Chapter 16-Paligsahan 5

1098 Words
Nararamdaman ko ang kakaibang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Habang seryosong nakatingin sa isa't isa. Napansin ko rin na tila nag uusap sila at nag aasaran basi na rin sa nakikita ko sa mukha nila. Hindi maririnig kung ano ang pinag uusapan nila dahil medyo malayo kami sa kanila. "Mapang asar iyang si Troy. Tatahi-tahimik pero subra kung mang asar. Kaya nga minsan iniiwasan namin siya ni Hermes, dahil lagi ka niyang inaasar sa kaibigan ng kapatid niya," mahinang bulong sa akin ni Rico. "Ganoon ba?" sagot ko naman sa kanya. Tumango lang siya sa akin. "Ayan nagsisimula na sila," sabi niya.  Tulad nang sabi niya ay nagsisimula na nga sila. May inalabas na espada si Billy. Namangha pa ako dahil maraming espada ang nakalutang sa likod niya. "Iyan ang specialty ni Billy, ang swords arts. Talagang kapag natamaan ka niyang ay masusugatan ka talaga," komento ni Rico habang nakatingin sa ginawa ni Billy.  Iginalaw ni Billy ang kamay niya at kusa namang gumalaw ang mga espada niya at deretsong inatake si Troy. Ngunit walang ginawang kilos si Troy o kahit umiwas man lang ay hindi niya ginawa. Nanatili siyang nakatayo at hinihintay ang pagtama sa kanya ng mga espada.  "Bakit wala siyang ginagawang kilos?" nagtatakang komento ko. "Huwag kang mag aalala, walang mangyayari sa kanya. Tingnan mo na lang," sagot sa akin ni Rico. Kaya ginawa ko ang sinabi niya. Nang sa wakas ay tumama na ito kay Troy. Nagulat ako dahil kahit tumama na ito sa katawan niya ay nakangisi siyang nakatingin kay Billy. Hindi ko alam kung anong ginawa niya, pero sa nakikita ko ay wala naman siyang ginawang kilos. Mayamaya ay natigilan ako dahil unti-unting nalalaglag ang mga espada sa kinatatayuan niya. Napatingin ako sa naging reaksyon ni Billy. Seryoso lang siyang nakatingin kay Troy. Sa pagkakaalala ko sa sinabi ni Rico, ay kayang magpalaki ng katawan si Troy o iyong sinasabi niyang enhancer. Napansin ko ang kakaibang kilos ni Troy. Unti-unting lumaki ang katawan niya at halos mapunit na ang damit niya dahil sa paglaki ng katawan niya. "That's his power," muling komento ni Rico sa pagbabago ni Troy. Naging malaki ang katawan niya at tinapakan niya pa ang espada ni Billy na nasa paanan niya at nayupi ito. Dahan-dahan siyang lumapit kay Billy na muling nagpalabas ng espada at inatake si Troy. Ngunit tila wala itong silbi para kay Troy. Hinahayaan niya lang na tumama ito sa katawan niya at patuloy na lumalapit kay Billy. Nang makalapit siya ay akma niyang hahawakan si Billy, ngunit nakaiwas ito at lumayo sa kanya. Nawala ang mga espada ni Billy at may pinalabas sa kamay niya. Isang mahaba at malaking espada, saka niya inatake si Troy gamit ang hawak niyang espada. Ngunit nasalag ito ni Troy, kaya nagawa siyang suntukin nito at tumilapon siya sa gilid nang pader ng arena. Ngunit saglit lang ay agad na nakabalik si Billy at muling inatake si Troy. Paulit-ulit niyang inaatake si Troy, ngunit nagagawa itong salagin ni Troy. Napapantayan nito ang bawat atake ni Billy.  Kaya naman napansin ko na naman may pinalabas na majika si Billy sa kamay niya at pinatama kay Troy. Tumama ito sa dibdib ni Troy at nakita ko kung paano siya nasaktan sa ginawa ni Billy. "Pinatamaan niya ang isa sa kahinaan ni Troy. Ang dibdib niya, hindi ko alam kung makakalaban pa si Troy dahil sa ginawa ni Billy," seryosong komento ni Rico. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin no Rico, pero mukhang ganoon na nga dahil nakita kong nahihirapan si Troy at napapaatras. Habang nakahawak sa dibdib niya. Muling umatake si Billy at nagpalabas ng marami espada at pinatama kay Troy. Ngunit bago pa iyon tumama kay Troy ay bigla siyang nawala. Nawala siya sa kinatatayuan niya.  "Nawala siya?" sabi ko bigla at tumingin sa paligid ng Arena. "Yes, may ganoong kakayahan din si Troy," sagot naman Rico sa akin. Mariin akong napatingin sa paligid at natigilan ako nang biglang lumitaw si Troy sa likod ni Billy at nahawakan siya sa ulo. Mabilis ang naging pangyayari, nang mahawakan ni Troy si Billy ay agad na binagsak sa cemento ang ulo ni Billy. Kaya naman nakita naming dumugo ang ulo ni Billy na naging dahilan upang mawalan siya nang malay. "Muntik na niyang mapatay si Billy," napapailing na sabi ni Rico.  Nakita ko kaagad na may lumapit ng mga medic at kawal upang tingnan si Billy. Nakomperma nilang buhay pa ito, kaya agad nila itong kinuha roon. Mayamaya ay dumating ang taga-pagsalita at bumalik na sa dating anyo si Troy. "That was a horrible situation of Billy. But we all witness how strong it was right? The winner of this round, was Troy! Let's give him around of applause!" sigaw ng taga-pagsalita. Narinig ko ang palakpakan at hiyawan ng lahat para kay Troy. Napangiti naman ako. Ngayong tapos na si Troy ay ako na naman ang susunod na lalaban. "Kaya ngayon naman ay tatawagin na nating ang susunod na maglalaban. Hmmm, mukhang exciting rin ang laban na ito. Marami ang nakakakilala sa kanya dahil nagt-trabaho siya sa palasyo at nakakagulat dahil sumali siya ngayong taon. Nakita naman natin na may taglay rin siyang kakayahan. Kaya naman tawagin na natin si Hermes! At ang kanyang makakalaban ay isa sa mga magagaling na kawal ng palasyo, si Asero! Ngayon makakakita na naman tayo nang kakaibang laban sa pagitan nila. Kaya halina kayo dito at simulan na ang laban," mahabang sabi nang taga-pagsalita. Kaya naman tumayo na ako. "Pupunta na ako doon," paalam ko kay Rico. "Sige, basta galingan mo. Huwag mong kalimutan ang pagsasanay na ginawa natin. Kaya mo iyan bro!" masayang sabi niya sa akin. Tumango ako sa kanya at naglakad na pababa sa battle ring. Habang naglalakad ako patungo roon ay nakaramdam ako ng kakaiba sa paligid. Napahinto pa ako dahil pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin. Galing ako sa itaas kaya kailangan ko pang bumaba para pumunta sa battle ring. Kaya naman dadaan pa ako sa isang tahimik na pasilyo pabalas sa bulwagan ng arena. "Hermes," narinig kong tawag nito sa pangalan ko. Natigilan ako nang may makita akong malaking ahas sa pader. Gumagapang patungo sa akin at naging ganap na tao, nang nasa harapan ko na. Nakilala ko siya. Anong ginagawa niya dito? "Mrs. L-Lissana?" gulat kong sabi habang nakatingin sa kanya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Samantalang nagugulat naman akong nakatingin sa kanya dahil sa bigla niyang pagsulpot dito. Bakit nga ba siya nandito? Dinalaw niya ba ang kapatid niya? O nandito siya para manood ng laban? Impossible namang nandito siya para lang makita ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD