Chapter 6- The Princess

1655 Words
Contest.. Hindi pa rin iyon mawala sa isip ko. Inaasahan niya ba akong makita sa isang paligsahan? Anong paligsahan naman? Habang nagt-trabaho ako kasama si Rico ay iniisip ko pa rin ang tungkol doon. Simula nang makabalik kami ni Rico sa palasyo ay hindi na namin nagawa pang mag usap, dahil agad kaming inutusan na pakainin ang mga kabayo. Matapos pakainin ay pinaliguan namin mga ito. Matapos ay inutusan na naman kaming maglinis sa garden ng palasyo. Kaya naman nang matapos kami ay nagpahinga na muna kami sa aming silid. Habang nakahiga ako ay napansin ko rin na nakahiga si Rico sa kama niya. Bahagya akong bumango at umupo sa kama saka tumingin sa kanya. "May itatanong ako saiyo, tungkol sa sinabi ng heneral kanina. Ano iyong paligsahan na sinasabi niya," tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Bumangon rin siya sa kama at umupo. "Paligsahan iyon para sa mga ranggo na magiging kawal ng palasyo. Para iyon sa lahat dito sa kaharian, maging mga tagapag-silbi ay maaring sumali. Ginagawa iyon taon-taon dito sa kaharian. Kung sino man ang mananalo sa paligsahan ay mapapabilang sa mga ranggo ng palasyo. Kumbaga ang mga mananalo sa ranggo ay magiging pangalawa ito sa heneral," paliwanag niya. Napatango-tango ako. Ibig sabihin ba no'n inaasahan niyang sasali ako dahil sa nakita niyang kakayahan ko? "Kayo ba ni Hermess ay sumali na?" muling tanong ko. Nakita kong umiling siya. "Hindi pa kami sumasali sa ganyang paligsahan. Gustuhin man namin ay wala rin naman kaming laban. Hindi kami ganoon kahusay makipaglaban, tulad nang nakita ko saiyo kanina," sagot niya sa akin. Kung ganoon kaya inaapi sila ni Hermes ay dahil hindi naman sila lumalaban? "Isa akong martial artist sa panahon ko," sabi ko sa kanya. Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko. "Seryoso?" hindi niya makapaniwalang sabi. Tumango ako. "Nagtuturo ako ng martial arts at maging fencing. Isa iyon sa mga nagawa ko habang nag aaral ako," sabi ko sa kanya. Nakita ko ang paglaki ng kanyang ngiti, habang tila humahanga sa akin. "Eh kung ganoon, pwedi kang sumali sa paligsahan," natutuwa niyang sabi sa akin. Napabuntong-hininga ako at hindi agad nakasagot sa kanya. Hindi ko alam kung sasali ako tulad nang sabi niya. Dahil hindi ko alam kung ano ang pweding mangyari kapag sumali ako sa paligsahan. "Alam mo," narinig kong sabi niya at lumapit sa akin. Tumabi siya sa akin sa pagkakaupo at umakbay sa balikat ko. "Dahil sa nakita ko kanina ay nasisiguro kong maaari kang sumali sa darating na paligsahan. Mahusay kang makipaglaban at tulad nang sabi mo na isa kang martial artist. Kaya mong lumaban sa darating na paligsahan," sabi niya sa akin. Hindi ako nakasagot dahil iniisip ko pa kung sasali nga ba ako. "Ano, sasali ka ba?" muling tanong niya. Napatingin ako sa kanya. "Sige, susubukan ko," sagot ko sa kanya. "Ayos! Sige, magpapaalam tayo kay madam mamaya. Nasisiguro ko namang papayag siya sa gusto natin, na makasali ka sa paligsahang iyon," sabi niya. Tumango ako. "Hangga't hindi pa dumarating ang araw ng paligsahan. Maaari mo muna bang sabihin sa akin lahat, kung anong klaseng panahon at kung ano ang pwedi kong gawin?" sabi ko sa kanya. Ngumiti siya at tumango sa akin. Sinabi niya lahat sa akin kung ano ang pwedi at hindi dito sa palasyo. Maging kung sino ang hari at Reyna, maging sa kung sino ang mahaharlikang pamilya dito. Nalaman ko rin kung sino ang Heneral na nakita namin kanina. Pinaliwanag niya rin sa akin ang mga lugar na hindi namin pweding puntahan. "Halika, dito tayo," sabi niya sa akin at hinila ako malapit sa may nakapilang mga kalalakihan. "Anong gagawin natin dito?" nagtataka kong tanong. "Syempre kailangan mong magpalista. Huling araw na kasi ngayon sa mga sasali sa paligsahan," sabi niya. "Ahh ganoon ba?" sabi ko at napatango. Tumingin ako sa mga nakapila. Medyo marami rin ang mga nakapila para nga sa huling araw ng mga sasali sa paligsahan. Pinagmamasdan ko ang mga ito, nakikita kong may mga naglalakihang katawan ang mga nakapila. Nasisiguro kong malalakas ang mga ito, kaya hindi ako pweding magpatalo sa mga ito. Kahit pa isa akong martial artist, kailangan ko pa ring makasiguro sa mga makakalaban ko. Habang unti-unti kaming umaabante para sa pagpapalista ay nagmamasid lang rin ako sa paligid. "Oh? Sasali pala kayo?" Napalingon ako bigla sa nagsalita. Si Topper. Hindi ko inaasahang nandito sila pero sa tingin ko ay sinadya lang niyang lumapit sa amin, kasama ang kasamahan niya. Napansin ko si Rico na bahagyang umatras papunta sa gilid ko, habang nakapila pa rin ako. "Oo," sagot ko. Napangisi siya at tumingin sa mga nakapila. "Mukhang marami ang mga kalahok ngayon. Aabot ka kaya sa final?" sabi niya at bumaling sa akin. "I have faith," tanging sabi ko at bahagyang umabante sa pila. Hindi pa rin sila umaalis at mukhang may sasabihin pa siya sa akin. "Kasali rin ako sa mga magiging kalahok, kaya huwag kang maging kampante dahil sisiguraduhin kong hindi ka aabot sa final," sabi niya at ngumisi sa akin. Tumango lang ako. "Will see," tanging tugon ko. Sinamaan lang niya ako nang tingin at umalis na sa harapan namin. Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa mga sinabi nito. "Ang yabang talaga, akala mo naman napasok na sa finals," sabi naman ni Rico, habang nakatingin sa mga itong naglalakad palayo. "Bakit? Sumali na rin ba siya dati?" tanong ko sa kanya. "Oo, sumali siya noong nakaraan pero hindi nakaabot sa finals dahil natalo siya sa laban. Masyado kasing mayabang, kaya natalo," napapailing niyang sabi. Tumango lang ako. Nang ako na ang sumunod na magpapalista ay nginitian ako ng babaeng nasa harapan namin. Nagpalista na rin ako at matapos magpalista ay tumalikod na ako. "Hermes.." Napatigil ako at tumingin sa tumawag sa akin. Iyon yong babaeng nakangiti sa akin. Nagtataka ang mukha niyang nakatingin sa akin. "Bakit?" tugon ko. Nakita kong tinawag siya at nakipagpalit sa pwesto niya saka lumapit sa akin. Naiilang naman akong nakatingin sa kanya, dahil hindi ko naman siya kilala. "Bakit parang may nag iba saiyo?" nagtataka niyang tanong. Hindi ako nakasagot dahil sa tanong niya. Ibig sabihin ba nito, kilala niya ako? Inalis ko ang tingin sa kanya at hinanap si Rico. Nakita ko naman siyang nagmamadaling lumapit sa amin. "P-Pamela! H-Hai, pasensya ka na sa susunod na lang kayo mag usap, pinapatawag na kasi kami. Tara, Hermes, " sabi ni Rico at kumaway sa tinawag niyang Pamela. Mabilis kaming nakaalis sa lugar na iyon. Kaya naman nang makaalis na kami ay tumingin ako sa kanya. "Sino si Pamela?" tanong ko sa kanya. Napakamot siya sa batok niya at napapikit. "Nakalimutan kong sabihin saiyo na may pinsan ka dito at iyon ay si Pamela. Isa siya rin siyang tagapag-silbi at sa Prinsesa siya naninilbihan. May kaibigan si Pamela na may gusto saiyo, na laging iniiwasan ni Hermes. Kaya naman kapag nagkikita sila ni Pamela ay umiiwas agad siya," sabi ni Rico. Napatango ako. Mabuti na rin iyon at makakaiwas ako. Ayokong may kung anong magiging sagabal sa akin. Lalo na pagdating sa babae, may iba akong gustong gawin kundi ang pangaraping mapunta sa nakakataas na pwesto. Upang walang kahit sino ang mang aapi sa akin. Akmang babalik na kami nang mapahinto si Rico, kaya naman napahinto na rin ako. "Ang mahal na princessa," bulong ni Rico. Kaya naman napatingin ako sa tiningnan niya. Nakita ko ang isang magandang babae na suot na kulay pula at mahabang damit. May nakasunod sa kanyang mga kababaihan, na tila mga tagapag-silbi rin. Nakita kong huminto ang princessa at napatingin sa kinaroroonan namin ni Rico. Hindi ako nakaiwas nang tingin, nang magtama ang paningin naming dalawa. Nakita ko kung paano tumaas ang kilay niya at inalis na ang tingin sa akin. Yumuko lang kami sa kanya, nang dumaan siya. "Are you participating the event?" narinig kong tanong niya. Napaangat ang tingin ko at nakita ko siya sa harapan ko. Akala ko dumaan na siya, hindi ko alam na nasa harapan ko lang pala siya. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin, dahil nga isa siyang princesa sa kahariang ito. Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Rico. "Ah-eh, yes princess, I am," sagot ko sa kanya, saka muling yumuko. Wala akong nakuhang tugon sa kanya, kaya muli akong tumingin sa kanya at nakita ko siyang nanatiling nakatingin sa akin. Naramdaman ko rin ang tingin nang mga nakakakita sa amin, lalo na at nasa harap namin ang kilalang princesa. "I hope you can win," sabi niya at inalis na ang tingin sa akin. Nagpatuloy siya sa paglakad, kasunod ng mga tagapag-silbi niya. Nanatili akong nakatingin sa dinaanan nila, habang nagtataka. Anong ibig sabihin no'ng sinabi niya? Bigla kong naramdaman ang pagsiko sa akin ni Rico, kaya napatingin ako sa kanya. "Ano 'yon?" tanong niya habang may nang aasar na tingin. Nagtataka naman akong nakatingin sa kanya at hindi matukoy kung ano ang sinasabi niya. "Anong 'ano 'yon'? Hindi ko nga alam kung bakit niya iyon sinabi sa akin eh," sagot ko sa tanong niya. "Sus! Nasisiguro kong may ibang pinupunto ang princesa saiyo. Bihirang magsalita ang princesa sa mga tagapag-silbi na tulad nating lalaki. Kaya nakakagulat 'yong ginawa niya at kinausap ka pa talaga," nakangiti niyang sabi, habang nang aasar pa rin ang kanyang mga tingin. Bahagya akong napailing dahil nalilito ako, kung bakit ganoon ang sinabi ng princesa sa akin. Para bang sinasabi niyang suportado siya sa akin. Ayokong mag-assume pero ganoon ang nakikita ko. "Halika na nga, kung ano-ano na lang ang naiisip at sinasabi mo diyan," sabi ko at nauna nang naglakad. Inaasar niya pa rin ako habang naglalakad kami pabalik sa tinutuluyan namin sa palasyo. Hinayaan ko na lang siya, dahil nawewerduhan na rin ako sa kanya. Inaasar niya ako sa princesa, ganoong wala naman akong kakaibang nararamdaman dito. Ewan ko na lang sa Hermes na nakilala niya, baka naman may lihim si Hermes tungkol sa princesa, nang hindi niya alam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD