Chapter 5- First Incounter

2141 Words
HERMES POV Kinabukasan ay maaga kaming gumising ni Rico, para sa magiging trabaho namin sa araw na ito. Tulad nang una ko siyang nakita at nakilala ay nasa ilog kami. Maaga kaming kumuha ng mga dayami, para ipakain sa mga kabayo sa palasyo. Kaya dumaan muna kami sa ilog para makapagpahinga. "Hays, kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera, ay talagang hindi ako magtatrabaho sa palasyo. Kaya lang hindi ako nakapag aral, kaya ito lang ang naging buhay ko. Ikaw, doon sa panahon mo, nakapag aral ka ba?" tanong niya sa akin. Napangiti lang ako sa kanya at naalala ko ang araw kung kailan ko nakuha ang diploma ko at mga achievements na nagawa ko. "Yeah, nakapag aral ako at marami akong achievements na nakuha habang nag aaral ako. Nakapagtapos rin ako, ngunit sa araw nang pagtatapos ko ay siya rin ang katapusan ko sa panahong iyon dahil sa ginawa ng kuya ko sa akin," sabi ko at naging seryoso sa huling sinabi ko. Napansin kong napatingin siya sa akin. "Pinatay ka niya tama? Bakit naman niya gagawin iyon saiyo?" nagtataka niyang sabi sa akin. Bahagya akong napabuntong-hininga at inalala ang mga sinabi ni kuya ng araw na iyon. "Sa totoo lang, napakapasaway ng kuya ko. Mas nauna pa nga akong nakapagtapos kaysa sa kanya. Hindi kasi siya pumapasok at laging nasa barkada tumatabay. Minsan ay umuuwi siyang lasing, kaya nagagalit sa kanya sina mama at laging ipinagkukumpara sa akin. Ayoko sa lahat ay iyong ikinokumpara ako, kaya naman pinagtatanggol ko siya minsan kapag pinapagalitan siya nina mama. Hindi ko alam na sa bandang huli ay siya pa ang t-traydor sa akin. Matinding selos at inggit ang naramdaman niya sa akin, iyon ang sabi niya bago ako pinatay," kwento ko sa kanya. Tahimik lang siyang nakikinig sa akin. Mukhang naiintindihan niya kung ano man ang sinasabi ko. "Ngunit mali pa rin ang ginawa niya saiyo, hindi niya iyon dapat ginawa," napapailing niyang sabi. Sumang ayon na rin ako sa kanya. Habang nag k-kwentuhan kami ay bigla akong may naramdamang kakaiba. Pakiramdam ko may paparating, kaya hinawakan ko ang lupa na nasa paanan ko at pinakiramdaman iyon. Comfirm! May paparating nga, dahil na rin sa ingay na nagmumula sa lupa. Mukhang galing sa isang tumatakbong kabayo ang ingay na iyon. Pinatigil ko saglit si Rico sa kung ano man ang sasabihin niya. Kaya napahinto rin naman siya. "Bakit?" tanong niya pa. "May paparating," seryosong sabi ko. Napansin ko namang napalingon siya sa paligid. "Wala naman akong nakikitang paparating ah?" nagtataka niyang sabi. Umiling lang ako at itinuro ang dereksyon, kung saan may paparating. Napatingin naman siya doon at napansin ko kaagad na natigilan siya. "s**t, halika na! Hindi nila tayo pweding makita dito," sabi niya at dali-daling tumayo. Kinuha niya agad ang kanyang dalang dayami, ganoon rin ang ginawa ko at akma na kaming aalis nang biglang may nagsilabasang mga kabayo mula doon sa itinuro ko kay Rico. "s**t, bilisan natin dali!" nagmamadali niyang sabi at patakbo kaming umalis sa lugar na iyon. . Nagmamadali kaming umalis sa lugar na iyon, pero masyadong mabilis ang pagpapatakbo ng mga ito sa kabayo. Kaya naman naunahan nila kami at nagulat ako sa ginawa nila kay Rico. Hinampas ng isang lalaki na sakay ng kabayo ang dala niyang dayami kaya naman napadapa siya at natanggal ang tali sa dayami. Kaya nagkalat ito sa daan. Mayamaya ay may napansin akong aatake sa akin, kaya agad akong lumayo dito at umiwas. Dahil sa ginawa kong pag iwas ay na-out balance ito at nahulog sa kabayo. Nagpagulong-gulong ito patungo sa kinaroroonan ni Rico. Nakita kong dahan-dahang tumayo si Rico. Ngunit natigilan ako at nabitawan ko ang hawak kong dayami dahil sa nakita kong paparating na lalaki at akmang hahampasin si Rico. Tumakbo ako patungo kay Rico at bago pa umabot kay Rico ang lalaking atatake sa kanya ay sinipa ko ito, kaya tumilapon ito. Hinila ko papalapit sa akin si Rico, na nagugulat na nakatingin sa dahil sa ginawa ko. "W-Wow ang bilis no'ng ginawa mo," narinig kong sabi niya. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at seryosong tumingin sa harapan namin. Nakahinto ang anim na kabayo sa harapan namin at bumaba rin ang anim na lalaking sakay nito. Lumapit sa mga ito ang dalawang lalaki na nahulog sa kabayo kanina. Nakita ko ang inis sa mga mukha nila dahil sa natamong sugat sa kanilang mukha. "Kailan ka pa naging matapang huh, Hermes?" narinig kong sabi ng isang lalaki at naglakad papalapit sa amin. Nakangisi ito habang papalapit at naramdaman ko ang paglapit ni Rico mula sa likuran ko. "Siya Topper, siya ang laging bumubully sa amin ni Hermess. Kasama ang mga iyan," bulong na sabi ni Rico sa akin. Bahagyang napatango ako sa sinabi nito at mariing tumingin sa tinutukoy nitong Topper. Mukhang siya ang pinuno sa mga ito. "Oh? Bakit ganyan ka tumingin? Dati naman takot kang tumingin sa akin, bakit parang nag iba yata? Hahaha! Bakit? Lalaban ka ba huh?" natatawang sabi nito sa akin. Seryoso lang akong nakatingin sa kanya. Nang makalapit siya sa amin ay bahagyan niyang dinuro ang kamay niya sa dibdib ko at tinulak-tulak ito, kaya naman napapaatras ako sa ginawa niya maging Rico. "Lalaban ka na huh? Sawa ka nang apihin, kaya ka ganyan makatingin? Ano namang laban me, eh lampa ka naman! Hahaha!" tumatawa niyang sabi at nakitawa naman ang mga kasamahan niya. Mayamaya ay tumigil na rin siya at nakangising muling tumingin sa akin. Mabilis niyang hinawakan ang damit ko at pinalapit sa kanya. "Hermes! Pwedi ba Topper, itigil mo na ito?" awat ni Rico sa kanya. Sa halip ma tumigil sa ginagawa niya ay may pinalapit siyang kasamahan niya. Lumapit ito kay Rico at mabilis na hinampas ng latigo na hawak nito. Kaya naman nakita ko kung paano tinamaan si Rico at napadaing sa sakit. "Rico!" tawag ko sa kanya. Akmang lalapitan ko siya pero hinigpitan ng lalaking ito ang pagkakahawak sa akin. "Hindi sana siya masasaktan kung hindi ka ganyang makatingin sa akin," sabi niya sa akin. Muli akong tumingin sa kanya at seryosong tiningnan. "Bakit? Sino ka para hindi kita tingnan? Hindi ikaw ang hari para katakutan ko," seryoso kong sabi. Nakita ko kong paano siya matigilan. Kaya naramdaman ko ang muling paghigpit nang hawak niya sa damit ko, na sumasakal na sa akin. "May gana ka talagang magsalita nang ganyan ah? Tiningnan natin kung hanggang saan ang tapang mo!" sabi niya. Tinulak niya ako nang makalas, na muntik ko nang ikinatumba. Nakita kong may kinuha siyang espada sa kasama niya at mabilis na lumapit sa akin. Espada? Tsss! Inihampas niya sa akin iyon, pero mabilis akong nakaiwas. Nakita ko kung paano siya matigilan at nagtataka kung paano ko naiiwasan ang mga atake niya. Mabilis naman ang naging kilos ko at lumapit kay Rico. Tinulungan ko siyang makatayo. "Umalis na tayo dito," bulong niya sa amin. Napatingin ako sa paligid. Nasisiguro kong may pagkakataon kaming makatakas sa kanila, pero hindi iyon madali dahil marami sila. Kaya imposibleng matakasan namin sila. "Hindi tayo makakaalis ito nang ganoon kadali," bulong ko rin sa kanya. "Eh anong gagawin natin? Alangan namang labanan natin sila?" sabi niya. Yeah, walang ibang paraan kundi ang labanan sila. "Iyon lang ang maaari nating gawin," sagot ko sa kanya. "Nagbibiro ka ba? Ang dami nila at may mga dala pang sandata. Kaya imposibleng kakayanin natin silang labanan," nawawalang pag asa na sabi niya. Bumaling ako sa kanya at nginitian siya. Nagtataka naman siyang nakatingin sa akin. "Trust me," tanging sabi ko sa kanya. Napanganga siya sa sinabi ko. Muli akong tumingin kina Topper na papalapit sa amin. "Mukhang may laban ka na ngayon, pero sa tingin mo kaya mo kaming labanan nang sabay?" nakangisi nitong sabi. Mariin ko lang silang tiningnan at hindi nagsalita. Mayamaya ay napansin kong ang pag atake sa akin ng isa sa kasamahan nila, na may hawak na latigo. Mabilis ko namang naitulak papalayo si Rico, para hindi siya madamay. Inihampas sa akin ng lalaking iyon ang latigo niya, pero nakaiwas ako. Bago niya pa maihampas iyon sa akin ay nahawakan ko ang dulo nito at malakas kong hinila. Kaya nahila ang may hawak nito at napasadsad sa lupa. Inagaw ko sa kanya ang latigo at mabilis na umatake sa mga papasugod naman sa akin. Pinaikot ko ang latigo patungo sa kanila, kaya naman natamaan ang mga ito. Napahandusay ang mga ito habang iniinda ang sa sakit. Nakita kong seryosong tumingin sa akin si Toppetr, dahil sa ginawa ko sa kasamahan niya. Kaya naman mabilis siyang umatake sa gamit ang espada niya. Nakaiwas ako sa atakeng iyon at tumalon ako papunta sa likod niya saka ko siya hinampas sa likod. Kaya muntik na siyang mapahandusay kung hindi niya naitukod ang esapadang hawak niya. Agad siyang nilapitan ng kasamahan niya at mabilis naman umatake sa akin ang iba. Kaya sumugod na rin ako sa kanila gamit ang latigong hawak ko. Mabilis ko iyong inihampas sa mga ito. Nakailag ang iba at mabilis na lumapit sa akin. Susuntukin na sa ako, nang dumapa ako at sinutok siya sa tagiliran kaya napaatra ito. Napansin ko naman ang isa pa na sisipain ako pero pinaikot ko ang paa ko sa lupa at humiga. Bago pa tumama sa akin ang sipa niya nasutok ko na ang bente niya. Kaya dumadaing siya sa sakit dahil sa ginawa ko. Dahan-dahan akong tumayo at nakita ko ulit si Topper na sumugod sa akin gamit ang espada niya. Ngunit bago pa siya makalapit sa akin ay may kakaibang enerhiya akong naramdaman. Napahinto ako sa pagsugod kay Topper, dahil mukhang patungo iyon sa amin. Gaya nang inaasahan ko, may isang palaso na tumama sa puno, sa pagitan namin ni Topper. Napahinto rin si Topper at natigilan sa palasong nasa puno. Mabilis akong tumingin sa pinanggalingan nito at natigilan sa nakita ko. Sandali, anong klaseng mga tao iyon? Napatingin ako kay Topper na agad yumuko. Kaya nilipat ko kay Rico ang tingin ko, bigla rin siyang yumuko. Kaya naman napayuko na rin ako, dahil sa tingin ko hindi sila simpleng mga tauhan lang. Narinig ko ang mga yabag nilang papalapit sa kinaroroonan namin. Hindi ko maintindihan ang aking sarili, kung bakit ang kong makaramdam. Hindi naman ako ganito noon, bakit ngayon pakiramdam ko may kakaiba rin sa akin. "What's going on here, why are you fighting each other," seryosong sabi ng isang lalaki nang makalapit ito sa amin. "G-General Rui, n-nag iinsayo lang kami para sa darating na paligsahan," biglang sabi ni Topper. Palihim akong napatingin sa kanya. Paligsahan? Para saan iyon? "Ganoon ba? Ngunit bakit pakiramdam ko hindi insayo ang nakikita namin kanina?" sabi niya at naramdaman kong tumingin siya sa akin. "Tagapag-silbi kayo pareho ng palasyo at hindi na ako magtataka kung may ganito kayong alitan. Ngunit hindi ko rin palalampasin ang nakita ko ngayon. Kaya ikaw, sabihin mo, bakit kayo naglalaban? Totoo bang nag iinsayo kayo?" tanong nito sa akin. Nag angat ako nang tingin at sumulyap kay Rico, maging kay Topper. Nakita kong bahagya siyang umiling, kaya seryoso akong tumingin sa taong tinawag ni Topper na heneral. "Hindi kami nag iinsayo," pag amin ko. Nakita ko kung paano tumaas bahagya ang kilay nito at sumulyap kay Topper na napapikit dahil sa sinabi ko. "Ganoon ba? Sige, ipaliwanag mo kung ano iyong nakita namin," muling sabi niya sa akin. Napabuntong-hininga ako at seryosong bumaling kina Topper. "They are bullying us. Pauwi na kami galing sa pagkuha ng mga dayami, nang atakihin nila kami. May dala silang sandata, kaya kung hindi kami lalaban, kami ang mapapahamak sa ginagawa nila sa amin. Inatake nila kami ng kasama ko at wala akong nagawa kundi ang lumaban. Wala akong dahilan para saktan sila, kaya hindi ko alam kung bakit nila kami inatake," paliwang ko sa kanya. Napatango-tango siya at nakita kong napatingin siya sa dayami, na dala namin ni Rico. Tumingin rin siya kina Topper na tahimik lang at walang masabi. "Okay, naiintindihan ko. Ikaw si Topper tama? Isa ka sa mga tagapag-silbi ng hari, kaya naman ayusin mo ang trabaho at pakikitungo niyo sa kasamahan niyo sa palasyo. Palalampasin ko ang ginawa ninyo sa dalawang ito. Kaya sige na, umalis na kayo," sabi niya kina Topper. "O-Okay po," sabi ni Topper at umayos nang tayo. Tinawag na niya ang mga kasama niya upang umalis. Nang makaalis na sila ay nilapitan ko si Rico para umalis na rin kami. Nang akmang aalis na kami ay muli niya kaming tinawag. "What's your name?" tanong niya sa akin. Natigilan ako sa tanong niya. Hindi ko akalaing tatanungin niya pa ang pangalan ko. "I'm Hermes, G-General," pakilala ko. Tumango-tango siya at bahagyang ngumiti sa akin. "Okay, will done. I hope to you in the in-coming contest in the palace," sabi niya at tumalikod na sa amin. Nagtataka naman akong nakatingin sa kanya, habang papaalis siya. Contest? Anong Contest ang sinasabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD