Chapter 7-Agathon

1411 Words
THIRD PERSON'S POV Lihim na napangiti ang Princesa ng Albania; na si Princesa Amera, habang nakatayo sa teresa ng kanyang silid at nakatanaw sa di-kalayuan na tila may tinatanaw. Napapansin naman ng mga tagapag-silbi niya ang kakaibang aura niya at saya na nakikita nila sa mga mata nito. 'You're going to participate the event, Hermes. Hindi ko aakalain na sasali ka na ngayon,' sambit niya sa sarili. Inaalala niya ang sandaling nakita niya ito, habang nakapila sa mga magpapalista para sa paligsahan. Nagulat siya nang makita at malaman iyon, dahil nga alam niyang wala sa pagkatao nito na sumali sa ganoong paligsahan. Wala itong kakayahang makipaglaban, tulad nang pakakakilala niya dito. Kilala na niya si Hermes noon pa, ngunit hindi niya pinapakita sa iba na kilala niya ito dahil nga isa siyang kilalang princesa at ayaw niyang mapahamak ang lalaki dahil sa kanya. Mayamaya ay may naramdaman siyang paparating. Kilala niya ito kaya hindi na siya lumingon pa dito. Maging ang mga tagapag-silbi niya ay umalis dahil sa pagdating nito. Ito ay si Heneral Rui, ang mga namumuno sa lahat ng kawal sa palasyo. Kapatid ito ng ama ni Princesa Amera. "Nakita kong kinausap mo siya kanina," narinig niyang sabi nito. Tumabi ito sa kanya habang nakatayo siya. Hindi siya nagsalita o lumingon man lang dito. "Nakita ko kung paano siya makipaglaban. Magaling siya at talagang inaasahan ko na sasali siya ngayong taon. Hindi ko alam na marunong na siyang makipaglaban, siguro palihim siyang nagsanay para sa darating na paligsahan," muling sabi nito. Bahagyang napangiti ang Princesa sa narinig mula rito. Lumingon ang princesa dito at nakita nito ang masayang mukha nito. "Maging ako ay nagulat nang makitang sasali siya ngayon. Matagal na rin nang huli kaming nagkita at nagkausap," sabi ni Princesa Amera at inalis niya ang tingin dito. "Ano ba talagang relasyon niyong dalawa?" tanong ni Heneral Rui. Hindi agad nakasagot ang Princesa sa tanong na iyon. Kaya napansin niyang napatingin ito sa kanya at hinihintay ang sagot niya. "Minsan ko na kayong nakitang nag usap noon sa harden nang palihim. Hindi ko masabi kung magkaibigan lang ba kayo o ano. Ngunit sige, hindi na ako magtatanong," sa halip na sabi na lamang nito. Napangiting muli ang Princesa sa sinabi nito at biglang naalala ang mga sandaling palihim silang nagkikita ni Hermes. Sa harden man o sa loob ng palasyo. Maging siya ang hindi alam kung magkaibigan lang ba sila o ano. Ang tanging alam niya sa sarili ay may gusto siya dito. "I like him," biglang sabi niya. Kaya natigilan si Heneral Rui sa narinig mula sa kanya. Bahagya itong natawa at hinimas ang noo nito. "Sa nakikita at napapansin ko ay talagang may gusto ka sa kanya," tugon nito sa sinabi ng princesa. Tumango naman ang Princesa sa sinabi nito at mayamaya ay naging seryoso ang mukha niya. "Ngunit nang makita ko siya kanina ay may naramdaman akong kakaiba. Pakiramdam ko may nagbago sa kanya," nagtatakang sabi ng Princesa. Napatingin sa kanya ang heneral dahil sa sinabi niya. Napaisip rin ang heneral, matagal na niyang sinusubaybayan si Hermes pero kahit kailan hindi niya ito nakitang makipaglaban, tulad nang nakita niya. Hindi niya maiwasang magtaka dahil sa napansin niya at sa sinabi ng Princesa. "Gusto mo bang padalhan siya ng mensahe para makausap mo?" suhesyon sa kanya ng heneral. Napailing si Princesa Amera sa sinabi nito at napabuntong-hininga. "Huwag muna sa ngayon, ayokong abalahin siya. Lalo na sa paparating na paligsahan, gusto ko siyang makita kung paano makipaglaban," tanging sabi niya dito. Napatango na lang ang heneral sa sinabi niya. "Sige, Princesa Amera, mauna na ako saiyo," paalam nito. Tumango lang ang Prinsesa at ngumiti sa kanya, bago umalis. Naiwan ang Princesa habang nakatayo pa rin. Tumingin siya sa malayo at iniisip kung kailan niya ulit makakausap si Hermes. Bilang isang prinsesa ng kaharian, hindi niya maaaring ipaalam na may ugnayan siya sa isang tagapag-silbi ng palasyo. Magagalit ang kanyang magulang at maraming magtatanong, lalo na ang mahaharlikang pamilya sa kaharian nila. Kaya namn minabuti niyang ilihim ang ugnayan niya kay Hermes. Tanging si Heneral Rui lang ang nakakaalam sa pag uusap at pagkikita nilang dalawa. Nakita niya kasi noon, na isang mabuting lalaki si Hermes. Matulungin ito at isa iyon sa nagustuhan niya sa binata. "Mahal na Princesa.." Natigilan si Princesa Amera sa isang boses na narinig niya. Kaya naman napatingin siya sa paligid pero wala siyang nakitang ibang tao bukod sa kanya. Nakaramdam siya nang kaba, habang napapatingin sa paligid. "S-Sino ko!" pasigaw niyang tanong. Naramdaman niya ang kakaibang aura na buo sa ere, kaya napaatras siya nang bahagya. Nagulat siya nang tuluyan na itong nabuo, na isang taong. Muli siyang napaatras dahil kilala niya ito. "I-Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Anong kailangan mo?" matapang niyang tanong dito. Napangisi ito at bahagyang naglakad palapit sa kanya, kaya muli siyang napaatras palayo dito. "My lady, I just want to see you and your beautiful smile," sabi nito. Bigla siyang nakaramdam ng kilabot dahil sa sinabi nito. Mayamaya ay bigla itong nawala at napunta sa likod niya. Kaya hindi na siya nakakilos pa dahil sa ginawa nito. "L-Lumayo ka sa akin," kinakabahan niyang sabi dito. Naramdaman niya ang hininga nito, malapit sa may tenga niya. Kaya napapikit siya at kumabog ang dibdib niya sa subrang kaba. "Bakit ko naman gagawin iyon? Nandito ako para bisitahin ka, aking reyna," sabi nito. Mas lalo siyang nakaramdam ng kaba at takot dahil sa sinabi nito. "Hindi mo ako Reyna, kaya huwag mo akong tawaging ganoon," matapang niyang sabi kahit na kinakabahan na siya. Napangisi naman ito at naglakad paharap sa kanya. Seryoso lang na nakatingin dito si Princesa Amera. Siya si Agathon, ang hari ng kaharian ng Lema. Alam niya kung bakit ito laging pumupunta sa kaharian nila. Iyon ay dahil sa kanya. Matagal na nitong nais na makuha ang kamay niya upang makasal dito. Ngunit laging tumatanggi ang ama niya, dahil hindi gusto ng ama niya ang pag uugali nito. Masyado itong sakim at may itim nakapangyarihan. Alam din niya ang ginawa nito sa dating hari at reyna ng Lema. Kaya isa iyon sa dahilan upang hindi niya ito magustuhan. "Akin ka lang Amera, kahit anong mangyari ay akin ka. Walang kahit na sino ang makakakuha saiyo, dahil akin ka lang," nakangisi nitong sabi at hinawakan ang pisngi niya. Napapikit siya dahil sa ginawa nito at may nilabas na majika sa kamay niya saka pinatama kay Agathon. Naging dahilan iyon upang makalayo si Princesa Amera dito. "Hindi mo ako pag aari, kaya wala kang karapatang angkinin ako," mariing sabi ni Princesa Amera. Pinalabas niya ang apat na mahahabang buntot at inatake si Agathon. Nagawa namang makailag ni Agathon at may lumabas na pakpak mula sa likuran nito. "Aangkin kita dahil akin ka, hihintayin ko ang araw na ikaw na ang magiging Reyna ng aking kaharian," sabi nito at tumawa. Mayamaya ay bigla na lamang itong nawala. Kaya naman bumalik na sa normal ang anyo ni Princesa Amera. Mariin siyang nakatingin sa kawalan, na tila naroon pa rin si Agathon. "Kahit kailan, hindi ako magiging saiyo, Agathon," sambit niya sa kawalan at pumasok na sa loob upang magpahinga. Princess Amera was a fox lady. Isa siya sa mga itinakda noon at nakuha niya ang ganoong kapangyarihan habang nasa sinapupunan pa lamang siya ng kanyang ina. Kaya naman maraming humahanga sa kanya at iniingatan. Bihira lamang ang katulad niya na may taglay na ganoong kapangyarihan. Hindi siya ganoong makapangyarihan tulad ng mga dragon; na nakatira sa Lema. Ang kaharian ng Albania ay isang lugar na tumatanggap nang kung anong uri ang mga tao. Taong-dragon man o kung ano. Mas makapangyarihan ang mga dragon at dati nila itong kaalyansa noon. Ngunit dahil kay Agathon; ang kapatid ng hari ng Lema. Nagsagawa ito nang digmaan laban sa trono ng kaharian. Pinatay nito ang hari at Reyna. May kumalat pang balita na nawawala ang nag iisang anak nitong lalaki, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring balita tungkol dito. Simula nang si Agathon na ang namuno sa kaharian ng Lema ay inalis ng mga taga-Albania ang pagiging kaalyansa dito. Mas naging mailap sila pagdating sa Lema at wala silang planong makipaglapit ulit ito. Kaya naman nababahala ang ang Hari at Reyna, nang magpadala ng mensahe si Agathon na nais nitong pakasalan si Amera. Ngunit hindi nila hinayaan ang gusto nito at mas lalong naging maingat. Ayaw nilang isugal ang Princesa para dito, kaya naging mas protektado ang Princesa simula nang magdala ng mensahe si Agathon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD