"Ang sarap ng labi ni Sir Sam ano?"
Siniko ako ni Jona habang titig na titig ako sa screen kung saan kinukuhaan ng kissing scene si sir Sam at ang aking amo.
Napalunok ako nang biglang maisip kung anong nangyari sa kwarto ni sir Sam noong nakaraan.
Nakatingin lang ako sa labi ni Sir Sam. Gusto ko ulit mahigop ng gano'n. Ang sarap sa pakiramdam. Parang nabuhay lahat ng dead cell ko sa katawan.
"Oo. Sobrang...sarap Jona" hindi ko namamalayang sambit habang hawak ko ang aking labi.
"Wow. Makapagsalita ka parang natikman mo ah?"
Hindi ko alam kung paano pero bigla akong nabulunan sa sinabi niya.
"Haist. Bakit lagi kang nabubulunan?"
Inubo ko ang bumara sa lalamunan ko. Tinapik ni Jona ang aking likod habang humihinga ako ng malalim.
Sinusumpa ko, ayaw ko na kasama si Jona. Lagi na lang niya ako ginugulat.
"Huwag ka kasing manggugulat Jona!"
"Nag-iimagine ka na naman kasi kay Sir Sam. Iniisip mo ba na hinahalikan ka niya?"
Hindi ko mapigilang mag-init ang pisngi. "Masama ba?"
"Grabe pag da-day dream mo teh. Sa sagot mo sa akin kanina, parang naramdaman mo na talaga labi ni Sir Sam"
Hindi na lang ako sumagot. Paano ko sasabihing hinalikan ako ni Sir Sam? Sasabihin na naman niya panigurado na assumera ako.
"Cut! Another take. Hindi maganda pagkakahalik mo Sam. Why you look so hesitant?"
Napatingin ako sa nangyayari sa loob ng scene.
Ilang beses na silang paulit-ulit sa kissing scene. Kanina pa din pinapagalitan ng direktor si Sir Sam.
"Is that not enough direk? I did my best"
Sobrang kabado.
Iyon ang nababasa ko sa ekspresyon ng mukha ni Sir Sam. Ngayon ko lang siya nakitang hindi masiyadong confident sa set. May problema ba siya?
"Really Sam? Iyan na ang best mo? Hindi ka na baguhan sa halikan. Bakit ngayon ay parang hirap na hirap ka? Ginagawa mo ba 'yan para makarami kay Cheena ah?"
Tumupulan ng asaran ang namutawi sa paligid nang sabihin iyon ng direktor. Hindi pa nga sila loveteam ay talagang malimit na sila asarin sa set dahil daw sa maganda nilang chemistry.
May dumaang...bigat sa aking dibdib ngunit kaagad ko iyong binaliwala. Hindi ko dapat iyon maramdaman.
"Direk stop teasing us. It's not like that" mas lalong kabado ang pagkakabigkas niya.
Nagmumukha tuloy siyang guilty sa sinabi ng direktor.
"Hay nako Sam. Masiyado kang galawang hokage. As much as I want to be considerate, we are running out of time. May mga kailangan tayong tapusin kaya naman ayusin mo na"
"It's not like that" giit pa ni Sir Sam.
"Kung hindi, edi gawin mo na ng tama ang kissing scene. Namamaga na ang labi ni Cheena kakahalik mo"
Bumuntong hininga si Sir Sam bago lumihis ang tingin sa akin. Napaiwas ako ng tingin dahil sa biglang pagsikdo ng aking puso at pumasok sa loob ng tent para kumuha ng tubig.
Hayst. Kahit kailan talaga hindi na ako masasanay sa titig niya.
"Cut! Okay, good shot Sam and Cheena. Break everyone!" Rinig kong sambit sa labas.
Buti naman at natapos na ang...halikan nila ni Ma'am Cheena.
Dinalhan ko ng tubig si Ma'am Cheena pagkatapos. Pinaabot niya sa akin ang cellphone na kaagad ko namang inabot.
"Gosh. He's not replying?" Rinig kong sambit niya.
Kumunot ang noo ko. Gusto ko magtanong pero mas pinili kong hindi umimik. Napapansin ko naman sa kaniya na mayroon siyang inaabangan tuwing gabi.
"Cheena"
Umangat ang tingin ko kay Sir Sam nang lumapit siya sa gawi namin. Tumingin siya saglit sa akin bago tumingin sa aking amo.
"What is it Sam?"
"Doon sa sinasabi ni Direk. I just want to clear things. It's not my intention to kiss you many times. Wala akong balak na tulad ng sinasabi ni Direk kanina"
Malinaw na malinaw ko iyong narinig at pakiramdam ko talaga na sa akin niya iyon pinararating.
"You don't need to explain Sam. Alam ko naman na tumpulan tayo ng asaran dito sa set. Don't worry, I know that everything is just a work"
Huminga siya ng malalim. "Good. I'm just nervous"
"Nervous for what?"
"Wala" lumipat ulit ang tingin niya sa akin. Masuyo siyang tumingin at hindi ko alam ang itutugon doon.
Kinagat ko ang labi. Kaya ba siya mukhang kinakabahan dahil sa akin?
Bakit?
Wala naman akong ginagawa.
Pagsapit ng gabi ay may na-received akong message mula kay Sir Sam.
Samuel: Can you come to my room later? I ordered food. Let's have dinner together.
Hindi naghapunan si Ma'am Cheena ngayong araw. Napansin ko ang pagiging matamlay nito ilang araw na. Hindi ko siya matanong ngunit alam kong mayroon siya palaging hinihintay sa kaniyang cellphone.
Nag-type ako ng reply.
Ako: Okay po pero saglit na lang po ako ah?
Ayaw ko na mangyari sa akin 'yong nakaraang araw. Ayaw ko na makita niya ako muling tulog. Hanggang ngayon, tuwing naiisip ko iyon ay gusto kong lamunin ng lupa. Nakakahiya talaga! Mukha akong bruha.
Buti na lang at tulog pa si Ma'am Cheena nang bumalik ako. Ayaw ko naman may makapansin na galing ako sa room ni Sir Sam ano.
Samuel: Promise :)
Bakit ang creepy ng smile sa dulo. Bakit ako kinakabahan?
Sa huli ay pinili kong lumabas. Gutom ako ngayon. Wala sana ako balak kumain para damayan si Ma'am Cheena pero gusto ko makasama si Sir Sam. Ano gagawin ko? Marupok ako at slight malandi.
Mabilis naman akong nakapasok ng walang ingay at tahimik. Naabutan ko si Sir Sam na nag-lalabas ng pagkain mula sa paper bag.
"Sir.." mahina kong tawag.
Mabilis siyang lumingon. Ang kaniyang ngiti na ang sarap tingnan ay kaagad na lumitaw.
Napangiti din ako. Ang sarap titigan ng ngiti niya.
"Goodevening po sir"
Lumapit ako sa kaniyang gawi para tumulong. Hinayaan niya naman ako. Habang ginagawa ko iyon ay tinititigan na naman niya ako.
"Goodevening Gigi" bati niya. "Hindi ka pa naman kumakain hindi ba?"
Umiling ako. "Walang gana si Ma'am Cheena kaya sabi ko sa sarili ko na huwag na lang ako kakain pero..." nag-init ang aking pisngi. "...sabi mo dinner tayo kaya...kakain na ako"
Nahigit ko ang hininga nang maramdaman ko siya sa aking likudan. Inilagay niya ang magkabilang kamay sa edge ng mesa sa magkabilang gilid ko kaya naman trap ako.
Napahawak ako sa supot ng mahigpit lalo na nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko.
"Ang liit mo Gigi. Mabilis na mabilis kita makukulong sa bisig ko"
"Sir Sam..." nanginginig kong sambit habang pinapakalma ang nagwawala kong puso.
"I just want to ask you something"
"Hmm? A-ano po iyon?" Kinagat ko ang labi nang ipatong niya ang baba sa aking balikat.
"Anong naramdaman mo nang...makita mo kami ni Cheena na...naghahalikan?"
Napatigil ako saglit. Alam kong naramdaman niya din iyon kaya naman mula sa aking likudan ay dinungaw niya ako, tinatantiya ang aking ekspresyon.
Tinagilid ko ang mukha para makita siya.
"Bakit mo tinatanong?"
Bumuntong hininga si Sir Sam habang masuyo ang pagkakatingin sa akin.
"I saw you. You're watching it on the screen. Paano mo nakakakayang tingnan iyon? Hindi mo ba alam na sobrang kabado ako? Pakiramdam ko pinaparusahan mo ako sa pagtutok mo sa screen. I feel like I do something...wrong and I don't want you to be mad"
Kaya pala parang hindi siya confident kanina. Kaya pala parang kabado siya. Dahil nga sa akin.
"Gigi, sagutin mo ako. Say something. I'm so nervous"
Ang kaniyang mga kamay na nasa mesa ay pumulupot sa aking bewang. Napalunok ako. Ramdam ko ang init ng katawan niya sa akin at ang sarap no'n sa pakiramdam.
"Paano ko ba ito sasabihin?" Mahina kong saad bago natagpuan ng aking daliri ang aking buhok at bahagya iyong kinalikot.
"Hmm?" Nakatutok ang tingin niya sa akin kaya naman mas lalo akong kinabahan.
"Ano kasi sir Sam...ano noong.." nakakahiya. Sasabihin ko ba?
"Noong?"
Itinutok ko ang tingin sa mga pagkain bago nagpaliwanag.
"Noong nakatingin ako sa screen, nakatingin ako sa labi niyo"
"And?"
"Iniisip ko 'yong...halik mo..." hindi ko na kayang dugtungan iyon. Sobrang nahihiya na ako.
Tinakpan ko ng aking kulot na buhok ang aking mukha nang marinig ang mahihinang halakhak niya.
"Damn. I thought I did something and you're just day dreaming?"
Gusto kong umiyak. Ayaw ko na. Sobra na ang kahihiyan ko.
"Come on. Don't be shy" tumatawa pa rin siya habang tinatanggal ang buhok sa pagkaharang sa mukha ko. Inikot niya ako paharap sa kaniya. Sinapo niya ang aking pisngi.
"Huwag niyo po akong tingnan. Nakakahiya ako"
Pilit kong inilalayo ang aking mukha ngunit masiyadong mahigpit ang kaniyang pagkakahawak kaya naman wala akong magawa kung hindi makita ang magiliw niyang paraan ng pagtingin sa akin.
"Hindi iyon nakakahiya Gigi. Kahit ako, I always think how good your lip was.." tinunton ng kaniyang mata ang aking labi. "Hindi mo alam kung paano nalumbay ang labi ko sa labi mo Gigi. Wanna know how I miss your lips cutie?"
Namungay ang aking mata. Napakapit ako sa kaniyang dibdib. Nakuha niya naman ang gusto kong iparating. Umusli ang gilid ng kaniyang labi bago dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa akin.
At sa pagpikit ng aking mata, nalasap ko muli kung gaano kalambot ang labi niya.
Dumausdos pataas ang aking mga kamay papulupot sa kaniyang leeg bago ko naramdaman ang madiing niyang halik sa akin.
Para akong kinakapos ng hininga sa kaniyang mga halik. Napakabanayad ngunit mararamdaman mo ang pagka-agresibo lalo na sa pagtulak sa aking labi na tumugon.
Kinakabahan man ay ibinuka ko ang bibig. Kaagad naman niyang pinaghulma ang aming labi at mas lalong naging sabik ang kaniyang halik.
Habang humahalik siya sa aking ibabang labi ay pinupuntirya ko naman ang kaniyang itaas na labi. Bahagya ko itong sinisipsip tulad ng ginagawa niya.
Papalit-palit kami ng anggulo habang nakasuporta ang kamay niya sa aking batok. Idinidiin niya ako sa kaniya at gustong gusto ko iyon. Nalalasing ako sa simpleng halik na iyon hanggang sa kapusin kami ng hininga.
Nagkatinginan kami bago niya ako kinabig ng yakap. Hinalikan niya ang aking pisngi bago bumulong.
"I want more but I know you're not ready. Next time, my tounge will enter your mouth. Make sure to welcome me"
Napalunok ako bago yumakap pabalik. "Sige po Sir Sam"
"Such a cutie" mahina siyang tumawa bago ginulo ang buhok ko. "Damn. I want to kiss you again but I can't do that. I need to control myself. Baka iba maging dinner ko ngayong gabi"
"Huh?"
"Wala" bumitaw na siya sa yakap bago hinawakan ang magkabila kong balikat. Initiklop niya ang tuhod ng kaunti para magka-pantay kami.
"I'm relieve that you're not mad at me for kissing Cheena in the set"
"Bakit naman po? Alam ko namang trabaho niyo iyon sir Sam. Isa pa..."
Ano ba tayo?
Tugon ko sa aking isipan.
"And?" Itinaas niya ang parehong kilay habang masuyong pinadadaanan ng kaniyang hinlalaki ang aking pisngi.
Umiling ako."...kumain na po tayo. Gutom na po ako hehe"
Muli siyang humalaklak bago niya ako pinaghila ng bangko at nagkaroon ng payapang hapunan.