Chapter 17-Paligsahan 6

2075 Words
Nanatiling kaming tahimik sa isa't isa habang nakatingin. "B-Bakit po kayo nandito, Mrs. Lisanna?" tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot sa akin at nanatili lang na nakatingin sa akin. Mayamaya ay may inabot siya sa akin, na isang tablet. Kinuha ko naman iyon sa kanya at tiningnan. "A-Ano po ito, Mrs Lisanna?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Gamot iyan na lagi kong binibigay kay Hermes noon. Inumin mo iyan para walang maging problema sa laban mo ngayon," seryosong sabi niya sa akin. Natigilan naman ako. "Anong ibig niyong sabihin?" nalilito kong tanong sa kanya. "Kapag napasubra ang paggamit sa kapangyarihan mo, may posibilidad na baka magbago ang anyo mo. Hindi nila pweding makita ang pagbabagong anyo mo na iyon. Malaking problema kapag nangyari iyon at posibleng matanggal ka sa paligsahan," seryosong sabi niya sa akin. "Kaya naman pumunta ako dito para ibigay 'yan saiyo. Inumin mo iyan bago ka pumunta doon. Siguraduhin mong maipapanalo mo ang laban na ito. Sige, iyon lang ang sasabihin ko," sabi niya at tumalikod na sa akin. Ngunit bago pa siya makalayo ay nagsalita ako. "M-Maraming salamat, Mrs. Lisanna," sabi ko sa kanya. Huminto siya sa saglit at nakita ko ang pagtango niya. Bago muling nagpatuloy sa paglalakad, kaya naman tumuloy na rin ako sa bulwagan ng arena. Ininum ko ang tableta na ibinigay niya sa akin. Bago ako tuluyang nakarating sa ibabaw ng ring. Kung saan kanina pa pala sila naghihintay. "Akala ko umatras ka na," komento sa akin ni Asero at bahagyang napangisi sa akin. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. "At ngayon! Simulan na ang laban!" sigaw ng taga-pagsalita bago kami iniwan. Pinakiramdaman ko ang paligid, lalo na kung ano ang unang gagawin niyang atake sa akin. Nanatili akong nakatayo, maging siya ay hinihintay ang atake ko. Mayamaya ay nagulat ako sa isang bagay na mabilis na nakalapit sa akin. Tinamaan ako nito sa tiyan kaya napaigik ako dahil doon. Ano ba ang ginamit niya? Seryoso akong nakatingin sa kanya habang nakangisi siya sa akin. Nakita ko ang biglang paghaba ng kamay niya patungo sa akin, kaya umiwas ako. Ngunit sinusundan pa rin ako nito kung saan ako napupunta. Tumatakbo ako paikot sa Arena, ngunit nakasulod pa rin ito. Hindi na isa ang humahabol sa akin, kundi dalawang kamay na niya. Gawa ba sa goma ang kamay at buong katawan niya? Tulad nang minsan ko nang napanood noon na 'One peice' ni Lupe? Tsk! "Tatakbo ka na lang ba? Hahaha ano! Ipakita mo kung anong kaya mong gawin! Hindi iyong puro takbo ka na lang!" natatawang sabi niya sa akin. Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Huminto ako at umiwas ako nang bigla niya akong suntukin. Inilabas ko ang espada na nasa likod ko at sumasabay ako sa bawat atake niya sa akin. Ngunit dahil mukhang gawa sa goma ang katawan niya ay hindi ko siya masugatan man lang. Kaya tumatawa lang siya sa akin habang umiiwas ako. Bogsh! Tumilapon ako, nang tamaan ako ng kamay niya sa mukha niya. Kasunod naman ang pagsipa niya sa akin gamit ang paa niya. Kahit malayo siya sa akin ay nagagawa niya aking atakihin nang sunod-sunod at mukhang natutuwa siya dahil dehado ako sa laban naming dalawa. Nang tumigil siya sa sunod-sunod na atake sa akin ay nanatili akong nakahandusay. Nakita kong papalapit siya sa akin at hinila ako saka sinakal. Idinikit niya ako sa pader, habang nakangisi pa rin siya sa akin. Sa pagkakataong ito, kaya ko pa siyang labanan nang hindi nila nakikita ang tunay kong kapangyarihan. Sa tingin ko, hindi pa sa laban na ito nila pweding makita iyon. Alam ko naman kong ano ang kahinaan nang kapangyarihan niya. Maari ko iyong gamitin! "Ano? Hanggang dito ka na lang ba, huh? Hermes?" nakangising sabi niya sa akin. Natigilan siya, nang ngumisi rin ako sa kanya. "A-Alam mo ba ang isa sa kahinaan ng kapangyarihan mo?" sabi ko sa kanya. Hindi agad siya nakasagot at mukhang nag iisip pa sa kung ano ang tinutukoy ko. Hinawakan ko siya sa balikat at nakita kong paano siya muling natigilan sa ginawa ko. Inipon ko ang kapangyarihan sa kamay ko, na nakahawak sa balikat niya. Dahil sa apoy ang kapangyarihan ko ay nakita kong nasaktan siya sa ginawa ko at agad na lumayo sa akin. Wala akong pinalabas sa kamay ko, pero alam kong nasaktan siya dahil doon. Kaya naman agad akong umatake sa kanya. Sinipa ko siya nang malakas at tumilapon pabalik sa ring. Naglakad ako patungo sa kanya. Nadaanan ko ang espada ko, na nabitawan ko kanina. Kinuha ko iyon at muling naglakad papalapit sa kanya. Naramdaman ko ang pagkabigla sa paligid dahil sa ginawa ko. Wala silang nakitang pinalabas ko, kaya siguradong nagtataka sila kung anong ginawa ko. Nang makalapit ako sa kanya ay kitang-kita ko ang inis sa mukha niya, habang nakatingin sa akin. "Anong ginawa mo? Anong kapangyarihan ang ginamit mo!" sigaw niya sa akin. Napangisi naman ako sa kanya. "Tulad nang sabi ko, ginamit ko ang isa sa kahinaan mo at hindi ko kailangang ipaliwanag o sabihin saiyo kung ano ang kapangyarihan ko," sabi ko sa kanya. Dahan-dahan siyang tumayo at inayos ang sarili. "Ganoon ba? Sige, tingnan natin," mariing sabi niya. Mayamaya ay nakita kong may pinalabas siya sa kamay niya. Kulay brown ito, na mga bilog. Nakalutang iyon sa ere palibot sa kanya. Nakangisi na naman siyang nakatingin sa akin. Mahigpit ang naging hawak ko sa espada, habang mariing nakatingin sa kanya. Tulad kanina, ay inipon ko ang lakas at kapangyarihan ko sa kamay, deretso sa espadang hawak ko. Nagbago ang kulay ng espadang hawak ko naging pula ito, kaya naman nakita ko ang pagkabila sa mga mata niya. Hinintay ko naman ang atake niya. Ilang segundo lang ay umatake na patungo sa akin ang mga bilog na iyon. Kaya naman tumakbo ako patungo dito at mabilis na hiniwa ng espada ko. Natunaw ang mga natatamaan ko. Patuloy siya sa mga ataking iyon, habang hinihiwa ko naman at natutunaw na lang. Nang mawala na ang mga iyon ay mabilis akong lumapit sa kanya. Saka ko siya tinulak nang malakas sa dibdib niya gamit ang palad ko. Tumilapon siya at tumama sa pader. Nakita ko ang bakas nang kamay ko sa dibdib niya. Nanghihina siyang nakatingin sa akin. Magsasalita na sana siya, nang muli siyang matumba. Bigla namang tumunog ang gong, hudyat na tapos na ang laban at ako ang nanalo. Lumapit naman ang taga-pagsalita sa akin at nakangiti. "Ibang klase! Nakita niyo ba iyon? Wala tayong nakitang pinalabas niya pero nagawa niyang talunin si Asero. Kaya naman, tatanungin kita Hermes, anong klaseng kapangyarihan mayroon ka?" tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipaalam sa kanila pero sa tingin ko hindi na muna. Napabuntong-hininga ako, bago sumagot. Tumingin ako sa lahat "It was one of my secret art. Sa ngayon, hindi ko muna sasabihin kung anong klaseng kapangyarihan mayroon ako. Makikita niyo rin sa mga susunod na araw," tanging sagot ko sa tanong niyang iyon. Ibinigay ko sa kanya ang micropono at tumango sa kanya. "Hmmm, mukhang napaka-exciting malaman ang tungkol diyan. Di bale na, malalaman din namin sa susunod na araaw. Again, congratulation for winning this round, Hermes. Alright! Let's continue the battle! Next is Maji and Romeo! Come here in the battle ring!" sabi nito. Bumaba na ako at nakikita ko ang mga ngiti nila sa akin. Napatingin ako kay Rico at masayang kumakaway siya sa akin. Tumango kang ako at ngumiti sa kanya. Napasulyap pa ako sa itaas kung nasaan ang Princesa. Nakita ko ang tuwa sa mga mata niya, habang nakangiting nakatingin sa amin. Pasimple lang akong ngumiti at iniwas na ang tingin sa kanya. Pumunta na ako kay Rico para doon umupo. Ngunit natigilan ako nang makitang nakaabang sa akin sa pasilyo si Mrs. Lissana. Napabuntong-hininga ako at lumapit sa kanya. "N-Nandito pa pala kayo," sabi ko sa kanya. "Yeah, because I want to see how you fight and I figure out something about you. Did you already know how to use a sword?" tanong niya sa akin. "Hindi masyado, pero dahil nagsasanay rin ako ng fencing ay alam ko kung paano gamitin at hawakan ang espada. Hindi naman literal na espada ang gamit namin ay nagawa ko pa rin sanayin iyon. Habang nagtuturo naman ako ng martial arts," sabi ko sa kanya. Napatango siya sa sinabi ko at biglang tumalikod sa akin. "Mabuti na rin at marunong ka ng martial arts, para hindi mo masyadong magamit ang kapangyarihan mo. Hanggang maari ay huwag mong palabasin lagi ang kapangyarihan mo. Bihira lang dito sa Albania ang ganyang kapangyarihan. Kaya kailangan mong ingatang huwag ipalabas lahat. Sige, aalis na ako," sabi niya at naglakad na paalis. Nakatingin lang ako sa kanya habang papaalis siya. Pagdating sa di-kalayuan ay nagbago na ang anyo niya at naging ahas na. Naglakad na rin ako para pumunta kay Rico. Nang makalapit na ako ay umupo ako sa tabi niya at nakita kong nanonood na siya sa laban. "Magaling ang ginawa mo kanina," nakangiting sabi niya sa akin at bahagyang sinuntok ang balikat ko, saka ginulo bahagya ang buhok ko. Ngumiti lang ako sa kanya at tumingin sa dalawang pares na naglalaban. "Nakapasok ka na sa susunod na round kaya, galing mo pa rin," narinig kong sabi niya. Tumango ako. "Oo," sagot ko sa kanya. Matapos naming mag usap ay pinanood na namin ang laban nina Romeo at Maji. Nakita ko rin kung anong klaseng kapangyarihan mayroon sila. Kaya naman kung sino ang mananalo sa kanila ay alam ko na kung anong klaseng kapangyarihan mayroon ito. Nang matapos ang laban nilang dalawa ay nanalo si Maji. Kaya ang huling lalaban ay sina Topper at Orly. Seryoso lang akong nakatingin sa laban nilang dalawa at inaaral anh bawat atake nila. Magaling si Orly sa pakikipaglaban at halos dehado si Topper. Ngunit nagulat na lang kami nang gumamit ng kakaibang majika si Topper at natalo niya si Orly. Kaya naman nanalo si Topper laban kay Orly. "Tsk! Mukhang malalakas ang makakalaban mo," napapailing na sabi ni Rico. Hindi ako nagsalita pa at tumingin lang sa ranking. Nangunguna pa rin si Topper sa amin at nasa ikatlong pwesto pa rin ako. Siguradong bukas ay magbabago na naman ang ranking. Matapos ang laban sa araw na ito ay sinabi nang taga-pagsalita na itutuloy na bukas ang laban sa mga natitirang kalahok. Sinabi rin nito na kailangan naming maging handa, dahil mahirap daw ang magaganap bukas. Kaya naman matapos no'n ay umalis na kami ni Rico sa Arena. Namasyal muna kami sa centro, upang makapagrelax kaming dalawa. Habang naglalakad kami ay may ilan na napapatingin pa sa gawi namin ni Rico. Hinahayaan na lang namin, dahil siguro kilala ako bilang isa sa naiwang kahalok na lalaban bukas. Nakahanap kami ng isang tindahan na may mga alak. Kaya naisipan naming uminom muna. Habang nag iinuman kaming dalawa ay panay ang kwento ni Rico sa naging laban ko. Sinabi niya pang maging siya ay nagulat sa ginawa ko. Wala raw siyang napansin na may pinalabas akong kapangyarihan. Kaya nagulat na lang siya nang makitang nasugatan si Asero at nagawa ko pang matalo ito. "Sa totoo lang, nakausap si Mrs. Lisanna," mahinang sabi ko at bahagyang tumingin sa paligid. Nakita kong natigilan siya at inilapit ang sarili sa akin. Mukhang hindi niya inaasahang sasabihin ko iyon. "Talaga? Anong pinag usapan niyo?" mahinang tanong niya. "Sinabi lang niya sa akin na huwag kong masyadong ipalabas ang kapangyarihan ko, dahil baka magka-problema at matanggal ako. Hindi ko naman siya maintindihan pero sinunod ko naman ang sinabi niya," sabi ko sa kanya. Tumango lang siya sa sinabi ko. "Mukhang nag aalala siya sa saiyo. Basta kung anong sasabihin niya sundin mo na lang," sabi niya sa akin. Tumango lang ako sa kanya at nagpatuloy kami sa inuman habang nagkukwentuhan. Matapos naming mag inuman ay bumalik na kami tinutuluyan namin sa palasyo. Bago pa kami makapasok ay nakita namin ang mayor-doma namin na nakaabang sa pinto ng kwarto namin. Nagkatinginan kami ni Rico at mukhang alam na niya kung bakit ito narito. "Madam," tawag ni Rico. Bumaling naman ito sa amin at sinamaan kami ng tingin. Kaya hindi agad kami nakalapit sa kanya. "Sumunod kayo sa kusina at may nakahandang pagkain sa inyo," sabi niya sa amin at naunang naglakad paalis. Mukhang tama nga ang hinala namin. Kaya naman sumunod na lang kami at tulad nang dati, pinagsaluhan namin ang inihanda nilang pagkain sa amin ni Rico ng gabing iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD