Chapter 12- Paligsahan 2

1710 Words
Pinakiramdaman ko ang paligid. Napakatahimik at wala akong nakitang mga kasamahan ko sa paligsahan. Mukhang pinaghiwa-hiwalay nila kaming lahat. Marahan akong naglakad, habang pinapakiramdaman ang paligid. Hawig talaga ito sa isang lungsod. Maraming nakatayong buildings, maging mga bahay ay mayroon din. Sa kakalad ko ay napalingon ako bigla sa kaliwa ko at nakita ko ang isang kalahok na biglang tumakbo sa akin. Inatake niya ako ng suntok pero nasangga ko iyon at bahagya akong napaatras. Napatingin ako sa kanya at nakangisi siyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam pero pamilyar siya sa akin. "Uunahin kita, para makagante si Topper," nakangisi niyang sabi at muli akong inatake. Hindi ko siya hinayaang saktan ako. Seryoso akong tumingin sa kanya at palihim na pinagmamasdan ang paligid. Wala akong naramdamang kasama niya, kaya siguradong siya pa lang ang nakakita sa akin. Muli ko siyang tiningnan at iniwasan ko ang atake niya. Ako naman ang umatake sa kanya ng suntok, pero maiwasan rin niya. Kaya naman sabay kong ginamit ang paa at kamay ko sa pag atake. Natamaan ko siya, kaya nakita ko ang pagkabawas sa buhay niya sa suot niyang wristband. Napatingin naman ako sa akin at nakita kong may puntos na ako mula sa kanya. Napamura siya at agad akong sinugod. Ngunit naiwasan ko rin iyon, pero natigilan ako nang mula sa likod ko ay may naramdaman akong paparating. Iniwasan ko iyon at nakita kong isang malaking bato iyon. Sa kamalas-malasan ay sa kalaban ko kanina iyon tumama. Kaya naman naubos bigla ang buhay niya sa wristband at agad na naglaho. Bumaling ako sa taong bumato no'n. Medyo natigilan pa ako dahil sa laki ng katawan niya. Nakita kong kumuha ulit siya ng bato at biglang binato sa akin. Naiwasan ko naman iyon at seryosong tumingin sa kanya. Nasisiguro kong dehado ako sa labang ito, pero hindi ako pweding magpatalo. Tumakbo siya patungo sa akin, upang atakihin ako. Inambangan niya ako ng suntok at sinabayan ko iyon. Sa lakas ng impact sa pagtama ng aming kamao ay pareho kaming napaatras. Nakita ko namang natigilan siya at seryosong tumingin sa akin. "Ikaw ang tinutukoy nilang Hermes, di ba?" tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot sa tanong niya. "Ang sabi nila mahina ka at wala kang kakayahang lumaban. Nakita ko naman iyon noon pa. Ngunit nakakapagtaka kung bakit sumali ka dito, kahit wala ka namang kakayahan. Ngayon alam ko na kung bakit, tinatago mo lang ang kakayahan mo," sabi niya. Mukhang kilala rin ng lalaking ito si Hermes. Kaya naman hindi ko alam kung paano siya kakausapin. "May dahilan kung bakit ko iyon inilihim at hindi ko kailangang magpaliwanag para doon," tanging tugon ko sa kanya. "Mabuti naman kong ganoon at sumali ka na dito. Ngunit hindi ako magpapatalo saiyo sa laban na ito," sabi niya sa akin. Napangiti lang ako at inihanda ang sarili ko sa pakikipaglaban sa kanya. Inihanda niya rin ang kamao niya at sabay kaming sumugod sa isa't isa. Suntok at sipa lamang ang nagagawa namin dahil nga hindi kami pweding gumamit ng kapangyarihan. Naiiwasan ko minsan ang atake niya, ganoon rin siya. Nasasabayan ko siya sa mga atake niya at nang magkaroon ako nang pagkakataong muli siyang atakihin ay hindi niya iyon naiwasan. Nagawa ko siyang mapatumba, nang malakas ko siyang sinipa sa likod. Ngunit nagawa pa rin niyang makatayo pero nakakuha na ako nang puntos mula sa kanya. Mayamaya ay naramdaman ko na namang may paparating at iniwasan ko ang atakeng ginawa nito. "Hermes," tawag nito sa pangalan ko. Napalingon ako dito at hindi ko naman ito makilala. Dahil nga talagang hindi ko halos kilala ang lahat ng nga kalahok sa laban. May dala siyant matigas na kahoy at seryosong nakatingin sa akin. Napasulyap naman ako sa lalaking nakalaban ko, na ngayon ay nakatayo na. Pareho kaming nakatayong tatlo, habang pinapakiramdaman ang paligid.  "Hindi ko aakalaing sasali ka ngayon, Hermes. Magaling ang pinakita mo noon unang round, ngunit tatagal ka kaya sa round na ito?" nakangising sabi nito at mabilis na binato sa akin ang hawak niyang kahoy.  Seryoso ko naman itong sinuntok at nahati ito. Nakita ko kung paano siya matigilan sa ginawa ko. Hindi ko rin alam kung paano ko nagawa iyon, basta ang alam ko ay kailangan kong lumaban. Maraming nakakakilala kay Hermes, na hindi ko naman kilala. Ang magagawa ko lang ay manahimik at hindi magsasalita hanggang sa matapos ang laban. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Nararamdaman ko ang tingin nilang dalawa sa akin, na tila hinihintay kung kailan ako aatake. Iginalaw ko paikot ang paa ko, maging ang kamay ko. Mayamaya ay tumakbo ako patungo doon sa bagong dating. Tumakbo rin siya palapit sa akin, pero tumambling ako nang malapit na ako sa kanya. Hinawakan ko ang ulo niya saka ko ginalawa sa ere ang paa ko at sinipa siya sa likod paikot. Kaya napasubsob siya sa cemento at napadura ng dugo. Napahandusay siya at hindi halos makatayo. Dahil sa ginawa ko ay bigla na lang siya nawala at nakuha ko ang puntos na mula sa kanya. Kaya naman bumaling ako sa isa pang nakatayo at nakita ko ang pagkamangha sa kanya. Napasulyap ako sa natitirang oras, 15 minutes pa bago matapos ang round na ito. Kaya kailangan ko siyang talunin kaagad. Natigilan pa ako na pumalakpak siya. "Nakakabilib ang ginawa mo. Gusto kitang labanan pero sa ngayon ay huwag na muna. Mas gusto kitang makaharap sa ibabaw ng ring at makita kung ano pa ang kaya mong gawin. Sa iba na lang ako magpapalipas ng oras. Kaya pagbutihin mo upang muli tayong magkaharap," sabi niya at tumalikod na sa akin. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya, nang tumalikod na siya. Nararamdaman ko kung gaano kalakas ang aura niya. Hindi ko alam pero, mukhang sinadya niyang palabasin ang aura niya para maramdaman ko iyon. "Sandali!" tawag ko sa kanya. Huminto naman siya at bumaling sa akin. "G-Gusto ko lang malaman, k-kung anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya. Nakita kong natigilan siya. Mukhang hindi niya inaasahan na tatanungin ko siya no'n. Maging ako ay natigilan sa tanong ko, nasisiguro ko na kung kilala ni Hermes ang isa't-isa ay magtataka talaga siya sa tanong ko. Gusto ko mang bawiin ang tanong ko pero huli na para gawin iyon. "You don't even know me?" nagtataka niyang tanong.  Hindi agad ako nakasagot sa kanya at nanatili lang na nakatingin. "Nakakapagtaka kung bakit mo ako tinanong nang ganyan. Ngunit sige, magpapakilala ako. I'm Troy and whe are cousin in our mother side. See you around," paalam niya sa akin. Hindi ko maiwasang matigilan dahil sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Pinsan ko siya? I mean, pinsan siya ni Hermess? Muntik ko nang masapo ang noo ko dahil sa katangahan ko. Mukhang kailangan ko nang manahimik sa susunod at umiwas para hindi magtaka ang mga taong nakakakilala kay Hermes. Nang makaalis na siya ay nagsimula na rin akong makahanap ng mga makakalaban. Tumingin ako sa mga puntos at nakita kong pangatlo ako sa nakakuha ng puntos. Nangunguna si Topper, na hindi ko pa nakikita. May mga nasaslubong akong mga makakalaban ko at natatalo ko naman kaagad. Hanggang sa matapos ang oras ay hindi ko nakalaban si Topper. Pagkatapos ng oras ay kusang nawala ang illusion city at bumalik na kami sa dati. Nakita ko na lang ang sarili ko sa loob ng arena, kasama ang mga kalahok sa laban. Nakita ko naman si Topper na napatingin sa akin, maging si Troy na tumango naman sa akin. Tumango lang rin ako bilang tugon. Muli akong tumingin sa mga puntos namin at pangatlo pa rin ako. Nangunguna si Topper sa aming lahat. Kasunod ko naman si Troy na nasa pang apat na pwesto. Nakita ko rin na may limang natanggal sa amin. Kaya 15 na lang kami na maglalaban sa susunod na round. "At ngayon natapos na ang pangalawang round! May limang natanggal at ang mga naiwan ay magpapatuloy sa susunod na laban. Ngunit ipagpatuloy natin ang laban bukas, para sa susunod na round. Kaya magkita-kita tayong muli bukas!" sabi ng taga-pagsalita at namaalam sa lahat. Kaya naman naglakad na rin ako palabas ng arena. Nakasabay ko pa si Topper na napasulyap sa akin. "Hindi ko alam kung pinagtataguan mo ako kanina o takot kang labanan ako. Ngunit sa susunod ay sisiguraduhin kong ikaw ang uunahin ko," mariin niyang sabi at mabilis akong nilagpasan. Hindi ko na lang siya pinansin at napailing ako sa sinabi niya. Habang naglalakad ako palabas, nararamdaman ko naman ang tingin ng karamihan sa akin. "Hermes!"  Napalingon ako sa taong tumawag sa akin, nang makalabas ako sa arena. Nakita ko si Rico at may kasamang dalawang babae. Kaya naman hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila. "Grabe! Ang galing mo kanina!" masayang sabi ni Rico sa akin. Napakamot lang ako sa batok ko at napasulyap sa kasama niya. Nagtatanong ang tingin ko sa kanya, habang napapasulyap sa kasama niya. "Oonga pa! Kasama ko si Eunice at Ella, nandito sila para batiin ka," sabi niya at ginulo ang buhok no'ng dalawa. Nasisiguro kong si Eunice iyon una niyang ginulo ang buhok at kasunod y kay Ella, para makilala ko kung sino ang mga ito. Iba din dumiskarte! "Natuwa kami dahil sumali ka na, Hermes," sabi sa akin ni Eunice. "O-Oonga, salamat sa suporta," sagot ko sa kanya. "Hindi ko akalaing marunong kang makipaglaban kanina, ang galing no'ng ginawa mo," sabi naman ni Ella. "Salamat," tugon ko. Kahit hindi ko naman sila kilala ay nasisiguro kong malapit sa kanila si Hermes. "Sige ha? Mauna na kami sa inyo, manonood kami ulit saiyo Hermes," muling sabi ni Eunice. "Sige, asahan ko iyan," sabi ko naman kay Eunice. "Sa susunod ulit, Hermes, Rico," paalam no'ng dalawa. Tumango lang kami ni Rico sa kanila at umalis na rin sila. Nang wala na sila ay mabilis akong lumingon kay Rico. "Sino ang mga iyon?" tanong ko sa kanya. Napakamot siya noo niya, bago siya nagsalita. "May gusto iyon kay Hermes, pero si Ella ay crush ko matagal na. Kaya nang makita nila ako ay sumama sila sa akin para batiin ka," sabi niya sa akin. Napatango ako. "Halika na, para naman makapagpahinga ka," sabi niya sa akin. Tumango naman ako at sabay na kaming umalis roon para naman makapagpahinga ako at maghanda para bukas sa susunod na laban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD