CHAPTER 6

1975 Words
"I'm already okay direc. Let's finish the shoot today" "I thought you're sick? Magha-half day tayo" Sobrang init ng pisngi ko habang nakikita si Sir Sam na parang hindi matamlay katulad kanina. Sobrang liwanag niya ngayon, lalo na sa paningin ko. Pakiramdam ko nga nasa heaven ako tapos may anghel na poging lumiliwanag ang aura sa harapan ko. "I'm sick but I feel energized for some reason" narinig kong sambit niya. "Is that because of Cheena?" Hirit pa ng isa sa mga co-actors na kasama nila. Ngumiti si Sam bago sumulyap sa akin. Itinago ko naman ang pamumula ng pisngi sa aking makapal at kulot na buhok. "Secret" rinig kong sagot niya at tumatawa pa. Para akong hihikain. Buong araw ay sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Ilang beses ko ding hinahawakan ang labi ko kasi parang hindi matanggal 'yong labi ni Sir Sam. Kapag naalala ko ay parang gusto ko ng marshmallow ngayon. Ang lambot. Samantalang 'yong aken, nagbabalat tapos ang dry pa. Hindi ko naman dapat gagawin 'yon. Sa isip ko lang dapat. Hindi ko tuloy alam kung paano kikilos. Para pa ring may kumikiliti sa tiyan ko. Samuel: Are you awake? Kagat ko ang labi habang nakatingin sa panibagong message ni Sir Sam sa akin. Actually, kanina pa talaga ako naghihintay simula nang mangyari iyon sa set. Alas dose na ng gabi pero eto ako at mulat na mulat. Ako: Opo sir. Kamusta na pala ang pakiramdam niyo? May binili akong gamot sa kaniya pero hindi ko maibigay dahil sobrang nahihiya ako sa ginawa ko kanina. Hindi ko nga siya pinansin kanina sa set ih. Samuel: Finally, you replied. Nag-init ang aking pisngi. Ako: Ayaw niyo ba? Samuel: Nope. It's better. Atleast hindi na ako seenzoned. Ako: Sorry. Samuel: It's fine. Anyway, if you're asking what I'm feeling, my fever went higher than earlier. Na-overwork ata. Nabalot ako ng pag-alala. Ako: Nakainom na po ba kayo ng gamot? Samuel: Why? Kapag ba sinabi kong hindi, bibisitahin mo ako sa kwarto ko? Umawang ang bibig ko. Napalunok ako bago ako tumingin sa maliit na pakete kung saan nakalagay ang binili kong gamot. Lumunok ako bago muling nag-type. Ako: Pupunta ako. Samuel: The door is unlock. You can come. I'll be waiting. Para akong aatakihin sa kaba. Tiningnan ko muna kung gising pa si Ma'am Cheena ngunit mabigat na ang paghinga nito. Nang masiguro ay bumangon ako. Nagtungo ako sa banyo para magtoothbrush tsaka nagpolbo. Kinagat-kagat ko ang labi para mamula at sinampal ko ang pisngi para magka-blush kahit alam kong mawawala din naman. Gusto ko lang umayos ang itsura ko. Hindi na ako nagpalit ng damit pero sinuot ko ang aking bra. Nakapanjama akong lumabas. Tumingin muna ako sa paligid bago ko maingat na lumabas. Nakatingkayad ako habang papunta sa room ni Sir Sam. Mahigpit ang hawak ko sa pakete ng gamot na hawak ko. Nang tumapat na ako sa kaniyang pinto ay huminga muna ako ng malalim bago ko pinihit ang doorknob. Hindi ko pa man din nabubuksan ng maigi nang may biglang humila sa akin papasok. Bago pa ako makasigaw ay may tumakip ng bibig ko bago ako sinandal sa matigas at malamig na pader. "Shh. It's me, Sam" bulong niya bago binitawan ang bibig ko. Napasinghap ako nang sumalubong sa akin si Sir Sam sa aking harapan na.....hubad baro. Nanlaki ang aking mata habang napako ang tingin sa kaniyang dibdib pababa sa....abs. Umawang ang bibig ko. "Enjoying the view cutie?" Bigla akong natauhan. Kaagad na namula ang pisngi. Tinakpan ko ang mukha ng aking buhok. "Fuck....so cute" rinig kong bulong niya kaya mas lalo akong namula. Hindi ako makapagsalita at hindi din ako makagalaw sa lapit naming dalawa. Corner ako ng kaniyang katawan at sobrang liit ko kumpara sa kaniya na halos matakpan niya ako dito. "I love how you act so shy when in fact you kiss me earlier in the set. So confusing.." Ngumuso ako. Walang masabi sa kaniya dahil sobrang distracted ako sa mukha niya at hubad niyang katawan. Sobrang nag-niningning ang kaniyang mata at litaw na litaw ang dimples sa kaniyang pisngi. Kung hindi ko lang napansin na maputla siya ay baka naninigas pa rin ako sa kinatatayuan ko. Kahit sobrang nahihiya ay inangat ko ang kamay para idapo sa kaniyang leeg. Nawala naman ang ngiti niya at napaltan ng pagkabigla. "Ang init mo Sir Sam. Kailangan mo humiga" Sa liit ko, sumingit ako sa may kili kili niya para nakalabas sa corner niya sa akin bago ko siya hinawakan sa pulsuhan at hinila. Mabilis siyang nagpaubaya sa akin. Pinahiga ko siya sa kaniyang kama. "Kumain ka na po ba?" Tanong ko. Nakatingin lang siya sa akin na hindi ko pinapansin ngunit sobrang lakas ng t***k ng puso ko. "I am. I had dinner" sagot niya. "Ahm...sige. Uminom kayo ng gamot" May water dispenser kaya tinungo ko iyon at kumuha ng basong tubig. Muli akong bumalik sa kaniya at kinuha ko ang paracetamol para ibigay sa kaniya. Nanginginig kong inabot sa kaniya ang tubig nang mapansin ang nakakalunod niyang tingin. Hindi ako nito nilayasan ng silay habang kinukuha ang gamot sa aking kamay. Nilagay niya iyon sa bibig bago imbis na kunin ang baso sa kamay ko ay sa mismong kamay ko siya humawak para uminom. Napakapit ako ng mahigpit sa baso habang nakatutok ang tingin ko sa adams apple niya na gumagalaw habang lumalagok siya. Umiwas ako ng tingin nang mapansing ngumingisi siya. Pagkatapos niyang uminom ay tinulak ko siya pahiga. "Bossy..." nakakaloko siyang tumingin sa akin. Ngumuso ako. Kumuha ako ng palangganang may maligamgam na tubig at bimpo. Naabutan kong ngumingiti si Sir Sam at umayos ng higa nang makita ulit ako. Nilublob ko ang bimpo sa maligamgam na tubig. Piniga ko iyon bago ko kinuha ang kaniyang braso para simulan ang pagpunas. Panay ang lunok ko habang nagpupunas. Habang dumadaan ang bimpo sa kaniyang katawan. Pinagpapawisan ako ng malala habang nalulunod sa mga tingin ni Sir Sam sa akin. Hindi ko alam kung dapat ba talaga ako na pumunta dito. Hindi ko alam kung paano pero natapos ko naman punasan ang itaas ng kaniyang katawan. Hindi ko na sinama ang ibaba niya dahil baka hindi ko kayanin. "Magbihis po kayo" "Okay ma'am" panloloko pa nito sa akin. Matipid akong ngumiti nang bumangon siya saglit para magbihis. Ikinaginhawa ko din na nakabihis na siya. Mahirap hindi tumingin sa magandang katawan niya. Ang linis. Nang muli siya humiga ay nilagay ko ang bimpo sa kaniyang noo. "Are you going to leave after this?" Tumango ako. "Kailangan kong bumalik" Hinuli niya ang kamay ko. Hinigit ko ang hininga nang ilagay niya iyon sa kaniyang pisngi. "Dito ka muna, please?" Umawang ang bibig ko nang ngumuso siya habang ang kaniyang mga mata ay nag-pu-puppy eyes. Ang....ang...ang... Cute. Hindi ko namalayan ay tumatango na ako. Patay. Masiyado akong marupok huhu. Ngumiti siya bago bigla akong hinila. Sa gulat ay napaupo ako sa kaniyang tabi. Bago pa ako makatayo ay humiga na sa aking hita si Sir Sam. "S-sir!" Utal kong sambit. "Can I lay in your lap right?" Masuyo siyang tumingin. Napabuntong hininga na lang ako. Pakiramdam ko ay papatayin talaga ako sa niyerbyos ni Sir Sam. Wala naman akong magawa dahil nagpapa-cute siya. Akala ko ba ako lang ang cute? Wala akong nagawa kung hindi pagbigyan siya. "Can you run your hands on my hair?" "O-okay" Dinala niya ang kamay ko sa kaniyang buhok. Nagulat ako sa sobrang lambot no'n. 'Yong aken kasi ganit ganit. Nanginginig ang kamay ko habang hinahaplos ang kaniyang buhok. Nasilayan ko ang pagngiti niya bago niya pinikit ang mga mata. Sobrang awkward ng posisyon ko at pakiramdam ko ay nararamdaman niya ang t***k ng puso ko sa bilis. "Gigi" "Bakit?" "I just want to say thank you for staying. I appreciate it" Umalpas ang ngiti sa aking labi bago mas naging komportable na ang paglalaro ko sa kaniyang buhok. "Magpahinga ka na po sir" Hindi na siya sumagot pero naramdaman ko ang malalim niyang paghinga. Nabigyan ko naman ng oras ang sarili na pagmasdan siya. Kung sobrang anghel na siya sa paningin ko tuwing gising, bakit parang mas anghel pa siya kapag natutulog? Hustisya. Pero hindi ko pa rin lubos maisip kung paanong may gusto siya sa akin. Paano? Ayoko na lang isipin. Habang nag-eenjoy akong pagmasdan siya ay inaalagaan ko din siya. Panay ang palit ko ng bimpo sa kaniya at tinitingnan ang temperatura ng kaniyang katawan kung bumababa ba. Pinilit kong hindi gumalaw nang masiyado para hindi maistorbo ang kaniyang tulog hanggang sa namalayan ko na lang na nakaidlip ako. Pagkagising ko kinabukasan ay hindi na ako nakaupo. Nakahiga na ako ng komportable sa malambot na kama. Hindi lang iyon, pagmulat ko ng aking mata ay may nakatitig sa aking anghel na napaka-fresh sa umaga. Gulo ang buhok at namumula ang ilong at mga labi. Ang dimple niya ay kitang kita habang malapad na nakangiti. "Goodmorning Gigi" Kumurap ako ng ilang beses bago ko naalala kung bakit kasama ko ngayon si Sir Sam. Nakatulog ako! Nang marealize ko iyon ay mabilis akong bumangon. Pinunasan ko ang gilid ng bibig. Tinitingnan ko kung may laway ba o hindi! Nakakahiya! Anong itsura ko? Nakanganga ba ako? Haist. Nakakahiya! Dali-dali akong bumangon at sinuot ang aking tsinelas. Inayos ko ang aking damit bago bumaling kay Sir Sam na nakatingin lang sa akin. "Aalis ka na?" Tanong niya. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko sa sobrang kahihiyan bago tumango. "Opo. Baka magtaka si Ma'am Cheena kapag wala pa ako." tsaka umalis na sa kahihiyan ko. Alam kong mukha akong tangang natutulog. "Ayos na ba pakiramdam mo?" Lumapit ako at pumunta sa kabilang gilid ng kama. Bumangon naman si Sir Sam at umupo ng maayos. Nilapat ko naman ang aking kamay sa kaniyang leeg at laki ng ginhawa ko nang maramdamang hindi na siya mainit. "Magaling ka na Sir Sam" ngumiti ako. "Yeah. Thank you for taking care of me. I'll bring lunch later. What do you want to eat?" "Mahilig po ako sa mga masarsang ulam tsaka...tama po si Jona. Adobo po pinakapaborito ko" naalala ko ang mga araw na hindi ko pinapansin ang mga dala niya. "Noted Gigi. Anyway, are you going now?" Tumango ako. "Paalam na sir. Magkita na lang tayo sa set at....." nag-init ang pisngi ko. "....chat chat po" Bumuntong hininga siya. "I don't want you to go. Gusto ko sanang mag-almusal tayong dalawa" Magandang ideya iyon. Gusto ko din. Pero alam kong hindi pwede. Hindi ko nga alam kung ano itong set up naming dalawa. Malungkot akong ngumiti. "Sige po sir Sam. Aalis na po ako. Huwag niyo na ulit pababayaan sarili niyo ah?" Tumango siya. "I will" Tumango na ako bago tumalikod. Sobrang gaan ng pakiramdam ko at natutuwa ako sa nangyari kagabi. Natutuwa ako na naalagan ko siya at mabuti na ang pakiramdam niya. Bubuksan ko na sana ang pinto nang muli niya akong tinawag. "Gigi" "Yes si—" Nanlaki ang mga mata ko nang mabilis niya akong kinabig at halikan. Napasinghap ako sa gulat. Ang kaniyang kamay ay nasa aking bewang at ang isa ay nasa aking panga habang masuyo niyang kinikitil ang aking mga labi. Parang may kung anong kiliti ang dumaloy sa aking katawan. Sumasabay din ang aking puso na parang sasabog sa sobrang lakas ng t***k. Sinipsip niya ang aking ibabang labi bago naman ang itaas. Ididiin niya ang halik sa aking labi habang pinipisil ang aking bewang ng kaniyang kamay. Bago pa ako tuluyang bumigay ay lumayo siya at hinalikan ako sa noo. "That's for kissing me yesterday" kumindat siya bago tinapat ang bibig sa aking tainga. "Next time, I will definitely kiss you more deeply and you need to respond cutie. Okay?" Lumunok ako bago namungay ang aking mga mata. Hindi ko namalayan na tumatango na ako sa kaniya habang sinasambit ang salitang... "Gusto ko rin 'yan Sir"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD