang mga tao sa arena. Mali! Napunta na pala kami sa ibang demension, na tinatawag nilang illusion city.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD